24- Baked Tahong: Seulgi, kaya pa ba?

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter

 


‘Check the label, mommy.’ Paalala ni Sarah Lahbati sa Nido commercial nila ni Zion. Mga katagang nagkaroon na ng ibang kahulugan nang mapabilang ito sa meme culture ng Pilipinas.


Napaka-simpleng pakinggan pero napakahirap isakatuparan. Lalo na para sa mga taong nasanay nang isagot ang salitang ‘masaya’ sa tuwing tatanungin sila kung ano ang estado ng relasyon nila.


Ano nga ba ang kahalagahan ng label sa isang relasyon? Stability? Security? Or clarity? Mainam sa isang relasyon na malinaw ang intensyon para sa isa’t isa. Sa ganitong paraan nabibigyan natin ng kasiguraduhan ang taong mahal natin.


Ganoon naman kasi talaga dapat, di’ba? Sabihin na nating isang natatanging regalo para sa ating significant other ang pagkakaroon ng label. Pero ang tanong ng karamihan, kailan ba ang tamang oras para i-check ang label na iyan? Isang buwan? Dalawang buwan?

 

 

 

 

 

Tatlong buwan na ang lumipas mula nung magka-aminan silang dalawa. Wala namang masyadong nabago sa kanila. Tuloy pa rin si Seulgi sa pagiging consistent sa lahat ng pangako nito kay Irene, habang si Medina naman ay walang pagsidlan ang kasiyahan sa kaniyang buhay-pag ibig.


“‘Te, sabi ni Ma’am Apple paki-LABELan naman daw yung mga bagong dating na gauze sa stock room.” Sabi ni Jennie kay Irene nang makasalubong ito sa corridor ng clinic.


“Eh bakit daw ako? May ginagawa ba yung mga junior nurse natin?” Reklamo niya. Di naman niya gawain ang mag-pasa ng trabaho sa iba pero dahil napag-tripan na naman siya ni Valentina kaya napakarami niyang gawaing nakapila para sa araw na iyon.


“Aba, para siguro matuto kang mag-LABEL…ng stocks.” Dagdag ni Joy sa usapan ng dalawa pag-upo nila sa nurse station.


“Jusko ayan na naman kayong dalawa. Minamadali niyo na naman ‘tong si Maria. Okay lang yan para kilalang-kilala niya na talaga manok niyo pag naging official na.” Singit ni Solar na kakapasok lang.


“Kayo ha, ilang beses ko bang sasabihin na para sa amin ding dalawa ‘to ni Seulgi. Mahirap na yung papasok kami sa relasyon na hindi kami handa.”


“Di ko lang kasi gets, mamsh. Tagal niyo na nag-aminan na mahal niyo isa’t isa tapos mga kilos niyo para na talagang mag-jowa kulang na lang mag-kiss kayo pero hanggang ngayon wala pa ring label???” mahinang tanong ni Joy dahil sa nakitang papalapit na pasyente sa station.


“Di mo sure ‘yan, Joy. Balita ko may kissing na nangyare sa kabundukan.” Jennie smirked.


“Hoy! Saglit lang namang kiss ‘yun.” Pagtatanggol ni Irene sa sarili ng pabulong. Sumakto kasing paupo na ang pasyente para magpa-BP.


Nanlaki ang mga mata nila Solar at Joy sa narinig pero dahil kailangan pa rin nilang maging propesyonal sa trabaho, pinigilan nila ang mang-usyoso.


Nang makaalis ang pasyente sa harap ni Irene ay agad siyang hinatak ng dalawa papunta sa likod ng nurse station, kung saan walang ibang makakarinig sa kanila.


“Anong kiss yung sinasabi ni Jennielyn, ha? Hindi mo yata nakwento sa’kin yan?” Nakataas ang kilay ng matalik na kaibigan ni Irene.


“‘To naman, Solar! Para kiss lang eh! Kala mo naman ‘tong pinapagalitan mo. Remind ko lang 30 na ‘yang si mamsh.” Biro ni Joy. “Masarap?” Nakangising tanong nito kay Irene.


“Kailangan nagbabanggit ng edad? At tsaka hindi yun yung klase ng kiss na iniisip niyo. Pang-highschool lang ‘yung kiss na ‘yun!” Depensa ni Irene.


“Ikaw ang tumigil diyan, Maria. Kung di pa kayo ready, ayusin niyo buhay niyo. Mag-set kayo ng boundaries sa kung ano ang pwede sa hindi.” Paalala ni Solar.


“‘Wag kang mag-alala malandi ‘yung si Seulgi pero sobrang respeto ‘nun pagdating sa mga ganyan. Never ‘yun nag-mintis magpaalam pagdating sa skinship. Mga ‘te, ako nga lang humahalik sa cheeks dun. Puro noo ko lang tsaka kamay nadadampian ng lips nun. Malapit na nga akong mag-mukhang lola sa kiss sa noo eh.” Mahabang paliwanag ni Irene sa hindi pa rin kuntentong si Solar.


“Basta umayos ka, ha? Alam mo naman na ‘yan eh.” Sagot ni Solar bago lumabas.


“Haaay basta ako naiinggit sa inyong dalawa kaya naiinip na akong magka-label kayo eh. Sobrang sweet ng jowa-to-be mo.” Sabi ni Joy.


“Totoo. Sobrang sweet talaga ni Seulgi pero ‘wag mong masyadong ilagay sa pedestal. May topak din yun minsan, ‘no.” Sagot ni Irene sa kaibigan.


“Taray naman nalagpasan niyo na honeymoon stage? Nasa tampuhan stage na kayo?”


“Medyo? Basta nakakabisado ko na topak niya habang tumatagal.”


“Paano ba topakin si sungit?”


“Ayan eksakto, masungit. Pero yung sungit na di nagsasalita ha. May usapan kasi kami na kapag may problema kami kailangan ma-solve namin ‘yun agad. So kailangan pag-usapan diba? Pero syempre tao lang naman si Seulgi may times na tatahimik muna ‘yun tapos tsaka makikipag-usap.” Paliwanag ni Irene.


“Naku po, silent treatment?”


“Oo, ‘te! Last week medyo di kami okay. Di kasi ako nagpa-sundo dahil nga ang lapit ko lang naman dun sa pupuntahan namin eh yun pala on the way na siya. Ayun, ending nagkasalisi kami. Nauna pa ako dun sa samgyupsalan.”


“Eh ba’t di ka kasi nagsabi na papunta ka na?”


“Bigla kasing may dumaang jeep kaya pinara ko na agad. Nakalimutan ko siyang i-update nung nakasakay na ako.”


“So nag-samgyup kayo in silence?” Natatawang tanong ni Joy.


“Jusko, pati pag-nguya niya ang tahimik.” Irene recalled.


“Naiimagine ko na itsura ni Seulgi.” Natatawang sabi ni Joy.


“Nakasimangot pero maganda pa rin.” kinikilig na sagot ni Irene.


“Tangina ramdam ko yung kilig, mamsh.”


“Sino ba naman hindi kikiligin? Eh kahit inis siya sa’kin, siya pa rin nag-ihaw tapos pagka-luto ipagbabalot pa ko sa dahon.”


“Don’t tell me, sinubuan ka rin niya?”


“Ano ba? Syempre kasama yun!” Proud na proud na sagot ni Medina. Di naman sa nang-iinggit siya pero gusto lang talaga niyang ipagmalaki yung masungit na jowa-to-be niya.


“Landi mo, gaga. Nag-sorry ka muna sana bago ka nakipag-subuan.” Sabat ni Solar.

 

“Tingin mo sa’kin insensitive? Nag-sorry naman ako agad pagka-kitang pagka-kita ko sa kaniya pero si Seulgi kasi yung tipo ng naiinis na dapat hayaan muna. Kailangan niya muna ng oras para pahupain yung inis niya. Makita mo siya na yung unang kakausap sa’yo.”


“So, kinausap ka rin niya agad?” Tanong ni Joy.


“Oo, bago kami matapos kumain nag-salita na rin. Nag-pumilit kasi akong ako naman mag-iihaw ayun mainit pala yung thong napaso ang mamshie mo.” 


“Ano sabi sa’yo? ‘Ang kulit mo?’”


“Hindi, gaga. Sabi niya habang chine-check yung paso ‘Reen, I’m not here to take away your independence. I’m here to make you feel you have someone to take care of you. Mahal kita, gusto ko lang safe ka palagi.’”


“O, pak! Kilig ka, ‘no?!” Excited na tanong ni Joy.


“Di lang kilig, para ‘kong nakuryente dun sa inuupuan ko. Napa-kiss tuloy ako sa pisngi. Kaso si Seulgi, ginalaw yung mukha ayun tumama tuloy konti sa lips niya.” Namumulang kwento ni Irene.


“Ah kawawa naman pala yung mga kasabay niyong kumain.”


“Ha? Kinalaman nila sa’min ni Seulgi?”


“Eh gusto lang naman nila mag-samgyup tapos may mapapanood silang naglalandian. Kawawa naman.” Sagot ni Joy, sighing.


“Ay ewan ko sa’yo, Joy.” Sabay tayo ni Irene. Tumayo na rin si Solar para tulungan si Jennie sa nurse station.


“Uy teka lang, mamsh! Tapos nung kiss okay na kayo?”


“Oo, okay na kami.” Bumalik sa pagkaka-upo si Irene.


“Dali naman pala kausap ni Seulgi eh. Sungit in silence lang pala topak niya.”


“Sabi nila Lisa pag tinotopak daw ‘yan di talaga nag-sasalita tapos pag ayaw niya talaga makipag-usap aalis na lang.”


“Ay walk-out queen?”


“Di naman walk-out, sasabihin naman niya sa’yong wag muna pag-usapan tapos she’ll eventually come around.”


“Hmmm…teka medyo mahirap yan ah. Eh ikaw pa naman iwas na iwas ka sa stress kaya as much as possible gusto mo ma-solve agad yung problema.”


“Actually, napag-usapan na namin ‘yan. Sabi namin mag-aadjust kami pareho. Kung naiinis siya I’ll give her space and time basta hindi lalagpas ng bente-kwatro oras na hindi namin napag-uusapan yung problema.”


“Oooh nag-agree naman siya?”


Tumango si Irene. “Enough na daw sa kaniya yung ilang oras. Di rin naman daw niya ako matitiis hindi kausapin ng matagal.”


“Whipped. Pota na ‘yan nagpapa-kwento lang naman ako bakit ako naiinggit?”


“Edi wag na natin pagkwentuhan para di ka mainggit. Tsaka kung makasabi kang naiinggit akala mo walang jowa eh.” Akmang tatayo na ulit si Irene.


“KJ mo, dito ka muna. Yaan mo muna sila Jennie sa labas wala naman gaanong patients. So, ano na nga? Okay naman sa’yo mag-hintay ng ilang oras pag may problema kayo?”


“Joy, kaya nga kami nag-usap tungkol dun para mag-meet kami sa gitna. Ilang oras lang naman yung hinihinga niya, fair lang na ibigay ko yun sa kaniya. Kaya oo, okay lang sa’kin mag-hintay.”


“Ay alam mo, mamsh? May maganda rin palang dulot ‘tong walang label, ‘no? Parang sobrang ideal kasi na set-up.”


“Wait lang, Joy ha? I wouldn’t say ideal, sa totoo lang. Kasi this may be effective sa amin ni Seulgi pero di tayo sure kung gagana ba ‘to sa iba.” 


Napatango si Joy. “Nga naman.”


“At tsaka hindi naman namin pinili ‘to dahil sa takot kami sa commitment. Ginagawa namin ‘to para pagdating ng oras na ready na kami, kaya naming panindigan ang isa’t isa. Di na kami bata Joy, di kami nandito para lang maglaro.”


“Ay shet. So kasalanan na ang ending????”


“Sige, ‘te. Balikan kita pag-legal na kasal dito sa’tin. Di natin alam anong mangyayari sa future. Pero kung dun mauuwi, I’ll be very happy.” 


“Kaya boto ako kay Seulgi talaga eh lalo na kung nasasabayan niya toyo mo.”


Natatawang sumagot si Irene. “Alam mo speaking of toyo? Last month nung nagkaron ako. Sobrang nag-crave ako sa matcha. Kaya ayun si Seulgi inaya akong magpunta sa cafe na puro matcha ang menu.”


“Eh di ang saya mo ‘nun? Napalibutan ka ng damo?” Biro ni Joy.


“Alam mo ikaw? Ba’t ang tino mo kausap ngayon? Parang gusto na kitang sakalin konti na lang.”


“Joke lang eh. Dali na ano nangyari?”


“Edi ayun, order galore ang mamshie mo. Dami kong inorder pang apat na tao ata yun. May cake, may mga tinapay tapos matcha latte.”


“I’m sure di kumain si Seulgi kasi sukang suka sa damo yun eh. Naalala ko nung inalok ko ng kitkat na green tea, yung mukha parang natatae eh.”


“Hahaha! Oo ‘yun yung time na nahihiya pa siya sa’yong tumanggi kaya napilitang kainin yun.”


“Eh kasi pwede naman niya sabihing di niya bet yun.” Sagot ni Joy.


“Nahihiya nga kasi. Importante rin daw ang approval ng friends.”


“Mukha pa lang niya isang malaking check na for me eh. Pero teka layo na narating natin eh ano nangyari sa matcha mukbang mo?”


“Match mukbang ni Seulgi kamo.” Nakangising sagot ni Irene.


“What? Pinakain mo ng damo?!”


“Naglambing lang naman.” Palusot ni Irene.


“Parang tanga, mamsh ah? Alam mo namang ayaw nung tao sa damo eh.”


“Pwede ko bang isisi sa hormones? Di ko rin alam bakit ko ginawa eh. Na-late kasi siya that day, so sabi ko wag na kaming tumuloy eh kaso nagpumilit pa rin kasi maha-happy raw ako pag nakakita ako ng matcha. Totoo naman, ang saya ko bigla nun kaya napa-order ng marami eh kaso nga di ko na maubos. Sabi ko para makabawi siya sa pagka-late, tikman niya yung cake.”


“Kaso inubos niya lahat ng natira ko.” Natatawang  dugtong ni Irene.


“Ay pota mahal ka talaga niyan. Pakasalan mo na.”


“Sige bukas. Gabi na eh.” Sagot ni Irene nang nakasimangot.


“Charot lang, mamsh. Pero ba’t niya kasi inubos pwede naman i-take out???”


“Inubos daw niya para di na magtuloy yung toyo ko.” Proud na sagot ni Medina.


“Kakaiba ka naman kasi toyoin, para kang buntis daming cravings!”


“Di ko naman kasi kayang sungitan y’un ng malala. Ang cute lang kasi talaga niyang asarin.”


“Tuwang tuwa ka naman?”


“Hindi rin masyado kasi mula sa cafe hanggang sa makauwi na siya sa kanila nagrereklamo sa’kin. Lasang lasa pa rin daw niya yung damo kahit naka-ilang toothbrush na siya.” Kwento ni Irene.


“Tapos kinabukasan imbes na ‘good morning’ message yung matatanggap ko sinendan ba naman ako ng picture ng dila niya, ang caption ‘ganito pala feels ng mga cow’. Wala talagang ‘good morning’ o kaya ‘mag-breakfast ka na’ na kasunod.”


“I think, deserve mo yun.”


Inirapan lang ni Irene si Joy.


“Sus, if I know gustong gusto mo yung tongue selfie. Kilala kita mamsh.” Mapang-asar na sagot ni Joy.


“Tantanan mo nga ako, Joy! Ang bastos mo!”


“Hoy, teka lang wala naman akong binanggit na bastos. Ikaw ‘tong kung ano-ano iniisip.”


Di na sumagot pa si Irene at nagmadaling lumabas para maitago sa kaibigan ang namumula niyang pisngi.


Sumunod din naman agad si Joy papuntang nurse station. 


“Tagal niyo ah. Anong ginawa niyo sa loob?” Tanong ni Jennie sa mga kasama.


“Nag-check lang ng LABEL ng stocks.” Biro ni Joy na na-pick up naman agad ni Jennie.


“Ah LABEL. Oo nga naman. Importanteng ma-check ang LABEL.”


“Ewan ko sa inyo. Alam ko naman ‘yan. Di lang talaga kami nagmamadali. Pero sinisigurado ko sa inyong dalawa, ako ang maglalagay ng label sa landian namin. Taga niyo ‘yan sa bato.” Proud na sabi ni Irene na siyang ikinagulat ng mga kaibigan niya.


Nanlaki ang mga mata nila Jennie at Joy na sabay napatingin kay Irene.


“Omg! Ikaw magtatanong?! Ikaw? Ma. Irene Medina na hindi man lang marunong manghingi ng number ng babae???” Di makapaniwalang tanong ni Jennie.


Kinindatan ni Irene ang kaibigan bilang tugon.
“Kaya nga tutulungan niyo ‘ko sa part na ‘yan. Kasi alam niyo naman, ako lagi ang tinatanong.” Pagyayabang ni Irene

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Soup rice!!!!

Kala niyo next month pa update, no? Hahaha


Sana maenjoy niyo ‘tong chapter. Alam ko masyadong slow burn ‘tong DSF compared to ANS pero sana samahan niyo pa rin ako sa journey na ‘to!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 24: Where are you na, author? Huhu
RVSone0105
880 streak #2
Chapter 24: They already said their I love you's pero wala paring label??
Gagi knows ko na kung sino reliable source ni Jooyoung, si Miya pala.

Hayyy sana magkahimala at mag update na si otor, naway mahanap niya na ang lost soul niya para makabalik na siya 🤞🙏
Etoile__
338 streak #3
Chapter 24: narinig ko na pagmagupdate si otor magpapaulan ng lechon si papa j
Goeynceilove
34 streak #4
Otornim nasaan kna po? Update ka na juseyo!
magcomeback na ang ASEUL😭🐻🐰
Etoile__
338 streak #5
Chapter 24: nalost na talaga ang soul ni otor, bumalik ka na pls 🥹😭😭😭
alexis_keithh
#6
IMISUUU AUTHORR 😖😖😖
Kylie_123 #7
1 year na 😭 miss u tor ❤️❤️❤️
messyleain #8
Chapter 13: Ganitong story hinahanap ko huhuhu
tonrene #9
Miss you po
patotie #10
Buong araw kong iniisip to fic na to. Buti nahanap ko! 🥲