The Way You Look At Me - Chapter 9

The Way You Look At Me

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Kim nang ilapag ng lalaki sa mesa ang hawak  nitong gitara at pakuwa ay tumayo  at humarap sa kanya.Napanganga naman si Kim na tila hindi malaman ang gagawin sa muli nilang pagtatagpo.

"So, we meet again," kaswal na sinabi ng lalaki. Napansin niyang nanginginig si Kim sa kaba. "Could we call it destiny?" dagdag pa ng lalaki.

"I-ikaw iyong lalaki sa airport at-----"

"Io ti amo, bebé." Ang lalaki na ang nagtuloy sa dapat sanang sasabihin ni Kim.

Hindi na nakapag salita si Kim. "You love me?" Napatutop siya nang ma-relialize na may ibang ibig sabihin ang lalaki. Baka isipin ng lalaki na may gusto siya rito.

Nag-angat ng ulo si Kim."Why do you keep calling me bebé?" mataray na tanong ni Kim para kahit papaano ay hindi niya masiyadong maramdaman ang pag kahiya.

Tinitigan ng lalaki si Kim."bebé is the Italian word for baby.Dalawang beses ko kasi narinig na tinawag kang baby.Para maiba naman ginawang ko nalang bebé." Isinuksok ng lalaki ang mga kamay sa magkabilaang bulsa ng pantalon niya."So, ano pa ang ibang tawag nila sayo? and i heard your family owns the restaurant where we bumped into each other for the second time."nakangiting tanong niya.

"It's Kimberly. My friends call me 'Kim' and 'baby' by my family." Diniinan ni Kim ang pagkakasabi sa huling salita upang iparating dito na walang ibang tumatawag sa kanya ng baby. "Yes, IO TI AMO restaurant is our famiy business.More than 2 years na iyong nag-ooperate.Tinutulungan ko ang mga parents ko sa pagpapatakbo niyon." dagdag pa ni Kim.

"I'm Simon. Dalawang beses pa lang ako nakapunta sa IO TI AMO. Business meeting sa Axis Telecom noong una at business transaction  naman dito sa kapehan noong pangalawa. That was the second time we saw each other. Your foods there are superb kaya nga baka sa susunod, doon ulit kami mag-meeting ng mga clients ko."

Napangiti si Kim.Nawala ang katarayan niya lalo pa't pinuri ni Simon ang mga pagkain sa kanilang restaurant. Nagpasalamat si Kim dito at tinanggap ang pakikipag-kamay ni Simon."Nabanggit ka sa akin ni Tita Carolyn.Ang gitara mo kasi ang unang narinig ko nang dumating ako kahapon."

"Nagulat nga ako nang makita kita sa veranda." Itinuro pa nito ang silid na kanyang inookupa. Kitang-kita iyon mula sa kanilang kinatatayuan nila. Kapag pala nasa hardin ng mga Atkins ay hindi balakid ang mga punong nakapagitan sa kanila.

"Bakasyunista lang ako rito.Kapatid ng papa ko ang asawa ni Tito Enzo. Kilala mo sila?" Huli na nang maiisip niyang mali ang tanong niya.Siyempre kilala nito ang Tito  Enzo niya dahil magkapitbahay ang mga ito.

Tumango si Simon. "Yeah, I know them and----". Napatigil si Simon at pilyong ngumiti kay Kim. "Do you always smile to people you don't know? Ang akala ko nga, ikaw yong ipinadalang tauhan nina Papa para sumundo sa akin sa airport. Pero nang sumulpot sina Tito Enzo at tinawag ka ay hindi pala. Pumasok nga rin sa isip ko noong una baka isa kang-----"

Nagsalubong ang mga kilay ni Kim." e at sa airport ako nag hahanap ng costumer. Grabe ka naman" nakasimagot na sinabi ni Kim. 

Nagkibit-balikat si Simon." I'm sorry. Nagulat lang ako.And then you smiled at me again at IO TI AMO. Pero sa pagkakataong iyon ay inisip kong friendly ka lang talaga  siguro kaya mo ginawa iyon."

Hindi alam ni Kim kung sasang-ayon siya kay Simon. Kung tutuusin ay hindi naman niya pinag-uukulan ng pansin ang ibang lalaki simula ng mag-hiwalay sila ni Gerald. Napasulyap si Kim sa bahay ng mga Atkins. Mas maganda pala iyon pag-nalapitan.

"Gusto mong pumasok?" tanong ni Simon." I will tour you around, tutal naman ay bakasyunista ka rito sa amin." anito nang mapansin  marahil na umiikot ang mga mata ni Kim sa paligid. "And we can be friends while you're here." dagdag pa ni Simon at halatang sincere.

Ngumiti lang si Kim at tinanggap ang paanyanya ni Simon at maging sa pakikipagkaibigan nito.

"May daan sa banda roon kung gusto mong mag-over the bakod." Itinuro ni Simon ang tinutukoy na daanan."Kung gusto mi isasama kita sa kapehan kung may oras."

Namilog ang singkit na mata ni Kim sa paanyanya ni Simon.Gustong gusto niyang makakita ng plantasyon ng kape. Curious siyang makita ang sinasabi ng Tita Loren niya na malawak na kapehan ng mga Atkins.

"Hindi pa ako nakakakita ng coffee platation." wika ni Kim habang sila ay naglalakad. Pagpasok sa bakuran ng mga Atkins ay inilibot niya ang kanyang paningin.

"Close-up of Mercury's head?? aniya pagkakita sa estatwang iyon sa kaliwang bahagi ng hardin. "Is that the one modeled after Giovanni Bologna's celebrated  16th century Florentine fountain?" aniyang  tinignan si Simon sa kanyang tabi.

Kumunot ang noo ni Simon. "I'm sorry,that's history and i'm not good at it" anito.

Natawa si Kim. "Actually, I just read it in a magazine but i'm not really familiar with it. Ang ganda naman ng landscaping ng garden niyo. Who designed it? tanong ni Kim.

" I did ,two years ago.And coming from you, I will take that as a compliment." he said smilingly.

"Are you a landscape designer?" tanong ni Kim.

umiling si Simon.

"You must be a musician." pahayag niyang tinignan ang gitara

Ngumiti si Simon at saka umiling. "Business Administration graduate ako. Hobbies ko lang ang arts,basketball and music. Ililibot na lang kita sa buong bahay. Sa susunod na araw na lang kita dadalhin sa kapehan. Mataas na ang araw at masakit sa balat, baka masunog ka.

Biglang nawala ang excitement na nararamdaman ni Kim. Napatingala siya sa langit. Tama si Simon, tanghali na para magpunta sila sa kapehan lalo pa at ganito kaiinit ang araw."Madalas ka bang tumugtog ng gitara?" tanong ni Kim.

"Hindi naman, kapag may oras lang ako. Pero mukhang dadalasan ko na dahil may tagahanga na akong laging makikinig  sa akin kahit sa gabi. Masarap kasing pakinggan na may pumapalakpak sa iyo pagkatapos tumugtog." kinindatan ni Simon si Kim.

Namula tuloy ang magkabilaang pisngi ni Kim.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayako25 #1
i can't help but cry... na-touch na ako sa story jhit d pa ako tpos magbasa.. SUPER THANK YOU sa NAG_SULAT @143kimon[A]
143kimon
#2
Title of the next story is "YOU AND I FOREVER"
xtin41 #3
excited for the next story
Blashrajap #4
hahahahhaa..LOVE IT!!
xtin41 #5
another one..cant wait for the next story..
GEL2000 #6
yyyiiipppeeee!!!!nice one!!! please write another kimon fanfic pretty please......:)
Blashrajap #7
hahahha..LOVE IT!!!
xtin41 #8
so like it..next chapter na..<br />
Blashrajap #9
waaaaaahhhhh..next chapter..love it..hahahaha