Ch 19

BAD CHICK

Anong problema nun? tanong ko sa isip ko. 

 

 

Hindi ko siya maintindihan. Kanina lang okay naman kami, kinakausap niya pa ko then all of sudden biglang di na naman mamamansin? Napaka moody talaga. 

 

 

"Oh akala ko ba may practice kayo?" tanong ni Chaeng ng maabutan niya ko dito malapit sa gate palabas ng university. Nagpaalam kasi ako sa kanya na mauuna na ko dahil may practice pa kami ni Lisa. 

 

 

Hinabol ko pa siya para ipaalala sa kanya yung practice namin pero mukhang wala ata siyang planong siputin ako. Mukhang balak niyang indianin talaga ko. I clenched my jaw when I realized that. Alam kong nagsisinungaling siya na may lakad sila at busy siya sa mga susunod na araw. Akala niya ba maloloko niya ko? There's something wrong I know dahil halata sa kanya. She's a bad liar. Ramdam kong iniiwasan niya ko pero wala akong idea kung bakit. Pero siyempre hindi ako papayag na gantuhin niya ko. I need to know what's running on her mind. I can't let her treat me like . Papansinin, kakausapin kung kelan niya lang trip. I am Jennie Kim and no one dared to that do to me. 

 

 

"Hey Jen?" I was cut off from my train of thoughts when Chaeng called me. Napalingon ako sa kanya and she's questioning me with her eyes. 

 

 

"You okay?" tanong niya. 

 

 

"Yeah I'm fine" 

 

 

Her facial expression softened and she roam her eyes around. 

 

 

"Where's Lisa? I thought you're with her? Akala ko may practice kayo?" usisa niya. 

 

 

I heave a deep sigh before I answered her. 

 

 

"May lakad daw siya" 

 

 

Napakunot noo siya sa sagot ko. Alam kong ramdam niya yung lungkot ko that Lisa left me. So para icomfort ako, she s her arms na lang sa mga braso ko and she smiled at me. 

 

 

"Tara, sama ka na lang samin" sabi niya sabay hila sakin palabas ng university at wala na kong nagawa kundi ang magpatangay na lang sa kanya. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

-----

 


Lisa's POV

 

 

Kanina pa kami naglalaro ng bilyar dito sa tambayan pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nanalo. Ewan ko ba, hindi ko magawang mashoot yung mga bola. Hindi naman ako ganito eh, normally, talo sakin palagi si Jisoo at Seul kapag naglalaro kami but now, di ko alam kung anong nangyayari sakin. Wala ko sa sarili ko. 

 

 

Pero tuloy lang kami sa paglalaro until it's my turn again. Sinargo ko ang bola ng maayos bago ko tirahin. I am leaning on the table looking straight into the ball and the hole. I heave a deep sigh and closed my eyes to calm myself. Pero imbes na kumalma ko, pagpikit ko ng mga mata ko naalala ko na naman yung eksenang natunghayan ko kanina. I can see Jennie hugging Hanbin in my mind and it pisses me off. Not wanting to see that anymore, I hastily opened my eyes at hindi ko na namalayan na napakawalan ko na pala ang tira ko. As usual sala na naman, sablay na naman.

 

 

Sa sobrang inis ko, tinapon ko sa table yung tako ko. Jisoo and Seulgi looked at me with worried expression on their faces. 

 

 

"What's wrong Lis?" tanong ni Seulgi. 

 

 

I was about to turn my back at them but Jisoo was too quick to stop me. 

 

 

"Don't turn your back on us Lis. Magkakaibigan tayo dito at alam naming may gumugulo sa isip mo. And don't you even try to lie to us. Alam mong alam na alam namin kapag nagsisinungaling ka. So tell us, anong nangyari?" seryosong tanong niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko at habang hawak niya ang balikat ko. 

 

 

I looked at her then to Seulgi then back at her. She's right, I should tell them. There's no point in hiding this. Besides, I need to know why I am being like this. Maybe they have the answer. 

 

 

I swallowed a lump in my throat first before I spoke. 

 

 

"Hindi ko din alam. I have no idea why I am being like this. I'm not supposed to feel this way pero hindi ko maiwasan. Hindi ko dapat sila iniisip pero di ko naman magawang matanggal sa isip ko" paliwanag ko. 

 

 

Kita kong naguguluhan sila sa mga sinasabi ko dahil parehong nakakunot ang mga noo nila habang nakatingin sakin. 

 

 

"Sila? Sinong sila?" tanong ni Jisoo. 

 

 

"Jennie. Jennie and her ex, Hanbin" sagot ko. 

 

 

I saw Jisoo's facial expression changed from confused to blank. She looked at Seulgi then to me. 

 

 

"Anong nakita mo?" tanong niya ulit. 

 

 

"I saw them, sa may kubo, hugging each other. Hindi ko alam kung bakit sila magkasama o kung bakit pa siya kinakausap ni Jennie after everything he did to her. He cheated right? Diba dapat wala na siyang pakialam sa lalaking yun? Pero seeing them mukhang nagkabalikan pa nga ata sila eh, dap---" dire diretsong sabi ko but I stopped when I noticed that Jisoo is just looking straight at me. Masyado ata akong naging madaldal at kung ano ano na atang nasabi ko na hindi dapat. 

 

Napatahimik ako, habang hinihintay kong may sabihin siya.

 

 

"So, nagkakaganyan ka dahil kay Jennie?" tanong niya na hindi ko nagawang sagutin. 

Hindi ko kayang umamin na oo nagkakaganito ako dahil sa kanya. 

"Tell me Lisa, may gusto ka ba kay Jennie? Nagseselos ka ba?" seryosong tanong niya ulit. 

Nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa, as if sinasabi niya sakin na wag na wag akong magsisinungaling sa kanya. Pero yung tanong niya, hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko. Maski ako naguguluhan. Jennie is not my ideal type. Yes, maganda siya pero yung ugali, kilos at galaw niya, sobrang malayo sa kung anong nasa isip ko. 

Pinandilatan naman ako ni Jisoo ng medyo nag- hang ang utak ko at di ako nakasagot agad. 

 

 

"Ano? May gusto ka ba sa kanya?" 

 

 

Tumingin ako kay Seul as if I am asking her to make Jisoo stop but she never budge and let Jisoo interrogate me. 

 

 

"Wala! Wala akong gusto sa kanya" kunot noong sagot ko. 

 

 

Wala nga  ba Lisa? tanong ko sa sarili ko. 

 

 

"Sigurado ka? kasi hindi ka naman magkakaganyan kung wala ka ni katiting na feelings para sa kanya?" 

 

 

"Concern lang ako, okay? Kahit papano naging kaibigan ko na rin siya at ayokong masaktan na naman siya. Niloko na siya ng taong yun once at hindi malabong mangyaring ulitin niya ulit yun" depensa ko. bago ko isinandal ang sarili ko sa billiard table. 

 

 

Jisoo and Seulgi walked towards me. Tinabihan nila ko at saka sabay na tinapik ang balikat ko. 

 

 

"Lisa, malaki na si Jennie. Alam niya na kung anong makakabuti para sa kanya. Kung totoong nagkabalikan sila ni Hanbin, yun ay baka mahal niya pa. So, let her be. Kung masasaktan siya, wala tayong magagawa dahil desisyon niya yun, dahil ginusto niya yun. At kung kaibigan na ang turing mo sa kanya at concern ka lang talaga, be there for her as a friend kapag kinailangan ka niya. Pero kung ano't anuman at kung tama kang nagkabalikan nga sila, wala kang magagawa kundi ang suportahan siya" sabi niya ng bahagyang nakangiti sakin. 

 

 

"Pero sigurado ka bang kaibigan lang talaga tingin mo sa kanya Lis? O baka naman natatakot ka lang aminin sa sarili mo kung ano ba talaga yang nararamdaman mo para sa kanya?" sabat naman ni Seulgi. 

 

 

May nararamdaman na ba talaga ko para sa kanya? Pero hindi pwede. Hindi pwede dahil sobrang magkaiba kami ng ugali, ng kilos, ng pag iisip. Kaya malabo talaga yung iniisip nila. Concern lang ako, yun lang yun. 

 

 

"Wala akong feelings for her, okay! Concern lang talaga ko" depensa ko sa sarili ko bago ko sila tinalikuran. 

 

 

"Well, I hope totoo yang sinasabi mo. Kasi kung hindi, sarili mo lang ang niloloko mo Lisa" sabi niya sabay tapik ulit sa balikat  ko. 

 

 

Napatingin lang ako sa kamay niya. Pagkatanggal niya nun ay agad akong umalis sa harapan nila. 

 

 

"Teka san ka pupunta?" tawag nila sakin nung magsimula akong maglakad palayo sa kanila. 

 

 

"Maglalaro ng Tekken" sagot ko ng di sila nililingon.

 

 

Hindi ko na nilingon yung dalawa. Pumunta na agad ako sa mga arcade. Maglalaro na lang ako ng Tekken at doon ko na lang ibubuhos lahat ng frustrations na nararamdaman ko ngayon. 

 

 

Pagdating ko dun, maswerte ako kasi wala pang naglalaro. Napangiti ako at agad na umupo at naghulog ng token para maglaro mag isa but I was startled nang biglang may tumabi sakin.

 

 

"Importante pala ha" 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

-----
Ang sweet ng Chaelisa bat ganun? Share ko lang kilig ako eh. 

http://youtu.be/LGlmRdlnMus

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
Thank you sa pawelcome guys! 😊

Comments

You must be logged in to comment
user_not_found_bye
#1
Chapter 46: this deserves my upvote kaso tangina lang, nakalimutan ko password ng old acc ko and i just made this acc yesterday 😭 anyway, love it. keep writing.
bibimyun
#2
Chapter 46: Wow, thanks author!!! Gawa ka pa ng maraming stories ✌😁✌
jj0807 #3
Chapter 41: I like the development of the relationship between Jennie and Lisa. I'm just curious though, did you get some inspiration from a 90s Filipino movie? I just noticed that some parts are similar. Looking forward for the next chapters! :)
Jendeukie_16 #4
Chapter 44: Update po 😭
Jendeukie_16 #5
Chapter 44: Update a lot please 😭
leejhoylee #6
Chapter 44: Thanks author for the update👌
abbieR_052304
#7
Chapter 43: NoooOoooo but thanks for the update
Jendeukie_16 #8
Chapter 42: Update kana po please 😭
Jendeukie_16 #9
Chapter 42: Pahinga na muna lalo na at walang tiwala ang partner mo sayo.
leejhoylee #10
Chapter 42: Thanks author