Ch 4

BAD CHICK

I stared at them habang papasok sila sa University. Who's that girl at bakit naka akbay sa kanya si Manoban? Are they a thing? As far as I know, walang girlfriend si Lisa. 


Naglakad na rin ako papasok not minding the boys surrounding me. Kung kanina nginigitian ko pa sila, ngayon wala na ko sa mood. I am now wearing my y face habang naglalakad sa hallway that made everyone moved to the side coz no one wants to deal with me especially when I am this serious. Pagkarating ko ng classroom ay agad nagsipulan ang mga classmates kong boys pero agad din naman silang huminto when they saw that I am not in the mood. Nagtama ang paningin namin ni Lisa but I just ignored her unlike before na tuwing magsasalubong ang mga mata namin ay nginingitian ko siya. My day was ruined, thanks to her. 

 

Naglakad ako papunta kina Chaeng at kita ko sa gilid ng mata ko na sinusundan niya ko ng tingin hanggang sa makaupo ako. 

 

"Oooh... someone's not in the mood" nakangising sabi ni Chaeng. 

 

Inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako. Wala talagang epek sa babaeng to yung mga tingin ko eh. Kung sa ibang estudyante ko ginawa yun, baka nanginig na yun sa takot but with Chaeng walang talab.

 

Lumapit naman sila sa desk ko and they bugged me with different questions. 


"Hey Jen, what happened?" tanong ni Irene. 

 

"Ang aga aga girl parang pinagsakluban ka ng langit at lupa!" 

 

"What do you want Jen I'll---" 

 

"Can you all shut up! Naririndi ako sa ingay niyo! Just leave me alone!" iritadong sabi ko cutting Jackson off. 

 

Isa isa silang bumalik sa upuan nila except for my ever annoying bestfriend Park Chaeyoung. Mas lalo pa siyang dumikit sakin with a smile plastered on her lips na lalong ikinairita ko. 

 

"I know why you're like that..." nakangising sabi niya. 

 

Inirapan ko naman siya pero ang loka as always tinawanan lang ako. 

 

"Nakita ko rin. Mukhang naunahan ka na girl. Ambagal mo kasi kumilos eh" pang aasar niya pa. 

 

I looked at Lisa. Nakikipagkwentuhan siya kina Jisoo and she's laughing. Ang cute niya talagang tumawa pero bwiset pa rin talaga ko sa kanya. Napatingin siya sakin at inirapan ko lang siya. 

 

 

 

 

----

Lisa's POV

 

Ano na naman kayang ginawa ko sa babaeng to at iniirapan na naman ako? Init din talaga ng dugo nito sakin eh. Pag bad mood siya lahat nadadamay. Pati prof hindi pinapalampas. Pinagkibit balikat ko na lang at hinayaan siya sa trip niya. Buti na lang mabilis lumipas ang oras. Excited na kasi ako sa next class ko kaya dali dali akong lumabas ng classroom dahil kailangan ko munang dumaan sa office ng student council. 

 

I'm on my way now to my next subject pagtapos kong mag bihis ng PE uniform. Our PE class this semester is dance, buti na lang. I love dancing kaya hindi ako mahihirapang ipasa ang klaseng to. 

 

Pagdating ko sa gym ay binati agad ako nina Jisoo at Seulgi. Napansin kong maraming tao sa gym ngayon. Malaki kasi tong lugar kaya kahit na limang PE class pa ang magklase dito eh kasyang kasya. Umupo muna kami sa bench habang inaantay yung pagdating ng prof namin. Habang nakaupo sa bench, yung dalawang mokong kong kaibigan ay walang ginawa kundi mansipat ng mga babaeng naglalaro ng volleyball. Napapailing nalang ako tuwing sumisigaw pa sila ng 'go baby go!'

 

Maya maya pa ay nagulat na lang ako ng may biglang nagtakip ng mga mata ko. Napakunot noo naman ako. Hinawakan ko yung mga kamay at hinulaan kung sino. 

 

"Snow?" 

 

Inalis naman nun yung kamay niya sa mga mata ko at napangiti ako ng makita kong tama ang hula ko. Hindi ko na pinakilala si Snow kay Jisoo at Seul dahil nagawa ko na yan kanina nung bago magstart yung first class. 

 

"Hey! How do you know it's me? Nakita mo ko no?" nakapout na sabi niya. 

 

Pasagot na sana ko ng maagaw ng isang babaeng papasok sa gym yung atensyon ko at nung magsimulang maghiyawan na naman yung nga kaklase ko, sama mo pa yung ibang lalaki sa ibang course na nandito. Pano ba naman the queen bee just entered the premise, Jennie Kim has arrived. As usual, kasama niya na naman yung mga barkada niya. Sino ba namang hindi mapapalingon eh talaga namang napakaganda niya. Kaya lang pinagpipyestahan na naman ng mga mokong na to yung katawan niya. Pano ba naman yung PE tshirt namin ginawang crop top. Minsan napapaisip na lang tuloy ako kung hindi ba kinakabag ang babaeng to dahil palagi nalang nakalitaw ang tiyan. 

 

We watched them enter the gym. She smiled at the boys then nung bigla siyang napatingin sa direksyon namin eh nawala na naman yung ngiti niya. Ano pa bang aasahan ko eh nandito ako. Kulo dugo sakin ng babaeng yan eh kahit wala naman akong ginagawa sa kanya. Pero napansin ko namang hindi pala siya sakin nakatingin kundi kay Snow. Ang sama ng tingin niya at kung nakakamatay lang yun malamang kanina pa kami deads. Kita ko rin na may ibinulong si Chaeng sa kanya na lalong nagpakunot ng noo niya. Tinignan ko si Snow at aba talagang di rin naman talaga papatalo. Nakikipagtagisan ba naman ng masamang tingin kay Jennie. Ano bang problema nang dalawang to? Sa pagkakaalam ko hindi naman sila magkakilala eh. Mabuti pa agawin ko na atensyon nitong si Snow. Mahirap na baka mapikon si Jennie at kung ano na lang gawin sa kanya. 

 

Magsasalita na sana ko pero naunahan niya ko. 

 

"I really don't like that girl" sabi niya bago siya humarap sakin ng nakasimangot. 

 

Nginitian ko nalang siya para kumalma siya ng kaunti. 

 

"Wag mo na lang pansinin para walang gulo. Teka, tapos na ba yung class niyo?" tanong ko. 

 

Ngumiti siya sakin at cute na tumango. I also smiled at her and patted her head. Cute den talaga nitong babaeng to eh. Habang ginagawa ko yun ay napatingin ako sa ibaba ng bench dahil feeling ko may nanonood samin at hindi naman ako nagkamali. I saw Jennie throwing daggers at me. Napalunok na lang ako kasi feeling ko parang gusto niyang ibunton sakin yung kabadtripan niya ngayong araw na to. Iniwas ko ang tingin ko kay Jennie at ibinaling kay Snow nung magsalita siya. 

 

"Pano Lis, una na muna ko ha. Malapit na next class ko eh. Sayang gusto pa naman sana kita mapanood sumayaw coz it's been a while, but I guess next time  na lang. Sige kita na lang tayo mamaya ah" paalam ni Snow sabay halik sa pisngi ko. 

 

"Yari ka Lisa" bulong ni Jisoo sakin nung makaalis na si Snow. 

 

Napatingin naman ako sa kanya ng nakakunot noo.

 

"Selos si Jennie Kim, patay ka na naman" dagdag niya pa. 

 

"Alam mo ayan ka na naman. Bat naman magseselos yun?" 

 

"Hindi mo ba nakita kung gaano kasama yung tingin niya sa inyong dalawa ni Snow kanina nung naglalandian kayo? Kulang nalang sumugod dito at kaladkarin si Snow palabas eh" tatawa tawang sabi ni Jisoo.

 

"Bantayan mo yun si Snow Lisa, baka mamaya pasalvage ni Jennie yun hahaha!!!" gatong pa ni Seulgi. 

 

"Alam niyo puro kayo kalokohan. Una sa lahat, magkaibigan lang kami ni Snow, okay? At yang si Jennie, hindi nagseselos yan. Sadyang galit lang yan sa mundo at naghahanap ng mapagbubuntungan" depensa ko sa sarili ko. 

 

Tumawa naman yung dalawa habang patango tango. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa dalawang to, puro kalokohan ang pinagsasasabi eh. Hindi ko rin alam kung saan nila napulot na may gusto sakin yang si Jennie eh halata namang wala eh. Saka imposibleng walang boyfriend yan kaya hindi talaga ako maniniwala sa mga pinagsasabi ng mga mokong na to. 

 

 

 

 

 

 

----

Jennie's POV

 

I arrived at the university gymnasium wearing my PE shirt na ginawa kong crop top and as usual yung mga patay gutom kong classmates naglalaway na naman sa katawan ko. Well, ano pa bang bago? 

 

Taas noo at nakangiti naman akong pumasok sa gym habang nagsisipulan sila pero nawala ang ngiti ko nang mapagawi sa bandang itaas ng bleachers yung mga mata ko. What is this leech doing here? At bakit kasama niya na naman si Manoban? 

 

My grand entrance caught their attention but I can't help but glared at them. 

 

"She's here again? Bestfriend, mukhang binabakuran na ata ni ate girl si Lisa ah" bulong sakin ni Chaeng na lalong nagpakunot ng noo ko. 

 

Binabakuran? I won't let her do that. I am Jennie Kim and Jennie Kim don't let anyone get in her way. I am still glaring at them and guess what, that girl really had the audacity para makipagtitigan sakin. Well this girl really doesn't know kung sinong binabangga niya. 

 

We sat on the bleachers but I never turned my gaze away from them. Nakita ko naman na may sinabi yung babaeng linta kay Lisa. I scoffed when I saw that girl made cute gesture in front of her. Ito namang Manoban todo ngiti eh hindi naman cute! Gosh! Nakakairita sa mata! 

 

Napatingin siya sa kinauupuan namin and I glared at her. Kita ko naman naman how uncomfortable she is with my stares at hindi makakawala sakin yung paglunok niya ng laway niya bago siya umiwas ng tingin sakin. Yan! Tama yan! Kabahan ka sa mga pinaggagagawa mo Manoban!

 

Patuloy ko lang silang pinanood sa paglalandian and I gritted my teeth when I saw that girl kissed Lisa's cheeks bago tumayo at umalis. I balled my fist at halos mapatayo ako sa inis. I really want to pull her hair para ako mismo ang kakaladkad sa kanya palabas ng gym na to. 

 

"One zero in favor of Snow Kong! Payag ka ba nun bestfriend aba keep up! Pag di ka pa kumilos mapag iiwanan ka niyan, sige ka!" mapang asar na bulong ni Chaeng. 

 

"Snow Kong?" tanong sabay lingon ko sa kanya. 

 

"Yeah! That girl! Snow Kong... Pre law, matalino, maganda, mayaman, disente, hottie" nakangising sagot niya. 

 

"So?" 

 

"In short... Manoban's perfect match!" 

 

Napataas naman ang isang kilay ko sa sinabi niya. I scoffed and moved my face closer to her. 

 

"Park Chaeyoung, ano ka ba naman, bestfriend ba talaga kita? Baka nakakalimutan mo that I. Am. Jennie. Kim... jaw dropper, head turner, smart, gorgeous, campus it girl, sultry, queen bee, bad . What Jennie wants, Jennie gets" I smirked. 

 

Chaeng srmirked and give me an 'are you sure' look. 

 

"Try me" I said lifting the side of my lip up.

 

"Then prove it" 

 

I looked at Lisa. I saw her talking to her friends. 

 

Lalisa Manoban... You better get ready coz Jennie's comin' for you.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author