7- Vikings: free dinner

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Yeri, Mimi gets her health check ups sa 5th floor ng SM na, right?" tanong ni Rain kay Yeri nang magkita sila sa dirty kitchen ng bahay nila Rain.


"Oo, Ate Rain. Bakit?"


"Wala naman. I just want to know bakit siya lumipat ng clinic? Diba sa clinic sa Trinoma siya before?"


"Nag-transfer kasi yung doctor niya sa SM kaya sumunod sa kaniya lahat ng patients." paliwanag ni Yeri.


"Oh, I see." saglit na natahimik si Rain. Iniisip niyang mabuti kung dapat ba niyang itanong kay Yeri yung kanina pa gumugulo sa utak niya.


"Uy, Ate Rain natulala ka na diyan. Oh sandwich, pag-prepare kita gusto mo?" alok ni Yeri.


"No muna. I just woke up." sagot ni Rain.


"Okay sabihan mo na lang ako pag-gutom ka na."


"Uhm...Yeri? Kilala niyo na ba yung mga staff dyan sa clinic?" pahabol na tanong ni Rain.


"Medyo. Ilang linggo na rin kasi kaming pabalik-balik ni lola dun."


"Hmmm...okay naman? I mean, good service ba?" tanong ni Rain na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakahanap ng magandang timing para itanong kay Yeri yung gusto niyang makuhang information.


"Oo, Ate Rain. Mababait yung mga staff tsaka maasikaso. Yun ngang nurse na nirereto sana sa'yo ni Lola Con super bait tsaka sobrang ganda. Kaso sayang, ayaw mo eh."


"Nurse? Nurse doon?" gulat na tanong ni Rain.


"Ano ka ba? Diba nakwento na namin sa'yo? Nurse Ganda pa nga tawag ni Lola Con eh." sagot ni Yeri habang ngumunguya ng huling kagat sa kaniyang sandwich.


"Are you serious? I can't remember na sinabi niyo."


"Oo kaya, sobrang focused ka kasi sa pag-reject kay Lola Con kaya siguro di nag-register sa utak mong nurse yung tinutukoy namin."


Napakunot noo si Rain dahil she's trying to rack her brain of this new found information pero wala talaga.


"You know her name?" pag-usisa ni Rain sa kausap.


"Name nino? Nung nurse? Uy si Ate Rain biglang naging interesado. Yiiiieee! You have a thing for nurses pala?" pangaasar ni Yeri.


"W-wala! No!" nauutal na pagtanggi ni Rain. "I just want to know 'coz nurse din diyan yung new friend ko." paliwanag niya.


"Edi tanong mo na lang sa friend mo kung sino yung pinaka-magandang nurse doon."


Napangiti ng bahagya si Rain dahil kahit hindi pa man niya nakita lahat ng nurses sa clinic na iyon ay sigurado siyang si Irene ang pinakamaganda. Biglang sumagi sa isip niya yung unang beses na nasilayan niya ang mukha ni Irene. Inakala niyang galit ang aabutin niya noong matapunan niya ng kape ang dalaga. Hinding hindi niya makakalimutan ang bilis ng pagbabago ng ekpresyon ng mukha nito mula sa inis hanggang sa mapalitan ng isang nakakabighaning ngiti ang sumalubong sa kaniya. 


"Hala! Totoo ba 'to?! Smile ba yung nakita ko, Ate Rain?!" sigaw ni Yeri.


"Aaah you're loud, Yeri." sagot ni Rain habang bahagyang lumayo sa tabi ng kausap.


"Eh kasi naman malala pa sa leap year yang smile mo. Sobrang bihira ko lang makita. Dahil ba nalaman mong maganda yung nirereto sa'yo ni Lola?"


"No! Of course not!" depensa ni Rain.


"Ibabalita ko 'to kay Lola Con matutuwa yun. Kaya lang ate..." saglit na nag-pause si Yeri para ngisihan ang pinsan.


"Kaya lang what?" kunot noong tanong ni Rain.


"...balita ko may manliligaw na daw. Sayang kasi nung tinanong ni Lola Con kung may girlfriend si Nurse Ganda ang sagot niya wala pero baka daw maghanap na siya ng girlfriend."


Nanlaki ang mata ni Rain sa narinig.


"You mean she's..." hindi na naituloy ni Rain ang tanong niya dahil inunahan na siya ng pinsan sagutin ito.


"Di ako siyempre 100 percent sure pero si Nurse Ganda na mismo nagsabi, girlfriend ang hanap niya." nakangising sagot ni Yeri.


"What's her name nga?" pagulit ng tanong ni Rain.


"Haaay naku nasa huli talaga ang pagsisisi, ano? Hahaha!" pangaasar ni Yeri. "Wala na may manliligaw na yun." sabay lakad ni Yeri palabas ng dirty kitchen.


"Yeri, c'mon! Tell me her name." tanong ni Rain.


"Oh ngayon interesado ka?"


Tumango si Seulgi na may kunot pa rin sa noo. She's trying her best na hindi mapikon sa pangaasar ng pinsan.


"Hahaha! Ayan na salubong na naman kilay mo. Sige na sasabihin na."


Rain scoffed out of frustration. "Dali naaaa."


"Irene. Nurse Irene tawag namin ni Lola sa kaniya."


Yung kaninang simangot na mukha ni Rain ay unti-unting nagliwanag at kitang-kita ni Yeri paano nabuo yung nakakalokong ngiti sa mga labi ng pinsan niya.


"Parang ewan, Ate Rain. Ngingiti tapos sisimangot tapos mags-smile na naman. Di mo ba narinig sinabi ko? Wala ka ng pag-asa dun kasi may manliligaw na nga daw."


Di pa rin pinansin ni Rain ang sinabi ng pinsan. "Get changed, Yeri. Punta tayong clinic."


"Hala si Ate. Ganun mo ba gustong makita si Nurse Irene? Sabado ngayon napakaraming tao dun sa clinic! Tsaka anong gagawin natin dun?"


"We'll just visit my friend and then get Mimi's lab results or something." sagot ni Rain.


"Sus! Excuses! Kung result lang kailangan mo meron akong hard copy, pwede ko rin i-forward sa'yo yung soft copy na sinend nila sa email ko."


"Oh." saglit na natameme si Rain. "Edi magpa-check up ka or I don't know basta come with me." pamimilit ni Rain.


"Grabe, Ate Rain. Gusto mo talaga makita kung gaano kaganda? Pero sorry, may major exam ako sa monday kaya kailangan ko magreview. Di kita masasamahan sa landi quest mo."


"What? I'm not going there to make landi. Visit lang natin yung friend ko sana."


"Oo na lang. Visit visit friend bakit kailangan kasama ako?" panguusisa ni Yeri.


"Basta!" nakasimangot na sagot ni Rain.


"Init na naman ulo eh. Sorry talaga, Ate Rain. Kailangan kong mag-review."


Parang tutang nagtampo si Rain nang marinig ang pagtanggi ng pinsan. Tahimik na lang siyang tumalikod at nag-isip ng magandang dahilan para makapunta sa clinic.


Pagdating niya sa may hagdan paakyat ng kwarto ay biglang pumasok sa isip niya si Lisa kaya agad niyang kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang pyjamas.

 

"Good morning!" bati niya nang sagutin ni Lisa ang call makalipas ang ilang ring.


"Rain? Good morning???" takang tanong ni Lisa.


"Yeah! Good morning! Where are you?"


"Wait, Rain is this really you? Bakit ang taas ng energy mo?" takang tanong pa rin ni Lisa. Sinilip niya pa ang phone niya para lang masiguradong si Rain nga ang kausap.


"Can't I be energetic, ha? Where are you nga?" Rain asked.


"You can naman but not this time of the day. Why are you up so early? Binati mo pa akong good morning." hinihingal na sagot ng kaibigan ni Rain.


"Are you out on a jog?" tanong pabalik ni Rain.


"Yes, bud. Dito ko sa likod ng SM Fairview." sagot ni Lisa.


"Go home, Lisa. Take a shower then magbihis ka. I'll pick you up in 30 minutes."


"What?! Saan tayo pupunta? 30 minutes is not enough, Rain. Uuwi pa ako."


"We're neighbors, Lisa. Katapat lang natin yang jogging area mo kaya I know 30 minutes is more than enough."


"Alam mo kahit di kita yang face mo. I know you're frowning. Saan muna tayo pupunta?" tanong ni Lisa.


"You're going to have your annual physical exam? Or magpa-check ka ng blood. Kahit ano." nagaalinlangang sagot ni Rain.


"Annual physical exam?! Blood check?! Are you drunk, Rain?! Anong pinagsasabi mo?"


"I need to see someone so you need to come with me. Ikaw gagawin kong excuse." sagot ni Rain. 


"Buddy, can't you explain na maiintindihan ko? You need to see someone. Okay, I get it. I can come with you pero why do I have to undergo medical procedures?"


"Hindi ba pwedeng sumama ka na lang? I really need an excuse to go there or else she'll think I'm a creep."


"She?" mapang-asar na tanong ni Lisa. Narinig na lang niya ang mahabang pagbuntong-hininga ng kausap sa kabilang linya kasunod ang nakakabinging katahimikan. Madalas ganito si Rain, tatahimik at tatakas sa mga sitwasyong hindi niya gustong harapin.


"Wag na nga. I'm hanging up!" sagot ni Rain sa kaibigan.


"Woah woah! Chill, buddy! You know naman I'd support you in anything you do, diba? But, this one's different. We're talking about needles and scary doctors here. I need to at least know your reason, eh?"

 

 

"If I tell you, would you come and help me?"


"Of course, bud. Now, tell me who is this 'she' you need to see?"


"Come here quick and then I'll tell you." maikling sagot ni Rain.


Pagkatapos nilang mag-usap ay agad umuwi si Lisa sa kanila para maligo. Hindi niya sigurado kung anong eksaktong plano ni Rain pero as a supportive bestfriend wala siyang choice kundi ang samahan ang kaibigan.

 

 

 

 

 

 

 

 

"Rain, my dear friend. Are you perhaps bitten by a love bug this past week?" malokong tanong ni Lisa pagsakay niya sa sasakyan ni Seulgi.


"Shut up, Lisa." masungit na sagot ni Rain sa kaibigan. Di na siya nag-aksaya ng oras at inistart na ang sasakyan.


"Hep! Not so fast! May utang ka pang kwento sa akin." paggpigil ni Lisa.


Rain sighed loudly. Inangat niya ang handbreak at in-on ang hazard lights ng sasakyan. "Fine! I met someone. She works as a clinic nurse sa SM-North. Siya yung pupuntahan natin. Okay na?" mabilis na paliwanag niya.


Umiling si Lisa habang nakangisi. "Nope. Not yet satisfied."


"Lisa, why are you doing this to me? Do I have to tell you everything? I know you know what this is." napangiti na rin si Rain dahil sa hiya. Mabuti na lang at di napansin ni Lisa ang pamumula ng tenga niya.


"Hmmm, no. I have no idea, bud." maangmaangang sagot ni Lisa. 


"Kailan ka pa nahilig sa gossip, huh?" di napigilang tanungin ni Rain ang kaibigan.


"I'm not chismosa Rain, you know that. But as your friend, concerned lang ako. This is the first time I heard this kwento." sagot ni Lisa na ngayon ay wala ni katingting na pangaasar sa tono.


"Okay fine sasabihin ko na. I accidentally spilled coffee on someone a few days back, I was kinda rude to her kasi super busy ako and was in a hurry that time so I left lang agad after saying sorry." tumango lang si Lisa habang nagku-kwento ang kaibigan. "I felt guilty and wanted to apologise properly kaso nga there's no way I'll see her again. The next day, napilitan akong mag-public transport papasok sa office kasi pinaayos ko 'tong car ko. That was when I met her again! Sa pila ng UV diyan sa Robinsons! What are the odds, right?"


"Bud, this sounds like a cheesy romcom but yeah, go on. Kwento ka pa." natatawang sabat ni Lisa.


"Isa, Lisa. I won't tell you all the details if you continue teasing me." tinitigan muna ng masama ni Rain ang kaibigan bago nagpatuloy. "Okay na? So, ayun nga. Weird kasi she approached me first. Yun pala she wanted to cut in line. She

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Soup rice!!!!

Kala niyo next month pa update, no? Hahaha


Sana maenjoy niyo ‘tong chapter. Alam ko masyadong slow burn ‘tong DSF compared to ANS pero sana samahan niyo pa rin ako sa journey na ‘to!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 24: Where are you na, author? Huhu
RVSone0105
877 streak #2
Chapter 24: They already said their I love you's pero wala paring label??
Gagi knows ko na kung sino reliable source ni Jooyoung, si Miya pala.

Hayyy sana magkahimala at mag update na si otor, naway mahanap niya na ang lost soul niya para makabalik na siya 🤞🙏
Etoile__
335 streak #3
Chapter 24: narinig ko na pagmagupdate si otor magpapaulan ng lechon si papa j
Goeynceilove
31 streak #4
Otornim nasaan kna po? Update ka na juseyo!
magcomeback na ang ASEUL😭🐻🐰
Etoile__
335 streak #5
Chapter 24: nalost na talaga ang soul ni otor, bumalik ka na pls 🥹😭😭😭
alexis_keithh
#6
IMISUUU AUTHORR 😖😖😖
Kylie_123 #7
1 year na 😭 miss u tor ❤️❤️❤️
messyleain #8
Chapter 13: Ganitong story hinahanap ko huhuhu
tonrene #9
Miss you po
patotie #10
Buong araw kong iniisip to fic na to. Buti nahanap ko! 🥲