3-Chicken Sandwich

Dito Sa Fairview
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

Pagod na pagod si Irene maghapon kaya nang makarating siya sa bahay nila ay para na siyang lantang gulay.

 

 

"Anak, kumain ka na muna bago ka maligo at magpahinga." sabi ng nanay niya.

 

 

Lulugo-lugong nagtungo si Irene sa dining table nila para kumain. "Ma, bukas po pag di pa po ako bumaba pakigising naman po ako. Maitawid ko lang talaga 'tong month na 'to na wala ng late okay na ako."

 

 

"Kausapin mo kasi si Miya, bespren mo naman yun. Baka pwede ka niyang matulungan sa oras ng pasok mo."

 

 

"Ma, siyempre po di ko pwedeng abusuhin yung pagiging mag-bestfriend naming dalawa. Mas mataas na siya sa akin kaya sa trabaho, boss ko pa rin siya." pagsisinungaling ni Irene sa ina. Hindi kasi niya masabi na her old bestfriend is gone at napalitan na ito ng mapagmataas na boss sa katauhan ni Miya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Ate Rain, ang aga pa po. Nandiyan na ba yung grab?"

 

 

"Di ako nag-book ng grab. Magco-commute lang ako." sagot ni Rain sa kausap niya.

 

 

 

"Tawagin ko po ba yung driver para maihatid ka sa sakayan?" 

 

 

"No need, I'll just walk. Malapit lang naman." 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagdating ni Irene sa Robinsons Nova maikli pa lang ang pila kaya hindi niya gaanong binilisan ang paglalakad. Nang malapit na siya sa dulo ng pila ay may pamilyar na pigura siyang napansin. 

 

 

"Cutie sungit." she muttered under her breath. Babatiin niya sana ang babae kaya lang naka-airpods ito at mukhang ayaw paistorbo. Hindi rin naman sila magkaibigan para mag-kumustahan kaya tahimik na lang na pumila si Irene sa dulo. 

 

 

Dalawang tao lang ang pagitan nilang dalawa sa pila pero mukhang hindi sila magkakasabay sa van dahil sa bilang ni Irene ng mga nasa unahan niya, aabot si cutie sungit sa unang van na darating. 

 

 

Napakibit-balikat na lang siya dahil mukhang walang chance na makausap niya ito. Aamin niya, sa mga ilang pagkakataong nagkaroon sila ng interaksyon nabuo ang curiosity niya sa pagkatao ng nasabing dalaga. Sa salita ng mga kabataan, nagkaka-crush na ata siya dito pero depensa niya sa sarili masyado pang maaga. Ngayon, ang gusto lang niya munang malaman ay kung ano ang pangalan nito. 

 

 

Tama nga si Irene sa bilang niya kanina dahil nang magtawag ng pasahero ang barker para pasakayin sa kararating lang na UV Express, pangalawa sa huli si cutie sungit sa mga tinawag. Ni hindi man lang nga siya nilingon nito nung nagsimula na silang umusad papunta sa unahan ng pila. 

 

 

Nang malapit nang makasakay si cutie sungit ay bigla itong huminto at pina-una yung dalawang babae sa harap ni Irene. Unconsciously, napangiti siya dahil magkakasabay na sila sa byahe.

 

 

'Para-paraan ka cutie sungit ah.' Irene thought to herself and a small smirk formed on her lips. 

 

 

Nabura naman agad sa utak ni Irene ang namumuong ideya na gusto rin siyang makasama sa biyahe ni cutie sungit ng walang sabi-sabi ay dumeretso ito sa shotgun seat ng sumunod na van. 

 

 

'Feelingera ka lang Ma. Irene. Gusto niyang umupo sa harap kaya niya pinauna yung ibang pasahero.' sabi niya sa sarili. 

 

 

Gaya kanina hindi na naman siya nilingon ng babaeng kanina pa tumatakbo sa utak niya at napaisip siya nang iwan nitong nakabukas ang pintuan sa harap. Tila ba isang imbitasyon na doon rin siya umupo at tabihan niya si cutie sungit. 

 

 

Kaka-day dream ni Irene hindi niya napansing napahinto pala siya sa paglalakad kaya yung kuyang naka-sandong pawis na pawis sa likod niya ay in-overtake na siya para makaupo sa harap. 

 

 

"Hep! Teka lang kuya ako nauna sa'yo. Tabi diyan." sabi ni Irene, staking her claim sa upuan.

 

 

Nakasakay na ang kalahating katawan ni kuyang naningit nang bigla itong bumaba, inis ay halata sa tono ng pananalita nito.

 

 

"Ang tagal mo kasing sumakay. Nagmamaganda ka pa diyan." masungit na sagot nito.

 

 

Kung yung dating Irene mabilis lang na makakasagot ng 'Oo, nagmamaganda ako kasi maganda talaga ako.' pero she's a changed person now kaya nginitian lang niya ang lalaki. An effective way to dodge stress. Isa sa natutunan niyang technique para makaiwas sa unnecessary headache.

 

 

Mabilis namang sumakay si Irene sa harap pagkababa ni kuyang pawisan. Pasimple niya pang sinilip si cutie sungit mula sa kaniyang peripheral view. Medyo madilim pa kaya hindi niya gaanong maaninagan ang mukha ng katabi. Ang sigurado lang siya ay napakaganda ng mga mata nito na nags-sparkle against the lights ng mga sasakyang dumadaan. Na-emphasize din ang matangos na ilong ni cutie sungit habang nadadampian ng liwanag na magmumula sa ilaw sa labas.

 

 

'Ang tanda ko na para magka-crush pero malapit na kitang maging crush, sungit.' pag-amin ni Irene sa sarili. Pasalamat na lang siya at hindi niya ito nasabi ng malakas dahil hindi niya alam paano haharapin ang sitwasyon kung sakaling nagkaganoon nga.

 

 

Kung sa mga normal na biyahe ni Irene hindi pa man naguumpisang umandar ang sasakyan ay nakapwesto na siyang matulog pero iba ngayon. Hindi siya mapakali sa upuan dahil gustong gusto na niyang kausapin ang katabi kaso wala siyang maisip na magandang panimula bukod sa gasgas na 'good morning.'

 

 

Hindi niya alam kung sasandal ba siya o uusog sa kanan para lang hindi niya maistorbo ang katabi sa malalim na pagiisip nito. Sa totoo in-assume lang ni Irene na may malalim na iniisip si cutie sungit dahil nakakunot na naman ang noo nito.

 

 

"Masikip ba? Should I move pa?" biglang sabi ni cutie sungit sa tabi niya na umusog palayo kay Irene. Natameme lang si Irene dahil di niya inaasahang mauunang magsalita ang katabi.

 

 

"Ne, masyado kang malapit di ko magagalaw yung kambyo." singit ng driver. Walang nagawa si cutie sungit kundi ang umusog pabalik sa dating pwesto nito hanggang sa magtama ang balikat nilang dalawa ni Irene.

 

 

"Sorry..." sabi ulit nito at nag-adjust na lang para hindi magdikit ang balikat nila ni Irene.

 

 

"Ne, nakaharang ka di ko makita side mirror. Maaksidente tayo niyan eh, sandal ka na lang." singit ulit ng driver.

 

 

'Kuya driver naman napakadami mong sinasabi diyan di ako makapag-salita eh.' sabi ni Irene sa sarili. 

 

 

"Sandal ka na, ako na lang uusog." malandi ...malambing na sabi ni Irene bago siya nag-adjust ng upo. Siniksik na niya ang kanang bahagi ng katawan sa may pinto ng van para makasandal ang katabi at hindi magtama ang balikat nila.

 

 

"Thanks...uhm...It's you pala, Irene." sagot ni cutie sungit.

 

 

Parang sinilaban ng apoy si Irene sa narinig, nakaramdam siya ng init mula sa tiyan na umakyat sa leeg at mukha niya. May kakaiba talaga sa way ng pagsasabi ni cutie sungit ng pangalan niya kaya para siyang inapuyan ngayon. 

 

 

'Punyeta, Ma. Irene. bomb nga ang nagpalaki sa'yo pero hindi ganyan ang turo nila. Ang aga-aga kung ano-ano pumapasok sa utak mo.' pagalit ni Irene sa sarili.

 

 

"Ako nga..." tipid na sagot niya. Sa dami ng tumatakbo sa isip niya wala na siyang naidugtong pa kaya nalungkot siya nang ang isagot sa kaniya ng katabi ay simpleng pagtango na lang. Sinundan ito ng katahimikan at ng mahinang tunog ng radyo nang biglang buksan ito ng driver.

 

 

'Irene! Yung pangalan itanong mo na!' paalala niya sa sarili.

 

 

"Uhm... Ano nga palang pa..." bago pa matapos ni Irene ang tanong niya naunahan na naman siya ng katabi.

 

 

"Ni-lock mo ba yung door?" tanong ni cutie sungit at nang walang makuhang sagot, she reached her hand out to check. Medyo naglapit lang naman ang mukha nilang dalawa at mukhang yayakapin siya ni cutie sungit sa itsurahan nila ngayon pero ang totoo, inabot lang naman ng kaliwang kamay ni cutie sungit yung pinto para i-check kung na-lock nga ba ni Irene ito.

 

 

Iyon na ata ang pinakamatagal na pag-pigil ng hininga ni Irene sa tanang buhay niya. Napasinghap siya sa gulat dahil sa galaw ng katabi niya. Nakahinga lang siya ng maluwag nang umayos na ng pagkaka-upo si cutie sungit. 

 

 

"Ang bango..." Irene blurted out. 

 

 

"I'm sorry, what?"

 

 

 

 

 

"Ha? Ah sabi ko ang bango niyan." turo ni Irene dun sa berdeng hugis punong car freshener na nakasabit sa aircon vent sa harap niya.

 

 

"You like that scent?" tanong ni cutie sungit na hindi naitago ang judgment sa choices in life ni Irene. Sino ba naman kasi ang magkakagusto sa amoy na yun eh halos mahilo na nga ang mga pasahero ni kuya dahil doon.

 

 

Walang magawa si Irene kundi ang panindigan ang kalokohang lumabas sa bibig niya. Mas mabuti na iyon kaysa aminin niyang ang tinutukoy niya eh yung pabango ni cutie sungit. 

 

 

"Ahaha oo. Bango kaya." sagot ni Irene. "Ano pala...anong name mo nga?" kaswal na tanong niya. 

 

 

Proud si Irene dahil sa wakas naitawid na niya ang tanong na matagal na niyang gustong ibato.

 

 

"Oh sorry, I haven't introduced myself properly pa pala. I'm R--..." she paused for a bit. "I'm Seulgi."

 

 

"Seulgi? Koreana ka?" tanong ni Irene. Ayaw niyang mag-assume kaya gusto niyang masigurado.

 

 

"Half lang." sagot ni cutie sungit.

 

 

"Oooh." natememe na naman si Irene sa pang-ilang pagkakataon dahil hindi niya alam ang gagawin sa bagong impormasyong nakuha niya tungkol sa almost crush niyang si cutie sungit.

 

 

"But I grew up here, I know my Tagalog..." paglilinaw ni Seulgi. 

 

 

"Aaah." tumango si Irene at tsaka nagsalita ulit. "La Sallista ka?" dugtong niya. 

 

 

'Pota, Irene. Anong kagagahan na naman 'to?' tanong ni Irene sa sarili.

 

 

"Huh? Uhm yes." Seulgi chuckled d

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Soup rice!!!!

Kala niyo next month pa update, no? Hahaha


Sana maenjoy niyo ‘tong chapter. Alam ko masyadong slow burn ‘tong DSF compared to ANS pero sana samahan niyo pa rin ako sa journey na ‘to!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 24: Where are you na, author? Huhu
RVSone0105
880 streak #2
Chapter 24: They already said their I love you's pero wala paring label??
Gagi knows ko na kung sino reliable source ni Jooyoung, si Miya pala.

Hayyy sana magkahimala at mag update na si otor, naway mahanap niya na ang lost soul niya para makabalik na siya 🤞🙏
Etoile__
338 streak #3
Chapter 24: narinig ko na pagmagupdate si otor magpapaulan ng lechon si papa j
Goeynceilove
34 streak #4
Otornim nasaan kna po? Update ka na juseyo!
magcomeback na ang ASEUL😭🐻🐰
Etoile__
338 streak #5
Chapter 24: nalost na talaga ang soul ni otor, bumalik ka na pls 🥹😭😭😭
alexis_keithh
#6
IMISUUU AUTHORR 😖😖😖
Kylie_123 #7
1 year na 😭 miss u tor ❤️❤️❤️
messyleain #8
Chapter 13: Ganitong story hinahanap ko huhuhu
tonrene #9
Miss you po
patotie #10
Buong araw kong iniisip to fic na to. Buti nahanap ko! 🥲