8- Hello Wafer

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

Hindi alam ni Seulgi kung sino sa dalawa ang uunahin niya. Iyon bang gulat na tanong ni Irene o yung kay Lisa na alam niyang nanghihingi ng agarang paliwanag.

 

 

“Irene.” tipid niyang bati sa dalagang kaharap.

 

 

“Anong g-ginagawa mo rito?” tanong sa kaniya pabalik ni Irene.

 

 

“I came to see her.” turo ni Seulgi sa kaibigang nakaupo sa may tabi ng emergency cart ng clinic. 

 

 

“Aaah magkakilala pala kayo." mahinang sagot ni Irene. Hindi nakalagpas sa mga mata ni Seulgi ang disappointed look sa mukha ng dalagang ilang araw na niyang gustong makita.

 

 

"Sabi sa baba she was brought here kaya sumunod ako." 

 

 

Tumango lang si Irene habang inuumpisahan ng tanggalin ang balot sa daliri ni Lisa. Habang ang matalik na kaibigan naman ni Seulgi ay hindi maialis sa kaniya ang titig dahil sa paliwanag na hindi niya pa maibigay sa ngayon.

 

 

 

"Sinong nag-first aid sa’yo?” biglang tanong ni Irene kay Lisa na siyang bumasag sa katahimikan sa loob ng kwarto.

 

 

“Yung isang crew sa kitchen. A-aray!” sagot ni Lisa na hindi handa sa sumunod na ginawa ni Irene.

 

 

“Masyado kasing mahigpit ang pagkaka-tape sa sugat mo.” malumanay na sagot ni Irene habang isa-isa niyang tinatanggal ang mga nakabalot sa daliri ng di inaaasahang pasyente niya sa gabing iyon. "Uhm hmmm...miss chef, siguro mas okay kung may stock kayo ng gasa sa kitchen niyo. Bulak pala ang pinantakip sa sugat. Hindi ideal ang bulak sa mga ganito kalalim na sugat dahil pag tumagal matutuyo ito at mas mahirap ng tanggalin.”

 

 

Tahimik lang si Seulgi habang pinagmamasdan si Irene na gawin ang trabaho niya. Kita niya kung paano mahinahong binuksan ng dalaga ang pawaso-wasong pagkakabenda sa daliri ng kaibigan. Napabilib rin siya dahil mabilis at concise ang kilos ng dalaga. Hindi maikakaila ang taglay na dunong at experience nito sa ganitong larangan. She liked seeing Irene in her element.

 

 

 

Di na rin napansin ni Seulgi na kanina pa siya tinititigan ni Lisa dahil kay Irene lang naka-focus ang atensyon niya.

 

 

Pagkatapos hugasan at i-disinfect ni Irene ang sugat ni Lisa ay bigla itong nagsalita.

 

 

“Medyo mahaba at malalim ‘tong cut mo. Tingin ko kailangang tahiin.” sabi ni Irene.

 

 

"T-tahi?! As in stitches? Needles?” kabadong pagkompirma ni Lisa.

 

 

 

Napangiti si Irene sa itsura ng kausap niya. Mukha na kasi itong maiihi sa takot. “Yes, gagamitan ng needle para ma-close ‘yang sugat. Kahit kasi sa daliri lang yan abot na sa 1cm ang haba. Okay lang bang picturan ko para mai-refer ko sa doctor namin? Sarado na kasi kami kaya wala ng available doctors ngayon dito.”

 

 

Tumango na lang si Lisa habang inilapit ang kamay sa direksyon ni Irene. Wala naman siyang magagawa kung talagang kailangang tahiin ang sugat.

 

 

Pagkakuha ng litrato ay agad na sinend ni Irene sa doktor ito for further assessment.

“Antayin lang natin yung reply ni Doc Sikat ah? O kung may kakilala kayong doktor pwede na kayo dumeretso sa kanya.” dugtong niya.

 

 

“I don’t know any doctors around the area eh. How about you, bud?” sabi ni Lisa.

 

 

“H-huh? W-wala. Can we just wait na lang, Irene?” nauutal na sagot ni Seulgi. Hindi naman kasi siya naihanda ni Lisa na kasama pala siya sa decision-making ngayong gabi.

 

 

“Hmmm...oo naman. Mabait yung si Doc Sikat tsaka diyan lang siya naka-duty ngayon sa ER sa Veterans.” nakangiting sagot ni Irene. Saglit itong lumabas kaya nagkaroon ng pagkakataon magkausap ang magkaibigan.

 

 

“You have some explaining to do, Rain.” agad na sambit ni Lisa pagkalabas na pagkalabas ng kwarto ni Irene.

 

 

“I know but answer me first. What’s this all about? Don’t tell me you did this just so  I can meet her?” pagkompronta ni Seulgi sa kabigan. 

 

 

“Of course not! I wouldn’t hurt myself dahil lang dun but I admit I planned something for you.” pag-amin ni Lisa.

 

 

"Right. You’re afraid of needles. Pero what was your plan?”

 

 

“I’m not sure if you noticed, one table sa baba ay occupied ng workmates niya? I gave out vouchers so they can have their free dinner. Baka sakaling ma-meet mo siya doon. I helped destiny a bit.” Lisa answered proudly.

 

 

“That’s...ridiculous, bud. How sure are you na isa siya sa kakagat sa gimmick mo? I didn’t even tell you her name.” Bulong ni Seulgi dahil takot siyang marinig ni Irene ang pinaguusapan nila.

 

 

“I wasn’t sure talaga. Di ko nga alam na siya yung sinasabi mong crush mo. Kahit si Wendy ayaw maki-join nung una pero importante pa ba yun? I got the result I wanted.” Sabi ni Lisa sheepishly.

 

 

“But this was not the scenario I imagined. I mean, I’m glad na nagkita kami ulit pero hindi sa ganitong paraan.” sagot ni Seulgi.

 

 

"Are you for real, Rain? Stop being hopeless romantic. Nandito na yung chance oh! Go na!” paguudyok ng kaibigan niya.

 

 

Nakaramdam naman ng dagdag confidence si Seulgi para lapitan si Irene. Palabas na sana siya ng kwarto nang bigla niyang marinig ang usapan ng dalaga at ng babae sa cashier.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Irene, naka-generate na ako ng transactions natin for today. Hindi ko na masisingit ‘yang huling patient mo. Bakit mo pa kasi tinanggap eh wala naman na tayong doctor.” Paalala ng cashier kay Irene.

 

 

“Sagot kita Ma’am. Bukas na lang natin ipasok yung payment para hindi ka na mag-redo ng transaction natin ngayon.” Kumuha ng transaction slip si Irene para isulat ang information ng huling pasyente niya at tsaka siya nag-ipit ng pera. “Ayan Ma’am, ie-endorse ko kila Joy ‘to para bukas ng umaga maipasok na agad ‘tong payment.”

 

 

“Ikaw magbabayad? Kilala mo yung patient?” Takang tanong ng cashier.

 

 

 

Umiling si Irene. “Hindi eh pero yung kasama kaibigan ko.” Nakangiting sagot niya.

 

 

Di na sumagot pa ang kausap ni Irene at naghanda na para makauwi.

 

 

Pagharap ni Irene sa kwarto kung saan nandoon sila Lisa, nagulat siya nang makitang palabas si Seulgi.

 

 

“Irene, I didn’t mean to eavesdrop pero I kinda heard you talking. Ito oh i’ll pay for Lisa’s bill and I’m very sorry we caused trouble here. Pauwi na pala kayo dapat.” Sabi ni Seulgi habang inaabot ang black card niya.

 

 

“Okay na yun. Sagot ko na.” 

 

 

“No, no. I insist. Nakakahiya naman sa’yo.” pilit na inaabot ni Seulgi ang card niya kay Irene kaya nilapitan siya ng dalaga at bumulong.

 

 

“Nagmamadali na kasi si Ma’am. Pag ikaw nagbayad isa-swipe pa yang card mo eh naka-off na yung machine. Kaya binayaran ko na.” Bulong ni Irene.

 

 

“May cash ako. Here.” Inabot ni Seulgi yung malutong na one thousand peso bill niya.

 

 

Napangiti na lang si Irene sa kakulitan ng kausap. “Sarado na po tindahan. Wala ng panukli.”

 

 

“But...”

 

 

“Ay ayan oh nagreply na si Doc. Pwede na kayo pumunta sa Veterans. Hanapin niyo na lang si Doc Sikat.” Pagiiba ng usapan ni Irene.

 

 

“Thank you, Irene. Bawi ako sa’yo.” Nakangiting sagot ni Seulgi.

 

 

Papasok na sana si Irene sa kwarto para abisuhan si Lisa nang biglang tumunog ang cellphone niya.

 

 

 

“Hi Doc!” Sagot ni Irene

 

...

 

“Yes po papunta na po sila diyan.”

 

...

 

 

“Dokie, pauwi na po ako.”

 

 

...

 

 

“Mabilis lang sila, doc. May sasakyan naman."

 

 

...

 

 

Napapikit na lang si Irene habang nakadikit pa rin ang cellphone sa kaliwang tenga.

 

 

“Okay po, dokie. Sige po. See you.” Paalam ni Irene sa kausap.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“May problema ba, Irene?” Tanong ni Seulgi.

 

 

 

“Wala naman. Gusto kasi ni Doc samahan ko na lang kayo doom para di na kayo matagalan sa pila. May naka-line up pala kasi siyang surgery mamaya. Eh kung uunahin niya yun kayo naman matatagalan sa pagaantay.”

 

 

 

“I’m really sorry. We can go somewhere else na lang siguro para di ka na namin maistorbo.” Alok ni Seulgi.

 

 

“Ano ka ba, Seulgi. Okay lang yun tsaka naka-set up na sila sa Veterans eh nakakahiya magback-out kay doc. Tara?” Aya ni Irene.

 

 

 

 

 

 

 

Palabas na ng clinic sila Irene nang biglang magsalita si Kuya Poy. “Bye Ma’am Ganda. Ingat kayo!”

 

 

 

“Ay tsaka pala salamat ulit sa siomai. Napakasarap po. Next time ulit ah?” pahabol ng guard kay Seulgi.

 

 

Napatingin naman si Irene kay Seulgi. “Sa’yo galing yung hakaw?” Nakangiting tanong nito.

 

 

“Yeah. I was planning to give it to you kaso sabi ni Sir wala ka raw kaya I gave it to them na lang.” nahihiyang paliwanag ni Seulgi. 

 

 

“Hala, thank you. Di ko alam na sa’yo pala galing.” sagot ni Irene. 

 

 

“No worries. Napadaan kasi ako kay Lisa that time and I thought of bringing you some.” napakamot-ulong sagot ni Seulgi. 

 

 

“Luto ko yun! Sayang di mo natikman nurse Irene.”

 

 

“Irene na lang. Napaka-formal naman ng may nurse pa. Tsaka keri lang kahit di ko natikman mabenta naman sa workmates ko. Ilang araw nilang bukangbibig yun.” 

 

 

“Tala

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Kumusta? Mainit init na chapter 15 para sa inyo.


Care to share your thoughts?
No comments yet