23 - Cheonsa’s Burger

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter

 


Pamilyar tayo sa kasabihang ‘The truth will set you free.’ Pangkaraniwan na itong maririnig sa mga huntahan sa kanto o sa mga nakapaligid sa atin sa tuwing may magbibigay ng opinyon nila sa mga bagay-bagay.


Kahit si Medina, hindi na niya mabilang kung ilang beses nang lumabas mula sa kaniyang bibig ang mga katagang ito. At sa kakabasa niya ng samu’t saring artikulo tungkol sa pagpapalaya ng sarili mula sa emotional pain ng nakaraan, napagalaman niyang may modified version pala ang Biblical phrase na ito:


‘The truth will set you free…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


…but first it will piss you off.’

 

 

 

 

Tama! Tumpak! Nadali ng kung sino mang nagdugtong ng pariralang ito yung eksaktong emosyong nararamdaman ni Irene ngayon. Para bang isinulat iyon para sa moment na ito sa buhay ni Nurse Ganda.

 

 


Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Irene na kausapin si Seulgi tungkol sa sinabi ni Wendy. Napag-usapan naman nila agad ang tungkol kay Jooyoung pero hindi idinetalye ni Seulgi kung ano ba ‘yung mga pinagsasabi nito patungkol kay Irene. Ang sabi lang sa kaniya nito ay mas mabuting pag-usapan nila ng personal. 

 

Wala pa man si Irene sa pinakapuno’t dulo ng lahat ay wala ng paglagyan ang inis niya. Iyon nga lang, sa maling tao niya nabaling ang pagkayamot.

 

 

 

 

 

“Sino bang kaibigan niyo dito? Ako o si Seulgi?” Tanong ni Irene.


“Syempre ikaw.” sagot ni Joy.


“Oh eh bakit ako ‘yung pinapagalitan niyo?” Pagmamaktol niya.


“Malamang! Ikaw ‘yung parang tanga diyang naiinis kay Seulgi wala namang kasalanan sa’yo ‘yung tao.” pagtatanggol ni Jennie. 


“Alam naman niya kung gaano kaimportante sa aking malaman ‘yung totoo tapos ayaw niya pang sabihin?” Pagtatanggol ni Irene sa sarili.


“Alam na alam niya ‘yun for sure kaya nga gusto niyang pag-usapan sa tamang panahon at lugar diba?” Sabat ni Joy.


“Hindi ko gets bakit kailangan pa naming mamundok para lang i-kwento sa akin kung ano ‘yung mga pinagsasabi ni Jooyoung sa gc nila.” naiinis na sabi ni Irene.


“Pwede ba, ‘te? Magtiwala ka na lang kay Seulgi? Remind lang kita, ha? Hindi obligasyon ni Seulging ibigay sa’yo ‘yang pinakaaasam-asam mong closure. Responsibilidad ng demonyitang ex mo dapat ‘yun.” Solar said with a stern voice. “Bakit kay Seulgi ka naiinis? Dun ka sa multong ex mo magalit kasi ilang taon niyang pinagkait sa’yo kung ano mang dahilan niya bakit ka niya iniwan. In-accuse ka pang red flag, jusko naman!”


Para namang sinampal ng katotohonan si Irene sa sinabi ng kaibigan. May mga pagkakataon talaga sa buhay na clouded ang judgment natin dahil sa overwhelming na emosyon, in Irene’s case ‘yung pent up frustration at inis niya kay Jooyoung.


Bakit nga ba kay Seulgi siya naiinis eh wala namang ginawang masama ‘yung tao. Naipit lang siya sa sitwasyong hindi rin naman niya ginusto.


Irene realized that she’s directing her anger towards the wrong person, an innocent one at that.


“Misdirected ‘yang inis mo, Irene. Nanggigigil ako sa’yo.” dugtong ni Solar.


“Ba’t ba? Ano bang ginawa mo kay Seulgi, mamsh?” Tanong ni Joy na hindi nasagot ni Irene. Malamang ay dahil sa kahihiyan sa inasal niya.


“Ayun nag-maktol ang gaga. Hindi nirereplyan yung messages ni Seulgi. Di rin nasagot sa calls nung tao.” Kwento ni Jennie.


“Ay unfair ka naman, mamsh. Kawawa naman si Seulgi.”


Tahimik lang si Irene habang dinadama niya yung kagagahang taglay niya.


“Gets namin yung gustong gusto mong malaman ‘yung pangta-trash talk na ginawa sa’yo ni Jooyoung pero intindihin mo rin si Seulgi. For sure may dahilan siya bakit di niya agad mai-kwento ng buo.” Sabi ni Jennie.


“Ang tiyaga lang din ni Seulgi dito kay Maria Irene. Ilang araw na siyang inbox-zoned pero consistent pa rin na nagme-message.” Kwento ni Jennie.


Isang malaking sampal ng katotohanan ang inabot ni Irene mula sa mga kaibigan.


“Oo tama kayo eh, mali ko talaga. Magso-sorry na ‘ko. Now na.”


“Buti naman kasi kung hindi, makakatikim ka na sa’min.” banta ni Solar.


Maghapong hindi mapakali si Irene sa kagagahang ginawa niya kay Seulgi. Di niya tuloy alam paano babawi sa dalaga. Sa totoo lang simula noong magkakilala sila, na-realize niyang palagi na lang si Seulgi ang nage-effort sa kanilang dalawa. Kaya panahon na para siya naman ang kumilos. Para siya naman ang magparamdam sa dalaga kung gaano kaimportante sa kaniya ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

“Oh hi, Irene!” 


“Hi, Lisa.” Nakangiting bati ni Irene.


“Ano pong maipaglilingkod ko sa’yo?” Pabirong tanong ni Lisa na palinga-linga sa paligid. “Kakain? Let’s go, dun tayo sa table malapit sa steak area.” dugtong ni Lisa na di pa rin tumitigil sa paglinga sa paligid.


Napangiti naman si Irene nang mapansin niyang tila may hinahanap ang kausap. “Wala si Jennie wag mo nang hanapin.”


Nanlaki naman ang mata ng kausap ni Irene.


“W-wala naman akong sinabi?” Gulat na sagot ni Lisa.


“Obvious mo kasi!” natatawang tugon ni Nurse Ganda. “Wala sila Jennie kasi di naman pagkain pinunta ko dito.”


“Oooh…okay. Tara sa office ko? Busy kasi sa kitchen di tayo makakapag-usap dun.” Paanyaya ng kaibigan ni Seulgi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 


“So…manunuyo ka?” Pigil man halatang halata ni Irene yung namumuong pag-ngisi ng kausap.


“Oo, babawi ako kay Seulgi. Di niya deserve yung katangahang ginawa ko eh.”


Tumango si Lisa bilang pagsangayon. “I agree na di niya deserve yun pero ano kasi…” sa pagkakataong ito di na napigilan magpakawala ng pagkalaki-laking ngiti ng kausap ni Irene.


“Ba’t ka natatawa? Seryoso ako sa gagawin ko eh.”


“I appreciate your effort, really. Kaya lang never pa na-experience ni Rain ‘yan. She’s always the one making suyo. ‘Lam mo na.”


“Edi good. Ito na yung first time niya.” nakangiting tugon ni Irene. She’s somehow glad na siya yung kauna-unahang gagawa noon for Seulgi.


“Ano bang plano mo? Don’t tell me bibigyan mong flowers? That would be…” napangisi si Lisa. “…fun.”


Natahimik ng panandalian si Irene. “‘Yun actually yung plano ko pero mukhang ayaw niya ng bulaklak base sa sagot mo.”


Lisa shook her head. “No,no tuloy mo lang! She doesn’t hate flower naman. It’s just that…never pa yun naka-receive ng bulaklak from any girl kaya I think it would be fun to see her reaction.”

 

Napakunot noo si Nurse Ganda, may pag-aalinlangan na sa nabuong plano niya.
“Sure ka talaga ah? I’ll bring her coffee na rin in case di niya magustuhan yung flowers.” Medyo disappointed na sagot niya. 


“Sakto! Tuturo ko sa’yo saan mabibili favorite coffee niya ‘dun.” Sagot ni Lisa. Kinuha ang bag na nakapatong sa lamesa sa loob ng office niya. “Oh eh ano pang iniintay natin? Let’s go na para maabutan natin sila bago umuwi.”


Tinitigan lang ni Irene si Lisa.


“What’s with that look? Do you think hahayaan kitang pumunta sa BGC mag-isa? Of course not! Takot ko lang kay Rain.”


“Huy, Lisa. Ano ka ba kaya ko naman pumunta dun. Nakakahiya ah di ka pa ata tapos dito tapos kakaladkarin na kita.” sagot ni Irene.


Nagkibit balikat ang kausap ni Irene. “Okay lang ‘yun, may sasalo naman ng trabaho ko sa kitchen. Tsaka magagalit lang sa’kin si bud pag pinag-commute kita.”


“Thank you, Lisa. Don’t worry se-set up kitang date kay Jen.” Natatawang biro ni Irene bago lumabas ng opisina ng kaibigan ni Seulgi.


“Irene! Ano baaaa?” Malakas na sabi ni Lisa. “Di ko nga gusto ‘yung friend mo!”

 

 

 

 

 


Bago sila pumunta ay sinigurado muna ni Lisa na maaabutan nila sa opisina si Seulgi kaya she called Wendy to check.


“Alam mo, gulat ako kay Wendy na game rin siya dito sa gagawin natin.” sabi ni Irene.


“Bakit naman hindi? I’m sure gusto rin niyang makita reaction ni Rain.” Sagot ni Lisa.


“I don’t know, Lisa. After that night, di na ako mapakali. Baka mamaya ayaw na pala niya ako para sa bestfriend niyo.”


Napailing lang ang kausap ni Medina. “Mali, Irene. The fact na binigyan ka ng heads up ni Wendy speaks a lot about how she views the situation. Bakit sa tingin mo ikaw una niyang kinausap when she finally remembered who you were? Eh pwedeng pwede naman siyang dumeretso kay Rain.”


“Sa totoo lang hindi ko alam.  Baka para i-test kung talaga bang di ko alam na iisang Jooyoung lang yung kilala nating lahat.”


“Pssh. Hindi ganun si Wendy. Nag-ooverthink ka eh. Inuna kang kausapin ni bud kasi siguro kahit once pa lang kayo nagkakilala, she sees Rain’s future with you. Binigyan ka niya ng chance to clear things up.” Paliwanag ni Lisa.


Tanging malalim na buntonghininga lang ang naisagot ni Irene sa kausap.


“Wag ka nang mag-isip ng kung ano ano dyan. Yes, protective si Wendy kay Rain pero di naman ‘yun agad-agad nangju-judge ng tao.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 


“Wen, I’ll go ahead na ah?” Paalam ni Seulgi sa kabigan.


Napatingin naman si Wendy sa wrist watch niya. ‘Ang aga pa ah?’


“Maaga pa, bud?” Tanong ni Wendy kay Rain.


“Yeah, sorry. Pupuntahan ko kasi si Irene. Uwi ko na lang ibang files, sa bahay ko review-in.” Paliwanag ni Seulgi.


Napakamot ulo na lang ang best friend ni Seulgi. Ang huling usap kasi nila ni Lisa ay nakapila pa ang mga ito sa coffe shop sa kabilang kanto para bilhin ang paboritong kape ni Seulgi. Kung aalis na si Seulgi ngayon hindi sila mag-aabot ni Irene.


“W-wait lang!” Pagpigil ni Wendy sa nagmamadaling kaibigan.

 

 

 

 

 

 

“Ireeeeene!” Tawag ni Lisa. “Tagal pa? Wendy said pauwi na si Rain. Pupuntahan ka daw.”


“Ha? Huy baka magkasalisi kami!” Sagot ni Irene in panic mode.


“‘Yun na nga!” Lisa answered. Agad na pumunta ito sa kabilang gilid ng counter para kausapin ang barista. After a couple of smiles and a very subtle wink later ay hawak hawak na ni Lisa ang order ni Irene. Agad naman silang dumeretso sa parking lot ng opisina nila Seulgi.


“Ang bilis naman?” Takang tanong ni Irene.


“Well…” nakangising sagot ni Lisa.

 

 

 

 

 

 

 

 

“Kaya mo ‘yan!” Pagchi-cheer ni Lisa kay Irene. Halata kasi ang kaba ng dalaga sa gagawin. Isa pa, nilalamon din si Irene ng hiya dahil sa ilang araw niyang hindi pag-pansin kay Seulgi. Pero heto siya ngayon, unannounced ang pagbisita.


“What if di niya pala gusto ‘tong gagawin ko?” Bulong ni Irene na di naman nakalampas sa pandinig ni Lisa.


“Imposibleng di magustuhan ni Rain ‘yan. She’ll most likely get surprised but I know for sure kikiligin ‘yun. Kaya kung ako sa’yo mag-abang ka na dun.” Turo ni Lisa sa pinto ng indoor parking area.


Irene walked towards the door only to stop midway. Narinig na niya kasi ang boses ni Seulgi sa di kalayuan. Lalong kumabog ang dibdib niya nang maaninag na ang dalaga. Nakita niya si itong masayang naglalakad patungo sa pinto, napangiti naman si Irene dahil sa wakas ay magkikita na ulit sila. Aminin man niya o hindi ay napagtanto niyang miss na miss na niya ang dalaga. 


Maglalakad na sana siya para salubungin si Seulgi nang mapansin niyang may kasama pala ito. 


“Hala may kasama.” Mahinang sambit ni Irene. 


She didn’t want to put Seulgi in an awkward situation in front of other people kapag ibinigay na niya ang bulaklak at kapeng hawak niya. Sabi nga ni Lisa, first time ito ni cutie sungit kaya ayaw naman niyang ilagay si Seulgi sa ganoong sitwasyon.


Nag-decide na lang si Irene na bumalik sa naka-park na sasakyan ni Lisa sa di kalayuan at doon mag-antay.

 

 

 

 

“O ba’t ka bumalik?” Tanong ni Lisa kay Irene na nagmamadaling umupo sa passenger seat.


“Eh may kasama si Seulgi. Ang awkward naman kung bibigay ko ‘to sa harap nung…” she trailed off. “…babae.”


“Babae? Sino?” Takang tanong ng kaibigan ni Seulgi.


“‘Yun oh. ‘Yung magandang babae na ‘yun.” Turo ni Irene sa gawi ng pintuan ng parking lot.


“Oh.” Tipid na sagot ni Lisa. Sabay nilang sinundan ng tingin si Seulgi at ang babaeng kasama nito.


Masaya pa ring nag-uusap ang dalawa hanggang sa makarating ang mga ito sa tapat ng isang magarang kotse. Inilagay ni Seulgi ang dala-dalang paper bags sa backseat at nang makaupo na ang babae sa may driver’s seat ay nagpaalam na rin si Seulgi sa kaniya.


“Ay.” Tanging nasabi ni Irene.


Napatingin si Lisa kay Irene, pinagmamasdan ang reaksyon nito sa tagpong nakita.


“Teka teka…Selos ka ba?” Nakangiting tanong ni Lisa.


“Hindi ah?” may pag-aalinlangang sagot ni Irene.


“Ba’t parang di sigurado?” pilit pinipigil ni Lisa ang matawa.


“Hindi ako nagseselos. Okay na?” Nakasimangot na sagot ni Irene.


“Di naman talaga dapat, classmate nila ni Wendy ‘yang girl and most likely nagwaldas na naman ng pera ‘yan sa store nila Rain.  Kita naman sa paper bags na dala nila, diba?”Natatawang komento ni Lisa.


“Ah…okay.” maikling sagot ni Irene.


SInundan ulit ng tingin ni lisa ang kaibigan at nakita niyang papasok na si ito sa sasakyan.


“Uy, Irene! Natulala ka na diyan. Paalis na si Seulgi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Soup rice!!!!

Kala niyo next month pa update, no? Hahaha


Sana maenjoy niyo ‘tong chapter. Alam ko masyadong slow burn ‘tong DSF compared to ANS pero sana samahan niyo pa rin ako sa journey na ‘to!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 24: Where are you na, author? Huhu
RVSone0105
880 streak #2
Chapter 24: They already said their I love you's pero wala paring label??
Gagi knows ko na kung sino reliable source ni Jooyoung, si Miya pala.

Hayyy sana magkahimala at mag update na si otor, naway mahanap niya na ang lost soul niya para makabalik na siya 🤞🙏
Etoile__
338 streak #3
Chapter 24: narinig ko na pagmagupdate si otor magpapaulan ng lechon si papa j
Goeynceilove
34 streak #4
Otornim nasaan kna po? Update ka na juseyo!
magcomeback na ang ASEUL😭🐻🐰
Etoile__
338 streak #5
Chapter 24: nalost na talaga ang soul ni otor, bumalik ka na pls 🥹😭😭😭
alexis_keithh
#6
IMISUUU AUTHORR 😖😖😖
Kylie_123 #7
1 year na 😭 miss u tor ❤️❤️❤️
messyleain #8
Chapter 13: Ganitong story hinahanap ko huhuhu
tonrene #9
Miss you po
patotie #10
Buong araw kong iniisip to fic na to. Buti nahanap ko! 🥲