15- Matcha Cake

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Uncertainty—sabi ni google ito daw yung “state of being uncertain” Ibig sabihin, nasa katayuan ka ng walang katiyakan, malabo. Kasing labo ng buhay ni Irene pagkatapos niyang makipagsapalaran sa Estados Unidos ng tatlong noon. Pag-uwi niya sa Pilipinas hindi niya alam ang gagawin, saan mag-sisimula, at kung paano babangon mula sa pagkaka-lugmok.

 

 

Masyado siyang maraming inilabas na luha dahil sa isang failed relationship at nawalan siya ng panahon para i-direct yung buhay niya sa tamang landas. Kaya ang ginawa niya, hinanap na lang muna niya yung rason bakit takot na takot siya sa uncertainty ng buhay niya. Sabi ulit ni google ayaw ng mga tao mapunta sa ganitong sitwasyon kasi “you fear how you would fare if things went badly.”

 

 

‘Aaaah, oo nga. Nakakatakot nga namang isipin anong magiging lagay mo pagkatapos ng sakuna.’ pagtanggap niya sa sitwasyon.

 

 

The moment na nahanap na niya ang sagot, nagpatuloy na lang siya sa buhay. Nag-baka sakaling tatanggapin ulit siya ng clinic na pinagtrabahuhan niya noon bago siya lumipad papuntang US. Nagkataon naman na naroon pa rin ang mabait niyang manager kaya hindi nahirapan si Irene na makabalik sa dating trabaho.

 

 

Akala niya ito na yung unang hakbang para makatakas sa pagkakakulong sa uncertainty ng buhay niya, hindi pa pala.  Dahil sa unang araw ng pag-pasok niya hindi niya inasahang ibang Miya na pala ang dadatnan niya. Yung dating kasanggang-dikit niya, hindi na niya kilala. Yung dating kasabay niyang tumawa sa mga walang kapararakang bagay, naka-ismid na sa tuwing lalapitan niya. At yung dating karamay niya sa lungkot at ligaya ay siya ng dahilan ng madalas niyang pagdurusa.

 

 

Lumipas ang dalawang taong hindi nasagot ni Irene ang matagal na niyang tanong. ‘Anong nagbago? Bakit nag-iba na lang bigla ang bestfriend niya?’

 

 

 

 

 

 

 

 

“Mamsh, tawag tayo ni Ma’am Apple.” agad na sabi ni Joy kay Irene nang makasalubong niya ang kaibigan sa hallway ng clinic.

 

 

“Bakit daw? Anong meron?” takang tanong ni Irene.

 

 

“Masu-suspend ata tayo.” Mahinang sabi ni Joy. Maingat dahil ayaw niyang marinig ng mga tao sa paligid.

 

 

“Ha? Bakit daw?” Dali-daling naglakad si Irene papunta sa opisina ng manager nila, kasunod si Joy.

 

 

Bago pa man makakatok sa pinto si Irene ay bumukas na ito sabay labas ng ex-bestfriend niyang pamangkin ni Taning.

 

 

“Enjoy your 10 days vacation, Ms. Medina.” nakangising sambit ni Miya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Irene, Joy. Upo kayo.” bungad ng manager nila pagpasok nila sa kwarto. Inabutan sila ng tig-isang envelop at nang buksan nila ito’t basahin ang laman, nalugmok na lang si Irene sa pagkakaupo. ‘Disciplinary Action: 10 days suspension, without pay.’ Mahinang binasa ni Irene ang nakasulat.

 

 

“Hindi ko na nahabol yung sanction sa inyong dalawa. Wala rin akong nagawa kasi valid talaga yung grounds eh” dugtong ni Ma’am Apple. “Nakiusap na lang akong bawasan yung days ng suspension niyo. 7 days na lang sa’yo Irene, instead of 10 days. 3 days na lang sa’yo Joy instead of 5.” paliwanag niya.

 

 

“Ma’am Apple, thankful po akong hindi nakasamang ma-suspend  yung cashier na ka-duty ko that time pero bakit po si Joy kasama? Nakiusap lang naman ako sa kaniyang i-process yung payment ng supplies kinabukasan. Dapat ako lang yung suspended dito.”

 

 

“Yun nga rin ang pinagtataka ko. Bakit si Edith na ka-tandem mo nung araw na yan eh abswelto sa offense tapos itong si Joy pa yung nakasama.” sagot ng manager nila.

 

 

“Okay lang mamsh, ano ka ba? Isipin ko na lang very very long weekend ‘to.” sabat ni Joy.

 

 

“Irene, sa totoo lang nagulat ako sa memo na ‘to. Pag-bukas ko ng mga emails kanina galing head office takang-taka ako eh. Ano bang nangyari?” pag-usisa ng manager nila.

 

 

“A few weeks ago kasi Ma’am Apple may ni-rush ditong pasyente galing Vikings sa baba. Malalim yung cut sa daliri kaya finirst-aid ko. Bulak, sterile gauze, anti-septic solution lang naman yung ginamit kong supplies at na-process naman kinabukasan yung mga na-out na supplies natin, Ma’am. Naka-endorse yun kay Joy at nagawa naman niya agad yun. Bakit naman umabot sa 10 days suspension?” Irene bitterly asked.

 

 

“Form of dishonesty, Irene. Yan yung nilalaban nila sa itaas. Dapat daw kahit naka-generate na kayo ng transaction nung gabing yun, inulit niyo para ipasok yung bill nung huling pasyente mo.” The manager sighed.

 

 

“Pero Ma’am Apple, bakit naman sobrang haba ng suspension ni Irene?” Tanong ni Joy.

 

 

“Nalaman din kasi sa head office na kakilala ni Irene yung pasyente. Under investigation si Irene dahil baka daw may previous incidents pa bago ito.” Sagot ni Ma’am Apple. “Sino ba yun?” tanong niya kay Irene na tahimik lang na nakikinig.

 

 

“Kaibigan ko po yung pasyente pero yung sinasabi nilang baka may iba pang incident na ginawa ko yun, wala Ma’am Apple. Kilala niyo naman po ako hindi ako mandadaya ng kahit anong gamit natin dito.” Irene meekly answered.

 

 

“Wala naman kaso sa akin kahit na kaibigan mo yung pasyente, nagbayad naman eh at alam kong hindi mo gagawin yung iniisip ng mga nasa taas. Ang concern ko lang Irene, bakit pumayag kang hindi mag-generate ulit ng transaction? Alam na alam mo namang dapat i-bill yun the same day na nagamit ang supplies.”

 

 

Napabuntong-hininga na lang si Irene. Ayaw sana niyang i-justify ang ginawa niya pero bilang nanghihingi ng paliwanag ang manager nila, utang niya dito ang maayos at maliwanag na eksplanasyon ng pangyayari. “Medyo late na kasi nun, Ma’am Apple. Pag nag-generate ulit si Ma’am Edith matatagalan bago siya makauwi. Inalala ko lang yung tatay niyang bed-ridden dahil ang alam ko po walang ibang nagaalaga, siya lang.” sagot niya.

 

 

Napahawak sa sintido si Ma’am Apple, biglang sumakit ang ulo niya dahil sa narinig na paliwanag. Wala siyang magawa kahit na maganda ang intensyon ni Irene dahil pagbali-baliktarin man ang company handbook nila, mali at taliwas sa protocol ang ginawa ng empleyado niya.

 

 

“Pasensya na kayo. The higher ups believe that incidents like this can cause a detrimental effect to the business. Lalo pa ngayon may on-going audit tayo. Nagpapalakas yang mga bagong head natin sa company owners.”

 

 

“Ma’am Apple, pwede po magtanong? Ganun na po ba kami kasikat at nakaabot agad sa head office ‘to?”pag-usisa ni Joy.

 

 

Sa pangalawang pagkakataon ay napabuntong-hininga na naman ang manager nila. “Miya directly reported it to them.”

 

 

Agad na nalipat ang tingin ni Irene mula sa hawak na memo papunta sa manager nila. “Hindi niya pinadaan sa’yo, Ma’am? Hindi po ba dapat pinaalam niya sa inyo yung report dahil kayo yung immediate superior niya?”

 

 

“Kaya ko nga siya pinatawag bago kayong dalawa dahil tinanong ko muna kung bakit nakalampas sa akin. Ang sabi niya rest day ko nung nalaman niya yung nangyari kaya dineretso niya na sa head office. Wag kang mag-alala Irene dahil pinagsabihan ko na si Miya. Alam ko namang nagdadahilan lang siya kasi I’m fully aware na may misunderstanding between you two kaya niya ginawa ‘to.”

 

 

Tahimik na nag-isip si Irene ng isasagot pero walang coherent thought na nailabas ang utak niya dahil siya mismo ay hindi alam kung bakit nangyayari sa kanilang magkaibigan ito.

 

 

“Sumbungera naman pala si Valentina eh.” Joy muttered under her breath.

 

 

“Narinig ko yun, Joy. Let’s refrain from spitting insults ha? I know you’re upset pero please? Maging professional tayo at all times.” paalala ni Ma’am Apple.

 

 

“Sorry po, Ma’am.”

 

 

“Ikaw naman Irene, alam kong dalawang taon mo nang iniiwasang i-confront si Miya tungkol sa away niyo. Ayokong makialam sa inyo dahil personal niyo yang problema pero kung nakaka-apekto na sa trabaho, makikialam na ako.”

 

 

“Susubukan ko pong kausapin si Miya.”

 

 

“I hope you do it soon. Nanghihinayang ako sa friendship niyo.” sagot ng manager.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Mamsh, wag mo ‘kong alalahanin. Na-realize kong okay lang talaga sa’kin ma-suspend. Makakasama ako sa company outing ng jowa ko.” Sabi ni Joy paglabas nila ng kwarto ng manager nila.

 

 

“Kahit na, Joy. Tatlong araw na sahod ang mawawala sa’yo. Nagi-guilty ako eh dapat pala pumunta na lang ako dito kinabukasan para ako mismo nag-asikaso nun.”

 

 

“Ang effort ah? Rest day mo kaya nung araw na yun. Tsaka okay nga lang sa’kin tatlong araw lang naman eh. Tingin ko dapat ang problemahin mo yung bills niyo next month. 7 days kang walang sahod eh.”

 

 

“Anak ng oo nga! Mababawasan na naman savings ko nito eh.” malungkot na sagot ni Irene.

 

 

“Yaan mo na yang savings mapapalitan rin naman yan. Pero maiba ako, paano kaya naka-lusot si Ma’am Edith dito? Kausapin mo kaya para malaman natin?”

 

 

“Hindi na. Ma-stress lang ako sa isasagot. Wag na lang.” matic na pagtanggi ni Irene.

 

 

“Yan ka na naman eh. Iwas na iwas ka lagi sa stress. Tignan mo kakaiwas mong i-confront si Miya ayan umabot na sa sumbungan level.” naglakad pabalik si Joy sa nurse station habang naiwan si Irene na may malalim na iniisip.

 

 

‘Kausapin ko na ba?’ tanong niya sa sarili.

 

 

 

 

 

 

“Irene! Ma’am Irene!” Napalingon si Irene sa pintuan sa kanan niya. Bahagyang nakasilip si Edith mula sa maliit na awang ng pinto.

 

 

Pumasok si Irene sa kwarto na may pagaalinlangan. Kakasabi niya lang kanina na ayaw na niyang kausapin ito dahil sa takot na hindi niya magustuhan ang isasagot.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Soup rice!!!!

Kala niyo next month pa update, no? Hahaha


Sana maenjoy niyo ‘tong chapter. Alam ko masyadong slow burn ‘tong DSF compared to ANS pero sana samahan niyo pa rin ako sa journey na ‘to!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 24: Where are you na, author? Huhu
RVSone0105
879 streak #2
Chapter 24: They already said their I love you's pero wala paring label??
Gagi knows ko na kung sino reliable source ni Jooyoung, si Miya pala.

Hayyy sana magkahimala at mag update na si otor, naway mahanap niya na ang lost soul niya para makabalik na siya 🤞🙏
Etoile__
337 streak #3
Chapter 24: narinig ko na pagmagupdate si otor magpapaulan ng lechon si papa j
Goeynceilove
33 streak #4
Otornim nasaan kna po? Update ka na juseyo!
magcomeback na ang ASEUL😭🐻🐰
Etoile__
337 streak #5
Chapter 24: nalost na talaga ang soul ni otor, bumalik ka na pls 🥹😭😭😭
alexis_keithh
#6
IMISUUU AUTHORR 😖😖😖
Kylie_123 #7
1 year na 😭 miss u tor ❤️❤️❤️
messyleain #8
Chapter 13: Ganitong story hinahanap ko huhuhu
tonrene #9
Miss you po
patotie #10
Buong araw kong iniisip to fic na to. Buti nahanap ko! 🥲