20- Pansol: Boodle Fight

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter

 


Happiness. Ang daling bigkasin pero ang hirap namang kamtin. Marami sa atin ang nag-give up na lang sa salitang ito. Mayroon dyang kuntento na lang sa natatamasang katahimikan, “Di baleng hindi masaya basta hindi malungkot.” sabi ng ilang Juan Dela Cruz.


Ano nga bang klase ng pakiramdam iyon? Maaari siguro nating hiramin ang salitang Emptiness sa wikang Ingles. Hindi eksaktong kasing-kahulugan pero pwede na, mapagtiya-tiyagaan na.


Gaya ng ilang taong pagtiya-tiyaga ni Irene sa pakiramdam na ito. Nagmahal, sumaya, umasa, nasaktan, at nag-settle na lang sa ‘basta walang pain, okay na.’ Parang sa tuwing tatanungin siya ni Facebook kung what’s on her mind eh may matinding desire na mag-status ng —Feeling empty.


Ilang friend request rin ang dinecline ni Medina sa Facebook, sinet to private ang Instagram, at naging mailap sa pagbibigay ng cellphone number niya sa mga nag-try. Mga sumubok pero nabigo. Nagbakasakaling may tsansa silang maligawan ang dalaga. Kaso wala eh, ang tindi ng pagkakalugmok ni Irene sa madilim na kwebang nag-offer ng katahimikan kapalit ang kawalan ng kasiyahan.


Don’t get her wrong, wag rin sanang husgahan. Di siya pinabayaan ng pamilya’t mga kaibigan niya. Hindi siya iniwan sa pinakamadilim na bahagi ng buhay niya. Todo-todong suporta ang ibinigay sa kaniya at sobra niya iyong na-appreciate. Ang kaso may naiwan talagang malalim na puwang sa damdamin niyang kahit anong gawin niya hindi niya mapunan-punan.


Nagpatuloy sa buhay hanggang sa unti-unti niya nang matutunang maging masaya na hindi umaasa sa iba. Her friends saw this as a sign na sa wakas naka-move on na siya. Naka-alpas na sa masalimuot na tagpo ng buhay-pag ibig niya. 


And then on a one fine day, here comes cutie sungit. Dumating sa buhay niya na parang bagyo. Lakas ng dating eh. Yung singkit na nakatapon ng kape sa kaniya pero hindi niya ikinagalit bagkos ay ikinatuwa pa nga niya. Pero siyempre secret lang iyon para may matira naman siyang pang depensa kapag inasar siyang marupok nila Joy at Jennie. Si Solar? Hindi mang-aasar iyon, magmamasid lang. Siya yung nagsisilbing taga-hawi ng layag ng bangka ni Irene papunta sa tamang direksyon ng hangin. Sail is vital lalo na kapag may matinding bagyo habang pumapalaot diba?


Okay, so balik tayo sa happiness. Ito si Ma. Irene Medina ngayon, ang babaeng naka-alpas na sa emptiness at ready nang palitan ang lumang Facebook status niya. From —Feeling empty to —Feeling overjoyed. Yes, you read that right! Kulang yung salitang happiness kaya mas fit yung overjoyed para kay Irene.


Curious na kayo kung bakit ano? Eh sino ba naman ang hindi masosobrahan sa kasiyahan eh kasama lang naman niya yung crush slash ka-exlusive dating niya sa pinaka-likod ng Kakaragkarag na Starex van nila. Ayun si Seulgi naka-lapat ang ulo sa mga hita ni Nurse Ganda, ang himbing ng tulog. Habang siya naman ay di magkamayaw sa pagtitig at sa pagkilatis sa bawat sulok ng mukha ni Seulgi. Kulang na lang ay bilangin niya yung mga hibla ng kilay nito sa sobrang tagal na niyang nakatitig. Mamaya pagmulat ng mata ng La Salistang ito una niyang itatanong kung anong skin care products ang ginagamit dahil ang ganda ganda ng skin. Galak na galak rin siya kapag biglaang pumepreno ang tatay niya kasi free pass yun para sapuhin yung ulo ni Seulgi. Aba syempre hindi niya hahayaang malaglag sa sahig yung magandang babaeng nakahiga sa lap niya.


“Huy! Wag mong chansingan ‘yang si sis-in-law ko!” Malakas na bulong ni Henry nang aksidente niyang makita ang paghawak ni Irene sa pisngi ni cutie sungit. Nakaupo siya sa gitnang bahagi ng sasakyan pero napalingon siya sa likuran dahil sa narinig na pigil na paghagikgik ng kapatid.


“Ang epal mo, kuya! Hindi chansing ‘yun! Alangan pabayaan kong sumubsob sa lapag?” Depensa ni Irene.


“Eh bakit ka nagpipigil ng tawa dyan? Rinig na rinig ko paano ka kiligin. Isusumbong kita kay sis mamaya.”


“Ay naku ewan ko sa’yo, Kuya. As if naman! Matulog ka na nga lang diyan.”


Tinitigan lang siya ni Henry sabay sabing “Tsk tulog? Eh ang lapit na natin oh. Gisingin mo na ‘yang si Seulgi.”


Gustuhin mang itago ni Irene yung disappointment niya, di niya magawa. Malapit means baba na sila and baba na means a missed opportunity to look at cutie sungit’s adorable face. Tinawanan na lang siya ni Henry. “Gisingin mo na!” this time hindi na nagpigil ang kuya niyang lakasan ang pagsasalita.


Inirapan naman pabalik ni Irene si Henry. “Oo na.”

 

 

 


“Seulgi…” tawag ni Irene habang dahan-dahang tinatapik ang kaliwang pisngi ng dalaga.


‘Lord, ang cute niya po huhu.’


Masyado na ata siyang nag-eenjoy kaka-caress sa fluffy cheek ni Seulgi kasi di na niya namalayang nakadilat na pala ito. Pagka-lagkit lagkit ng titig sa kaniya.


“Good morning.” Mahinang bati nito sabay hawak sa kamay ni Irene na for some unknown reason eh hindi natanggal ni Medina sa pisngi ni Seulgi. 


Mukha na naman silang nasa eksena ng romantic film ni Direk Olivia Lamasan. Mala-Got2Believe na eksena ni Rico habang nakatitig lang sa magandang mukha ng tulog na si Claudine. Kulang na nga lang talaga eh ang pag-play ng cheesy background music at biglaang pag-litaw ng flashback scenes ni Irene at Seulgi para talagang tatak-Inang Olivia ang tagpo.


Tahimik na nagtitigan habang nakapaloob ang maliit na kamay ni Irene sa kamay ni Seulgi. Nang sapat na ang katahimikang namagitan sa kanilang dalawa, binigyan na ni Seulgi ng isang pagkalaki-laking ngiti si Nurse Ganda. “Ikaw ah, chansing ka ah.” Sabay ngisi.


‘Shet. Huli. Paano po lamunin ng lupa?’ Tanong niya sa sarili.


Di na nag-antay ng sagot si Seulgi kasi sapat na para sa kaniya yung pagkapula-pulang pisngi ni Irene. Sa totoo lang kanina pa siya gising. Yung huling napalakas na apak sa preno ng tatay ni Irene ang gumising sa kaniya. Hindi na lang siya dumilat dahil nae-enjoy rin niya ang maingat na paghaplos ni Irene sa pisngi niya.


Manhid na lang ang aayaw sa skinship with crush!

 

 


“Gising ka? Narinig mo kami ni kuya ‘no?” Tanong ni Irene kay Seulgi nang makababa sila ng sasakyan.


Nginitian lang ulit niya si Medina at nag-umpisang hakutin ang mga gamit nila. Yung gym bag ni Seulgi na dapat si Irene ang magpe-prepare pero naunahan siya ni Yeri, binitbit rin ni cutie sungit yung pink na back pack ni Irene, last but not the least yung hindi fully inflated floater na dala dala nila ni Yeri mula sa mansion ng mga Madrigal. Ibinalita kasi ni Yeri sa kaniya na hindi pala marunong lumangoy yung magandang nurse.


“Huuuuy! Di kita tsina-chansingan ah? Hinawakan ko lang yung mukha mo para di ka masubsob.” Paliwanag ni Irene. 


“I know naman, I was just messing with you. Ang cute mo kasi.” Nilipat ni Seulgi yung nakasukbit na salbabida sa kabilang balikat niya at tsaka hinawakan ang kamay ni Irene.


Sobrang effective na pang paamo ng hawak ni Seulgi dahil di na nagtanong pa ulit si Irene, sinabayan na lang niya si singkit sa paglalakad papasok ng resort habang idinuduyan niya yung magka-hawak nilang kamay.

 

 

 

 

 

                        Welcome to Sheldan Resort


Malaki pero simple yung nirentahang resort ng mga magulang ni Irene, Actually, si Henry ang inutusan ng mag-asawa para mag-book ng matutulyan nila ngayong weekend. Hindi masyadong nag-effort ang binata sa paghahanap ng private pool sa Pansol dahil busy ito sa pag-lalaro. Kaya yung unang lumabas sa Google search niya ng ‘mura at magandang private hotspring resort sa Laguna’ ay agad siyang nag-message sa Facebook page nito.


Mabuti na lang at malinis ang lugar. May isang detalye lang na hindi na napagtuunan ng pansin ni Henry nang magkasundo sila sa presyo.


“Miss diba po apat ang rooms dito? Bakit tatlo lang ‘tong susi?” Tanong ni Henry sa care-taker.


“Ay, sir. Hindi po ba nasabi sa inyo ni ma’am ko na hindi po available yung isa? Gawa po ng kakatapos lang mag-pintura doon kahapon, maamoy pa po.”


“Ha? Akala ko apat talaga magagamit namin. Teka lang po ah? Message ko lang po yung may-ari.” Pagkabukas na pagka-bukas ni Henry sa chatbox nila ng may-ari ng resort bumungad sa kaniya yung huling mensahe.


‘Sir Henry, okay lang po ba na 3 rooms lang maio-offer namin sa inyo? Under rennovation po kasi yung pang-apat at hindi po siya available sa araw ng booking niyo?”


Napakamot-ulo na lang si Henry nang mabasa niya kung ano ang reply niya.


‘Okay lang po.’ Kasunod na noon ay yung downloaded Gcash receipt ng payment nila.  Malamang ay nagmamadali siya ng mga panahon na iyon kaya hindi na niya inintindi ang sinabi ng may-ari.


“Yare.” Bulong ni Henry. Nagapasalamat na lang siya sa care-taker at naglakad na papunta sa mga kasama.

 

 

 

“Ma, Pa, ito po susi dun sa kwarto sa may balcony sa second floor.” Pagkabigay niya ng susi ay agad namang umakyat ang mga magulang nila ni Irene.


“Seulgi, Yeri. Ito naman yung sa inyo.” Sabi ni Henry sabay talikod papunta sa sarili niyang kwarto.


“Teka, Kuya! Saan yung susi ng kwarto ko?” Habol ni Irene.


Tumigil sa paglalakad si Henry pero hindi siya bumalik sa kinatatayuan kanina para may sapat siyang distansya mula sa kapatid. “Ha? Ah eh ano…bunso…hehe” nakangising sagot nito. “Ano kasi…apat talaga rooms dito eh kaso ano…”


Tinaasan na ng kilay ni Irene si Henry.


“…kaso amoy pintura daw yung isa kaya di pwede gamitin. Sama ka na lang kila sis-in-law. Dun naman kayo sa may pinakamalaking kama eh.” 


“Ano ba yan, kuya! Dun ka matulog kila Mama! Akin na yang susi ng sa’yo.” 


“Ayoko nga! Magigising si Papa pag naglaro ako mamaya!” Pagtanggi ni Henry.


“Isa, Kuya! Bumalik ka dito!” Sigaw ni Irene na akma nang hahabol sa mabilis na paglalakad ni Henry. May kamay nga lang na humawak at pumigil sa kaniya.


“Reen…it’s okay. The bed’s big naman daw. We’ll fit. Diba ‘no, Yeri?” 


“Ha? Ah oo naman. Payat naman ako, Ate Irene. Kasya tayo. O kaya sa lapag ako matutulog.” Sagot ni Yeri.


“No, No.”
“Uy, naku hindi!”


Sabay na sagot ni Irene at Seulgi.


“The bed’s big. Kasya tayo diyan. Let’s go?” Aya ni Seulgi.


Wala nang nagawa si Irene kundi ang sumunod. Napag-isip isip na rin niya kasing exciting na makasama si Seulgi—— ang mag-pinsan sa iisang kwarto.


Pero nakaramdam ulit siya ng inis sa kapatid nang makita niya yung kama nila. “Yari ka sa’kin talaga mamaya.” Banta ni Irene sa kapatid.


King-sized bed kasi ang inaasahan niyang aabutan nilang tatlo pero iba ang sumalubong sa kanila. Di niya mawari kung full-double ba ito o queen dahil sa alanganing sukat. 


Malaki sa full-double pero maliit sa queen. In short, bitin para sa tatlong tao.


“Ayos, sardinas gaming naman pala tayo mamaya.” Biro ni Yeri habang nagba-bounce bounce sa inuupang kama.


“Hey, if masikip i’ll sleep on the floor.” sabi ni Seulgi. “Oh oh, I know what you’re thinking. You or Yeri, no.” Umiling siya. “Di kayo pwedeng matulog sa floor.”


“Oh edi di rin kita papayagang matulog sa sahig. Dun na lang ako kay kuya.” Ramdam ni Seulgi yung inis ni Irene kaya nilapitan niya ito. 


“Hey, don’t frown na. Dito ka na lang, like Yeri said. Sardinas gaming tayo later. Hmm?” Pa-cute niyang aya.


‘haaay Maria napakarupok mong nilalang. Nilambing ka lang konti nawala na yung inis mo.’ Sabi ni Irene sa sarili. Tumango na lang siya at sinipat sipat ang kabuuan ng kwarto. 


Santorini-inspired ang theme ng buong private resort na ito. White walls and decors with blue accent sa paligid. Yung mismong pool nga sa tapat ng kwarto nila sa ground floor ay asul na asul ang kulay ng tiles na ginamit. Mukha tuloy

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Soup rice!!!!

Kala niyo next month pa update, no? Hahaha


Sana maenjoy niyo ‘tong chapter. Alam ko masyadong slow burn ‘tong DSF compared to ANS pero sana samahan niyo pa rin ako sa journey na ‘to!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 24: Where are you na, author? Huhu
RVSone0105
880 streak #2
Chapter 24: They already said their I love you's pero wala paring label??
Gagi knows ko na kung sino reliable source ni Jooyoung, si Miya pala.

Hayyy sana magkahimala at mag update na si otor, naway mahanap niya na ang lost soul niya para makabalik na siya 🤞🙏
Etoile__
338 streak #3
Chapter 24: narinig ko na pagmagupdate si otor magpapaulan ng lechon si papa j
Goeynceilove
34 streak #4
Otornim nasaan kna po? Update ka na juseyo!
magcomeback na ang ASEUL😭🐻🐰
Etoile__
338 streak #5
Chapter 24: nalost na talaga ang soul ni otor, bumalik ka na pls 🥹😭😭😭
alexis_keithh
#6
IMISUUU AUTHORR 😖😖😖
Kylie_123 #7
1 year na 😭 miss u tor ❤️❤️❤️
messyleain #8
Chapter 13: Ganitong story hinahanap ko huhuhu
tonrene #9
Miss you po
patotie #10
Buong araw kong iniisip to fic na to. Buti nahanap ko! 🥲