12- Surf and Turf Sushi Roll

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

“Sorry sa kakulitan ni Mama ah? Para kang na-hot seat ni Kris Aquino kanina.” sabi ni Irene paglabas nila ng gate ni Seulgi.

 

 

“No worries. I enjoyed Tita’s questions naman.” 

 

 

“Kulang na lang hingian ka ng resume ni Mama sa mga tanong niya eh. Pati trabaho mo nahalungkat.” Nahihiyang sagot ng dalaga.

 

 

“Parents are instinctively protective kaya I understand why Tita asked those questions.” Pag-aassure ni Seulgi. Nagtaka na lang siya nang mapansing nakangiti si Irene habang nakatitig sa kaniya. “Why are you smiling?” dugtong niya.

 

 

“Wala lang. Ang sarap pakinggang tinawag mong Tita si Mama.” nakangiti pa ring sagot ni Irene.

 

 

“Oh... feeling close ba? I don’t know how to address your mom kasi kaya...”

 

 

“Hindi ah. Keep calling her that gusto niya yun.”

 

 

Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa bago nagsalita si Seulgi.

 

 

“Irene, I’m sorry.”

 

 

“Hmmm? Sorry saan?” this time ay si Irene naman ang may bakas ng pagtataka sa mga mata niya.

 

 

“Kasi diba I told you nag-file ako ng leave today tapos sabi ko kay Tita kanina na I run my own business. I wasn’t able to think straight and answer you honestly yesterday when we talked. Takot kasi akong ma-reject mo.” Paliwanag ni Seulgi.

 

 

“Ah yun ba?” saglit na natahimik si Irene at nag-isip. “Seulgi, can I be honest with you?”

 

 

Tumango ang kausap ni Irene habang nagaabang sa kung ano man ang sasabihin niya.

 

 

“I value honesty.”

 

 

Napayuko si Seulgi sa narinig dahil mukhang umpisa pa lang eh nasira na niya ang tiwala ng dalaga.

 

 

 

“Oh bakit ang lungkot mo agad? Hear me out muna. Totoo yun, importante sa’kin na honest ang mga tao sa paligid ko pero I understand bakit mo yun nasabi. Pero sana sa susunod wag mo nang ulitin?”

 

 

“I won’t lie to you again.” sagot ni Seulgi na hindi inalis ang tingin kay Irene.

 

 

“Para sa iba siguro maliit na bagay lang yun pero sa’kin hindi. I want to get to know you more Seulgi at magagawa ko lang yun kung magiging totoo ka rin sa’kin. So, can we promise each other na we’ll be truthful kahit na sa maliliit na bagay lang?”

 

 

“I promise.” sagot ni Seulgi habang nakataas ang kanang kamay na para bang nanunumpa.

 

 

Pagkalaki-laking ngiti naman ang naging tugon ni Irene.

 

 

“Thank you for understanding. And...thank you for spending time with me today. Sobrang na-enjoy ko.” Seulgi felt relieved.

 

 

“Thank you rin. I had a great time.” malambing na sagot ni Irene.

 

 

Gusto pa sana niyang makasama at makausap ang dalagang kaharap. Inabot na nga ng hapon si Seulgi sa bahay nila pero parang kulang pa rin ang oras na magkasama sila.

 

 

‘Paano po ba pahintuin ang oras? Oh sige na po kahit pabagalin na lang. Paano ba?’ Dasal ni Irene.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Irene? Can I see you again?” naglakas na ng loob si Seulgi magtanong.

 

 

Nakangiti namang tumango si Irene bago ito tuluyang pumasok sa bahay. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

May mga pangyayari sa buhay ng tao na hindi palaging naayon sa plano. Kagaya ng di inaasahang pagbuhos ng ulan kahit na hindi naman ito naitala sa weather forecast ng araw na iyon o di kaya naman ay surpresang paninita ng boss mo sa trabaho. 

 

 

Kaya heto si Rain at Wendy nakatayong parang mga batang pinapagalitan ng kanilang guro.

 

 

 

 

 

 

“You didn’t tell me your father was coming today?!” bulong ni Wendy sa kaibigan.

 

 

“I didn’t know!” Pabulong ring depensa ni Rain.

 

 

Nagtitigan na lang ang dalawa dahil mukhang nakahalata na sa bulungan ang matandang negosyante sa harap nila. “What are you two doing?” tanong nito pagkababa ng file na binabasa.

 

 

“Dad, it was my idea.” Paliwanag ni Rain.

 

 

“Wala tayo sa bahay Rain. Address me properly.” Firm na sagot nito sa step-daughter. “Your idea, huh? This is how you treat your investors? Wala akong in-approve na live-selling so ano yung naabutan ko sa showroom kanina?” 

 

 

“I’m sorry, Sir. I want to increase our sales so we are trying a new approach here.” sagot ni Rain habang ang kaibigan niya ay tahimik lang sa gilid.

 

 

“You’re in this together? Nasaan ang transparency dito?” baling ng step-dad ni Rain kay Wendy. Kalmado at mahinahon ang matandang lalaki pero hindi maiaalis sa dalawa ang intimidation. Naguumapaw ang confidence and authority ng lalaking kaharap ng dalawa. 

 

 

“I apologize for not informing you beforehand, sir. But Rain and I thought of launching this to keep ahead of our competitors.” paliwanag ni Wendy.

 

 

“Still, it is unethical. I am your major investor and I have the right to know every bit of detail sa operation niyo. This has something to do with the merger, am I right?” Deretsong tanong ng matanda.

 

 

Napaatras ng kaunti si Rain mula sa pagkakatayo niya dahil naunahan siya ng amain. Gagamitin niya sana itong bala para ilaban ang pagtutol niya sa plano ng ama pero mukhang hindi na niya magagawa ito dahil umpisa pa lang ay nabisto na sila.

 

 

“Yes, sir. I want to exceed our current quota and give you better numbers. That way, I can prove to you that we don’t need the help of your new business.” sagot ni Rain. She is still adamant in preventing his step-father’s plan.

 

 

“Really? Are you confident this will work? If so, prove it.” Sagot nito sabay tayo mula sa pagkakaupo sa couch ng opisina ni Rain.

 

 

“We will, sir.” sabay na sagot ng magkaibigan.

 

 

Naglalakad na palabas ang step-father ni Rain nang bigla itong humarap kila Wendy.

 

 

“I’m postponing my plans then. You have 6 months to impress the board, Rain. Pero pag hindi sila natuwa, the merger will push through and we will have to revise our contract.”

 

 

Napaupo na lang si Wendy sa couch pagsarado ng pintuan. “Woah! You’re father is scary. Kailangan mag-work ‘to, bud.”

 

 

“He is.” Nakangiting sagot ni Rain.

 

 

“Y-you’re smiling? Are you nuts?! Di mo ba narinig, bud? Revision of contract means we will be in a very unfavorable position.”

 

 

“I heard him clearly, Wen. Pero di mo rin ba narinig? He gave us 6 months! That means We don’t have to face the board next meeting. We made it, bud! We prevented his plan” Masayang sabi ni Rain. Napayakap pa siya sa bestfriend niyang minamasahe ang sintido dahil sa stress na inabot nila sa unannounced visit ng amain ni Rain.

 

 

“Masyado kang masaya. One week na tayong live pero less than a hundred pa rin ang viewers natin. Hindi yun makakatulong sa yabang natin kanina kay Mr. Madrigal.” palala ni Wendy.

 

 

“Don’t worry we will get there.” sagot ni Rain na hanggang ngayon ay hindi maialis ang ngiti sa mga labi.

 

 

“I should thank, Irene.” sagot ni Wendy.

 

 

“Huh? Irene? What for?”

 

 

“Yan.” Turo ni Wendy kay Rain. “She’s making you smile and less...uhm...less uptight? Kung nangyari ‘to before meeting her hindi ka ganyan ka-hopeful at kasaya.”

 

 

“Aah. Well, she really makes me happy.”

 

 

“Good progress, bud. I’m seeing more smiles na ngayon than before.” Tinapik ni Wendy ang balikat ng kaibigan bago ito tuluyang lumabas ng kwarto.

 

 

 

Naiwan naman si Rain na nakaupo’t tulala sa phone niya. Nakatingin sa litrato ng isang grocery aisle. It was taken last week sa S&R nung nagpunta sila ni Irene. She took a picture of a random aisle para may remembrance siya ng unang labas nila ng dalaga.

 

 

Habang pinagmamasdan ang picture ay biglang tumunog ang phone niya signaling an incoming message.

 

 

 

 

 

‘Hi Ulan! Salamat sa pa-lunch pero to be honest, nahihiya na ako sa’yo. You’ve been feeding me 5 days straight na. Dami ko ng utang niyan.’

 

 

 

 

 

Napangiti siya sa bagong nickname. Simula kasi noong mapadalas na ang paguusap ng dalawa sa text ay bigla na lang siyang tinanong ni Irene kung pwede ba siyang tawagin sa pangalang iyon. Pumayag naman siya dahil surprisingly, kahit na direct Filipino translation ito ng pinakainaayawan niyang pangalan ay nagustuhan niya naman. Unang dahilan ay ang paghingi ng permiso ni Irene. It showed Irene’s concern sa pakiramdam niya towards the unwanted name. Pangalawa ay ang rason ng dalaga sa pagtawag sa kaniya nito. 

 

 

‘Pwede ba kitang tawaging Ulan minsan? Alam kong ayaw mo sa pangalang Rain pero gusto ko sanang magkaroon ka ng reason to like it? I hope na maging comfortable ka hearing people call you by that name someday. So umpisahan natin sa tagalog version? Kung ayos lang sa’yo ;)’pag-alala ni Rain sa text ni Irene a few days back.

 

 

That conversation lead them to having pet names for each other.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

‘Reen! Wag kang mahiya, please? I just want to make sure you eat healthy and on time kasi sabi ni Sir Poy you always always buy your lunch kung anong malapit na fastfood.’ reply ni Rain sa text na natanggap.

 

 

‘Wow naman si Kuya Poy parang reporter. Close na kayo? Minsan din naman nagpapabili ako sa karinderya sa likod ng mall.’

 

 

‘Lisa and Sir Poy are friends now, Reen. Kinuha ni Lisa number niya para ma-contact if ever busy ka kapag maghahatid siya ng food.’

 

 

‘Oh kaya pala nagugulat na lang ako si Kuya na nagaabot ng pagkain sa akin eh. Anyway, kumusta ka?’

 

 

Napangiti na lang si Seulgi sa text ni Irene. Matagal-tagal na rin kasi nung huling may nagpakita ng interes sa mga pinagdadaanan niya sa araw-araw.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Ma. Irene Medina, hindi ko alam na afford na pala ng sahod natin ang lunch galing Vikings.” Pang-aasar ni Jennie.

 

 

“Che, nakikikain ka rin naman kaya tigilan mo pang-aasar diyan.” inilapit ni Irene kay Jennie ang isang food keeper na may lamang samu’t saring sushi.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Soup rice!!!!

Kala niyo next month pa update, no? Hahaha


Sana maenjoy niyo ‘tong chapter. Alam ko masyadong slow burn ‘tong DSF compared to ANS pero sana samahan niyo pa rin ako sa journey na ‘to!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 24: Where are you na, author? Huhu
RVSone0105
851 streak #2
Chapter 24: They already said their I love you's pero wala paring label??
Gagi knows ko na kung sino reliable source ni Jooyoung, si Miya pala.

Hayyy sana magkahimala at mag update na si otor, naway mahanap niya na ang lost soul niya para makabalik na siya 🤞🙏
Etoile__
310 streak #3
Chapter 24: narinig ko na pagmagupdate si otor magpapaulan ng lechon si papa j
Goeynceilove
#4
Otornim nasaan kna po? Update ka na juseyo!
magcomeback na ang ASEUL😭🐻🐰
Etoile__
310 streak #5
Chapter 24: nalost na talaga ang soul ni otor, bumalik ka na pls 🥹😭😭😭
alexis_keithh
#6
IMISUUU AUTHORR 😖😖😖
Kylie_123 #7
1 year na 😭 miss u tor ❤️❤️❤️
messyleain #8
Chapter 13: Ganitong story hinahanap ko huhuhu
tonrene #9
Miss you po
patotie #10
Buong araw kong iniisip to fic na to. Buti nahanap ko! 🥲