5-Ham Sandwich

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter

 

Parte ng pag-iwas ni Irene sa stress ay ang pangako niyang lulubay sa kahit anong usaping trabaho kapag rest day niya kaya naka-mute ang mga work-related group chat. Ang mga personal messages naman ay bihira niyang buksan lalong lalo na kapag pang umaga ang pasok niya.


Madalas kasing napapasarap ang kwentuhan nilang magkakaibigan kung chismis na ang topic.


Ang hindi niya alam na sa kakaiwas niyang magbukas ng chat ay siya na pala ang pinaguusapan.

 

 


 

 

 

 

 

 

 

 


Kinabukasan habang nasa jeep siya papuntang trabaho ay tsaka pa lang niya naisipang i-check ang unread messages niya. Biglang naginit ang cellphone niya sa sunod-sunod na pagpop-up ng mga chat.


Hindi niya na inisa-isa pang basahin dahil halos parehas lang naman ang laman ng mga mensaheng natanggap niya.


'Girl, may jowa ka na?', 'Sino yung chinita?', at ang pinaka-nakakapagtaka ay ang paulit-ulit na 'Ma'am ganda ang sarap ng siomai. Pakisabi thank you!' na galing kay Kuya Poy.


'Pota? Kailan pa nasali si Kuya Poy sa gc at isa pang pota kailan pa ako nagka-jowa?' nahihiwagaang tanong ni Irene sa sarili. Itinago na lang niya ang cellphone sa bulsa nang makita na niya ang bungad ng Robinsons mall.


Mamaya na lang niya haharapin yung mga chismosa niyang katrabaho at may pila pa siyang pagdadaanan.


Hindi pa naman male-late si Irene pero sa nakikita niyang mga kasabay na naglalakad, mukhang kailangan niyang bilisan dahil kung hindi ay baka magdilang-demonyita si Miya at magka-totoo nga ang araw-araw na dasal nitong ma-late siya.


Praktisado siya sa brisk walking sa clinic kaya mabilis lang niyang narating ang dulo ng pila. Gusto pa nga sana niyang mag-flip ng hair at ngisihan yung babaeng kasunod niya dahil balak ba naman siyang singitan pero she chose not to kasi baka mag-cause pa ng away. Ang mahalaga, mas nauna siya at hindi siya male-late.

 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Payapa. Tahimik. Kalmado. Matiwasay.


Dinadama ni Irene ang simula ng kaniyang peaceful morning nang biglang...


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


"Ay pota!" nagulat siya nang may kumalabit sa balikat niya kaya agad niyang nilingon ang may sala. Nanlaki ang mata niya sa tumambad sa kaniya. "Seulgi?! Ginulat mo ko!"


Mabilis pa sa kurap ng mata. Bahagyang-bahagyang nakita ni Irene ang pagngiti ng dalaga pero agad itong tumalikod at pag-harap ulit sa kaniya, balik na ito sa maamo pero simangot na mukha.


"Grabe, you walk so fast. I was calling you."


"Ay sorry, kasi itong si ate hinamon ako ng walkaton." bulong ni Irene habang patagong itinuro yung babae sa likod niya.


"Huh?" takang tanong ni Seulgi. Napakunoot ang noo sa pagiisip kung ano bang pinagsasabi ni Irene.


"Uy dito ka na." aya ni Irene na pumila na rin ang kausap.


"No." Seulgi waved her hand. "Gusto mo dun tayo? Nagpa-save ako sa isang miss doon ng spot natin. Let's go?" turo ni Seulgi sa bandang unahan ng pila.


'Oh my gaaad, is this love? Charooot.' sabi ni Irene sa sarili. Yung pamumula ng mukha niya pwede niyang isisi sa blush on pero yung malawak na ngiti niya wala siyang maibibigay na excuse.


Paano ba kasi dapat ang gawin sa kilig na naramdaman niya sa salitang 'natin' na natural lang na lumabas sa bibig ni Seulgi?


 

 

 

 

 

 

 

 


'Siya na ba, Ma. Irene? Siya na ba ang tutuldok sa dry spell? 

 

 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Charot! Di pa kita crush, Seulgi. Malapit pa lang.' sabi ni Irene sa sarili.


 

 

 

 

 

 

"Oh. Pila natin yun?" tanong ni Irene para siguraduhing sinasama talaga siya ni Seulgi.


"Yes pero we should go there na before the line starts moving."


Gulat man, mas nanaig kay Irene yung kagustuhang mauna sa pila kaya naglakad na siya papunta sa bandang unahan.

 

Medyo minalas lang sila sa nasaktong upuan dahil doon sila napuwesto sa pinaka-gitna ng van. Yung pwestong bagay lang sa mga maliliit na gaya ni Irene dahil madamot ito sa leg room.


Pag-upo pa lang nila ni Seulgi ay bakas na sa mukha nito ang discomfort dahil sagad na sagad ang tuhod niya sa sandalan ng mga nakaupo sa harap nila.


"Okay ka lang? Gusto mo sa next van na lang tayo para sa unahan tayo makaupo?" nagaalalang tanong ni Irene.


"It's okay, I'm fine. Baka ma-traffic tayo kapag sa next pa tayo sumakay."


"Sure ka ah? Pa-slant ka na lang umupo para mas may space pa." suggestion ni Irene. 


"Eh masisikipan kayo pag pa-slant ako umupo."


"Hindi, okay lang yan payat naman kaming tatlo. Tignan mo kaya kasyang kasya pa." Turo ni irene sa mga katabi niya.


Sumunod na lang si Seulgi sa mungkahi ni Irene for her knees' sake.


Natahimik na lang ang dalawa nang umandar na ang van. Parehas na nagnanakawan ng tingin sa isa't isa.


Gustong itanong ni Irene kung inabangan ba talaga siya ni Seulgi na dumating kanina pero that idea is too far-fetched kaya iniba na lang niya ang usapan.


"Ang aga mo lagi sa pila 'no?"


"Ah yeah, I live nearby kaya medyo maaga ako lagi." mahinang sagot ni Seulgi. "Did you like the chicken sandwich?"


"Ha? Ah...masarap yung sandwich kaso allergic kasi ako sa chicken kaya binigay ko sa ka-work ko." wala sa pagkatao ni Irene ang mag-sinungaling kaya kahit na nga nagpapacute siya ay sinabi niya pa rin ang totoo. "...pero na-enjoy ko naman yung juice." nakangiting dugtong niya.


"Oh , sorry. I didn't know. I should have asked you first pala kung may allergy ka. Nakakahiya tuloy." napakamot sa likod ng tenga si Seulgi.


"Ano ka ba okay lang yun. Tsaka di naman lahat ng tao maiisip itanong yun. Na-appreciate ko naman yung gesture." nakangiting sagot ni Irene. 


"It was supposed to be my pambawi for spilling my coffee on you but still palpak pa rin pala."


"Sabi naman sa'yo you don't have to make bawi-bawi, you just have to make laban-laban in life." natatawang sagot ni Irene. She's bold to make fun of Seulgi's taglish way of speaking pero naisip niya na baka sakaling maging daan ito para mas mapalapit sila sa isa't isa.

 


"W-what? Laban-laban?" napakunoot noong tanong ni Seulgi.


Sinubukang pigilan ni Irene yung tawa niya pero napahalakhak siya ng medyo malakas dahilan para magising yung mga katabi nila. "Hahaha ginagaya lang kita magsalita."


"Hey, I don't speak like that. Di ako conyo." bahagyang nakanguso na sagot ni Seulgi. 


'Aba pota ba't nagpapacute 'tong pup na 'to?' sabi ni Irene sa sarili. 


"Oo kaya!" sagot niya kay Seulgi.


"Hindi ah. Kaya kong magsalita ng deretsong tagalog."


"Sige na, oo na. Di ka na ganun magsalita." nang-aasar na sagot ni Irene habang pinagmamasdan yung nakasimangot na mukha ni Seulgi. Malapit na sa itsura ng batang nagmamaktol.


"Ah ito, para makabawi ako sa pag-tatapon ng malamig na kape sa likod mo tsaka...uhm, para sa pagkain mo ng manok na...what's the tagalog for allergy? Basta...tanggapin mo please?" halata sa pananalita ni Seulgi na pilit niyang tinagalog yung gusto niyang sabihin.


"Tunog Google Translate ka, Seulgi." sabi ni Irene pagtapos ay napahalakhak na naman siya ng medyo malakas.


Napatingin si Seulgi sa katabi ni Irene na masama na ang tingin dahil sa pang-iistorbo nila

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Soup rice!!!!

Kala niyo next month pa update, no? Hahaha


Sana maenjoy niyo ‘tong chapter. Alam ko masyadong slow burn ‘tong DSF compared to ANS pero sana samahan niyo pa rin ako sa journey na ‘to!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 24: Where are you na, author? Huhu
RVSone0105
877 streak #2
Chapter 24: They already said their I love you's pero wala paring label??
Gagi knows ko na kung sino reliable source ni Jooyoung, si Miya pala.

Hayyy sana magkahimala at mag update na si otor, naway mahanap niya na ang lost soul niya para makabalik na siya 🤞🙏
Etoile__
335 streak #3
Chapter 24: narinig ko na pagmagupdate si otor magpapaulan ng lechon si papa j
Goeynceilove
31 streak #4
Otornim nasaan kna po? Update ka na juseyo!
magcomeback na ang ASEUL😭🐻🐰
Etoile__
335 streak #5
Chapter 24: nalost na talaga ang soul ni otor, bumalik ka na pls 🥹😭😭😭
alexis_keithh
#6
IMISUUU AUTHORR 😖😖😖
Kylie_123 #7
1 year na 😭 miss u tor ❤️❤️❤️
messyleain #8
Chapter 13: Ganitong story hinahanap ko huhuhu
tonrene #9
Miss you po
patotie #10
Buong araw kong iniisip to fic na to. Buti nahanap ko! 🥲