22- Beer: Irene, tara shot?

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter

 


“Alam mo?” gulat na tanong ni Irene. Hindi niya inakalang may sasabihin din pala sa kaniya ang dalagang kaharap.


Tumango si Seulgi.


“P-paano?”


“You left your phone sa dining area last night nung umakyat tayo sa room ko. While you were sleeping, Yeri gave it to me kasi it kept on ringing. Hindi ata naka-hide yung message notificaiton mo kahit naka-lock yung phone.”


“Nabasa niya yung messages?” Pagkumpirma niya.


“When the ringing finally stopped, a text messaged popped up. Sabi niya it came in right after the last ring, a certain Jooyoung was the one calling and then sabi daw…” Seulgi trailed off. “…that…” di niya kayang ituloy.


“…she misses me.” Yung mga katagang hindi kayang banggitin ni Seulgi ay si Irene na mismo ang nagsabi.


“Yeah, that.” Nabalot ng panandaliang katahimikan ang dalawa bago nagpatuloy si Seulgi. “Please don’t get mad at Yeri? She didn’t mean to invade your privacy.”


“Di naman ako galit sa kaniya.” Mahinahong sagot ni Irene. “Gusto ko lang malaman bakit hindi mo sinabi sa’king alam mo.”


“Nung hinatid kita kagabi sa inyo I really wanted to tell you na but I thought last night wasn’t exactly the best timing to bring that up. Tapos kaninang umaga naman, I wanted to talk about it na but biglang sabi mo you need a sober Seulgi kasi may paguusapan tayo. So, I thought baka yun na yung paguusapan natin kaya I waited na lang.”


“Hmmm…isa yun sa gusto kong sabihin.”


Pinagmasdang mabuti ni Seulgi ang kaharap, tinatansya kung galit ba ito sa di niya agad pagsabi ng nalalaman. “Are you mad?”


“No, na-explain mo naman bakit eh tsaka naintindihan ko naman na hindi talaga swak yung lugar kagabi para pag-usapan yun, sobrang late na rin.”


“Thank you.” Nakangiting sabi ni Seulgi.


“Para saan?” 


“For understanding and for telling me everything, di ko expected na magku-kwento ka about your past. Ang akala ko lang pag-uusapan natin yung text ng ex mo.”


“Matagal ko na kasi talagang gustong i-kwento sa’yo yun, naudlot lang dahil sa lambanog ni Papa.”


“You mean, the day I passed out dapat pag-uusapan na natin?”


“Oo sana kaso nalasing ka.”


“Sorry. I ruined your plan.”


“Okay lang, ang importante naikwento ko na. Kasi gaya mo, gusto ko rin i-share yung past ko. Di ako perpekto Seulgi, at yung nakaraan kong ‘yun ang isa sa dahilan kung ano ako ngayon.” Paliwanag ni Irene.


“i’m not looking for someone perfect Reen, walang ganun. Kung ano ka ngayon and whatever you’ll become in the future, tanggap ko yun.” Bakas ang sinseridad sa boses ni Seulgi.


The chaos created by the butterflies inside her was slowly drowned by the rapid thumping of her heart. Sa puntong iyon na-realize ni Irene na unti-unti nang nangingibabaw yung pagsusumamo sa puso niyang tanggapin kung ano man ang nararamdaman niya.


‘Mahal kita.’ Pero wala pa siyang sapat na lakas ng loob para sabihin ito kaya ang tanging nagawa niya na lang ay tahimik na aminin sa sariling mahal na niya ang babaeng kaharap.


Paulit-ulit sa isip ni Irene ang mga katagang iyon. Nagulat na lang siya na sa gitna ng pag-iisip ay bigla siyang niyakap ni Seulgi. “I know we agreed to take it slow but I can’t help it na…”


Seulgi met her gaze, carefully watching all the emotions Irene’s eyes were showing.


“Mahal kita, Ma. Irene Medina.”


Akala ng iba pag narinig mo mula sa taong mahal mo ang mga katagang ito, magso-slowmo ang mundo mo. Doon napatunayan ni Irene na masyado lang tayong pinaasa ng mga pelikula gamit ang mga ganitong romantikong eksena dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi na niya namalayang bumibitiw na pala si Seulgi sa pagkakayakap sa kaniya.


“You don’t have to say it back, I totally understand that shocked look in your face.” Napakamot na lang si Seulgi sa batok feeling a slight pang in her heart.


“Ha?” Takang tanong niya kay Seulgi. ‘Tama ba yung narinig ko?’ Tanong naman niya sa sarili.


“Sabi ko you’re not obliged to say anything. I understand this isn’t part of our plan kaso my heart says otherwise, sobrang bilis na dito di ko na kayang itago.” Seulgi carefully held Irene’s hand at inilapat sa dibdib niya. Bakas ang hiya sa mukha dahil sa hindi agad na pag-sagot ni Irene. She can’t deny na may kurot yung indirect rejection ng kaharap sa pag-amin niya.

 

“Oo, sa sobrang bilis di ko na alam kung guni-guni ko lang ba yun? Mahal mo ‘ko?” Nakangiting tanong ni Medina, abot hanggang tenga.


Tumango si Seulgi. “Mahal kita kahit sandali pa lang tayong magkakilala.” 


Di na napigilang mapangiti ni Irene dahil ito na ata yung sagot ng langit sa dasal niya, ito na ata yung inaantay niyang magpapalakas ng loob niyang umamin. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Mahal din kita. Tanga na lang talaga ako kung ide-deny ko pa.” Sagot ni Irene. Isang hakbang papalapit habang nakatitig sa mga matang sobrang mangusap. She saw how Seulgi’s eyes sparkled and it ignited something in her. She tiptoed and carefully held the girl’s face.


She slowly leaned in and kissed the tip of Seulgi’s nose.


At walang pagaatubiling niyakap ni Irene ang dalaga. “Mahal din kita…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


…but can we wait a bit more?”


Hindi alam ni Seulgi kung ano ang dapat niyang maramdaman sa mga panahong iyon. Dapat ba siyang matuwa kasi finally nasigurado na rin niyang mahal siya ni Irene o dapat ba siyang malungkot dahil hindi pa rin handa ang babaeng kayakap?


Masyadong komplikado kaya tumango na lang siya habang ninanamnam ang pangyayari.


Impulsive decision-making, a very unlikely act sa karakter ni Seulgi pero sa oras na iyon, napag-desisyunan niyang makuntento sa kung anong kayang ibigay ni Irene.


‘Kahit gaano pa katagal.’ Sabi ni Seulgi sa sarili.

 

 

 

 

 

 

 

 

Kinabukasan, matapos ang pag-amin nila sa isa’t isa ay bumalik na rin agad sina Irene sa Fairview. Bitin na bitin pa nga si Irene sa pagkaka-yakap niya sa katabi buong biyahe. Ilang kanto na lang at malapit na nilang marating ang gate ng executive village nila Seulgi nang bigla itong maka-receive ng text message. Wala naman talagang balak maki-usiyoso si Irene sa natanggap na text ni Seulgi pero dahil nga sa pwesto nilang halos magkapalit na ng mukha, di niya intensyong mabasa na rin ito.


Tinitigan na lang siya ni Seulgi, nagaabang ng sagot.


Tumango si Irene bilang tugon.


‘Oras na rin siguro talagang makilala ko ibang friends mo bukod kay Lisa.’ Sabi ni Irene sa sarili.


“Yes! Wendy’s been bugging me all week kasi gusto ka na talaga niyang ma-meet.” Pigil ngunit masayang sabi ni Seulgi. 

 

 

 

 

 

 

“Kinakabahan ako, Seulgi. Baka di ako magustuhan ng friend mo tignan mo itsura ko oh.” Turo niya sa post-outing outfit niya; flip-flops, plain shirt at maikling maong shorts. Sabi ni Irene habang naglalakad sila papunta sa cafe malapit sa village nila Seulgi.


Biglaan naman kasi ang paanyaya ng kaibigan ni Seulgi, nataaon talagang malapit na sila sa area kaya wala na siyang oras para makapag-palit man lang ng damit.


“Same lang naman tayo ng suot, Reen. Tsaka you don’t need to put on fancy clothes to look beautiful ‘cause you already are. Ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko.” Nakangising sagot ni Seulgi.


“Gumagaling ka nang mag-tagalog ah? Nagagamit mo pa sa pambobola.”


“Di ako nambobola.” Dahan-dahang hinila ni Seulgi palapit sa kaniya at tsaka binulungan. “It’s just that you are really beautiful.”


“Kahit pa gusgusin na ‘tong suot ko?”

 

“Kahit pa anong suot mo, i’ll still love you.”


Halos ilipad si Irene ng mga paru-paro niya sa tiyan sa kilig nang marinig niya ulit ang mga katagang iyon. Iba yung sayang dulot na, finally, malaya na nilang nasasabi ang mga iyon sa isa’t isa.


“Kainis ‘to pero I love you too.” Irene softly said, her cheeks as red as tomatoes.


“Kaya you don’t need to do anything, hmm?” Sagot ni Seulgi sabay kindat.


“Kalmahan mo lang Ms. Madrigal, di ako pwedeng tumili sa pakilig mo nasa gitna tayo ng kalsada.” mahinang sabi ni Medina sabay lakad ng mabilis palayo kay Seulgi.

 

“Reen! Why are you in a hurry? Wait mo ko!”  sigaw ni Seulgi sa dalaga. Binilisan na rin niya ang lakad para habulin ito.


Nang mag-abot na sila. “Ang bilis mo maglakad, grabe.” Humihingal na sabi niya kay Irene. “Give me your hand. Di ko talaga ‘yan bibitawan…

 

..:kahit kailan.” pabulong na dugtong ng dalaga.

 

 

 

 

 


Pagdating nila sa cafe ay napahinto si Irene sa tapat ng pinto nito. “Hey, what’s wrong?” tanong ni Seulgi. Nang wala siyang marinig na sagot ay nagsalita siyang muli. “Kinakabahan ka ulit?”


“Slight. Nag-aalala ako baka…” mahinang sagot ni Irene na ngayon ay mas mahigpit pa ang hawak sa kamay ni Seulgi. Nadoble pa yung kaba niya kanina nang mag-sink in nang makikilala na niya ang isa pang matalik na kaibigan ng dalagang kahawak-kamay.


“There’s nothing to worry about. It’s just Wendy.” Seulgi cut her off. Para hindi na mag-isip pa ng kung ano ang kasama.


“Paanong di ako magwo-worry? Eh bestfriend mo siya.”


“Same lang with Lisa. The first time the two of you met okay naman kayo, right? I’m sure it’s the same with Wendy.”

 

“Magkaiba yun eh. Nung first time kami nagkita ni Lisa di pa naman

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Soup rice!!!!

Kala niyo next month pa update, no? Hahaha


Sana maenjoy niyo ‘tong chapter. Alam ko masyadong slow burn ‘tong DSF compared to ANS pero sana samahan niyo pa rin ako sa journey na ‘to!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 24: Where are you na, author? Huhu
RVSone0105
880 streak #2
Chapter 24: They already said their I love you's pero wala paring label??
Gagi knows ko na kung sino reliable source ni Jooyoung, si Miya pala.

Hayyy sana magkahimala at mag update na si otor, naway mahanap niya na ang lost soul niya para makabalik na siya 🤞🙏
Etoile__
338 streak #3
Chapter 24: narinig ko na pagmagupdate si otor magpapaulan ng lechon si papa j
Goeynceilove
34 streak #4
Otornim nasaan kna po? Update ka na juseyo!
magcomeback na ang ASEUL😭🐻🐰
Etoile__
338 streak #5
Chapter 24: nalost na talaga ang soul ni otor, bumalik ka na pls 🥹😭😭😭
alexis_keithh
#6
IMISUUU AUTHORR 😖😖😖
Kylie_123 #7
1 year na 😭 miss u tor ❤️❤️❤️
messyleain #8
Chapter 13: Ganitong story hinahanap ko huhuhu
tonrene #9
Miss you po
patotie #10
Buong araw kong iniisip to fic na to. Buti nahanap ko! 🥲