19- Cochinillo

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter


 

 

‘The more you explore, the more you learn and grow.’


Habang tumatagal na nagkakasama si Irene at Seulgi nadaragdagan ang mga bagay na nalalaman nila sa isa’t isa. Dahil doon, mas tumibay ang paniniwala nila sa takbo ng klase ng relasyon nila ngayon. 


Honest at walang pretense. Isang bagay na pinagmamalaki ni Irene sa mga kaibigan.


“Mga ‘te, tuwang tuwa si Papa kay Seulgi.” pagbibida ni Irene sa dalaga habang kausap ang mga kaibigan sa video call.


“Matutuwa talaga yun. Ubusin ba naman yung lambanog eh.” hirit ni Solar.


“Bukod sa pag-ubos sa lambanog, I’m sure natuwa si Tito dahil naramdaman niya yung sincerity ni Seulgi para kay Irene.” pagtatanggol ni Jennie.


“Sabi sa’kin ni Papa magaan daw loob niya kay Seulgi kasi feel niya raw na totoo yung mga pinagsasabi sa kaniya. Di raw gaya ni...” napatigil saglit si Irene, nagdadalawang-isip sa sa mga susunod niyang sasabihin.


“Di gaya ng ex mong puro pambobola lang ang alam tapos bigla kang iniwan sa ere?” singit ni Joy na kakalitaw lang sa screen dahil may inasikasong pasyente. Kakabalik niya lang kasi from her 3 days suspension at bukod tanging siya pa lang ang naka-duty sa apat. Pa-welcome gift daw sa kaniya ang morning shift sabi ng manager nila.


“Mismo! Kahit ako ramdam ko yung sincerity nung tao eh. Sa yaman at ganda ni Seulgi mabilis lang makakuha ng jowa yun eh pero pinili niya pa rin yung slow path to get to know Irene.” sabat ni Jennie.


“Di pa rin ako convinced. Pasensya na ‘te. Para sa’yo rin naman ‘tong pagdududa ko.” paliwanag ni Solar kay Irene.


“Okay lang, Solar. Alam ko naman nagaalala ka lang para sa’kin pero kalmahan mo lang sana kay Seulgi, hmm?”


“Don’t worry ‘te, observe observe lang muna ako sa tabi. Tsaka na ako magiging scary pag pinaiyak ka niyan.”


“Nega mo naman, Solar. Baka matakot na si mamsh sa love kakaganyan mo.” singit ulit ni Joy na nakikinig lang halos sa usapan ng mga kaibigan.


“Kaya nga di kami nagmamadali ni Seulgi kasi gusto namin maging sure sa lahat ng desisyon namin.” paliwanag ni Irene.


“Eh ano bang tingin mo? Kaya mo na bang pumasok ulit sa isang relasyon?” tanong ni Joy.


Napaisip si Irene kaya nanahimik panandalian ang usapan. “Sa totoo lang? Malapit na ako sa puntong masasabi kong kaya ko na. Basta ang sure ako, willing akong mag-take ng risk basta si Seulgi yung kasama ko hanggang dulo.” napangiti siya.


“Ay wala na ‘to. In love na ‘tong si Medina.” nakangising sabi ni Solar na siya namang naging dahilan ng pag-hiyaw sa tuwa nila Jennie at Joy. Habang si Irene naman ay pilit tinatago ang pamumula ng mukha. Tumayo siya saglit para hindi makita ng mga kaibigan.


‘In love? Ganun kabilis, Lord?’ dasal ni Irene habang pinapaypayan ang sarili gamit ang mga palad.


Hindi pa nga pumapasok sa isip niya yung salitang ‘love’ dahil naka-focus siya sa pagkilala kay Seulgi. Pero heto ang mga kaibigan niya, pinapa-realize sa kaniya ang posibilidad na nahuhulog na nga siya.


She brushed that thought off kasi ayaw na niyang maulit ang mga pagkakamali niya noon. Napakabilis ng pagkahulog niya na halos di niya kayanin ang sakit nang bitawan siya ng taong inaasahan niyang sasalo sa kaniya. Dere-deretso ang lagapak, walang babala kaya sobrang tumimo yung sakit.


“Uy, ‘te! Bumalik ka dito bakit natahimik ka na diyan? Wag mong isipin yun. Feel ko naman love ka na rin ni Seulgi.” Biro ni Jennie dahil buong akala niya si Seulgi ang dahilan ng pananahimik ni Irene.


Nagkibit balikat na lang si Medina. Di naman na kailangang malaman ng mga kaibigan niyang biglang pumasok sa isip niya yung taong dahilan ng pagka-diskaril ng takbo ng buhay niya.


Pagtapos ng pag-uusap nilang magkakaibigan ay naisipan ni Irene na tawagan si Seulgi para kumustahin. Hindi na kasi sila nagkausap mula kagabi nang umuwing lasing ito.


“Hello?”


“Hi, Reen.” napangiti si Seulgi.


“Good morning, Ulan. How are you? Walang hangover?”


“Wala po thanks to you.” Nakangiting sagot ni Seulgi. Natigil siya sa pagsasalita panandalian dahil sa isang motor na biglang sumingit at inungusan siya sa daan. “I took the pill na pina-prep mo kay Yeri kanina.” dugtong niya.


“Very good.” Napangiti si Irene. “Chineck ko lang talaga kung ininom mo. Sabi kasi ni Yeri matigas ulo mo sa ganyan eh.” and then she giggled.


“No kaya. I just don’t like taking meds lalo na yung malalaki.” Depensa ni Seulgi. “Ikaw? How are you?” dugtong niya. 


“Weh? Totoo? Iba kwento ng pinsan mo eh.” pangaasar ni Irene. “Kakatapos lang namin mag-video call nila Jen. Ay wait! Nagda-drive ka ‘no? Baba ko na muna ‘tong call ah?” bigla niyang na-realize.


“Reen, don’t hang up.” Pa-cute na sabi ni Seulgi. “Nandito pa naman ako sa Fairview traffic pa. Usap muna tayo?”


“Okay pero put me on speaker para di mo hawak phone mo.”


“Yes, boss!”


“Good girl.” biro ni Irene.


“Good girl talaga ako. Ikaw boss ko eh.” Proud na sagot ni Seulgi.


“Sus! Nagsalita yung totoong boss. Ay speaking of, may gagawin ka ba sa sabado? Baka may importanteng eme dyan sa work mo?” tanong ni Irene.


“Hmm? Eme? What’s eme?” medyo na-distract si Seulgi sa kotseng pilit sumusingit sa harap niya.


“Eme...parang something. Baka may gagawin ka sa sabado?”


“Wala naman. Why po?”


“Nag-plano kasi sila Mama na mag-Pansol. Pinapatanong niya kung pwede kang sumama?” nahihiyang aya ni Irene. Di kasi siya sigurado kung ayos lang ba kay Seulgi yung ganoong bonding ng tipikal na pamilyang Pinoy. Maliit na pool, hindi fancy ang mga kwartong tutulugan at higit sa lahat walang hotel staff na magaasikaso ng mga kailangan nila.


“Pansol? Doon yung private pools in Laguna, right? Sama ako!”


Dama ni Irene yung enthusiasm ng sagot ni Seulgi kaya nakahinga siya ng maluwag. “Oo yun nga may ni-rent kami dun. Inaya rin pala ni Mama si Yeri ah?”


Seulgi chuckled a bit. “Kaya pala Yeri’s ransacking my closet kanina. She’s looking for swimming outfits daw. I thought may lakad siya with friends.”


“Hehe...ano kasi. Bukod sa gamot nakisuyo rin ako kay Yeri na tulungan kang mag-pack ng damit pag pumayag kang sumama. Di ko alam na in-advance na pala niya.”


“Talaga?” May malawak na ngiti sa mga labi ni Seulgi. “Totoo pala yung meme sa facebook, ‘no?”


“Totoo na?” takang tanong ni Irene.


“Na kapag nurse sobrang kind and caring. Ang sarap naman po sa feeling maalagaan, Nurse Irene.”


“Hay naku, bumanat na naman siya. Aga-agang pakilig niyan Miss Madrigal ah.” sagot ni Irene na kasing lawak ng Laguna de Bay ang ngiti.


“It’s not just pakilig. I really appreciate it po.” Malambing na sabi ni Seulgi. “...pero instead of Yeri, pwedeng ikaw na lang mag-help sa’kin mag-pack?”


“H-ha?” Sagot ni Irene. Too stunned to speak coherently. Gets naman niya yung ibig sabihin ng kausap pero di pa rin niya maiwasang magulat.


‘Shet. Meet the parents na ba agad? Di pa po ako ready mabuhusan ng tubig sa mukha at maalok ng limpak-limpak na pera sa sobre, Lord.’ dasal ni Irene na hindi na nagawang dugtungan ang sinabi.


Kung saan saan na rin kasi lumipad ang isip niya hanggang sa umabot ito sa pinaka-talamak na eksena sa mga kdrama. Yun bang mai-inlove yung bidang babae sa isang anak-mayaman tapos yung doñang nanay mag-aabot ng malaking halaga para layuan lang ang anak nito.


Sa kalagitnaan ng pagre-replay ni Irene sa utak niya ng mga eksena sa kdramang napanood niya biglang nag-salita si Seulgi.


“Yup. Help me pack my things tomorrow? Diba magkikita naman talaga tayo? Surprise na rin natin si Mimi? She’ll be happy to see you and para ma-meet mo na rin sila mom? If ready ka na.” paliwanag ng kausap ni Irene. Nang walang makuhang sagot si Seulgi, nagpatuloy siya. “I know what you’re thinking. My mom’s super nice. Magugustuhan ka niya for sure. Dad’s intimidating, I can’t deny that kasi may big boss aura but he’s courteous and polite. Sa’kin lang naman strict yun.”


“Sobrang obvious bang yun ang nasa isip ko?” Napangiti si Irene dahil nabasa ng kausap yung gumulo sa isip niya. “S-sige. Gusto ko rin ma-meet yung parents mo para magpakilala. Ayoko namang bigla na lang akong susulpot isang araw sa bahay niyo. At tsaka...I want to thank your mom din.”


“Thank her for?”


“Gusto ko lang mag-thank you sa mom mo for bringing you into this world kasi kung wala siya eh di hindi ko makikila yung masungit na cute na nagtapon sa’kin ng kape.” mahinang sagot ni Irene. Di niya alam saang parte ng Fairview siya nakahanap ng lakas ng loob sabihin yun. Pilit niyang itinatago yung kaba sa napipintong pag-harap niya sa mga Madrigal.


Madalas si Seulgi yung nagpapa-kilig kay Irene pero sa mga ganitong eksena ni Medina hindi niya ma-contain yung pag dagundong ng puso niya. “Thank you, Reen.” sagot niya. Mga mata’y halos papikit na sa sobrang pag-ngiti. “...pero wala sila sa bahay bukas eh. It’s Friday. Dad’s probably busy sa office, mom naman I think wala rin. Magkikita ata sila ng friends niya.”


Totoo namang gusto rin makilala ni Irene ang mga magulang ni Seulgi pero hindi rin maitatanggi ang sense of relief na nadama niya nang marinig niyang hindi pa sila magkikita. Naka-hinga pa nga siya nang maluwag. Rinig ni Seulgi yung pagpapakawala ng kausap ng isang mahaba at malalim na buntonghininga pagkasabi niyang wala ang parents niya sa bahay.


“Kinabahan ka ‘no? Joke lang po. Meet them pag ready ka na.” Pangaasar ni Seulgi. Mahinang paghagikgik ang sumunod na narinig ni Irene mula sa kabilang linya.


“Nakakainis ‘to! Kinabahan talaga ‘ko kung ano-ano na tuloy naisip ko. Naalala ko pa yung mga mayayamang nanay sa kdrama!” pikon na sagot ni Irene.


Seulgi let out a half-suppressed laugh. “Hindi ganun si mom. She’ll love you.”


“Bahala ka dyan.” Mahinang sagot ni Irene.


“Halaaa. Are you mad, Reen?” panic na tanong ni Seulgi. Nagbibiro lang naman kasi siya.


Hindi sumagot si Irene.


“Reen? Diyan ka pa? Na-cut ba yung line?” tanong ni Seulgi pero wala pa rin siyang nakuhang sagot. She checked her phone, nasa call pa naman si Irene. “Heeey, nag-jojoke lang ako. Sorry na.” malumanay na sabi niya.


“Okay lang.” mahinang tugon ni Irene.


‘Oh . Is this our first fight?’ Seulgi thought to herself. Nang lumuwag ng bahagya ang traffic ay itinabi niya ang sasakyan para mapindot ang video icon sa call nila.

 

“Reen, don’t get mad na. I was just joking.” sabi ni Seulgi habang nakanguso. A cute attempt to plead for forgiveness. 

 

Kita niya si Irene sa frame pero naka-iwas ito ng tingin.


Ilang segundong katahimikan muna ang lumipas at mga ilang pagkabog ng dibdib ni Seulgi bago nagsalita si Irene. Para namang  nabunutan ng tinik sa lalamunan si cutie sungit nang biglang ngumisi si Irene  


“Takot ka ‘no?” mapang-asar na tanong ni Medina kay cutie sungit.


“You’re not mad?” Pagkaklaro ni Seulgi. Litong-lito kasi siya sa pag-ngisi ng kausap.


Natatawa namang sumagot si Irene. “Hindi ako galit. Sobrang kinabahan lang sa joke mo tsaka...ano...gusto ko lang ma-try mag-inarte sa’yo.” mahinang pag-amin ni Irene. Bigla siyang nahiya sa kalokohan niya.


“Sorry na po. Didn’t mean to scare you.” sabi ni Seulgi pagkatapos ay nakarinig na lang si Irene ng sunod-sunod na ingay ng busina sa kabilang linya.


“Sige na baba ko na ‘tong call. Mukhang nakalagpas ka na sa traffic. Ingat sa pagda-drive ah?”


“Eeeeh wait lang. You’re not really mad, ah?”


Natawa na si Irene. “Hindi ngaaa po. Try lang ano gagawin mo pag nag-inarte ako.”


“Haaaay. I thought you’re galit. Kasi kung na-upset kita magyu-Uturn talaga ako tapos pupuntahan kita agad.”


“Luh siya. Inarte lang yun pero totoo yung kinabahan ako. Sige na focus ka na sa daan. Byebye!”


“Okay po. Don’t skip meals ah? Drive na muna ako. Suyo po kita later. Bye!” Nakangiting sagot ni Seulgi bago niya i-end ang call nila.


“Parang tanga naman ‘tong singkit na ‘to. Inarte nga lang eh ba’t manunuyo.” sabi ni Irene sa sarili habang pulang pula ang pisngi.

 

 

 

 

 

 

 


“Rain, can we talk?” bungad ni Wendy sa kaibigan pagpasok niya ng kwarto nito.


“Sure, sure. About what?” sagot ni Rain na hindi inaalis ang mata sa screen ng iPad niya. Mino-monitor niya kasi yung on going live-selling ng mga luxury items nila sa showroom.


“About that.” turo ni Wendy sa gadget. Tumango lang si Rain.


“Ilang weeks na tayo with this project but our sales isn’t going up.” dugtong ni Wendy.


“I know kaya nga I’m watching right now. Also, ni-review ko yung mga previous live natin.” sagot ni Rain na nakatuon pa rin ang atensyon sa panonood.


“I’m thinking of hiring influencers to hype this project up.” suggestion ni Wendy.


“Well, if we have enough money. Why not? Good idea, bud.”


Tumango si Wendy. “Let’s discuss it with our team tomorrow, yeah?”


“I have nothing important scheduled this afternoon. Just a bunch of documents to sign and ido-double check ko lang yung inventory ng old stocks natin. Ang daming slow-moving items sa list eh. Ikaw ba? Bakit di na lang later natin sila i-meet?” nabaling bigla ang atensyon ni Rain sa kaibigan.


“Just a bunch ah? Tignan mo nga yang desk mo, piled up yang folders sa harap mo. We can’t today, bud. Nasa head office yung finance team and some of our marketing people naman are on leave. Best time talaga bukas.”


Bahagyang napakunot ang noo ni Rain sa narinig. “I...” she sighed. “...I’m on leave rin tomorrow, diba?”


“Ah right. Can’t you cancel your plans muna?” tanong ng bestfriend ni Rain.


Bahagyang nahinto ang panonood ni Rain at napailing. “I’m meeting Irene tomorrow.”


Wendy let out a sigh. “Bud, I know nauna yang lakad niyo but I hope alam mo rin kung anong priorities mo. Kahapon di ka na bumalik after meeting our client. Tapos sa Saturday, I heard from Lisa you’re going to Laguna with Irene’s family.” mahinahong paliwanag ni Wendy.


Tumango lang si Rain sa kaibigan. Alam niya kung gaano kahalaga ang proyektong ito para sa negosyo nila kaya kailangan niyang ma-manage ng maayos ang oras at atensyon niya. “Bilis naman mag-report ni chef. Okay, let’s do it first thing in the morning. You good with that?”


“Of course. Thanks, bud. Uwi ka na lang agad after.” tumalikod na si Wendy pero nagbago ang isip niya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Soup rice!!!!

Kala niyo next month pa update, no? Hahaha


Sana maenjoy niyo ‘tong chapter. Alam ko masyadong slow burn ‘tong DSF compared to ANS pero sana samahan niyo pa rin ako sa journey na ‘to!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 24: Where are you na, author? Huhu
RVSone0105
880 streak #2
Chapter 24: They already said their I love you's pero wala paring label??
Gagi knows ko na kung sino reliable source ni Jooyoung, si Miya pala.

Hayyy sana magkahimala at mag update na si otor, naway mahanap niya na ang lost soul niya para makabalik na siya 🤞🙏
Etoile__
338 streak #3
Chapter 24: narinig ko na pagmagupdate si otor magpapaulan ng lechon si papa j
Goeynceilove
34 streak #4
Otornim nasaan kna po? Update ka na juseyo!
magcomeback na ang ASEUL😭🐻🐰
Etoile__
338 streak #5
Chapter 24: nalost na talaga ang soul ni otor, bumalik ka na pls 🥹😭😭😭
alexis_keithh
#6
IMISUUU AUTHORR 😖😖😖
Kylie_123 #7
1 year na 😭 miss u tor ❤️❤️❤️
messyleain #8
Chapter 13: Ganitong story hinahanap ko huhuhu
tonrene #9
Miss you po
patotie #10
Buong araw kong iniisip to fic na to. Buti nahanap ko! 🥲