4-Hakaw

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"Na-text mo na ba? Nasaan na ba ang batang yun? Gusto ko ng umuwi." tanong ng lola sa kasama niyang babae.


"Opo, la. Nandyan na daw po siya sa main entrance sa baba. Ito nga po kakasabi lang niya na bumaba na tayo kasi parating na yung grab."


"Eh tara na baka uminit na naman ang ulo ng batang iyon pag mabagal tayo." sagot ng lola sa kasama habang inaakay siya nito papunta sa elevator na malapit sa clinic.

 

 

 

 

 

 


"Te, yung lola mo nandyan. Magmano ka." biro ni Joy kay Irene nang makita niyang papalapit ang matanda sa kanila.


Alas kwatro ng hapon ang uwian ng mga pang-umagang shift kaya 4:05PM pa lang ay nakapila na sila sa may elevator pababa.


"Lola? Sinong lola?" takang tanong ni Irene tapos napalingon siya sa tinurong direksyon ni Joy. "Mommyyyyyy! Ngayon pa lang po kayo uuwi?"


"Ineng, naku. Natagalan ako sa pag-kolekta ng ihi. Di naman sinabi agad na kailangan pala madami. Umulit tuloy ako."


"Naku, pasensya na po. Bibilinan ko na lang po ang lab na linawin ang instruction nila sa susunod."


"Ayos lang yun, nakasabay ka naman namin pauwi. Tamang-tama susunduin ako ng apo ko ipapakilala kita." masayang sabi ng lola kay Irene.


Panic ang unang naramdaman ni Irene dahil hindi niya alam na seseryosohin ng matanda ang pagpapakilala sa apo niya. Di pa siya nakaisip ng magandang dahilan para tumanggi kaya bigla siyang kinabahan.


"Sabi sa'yo eh lola mo na si mommy. Grandma-in-law." biro ni Joy.


Bago pa makatanggi si Irene ay bumukas na ang pintuan ng elevator at isa-isang nagsibabaan ang mga sakay nito. Nang mabakante ay pinauna nila Irene ang mga senior citizen na nakapila, kabilang na nga dito ang lolang pasyente nila.


Buong akala ni Irene ay makakalusot na siya kaya lang kasya pa rin naman sila sa elevator kaya napilitan silang sumabay.


"Oh yung mga tenants diyan mag-escalator na lang kayo pababa. Para sa mga customers lang 'tong elevator." parinig ng masungit na elevator lady.


Unang beses nagpasalamat si Irene sa pagsusungit ng taga-bantay ng elevator dahil sa pagpapababa sa kanilang mga tenants. Kung iiisipin ay outright disrespect sa kanila ito pero papalampasin niya ito ngayon dahil lang sa mase-save siya nito sa potential awkward situation. Kaya wala silang palag ni Joy na lumabas ng elevator. Nakangiti pa siyang kumaway sa lolang nasa loob.


"Ay bakit mo pinababa ang mga apo ko? Customer ako, apo ko yang mga yan." pagpigil ng lola sa elevator girl bago nito isara ang pinto ng lift.


"Ay pasensya na po. Sige pasok na kayo." magalang na sabi nito kila Irene.


"Ne, pasok na kayo." pag-aya ng matanda.


Nagpaanod na lang si Irene papasok kasabay ng iba pang lumabas kanina.

 


Tahimik lang sila hanggang sa makababa ang elevator. Si Irene, nagiisip pa rin kung paano niya tatakasan ang nagbabadyang pagharap sa isang estranghero paglabas.


Mahigpit ang kapit ni Irene sa braso ni Joy para hindi siya iwan ng kaibigan. Siguro kung hindi siya makakaisip ng paraan para makatanggi ay mas mabuting kasama na lang niya ang kaibigan kung sakaling matuloy nga ang pagmi-meet nila ng apo ng kakikilala pa lang niyang pasyente.


"Naku, la. Sabi po ni Ate sa kabilang entrance daw tayo mag-abang kasi dun niya na-book yung grab."


"Ay naku mommy, mapapalayo kami ni Irene sa sakayan pag sumama kami sa inyo. Una na po kami ah?" 


"Ay edi sumabay na lang kayo sa amin." sagot ng matanda.


"La, di po pwede magdagdag ng pasahero pag grab." sagot ng kasama ng lola. 


"Next time na lang po, mommy. Una na po kami ah?" paalam ni Irene.


"Ay siya, sige sa susunod na lang at mukhang nagmamadali ka, ineng." sagot ng matanda.

 

 

 

 

 

 

 

"Hoy, 'te. Anong next time? Si-nave na nga kita nag-paasa ka pa na may next time. False reassurance ka." paala ni Joy.


Napahawak na lang sa mukha si Irene dahil sa kagustuhan niyang makaalis kanina ay nakapagbitiw siya ng pangako na mukhang mas mahihirapan siyang tanggihan.


"Joy! Bakit di mo ko pinigilan?!" 


"Aba malay kong yun ang sasabihin mo." natatawang sagot ni Joy sa kaibigan.

 

 

 

 

 


"Bakit dito kayo nagpunta? I specifically said main entrance." nakasimangot na tanong ni Rain sa kasama ng lola niya.


"Ate Rain, wag ka po magalit. Iniwas lang kita sa match-making ni Lola." nakangising sagot ng kasama ng lola ni Rain.


"Match-making? Mimi, ano na naman pong balak niyo?" tanong ni Rain sa lola niya.


"Apo, gusto ko lang mawala na yang busangol mong mukha."

 

"Mimi, what does it have to do with me getting a girlfriend?" nakasimangot pa rin na sagot ni Rain. 


"Para naman magkaron ka na ng rason para ngumiti."


"But Mimi, please. Wag niyo naman pong i-kwento sa kung sino-sino na your apo is gay. Not everyone is okay with it..." di na tinuloy ni Rain ang sasabihin dahil alam naman niyang naintindihan siya ng kaniyang lola.


"Hindi naman kung sino ang ipapakilala ko sa'yo. Mabait yun tsaka maganda."


"Who's that girl ba, Mimi? I'm not interested."


"Yiiiee, hindi daw interested pero tinanong yung pangalan. Ate Rain ah?" pangaasar ng kasama nila.


"Ay ano nga bang pangalan ni Nurse Ganda, Yeri?" tanong ng lola sa kasama niya kanina sa clinic.


"See? You don't even know her name tapos gusto mong ipakilala sa akin." masungit na sabat ni Rain.


"Ate, ano ka ba. Ilang linggo nang ino-observe ni Lola yung magandang nurse na yun."


"Pero she's still a stranger."


"Stranger na maganda." sagot ni Yeri.


Pagkarinig ni Rain ng sagot ni Yeri ay biglang lumipad ang isip niya sa isang particular na stranger. Yung taong aksidenteng nabuhusan niya ng iced coffee nung isang araw. Unconsciously, napangiti siya pero mabilis pa sa kisap-matang nawala ang ngiti niya't napalitan ulit ng simangot.


"Uy si Ate, bet mo na? Kasi maganda?"


"Nope. Still not interested." pagdi-dismiss ng usap ni Rain.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


"Anak! Naaaaaaaak! Wala ka bang pasok? Aba 5:30 na nakahilata ka pa diyan." sabi ng nanay ni Irene habang tinatapik siya nito.


"Maaaaa, dinikit ko na yung schedule ko sa ref. Rest day ko po ngayon." naiinis na sagot ni Irene sa nanay.


"Ay ganun ba. Siya sige, matulog ka pa."


Napabuntong-hininga si Irene dahil sa biglaang panggigising sa kaniya. Mahihirapan na siyang habulin yung nabitin niyang tulog pero pasalamat na lang siya at maya-maya rin ay dinalaw na siya ng antok.


"Naaak, anong oras pala kita gigisingin?" gulat na idinilat ni Irene ang mga mata niya para masiguradong hindi panaginip ang nagaganap.


"Maaaa! Wag niyo po akong gisingin utang na loob. Antok na antok pa ako."


Natatawang lumabas ng kwarto ang nanay ni Irene dahil sa asta ng anak niya. "Naku, Irenea! Maghanap ka na ng jowa at napakasungit mo. Maganda yung anak ng kumare ko. Yun baka gusto mo."


Napaikot na lang ng mata si Irene sa narinig na komento ng nanay. Halos ibenta na siya sa lahat ng mga anak na babae ng kumare ng nanay niya pero ni isa walang nakapukaw ng interes niya. Matagal-tagal na rin nung huling kinilig si Irene kaya minsan tinatanong niya ang sarili kung handa na b

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Soup rice!!!!

Kala niyo next month pa update, no? Hahaha


Sana maenjoy niyo ‘tong chapter. Alam ko masyadong slow burn ‘tong DSF compared to ANS pero sana samahan niyo pa rin ako sa journey na ‘to!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 24: Where are you na, author? Huhu
RVSone0105
851 streak #2
Chapter 24: They already said their I love you's pero wala paring label??
Gagi knows ko na kung sino reliable source ni Jooyoung, si Miya pala.

Hayyy sana magkahimala at mag update na si otor, naway mahanap niya na ang lost soul niya para makabalik na siya 🤞🙏
Etoile__
308 streak #3
Chapter 24: narinig ko na pagmagupdate si otor magpapaulan ng lechon si papa j
Goeynceilove
#4
Otornim nasaan kna po? Update ka na juseyo!
magcomeback na ang ASEUL😭🐻🐰
Etoile__
308 streak #5
Chapter 24: nalost na talaga ang soul ni otor, bumalik ka na pls 🥹😭😭😭
alexis_keithh
#6
IMISUUU AUTHORR 😖😖😖
Kylie_123 #7
1 year na 😭 miss u tor ❤️❤️❤️
messyleain #8
Chapter 13: Ganitong story hinahanap ko huhuhu
tonrene #9
Miss you po
patotie #10
Buong araw kong iniisip to fic na to. Buti nahanap ko! 🥲