2-Fita

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter


"Oh kala ko umuwi ka na? Ginagawa mo pa dito?" tanong ni Jennie kay Irene nang magkasalubong sila sa entrance ng clinic.


"Natapunan kasi ako ng iced coffee. Papalit ako ng damit." nakangiting sagot ni Irene. 


"Natapunan ka na ang laki pa rin ng ngiti mo? Loka loka ka na ba talaga at lahat na lang kailangan mo tignan in a positive way para lang di ka ma-stress?" tanong ni Jennie.


"Gaga! Siyempre nainis ako nung una kaso nabago ang lahat nung nakita ko mukha ni girl. Ano kasi..."


"Na-kyutan ka 'no? Anong name?" 


"Cute ka diyan! Ang amo lang kasi ng face parang ang hirap magalit sa kaniya."


"Sus! Di ka talaga na-kyutan? Bakit namumula ka?" 


"Oo na nga! Sige na...ang cute niya kahit nakasimangot."


"Kilalang kilala kita, Irene. Wala kang maitatago sa'kin. So, ano nga pangalan?"


"Sinubukan kong kunin yung pangalan kaso..."


"Kaso?"


"Kaso biglang umalis kasi nagmamadali daw siya."


"Ano ba yan, Ma. Irene! Lakas ng faith ko sa kagandahan mo kaso iniwan ka lang."


"Aray naman, girl. Preno ka rin minsan nirekta bangga mo agad eh. Di ako nakailag."


"Ay sorry di yun yung ibig kong sabihin." natatawang sagot ni Jennie. "Kasi naman minsan ka na nga lang magka-interes ganyan pa nangyari."


"Anong interes sinasabi mo diyan?" maang-maangang tanong ni Irene. 


"Edi yang smile mo na yan, huli kong nakita sa'yo yan nung ano pa..." huminto sandali si Jennie trying to gauge kung okay na ba kay Irene pag-usapan ang gusto niyang banggitin. 


"Oh alam ko na yang nasa utak mo. Wag mo nang ituloy." pagpigil ni Irene. "Sinabi ko naman sa kaniya na dito ako nagtatrabaho malay mo lalo manumbalik faith mo sa kagandahan ko pag nagpakita yun dito." dugtong niya para lang mapatahimik si Jennie.

 

 

 

 

 

 


"Ma! Bakit di niyo po ako ginising agad? Male-late na ako." reklamo ni Irene sa ina bago siya pumasok sa restroom para maligo. 


"Abang bata ito. Wala ka namang sinabing gisingin ka."


"Ma, naman eh. Alam niyo naman pong may pasok ako ng umaga di niyo pa po ako ginising."


"15 minutes ka lang naman late sa oras ng bangon mo hayaan mo na't magpahatid ka na lang sa tatay mo."


"Naku, Mama. Mas male-late ako sa bagal kumilos ni Papa." sagot ni Irene. 

 

 

 

 

 

 

 

 

". Four grab drivers na nag-cancel ng ride ko. I can't be late again today." reklamo ng babaeng ang aga-aga nakasimangot na sa kausap niya sa kabilang linya.


"Ang layo kasi ng Fairview sa destination mo baka kaya ayaw nila. Why don't you borrow one of Tito's cars na lang? Lalo ka lang ma-traffic pag nag-antay ka pa ng grab."


"You know I can't."


"You can, you just don't want to. Ay naku, Rain. You and your pride. Go na mag-commute ka na. You know naman how diba?"

 

"Anong tingin mo sa'kin, overprivileged kid? Of course, I know how. Para namang hindi ko ginagawa dati yan. I'll go ahead na nga see you later, Wen."


"Sige na. Ingat ka, Rain."

 

 

 

 

 

5:27 AM nang makarating si Irene sa Robinsons Nova para makasakay sa UV Express papasok. Nasa jeep pa lang siya ay nagdadasal na siyang sana ay makasakay siya agad at para makaabot sa 7AM shift kaya lang nabigo siya. Nanlumo siya sa haba ng pilang naabutan. Tatanggapin na lang niya ang 10 days suspension dahil sa tardiness sa trabaho. 

 

Mabagal na naglakad si Irene papunta sa dulo ng pila pero habang inililibot niya ang kaniyang mga mata sa paligid, may napansin siyang pamilyar na mukha. 


'Si cutie sungit!' sabi ni Irene sa sarili. 


"Kuya! Pila 'to ng SM North diba?" tinuro ni Irene yung linya kung saan nakapila yung babaeng nakatapon ng iced coffee sa kaniya. Nang masigurado niyang SM North din ang punta ni cutie sungit, agad niya itong nilapitan. 


'Lord, patawarin niyo po ako sa gagawin kong 'to.' dasal ni Irene bago siya dumeretso kay cutie sungit. 


"Hi! Kanina ka pa? Ito na pinabili mo oh." binuksan ni Irene ang bag niya at ibinigay sa kausap yung Fita na sana ay almusal niya. Natatawang naalala ni Irene yung commercial ng biskwit na iyon. Kalahating pirasong Fita kapalit ang putol na red sports car. Siguro naman pagbibigyan siya sa wish niyang makasakay agad ng van kasi isang buo naman yung inalay niya sa diwatang simangot.


"Ha? Irene?" takang tanong ng babae dahil sa tatlong rason. Una, bakit siya binibigyan ni Irene ng biskwit? Pangalawa, bakit siya kinakausap na para bang matagal na silang magkakilala? At pangatlo, bakit hindi na umaalis si Irene sa tabi niya? 


It only made sense nung nilingon niya ang dulo ng pila at nakita kung gaano na kahaba ito. Kung pamilyar ka sa larong Snakes, maihahalintulad na doon dahil nakailang zigzag na yung pila para lang magkasya ang mga tao. Walang sabi sabi na umurong ang babaeng ito para bigyan ng space si Irene sa tabi niya at para na rin hindi mahalatang nagpasingit siya.


'Buti na lang mabilis kang maka-gets, cutie sungit.' sabi ni Irene sa isip niya habang pinagmamasdan ang katabi. 


Gets naman niya kung bakit tahimik lang ito at hindi siya kinakausap pero ang hindi niya maintindihan ay yung simangot sa mukha ni cutie sungit kahit na nga napaka-aga pa. Gusto sana niyang chikahin kung bakit pero hindi na lang niya ginawa dahil baka magbago pa ang isip ng babae sa pagsingit sa kaniya. 


Nang makasakay na sila, no choice silang dalawa kundi ang magtabi sa upuan dahil magkasunod sila sa linya. Pasimpleng pinagmamasdan ni Irene ang kamay ng katabi dahil hawak-hawak pa rin nito yung biskwit kanina. Kung alam lang sana ni Irene na hindi naman kakainin yung Fita eh di sana hindi na niya ito ginamit as prop sa acting niya. Wala na siyang oras dumaan sa paborito niyang bakery kiosk mamaya 
sa SM kaya mukhang mamayang lunch na ang kain niya. 


"You want ba? You can have it back naman. Here." nagulat si Irene nang biglang magsalita yung tuod niyang katabi. 


'Puta naman, Ma. Irene! Napagkamalan ka pang patay-gutom.' sabi ni Irene sa isip niya. 


"haha hindi! Sa'yo na yan baka di ka pa nagbe-breakfast eh. Pa-thank you ko na rin, alam mo na."


"I don't eat..." 


"Ay di mo bet pag di imported?" biro ni Irene kaya lang lalo atang sumimangot yung kausap niya. 


"No, no. Hindi ganun. I just don't eat almusal." paglilinaw ng kausap ni Irene. 


Hindi pinahalata ni Irene sa katabi yung sense of relief nang marinig niya ang sagot ni cutie sungit. Akala niya kasi ibabalik sa kaniya yung biskwit. Napangiti ng siya ng very very slight dahil itinago na ng katabi yung bigay niya sa bag nito. 


"Merienda mo na lang mamaya baka magutom ka." sagot ni Irene. 


"Thanks, Irene." tipid na sagot ni cutie sungit at tsaka bumalik sa pagiging tuod, este tahimik. 


'Ang dry ng convo niyo, Irene! Hindi ganyan ang turo sa'yo ni Solar at Jennie!' sermon niya sa sarili. 


Bigla namang nagliwanag yung mukha ni Irene nang maalala niyang pwede pa niyang buhayin ang namaalam na nilang conversation. Kung yung k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Soup rice!!!!

Kala niyo next month pa update, no? Hahaha


Sana maenjoy niyo ‘tong chapter. Alam ko masyadong slow burn ‘tong DSF compared to ANS pero sana samahan niyo pa rin ako sa journey na ‘to!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 24: Where are you na, author? Huhu
RVSone0105
877 streak #2
Chapter 24: They already said their I love you's pero wala paring label??
Gagi knows ko na kung sino reliable source ni Jooyoung, si Miya pala.

Hayyy sana magkahimala at mag update na si otor, naway mahanap niya na ang lost soul niya para makabalik na siya 🤞🙏
Etoile__
334 streak #3
Chapter 24: narinig ko na pagmagupdate si otor magpapaulan ng lechon si papa j
Goeynceilove
30 streak #4
Otornim nasaan kna po? Update ka na juseyo!
magcomeback na ang ASEUL😭🐻🐰
Etoile__
334 streak #5
Chapter 24: nalost na talaga ang soul ni otor, bumalik ka na pls 🥹😭😭😭
alexis_keithh
#6
IMISUUU AUTHORR 😖😖😖
Kylie_123 #7
1 year na 😭 miss u tor ❤️❤️❤️
messyleain #8
Chapter 13: Ganitong story hinahanap ko huhuhu
tonrene #9
Miss you po
patotie #10
Buong araw kong iniisip to fic na to. Buti nahanap ko! 🥲