14- Shawarma

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

Reen: Ulaaaaaan! Malapit na ako. Bababa na lang ako sa may stoplight ng North Fairview tapos dun ako magji-jeep pa-Lagro ah? See you!

 

 

Nagpanic si Seulgi nang mabasa ang na-receive na text mula sa babaeng kanina niya pa hinihintay. Dali-dali niyang dinial ang number ni Irene.

 

 

 

 

 

 

 

 

“Hello? Reen?”

 

 

“Hi!” masayang bati ni Irene sa unexpected call from Seulgi.

 

 

“Sa next stoplight ka na lang bumaba, please?” request ni Seulgi.

 

 

“Saan? Yung stoplight na paliko sa Lagro? Madilim dun tsaka mahirap sumakay ng jeep sa area na yun eh.”

 

 

“Please dun ka na lang bumaba? Don’t worry...uhm...well lit na yun ngayon.”

 

 

“Ha? Talaga ba? Eh ito na oh malapit na ko  sa North Fairview. Wait...papara lang ako.”

 

 

Para namang nabuhusan ng malamig na yelo si Seulgi sa katawan sa bilis ng mga pangyayari. “Irene wait! I’m here sa may stoplight ng Lagro kaya please dito ka na bumaba.” pagpigil niya.

 

 

Sa halip na mga salita ang marinig na tugon ni Seulgi sa kausap ay mahinang pagtawa ang narinig niya mula sa kabilang linya. Irene was giggling uncontrollably.

 

 

“Why are you laughing?” nagtatakang tanong ni Seulgi.

 

 

“Eh kasi jino-joke lang naman kitang bababa na ako tapos grabe na yung panic mo. Hinuhuli ko lang kung anong pakulo mo.” paliwanag ni Irene.

 

 

“Surprise sana eh.” evident yung disappointment sa tono ng boses niya.

 

 

“Tampo na yan?” natatawang tanong ni Irene. Hindi kasi siya makapaniwalang may ganitong side din pala yung masungit na singkit na nakilala niya ilang linggo na rin ang nakakaraan.

 

 

“Konti lang?” tugon ni Seulgi. Muntik pang mabulol sa tagalog niya.

 

 

“Oo na po. Dyan na ako bababa wag nang magtampo.” malambing na sagot ni Irene. Unti-unting nag-init ang leeg niya hanggang sa umabot ito sa kaniyang pisngi. Mabuti na lang at malapit na siya sa stoplight kaya nagkaroon siya ng dahilan para putulin ang tawag. “Uhm...pababa na ako. End ko na ‘to ah?”

 

 

“Oh...okay.” Tipid na sagot ni Seulgi. Agad siyang bumaba mula sa naka-park niyang kotse para salubungin si Irene.

 

 

Isang lumang UV Express ang huminto sa may harapan ng sasakyan ni Seulgi at nang bumaba ang sakay nito, parang huminto rin ang mundo niya. 

 

 

Wala namang pinagkaiba  sa itsura ni Irene mula kaninang lunch pero bakit parang pinana ni kupido yung puso niya pagbukas na pagbukas ng dalaga ng pintuan ng van. Ganun pa rin naman ang suot, blue na scrub suit, puting cardigan at puting rubber shoes.

 

 

“Hiiii!” bati ni Irene pagbaba nito.

 

 

“Hey.” tipid na sagot ni Seulgi bago niya ipagsara ng pinto ang dalagang kabababa lang.

 

 

“Sorry, nasira ko yung surprise mo.” nakangiting sagot ni Irene.

 

 

Nagmistulang estatwa si Seulgi sa kinatatayuan niya dahil di niya namalayang nae-enjoy na niya ang pagtitig sa kausap. Mali pala siya ng akala kanina. Everything about Irene tonight is special.

 

 

Mula sa cute na cardigan niya hanggang sa medyo bulky na rubbershoes na suot nito. Pati na rin yung mga baby hair ni Irene na kitang-kita ni Seulgi dahil sa pagkakalugay ng buhok nito. Isama na rin yung mamula-mulang pisngi ng dalaga pero ang pinaka-nangibabaw kay Seulgi ay ang pares ng mga matang nakatingin pabalik sa kaniya ngayon. Wonderfully magnetic and intoxicating, sa palagay ni Seulgi.

 

 

 

Malakas at mahabang busina galing sa mga kotse sa likod ang gumising sa pagkakapako ni Seulgi sa kinatatayuan niya.

 

 

“I-it’s okay. Ang importante you’re here na.” nakangiting sagot niya. “Let’s go?”

 

 

“Tara.” sagot ni Irene bago naglakad papunta sa sasakyan ni Seulgi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Welcome to Lagro Subdivision, sabi sa arkong nadaanan nila Seulgi bago siya huminto sa gilid ng kalsada.

 

 

“Na-miss ko Shawarma nila! Tagal ko na rin hindi nakapunta dito. Ikaw ba?” excited na sabi ni Irene kay Seulgi habang ina-unbuckle ang seatbelt niya.

 

 

“I’ve never tried their shawarma pa.” nahihiyang sagot ni Seulgi.

 

 

“Never pa? TriMo?!”

 

 

“Yes, yes. I want to try it.” sagot ni Seulgi.

 

 

“Hahaha hindi. Ibig kong sabihin, never mo pang na-try ‘tong TriMo?”

 

 

“Ta-try ko.” sagot ni Seulgi kahit gulong-gulong gulo na siya sa sinasabi ni Irene. Napaisip pa kung dapat bang mag-enroll ulit siya sa Filipino class to brush up on her tagalog.

 

 

Natatawang ibinaba ni Irene ang salamin sa pintuan sa gilid niya. “Naguluhan ka na ‘no? Lika dito check mo pangalan ng store nila.”

 

 

Nag-unbuckle ng seatbelt si Seulgi at lumapit ng bahagya kay Irene para dumungaw sa bintana sa tabi ng dalaga.

 

 

Isang malaking karatula sa itaas ng tindahan ang bumungad kay Seulgi.

 

 

                   

                        TriMo Shawarma Co.

 

 

 

 

"Aaaaaaaaah!” Seulgi chuckled.  “TriMo yung name. Sorry, i got confused.”

 

 

“Sabi na eh. So, kahit na laking Fairview ka never ka pang nakakain dito?” tanong ni Irene.

 

 

Tumango lang si Seulgi.

 

 

“Rich kid.” biro ni Irene. “Tara, para matikman mo na yung pinaka-masarap na shawarma sa balat ng QC.”

 

 

 

 

 

 

 

 

Palaging punuan sa shawarmahang pinuntahan nila kaya wala silang choice kundi ang umupo sa cargo space sa likod ng itim na Nissan Terra ni Seulgi. Naka-park na ito di kalayuan sa tindahan, mas kaunti kasi ang tao at sasakyang dumadaan dito.

 

 

“Excited na ko sa reaction mo. Try mo na daliiii!” sa sobrang excitement ni Irene siya na ang nagbukas ng wrapper ng shawarmang hawak ng kasama. Wala ring keber niyang kinagat yung dulo ng sauce para lagyan yung pagkain ni Seulgi.

 

 

“Thank you.” Nag-umpisa sa isang maliit na kagat si Seulgi hanggang sa di na niya namalayang malapit na pala niyang makahalati yung pagkain.

 

 

“Sabi sa’yo masarap eh!” Masayang sabi ni Irene na ngayon pa lang inumpisahang kainin yung binili nilang shawarma.

 

 

“Masarap nga. Lisa will like this.” nakangiting pag-sangayon ni Seulgi.

 

 

“Mukha ngang nasarapan ka may sauce ka dito.” Inabutan ni Irene si Seulgi ng tissue.

 

 

Pagkapunas ni Seulgi ng stain sa bibig ay nagsalita ito. “Reen, thank you ah?”

 

 

“You’re welcome. Ayaw ko namang umuwi kang may sauce sa bibig.”

 

 

“No, not that. Thank you kasi pumapayag kang makipagkita sa akin. I know you’re busy and exhausted sa work.”

 

 

“Ah yun ba? Di mo naman kailangang mag-thank you. I enjoy spending time with you, Seulgi. Kaya kahit na pagod ako i’ll make time for you.”

 

 

Nagliwanag ang mukha ni Seulgi sa positibong tugon ng kasama. “I love spending time with you too. Sa isang araw, one month na since we met.”

 

 

“Grabe ang bilis ng panahon no? Akalain mo isang buwan na yun?”

 

 

Seulgi nodded. “Is it too much kung aaminin kong I’m now happier than I’ve ever been? Close to a month na akong masaya, Irene.”

 

 

“Napapasaya kita?” malambing na ngiti ang itinugon ni Irene sa katabi.

 

 

“You do and I want to thank you for that.” hindi alam ni Irene kung kailan nagsimulang dumami yung mga alaga niyang butterfly sa tiyan. Halos ilipad na kasi siya sa kilig ng mga ito pagkarinig ng sinabi ni Seulgi.

 

 

“Seulgi, may sasabihin rin ako.” hinarap ni Irene ang katabi para magtama ang kanilang tingin. “You’ve given me courage to trust people again. Di ko alam kung ready na ba akong i-risk ulit lahat lahat ng meron ako pero tingin mo ba, good start na yun?”

 

 

Nalipat ang tingin ni Seulgi sa kamay ni Irene at walang pagaalinlangan niyang inabot ito. She held Irene’s hand and slowly intertwined their fingers. 

 

 

“It is, Reen.” nakangiting sag

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Soup rice!!!!

Kala niyo next month pa update, no? Hahaha


Sana maenjoy niyo ‘tong chapter. Alam ko masyadong slow burn ‘tong DSF compared to ANS pero sana samahan niyo pa rin ako sa journey na ‘to!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 24: Where are you na, author? Huhu
RVSone0105
879 streak #2
Chapter 24: They already said their I love you's pero wala paring label??
Gagi knows ko na kung sino reliable source ni Jooyoung, si Miya pala.

Hayyy sana magkahimala at mag update na si otor, naway mahanap niya na ang lost soul niya para makabalik na siya 🤞🙏
Etoile__
337 streak #3
Chapter 24: narinig ko na pagmagupdate si otor magpapaulan ng lechon si papa j
Goeynceilove
33 streak #4
Otornim nasaan kna po? Update ka na juseyo!
magcomeback na ang ASEUL😭🐻🐰
Etoile__
337 streak #5
Chapter 24: nalost na talaga ang soul ni otor, bumalik ka na pls 🥹😭😭😭
alexis_keithh
#6
IMISUUU AUTHORR 😖😖😖
Kylie_123 #7
1 year na 😭 miss u tor ❤️❤️❤️
messyleain #8
Chapter 13: Ganitong story hinahanap ko huhuhu
tonrene #9
Miss you po
patotie #10
Buong araw kong iniisip to fic na to. Buti nahanap ko! 🥲