18- Lambanog

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter

 


Hinatid agad ni Seulgi sa bahay si Irene matapos ang official first date nila. Bigla kasing naalala ng dalaga ang naiwang labada at napagkasunduan na lang nilang mag-Netflix minus the chill habang tinatapos ang natenggang maruruming damit. Ang kaso naabutan nila ang kuya at tatay ni Irene sa kalagitnaan ng inuman.


At gaya ng tipikal na eksena sa mga Filipino romcom movies, nakatanggap agad si Seulgi ng isang...’Seulgi, malakas ka bang uminom?’ mula sa tatay ni Irene. And right on cue, isang tagay ng gin ang nakaabang para sa kaniya.


“Tagay mo na, sis-in-law.” Malokong hirit ni Henry.


Nagpalipat-lipat ang tingin ni cutie sungit sa basong may lamang clear liquid papunta sa kwatro kantos na nakapatong sa center table ng sala.


With confidence na sumagot si Seulgi. “Don’t worry, Sir. Kaya ko po yan.” sabay kuha sa baso.


Nanlaki ang mata ni Irene sa narinig. Iba kasi ang naplano niya sa isip kumpara sa nangyayari sa harap niya. 


Detalyado’t naka-tatak na nga sa utak niya yung mga posible nilang gawin eh. Sabay sana silang mamimili ng movie sa daang-daang selection sa streaming app, maghaharu– magkukulitan habang nanonood, kung pagbibigyan ng bathala ng mga marurupok baka palarin pa siyang maka-cuddle yung singkit sa tabi niya.  At higit sa lahat, balak niya na sanang mag-kwento ng tungkol sa nakaraan niya. Kasi gaya ng matapang na pag-amin ni Seulgi noon tungkol sa past niya, gusto na rin ni Irene na magbahagi ng parte ng kaniyang nakalipas. Magandang timing sana ito dahil tahimik sa kwarto niya’t sigurado siyang makakapag-usap sila ng maayos. Kaya lang ayan si Seulgi prente nang nakaupo sa sa bakanteng pwesto sa harap ng tatay niya at lumalagok ng alak.


May magagawa pa ba si Irene? Aba siyempre meron! Siya ata ang bunso sa pamilya Medina and what bunso wants, bunso gets...

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

...most of the time. May mga pagkakataon din namang hindi siya napapabigyan kahit pa gamitan niya ng bunso card.

 

 


“Seulgi, iinom ka? Magda-drive ka pa pauwi eh.” Mahinang sabi ni Irene na hindi nakatakas sa pandinig ng tatay niya.


“Bunso, yaan na. Di naman marami eh. Kaunti lang para sa kwentuhan ba.” sabi ng padre de pamilya.

 
“Pa naman kahit na. Mamaya ano pang mangyari sa kaniya pag pinag-drive natin ng nakainom.” depensa ni Irene.


“Konti lang, Reen.” kalmadong sabi ni Seulgi sa dalaga. Gusto sana niyang hawakan ang kamay nito kaya lang hindi pa siya sigurado kung ayos lang ba sa tatay at kuya ni Irene ang ganoong closeness nila.


Nakasimangot naman nitong nilingon si Seulgi. “Magbibihis lang ako. Pwedeng tumanggi ah? Wag tanggap ng tanggap sa tagay.” bilin niya bago nagtungo sa side kung saan nakaupo si Henry.


“Awww! Bunso, ano ba!” Biglang sigaw ni Henry habang hinihimas ang hinliliit sa kaliwang paa.


“Warning yan para bagalan mo tagay!” sigaw ni Irene habang pumapanhik sa hagdan.


‘Cute.’ sabi ni Seulgi sa sarili. Natutuwa siyang unti-unti ay may mga nawi-witness siyang ibang side ng dalaga. Gaya na lang ng pagsimangot nito kanina at ng pag-apak sa paa ni Henry. Para sa iba siguro maliit at di naman notable na mga bagay ang mga ito pero hindi para kay Seulgi. Importante ito dahil seryoso siya sa sinabi niya noon na gusto niyang makilala si Irene.


‘So this is how you act around your family. Ang kulit.’ sabi ni Seulgi sa sarili habang pinipilit itago ang ngiting namumuo sa mga labi.


“Grabe talaga yang jowa mo!” sabi ni Henry kay Seulgi.  “Sure ka na ba diyan sa kapatid ko? Mahilig yan sa ganyan, nagmamaktol kapag naiinis.”


“H-hindi ko pa girlfriend si Irene pero sigurado ako sa kaniya.” sagot ni Seulgi. May karugtong pa sana iyon kaya lang naunahan na siya ng tatay ni Irene.


“Hindi mo pa nobya ang anak ko? Buong akala namin eh kayo na. Walang ibang bukang-bibig yan kundi puro ikaw. Kaya nga gusto kitang makausap eh.”


Umiling si Seulgi. “Hindi pa po, Sir. Wala pa po kami sa stage na yun. Right now, we’re exclusively dating po.”


Pag-kunot ng noo na nauwi sa pagtaas ng isang kilay ang tanging naging tugon ng tatay ni Irene. 


Biglang tumahimik ang paligid. Yung kaninang mahinang tunog na nagmumula sa tv ay nawala pati na rin yung panaka-nakang ingay ng mga humaharurot na tricycle sa labas ng bahay ay di na rin niya marinig.


Napalunok na lang si Seulgi dahil nanuyo na ang lalamunan niya.


‘May mali ba sa sinabi ko?’ tanong niya sa sarili. Pati inner voice niya napa-tagalog ng di oras sa nakakabinging katahimikan.


Dalawang pares na kasi ng mga mata ang nakatingin sa kaniya at obvious na nag-aantay ng paliwanag.


She cleared gently. “I like your daughter, Sir. I really do pero there are a lot of things na hindi pa po namin alam tungkol sa isa’t isa. Kaya po Irene and I agreed to date exclusively. Para po may time kami to get to know each other with a promise na hindi na mag-eentertain ng iba.” she tried her best to explain the situation.


“Ah nagde-date kayo ni bunso pero hindi pa kayo. Edi nililigawan mo pa lang?” patango-tangong sagot ng tatay ni Irene.


Akmang mamumulutan sana si Seulgi nang marinig ang sagot na iyon. Binitawan niya ang kutsarang may lamang sisig para makasagot ng maayos. “Sir... I don’t believe in courtship po kasi...”


“Aba aba teka. Hindi easy to get ang anak ko ah. Bakit di mo liligawan?” Pagputol na sagot ng tatay ni Irene sabay lagok sa tagay na iniabot ni Henry.


“Naku, sis. Mali ata sagot mo.” komento ng kuya ni Irene sabay abot ng tagay sa kaniya.


“I don’t mean to be rude po sir, but please let me explain po.” malapit nang balutin ng panic ang pagkatao ni Seulgi dahil the last thing she wants right now is to piss Irene’s father off.


“Tagay mo muna yan.” sagot nito.


Ramdam ni Seulgi yung mainit na hagod ng alak sa lalamunan niya. “Never ko pong inisip na easy to get ang anak niyo. Sa totoo lang po, I respect her so much na hindi ko kayang mag-panggap na perpekto ako sa harap niya.”


“Sis, oh tagay ulit. Mahaba-habang paliwanag kay Papa yan eh. Pero wag kang magalala gets kita.” sabay ni Henry.


Di naman namalayan ng tatlo na paupo na pala si Irene sa tabi ni Seulgi. Nakasuot ng komportableng tshirt at shorts.


Napasinghap ito nang makita kung gaano na karami ang nabawas sa bote ng alak sa lamesa. “Kuya! Sabi ko bagalan mo pag-tagay eh.” reklamo nito.


“Ano ka ba bunso kailangan ni Seulgi yan pangpa-lakas ng loob. Diba, sis?” Nakangiting tanong nito kay Seulgi.


Napansin naman ni Irene ang seryosong mukha ng katabi. “Okay ka lang? Tinatakot ka ba ni Papa?” sabay pisil niya sa kamay ni Seulgi.


“I’m okay.” Seulgi gave her a reassuring smile.


“Nak, dun ka nga muna sa nanay mo. Tulungan mo dun sa iniwan mong labada. Mag-uusap lang kami nito ni Seulgi.”


“Ayoko nga, Pa. Baka kung ano pang sabihin niyo kay Seulgi di na bumalik yan dito.”


“Ito namang anak ko oh. Wag kang mag-alala babalik yan. Diba ‘no, Seulgi?”


“Yes, sir. I’ll keep coming back here. Para kay Irene.” Nakangiting sagot ni Seulgi na hindi mawala ang titig sa dalaga. “Pero I think po she needs to hear this too.”


Hindi na nagsalita pa ang tatay ni Irene at hinayaan na lang magpaliwanag si Seulgi habang ang bunsong anak naman niya ay nanatiling clueless sa kung ano ang pinag-uusapan ng tatlo.


Humingang malalim si Seulgi at tsaka nag-salita. “Hindi po ako naniniwala sa courtship kasi for me it’s just a way to get someone to like you. It’s like putting your best effort to woo the person by only showing the good side. Purposely hiding unlikeable things about you. Sir, i’m not perfect but I aspire to be better for Irene.”


“Oh eh ano namang pinagkaiba noon sa exclusive exclusive na yan? Hindi kayo pero tinatali mo anak ko sa’yo.”


Napatingin si Seulgi kay Irene kasi she’s not sure what was meant by that statement.


Mabilis namang sumingit si Henry na siyang nagpaliwanag ng ibig sabihin ng tatay nila. Mukhang nakahalata sa pagkalito ni Seulgi sa tan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Soup rice!!!!

Kala niyo next month pa update, no? Hahaha


Sana maenjoy niyo ‘tong chapter. Alam ko masyadong slow burn ‘tong DSF compared to ANS pero sana samahan niyo pa rin ako sa journey na ‘to!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 24: Where are you na, author? Huhu
RVSone0105
880 streak #2
Chapter 24: They already said their I love you's pero wala paring label??
Gagi knows ko na kung sino reliable source ni Jooyoung, si Miya pala.

Hayyy sana magkahimala at mag update na si otor, naway mahanap niya na ang lost soul niya para makabalik na siya 🤞🙏
Etoile__
338 streak #3
Chapter 24: narinig ko na pagmagupdate si otor magpapaulan ng lechon si papa j
Goeynceilove
34 streak #4
Otornim nasaan kna po? Update ka na juseyo!
magcomeback na ang ASEUL😭🐻🐰
Etoile__
338 streak #5
Chapter 24: nalost na talaga ang soul ni otor, bumalik ka na pls 🥹😭😭😭
alexis_keithh
#6
IMISUUU AUTHORR 😖😖😖
Kylie_123 #7
1 year na 😭 miss u tor ❤️❤️❤️
messyleain #8
Chapter 13: Ganitong story hinahanap ko huhuhu
tonrene #9
Miss you po
patotie #10
Buong araw kong iniisip to fic na to. Buti nahanap ko! 🥲