Bakit kasi may kalbo
Proustian"Jen, sobrang na-miss mo ba Red Horse habang nasa Italy ka?" tanong ni Lisa while looking at Jennie guzzling her fifth beer.
"Halos every suweldo na lang 'to a, pagka-kinsenas, at end of the month wagas kung maka-nomi ka," worried na komento ni Rosé.
"Ikaw na nga kalendaryo ko mare e. Alam ko na 15th and end of the month na 'pag nag-aaya ka na naman mag-nomi," dagdag ni Joy.
Three months na ang nakalipas simula nung nakabalik ng 'Pinas si Jennie. Three months na rin siyang 'di nagpaparamdam kay Seulgi.
"May problema ba Jen? Ilabas mo na 'yan," Wendy implored her.
She downed her beer in one go.
"May hindi ako sinasabi sa inyo."
Napatingin lahat sa kanya.
"Sinabi ko na kay Seulgi na mahal ko siya."
"Mare!" halos sabay-sabay na sabi nung apat.
"Anong sabi niya?" Joy pressed.
"Wala. Hindi ko alam. Kasi hindi ko na siya kinausap pagkatapos."
"Jennie," Rosé shook her head. "Para kang timang."
"Mahal siya ni Joohyun, okay? Kailangan ko umatras."
"Bakit ka aatras? Alam mo Jen," sabi sa kanya ni Lisa habang nag-aabot ng isa pang bote - "atapang atao ka, kayang labanan lahat pero pagdating sa pag-ibig, ang duwag-duwag mo."
"Hindi ba paglaban ang pagpaparaya?" tanong niya.
Napatahimik lahat.
"Hindi porket umatras ako hindi ako lumaban. My stepping back so Seulgi can be happy is my way of fighting for love. Unrequited love is still love
Comments