The Way You Look At Me - Chapter 5

The Way You Look At Me

Naghihintay na ang mga magulang ni Kim ng makauwi sila galing sa airport. Inabot sila ng hating gabi sa pagkukuwentuhan. Nang bumaba si Kim para mag-agahan kinabukasan ay naabutan niyang pinag-uusapan na ng mga ito sa harap ng hapagkainan ang tungkol sa ipinagbibiling kapehan ng Tito Enzo niya.

"Si Carolyn nalang ang nag-iisa kung kamag-anak ko rito sa Pilipinas. Pinsang-buo ko siya at kalahati ng kapehan ay sa kanya. Katulad ko, wala rin siyang kaalam-alam sa ganoong produkto kaya naiisipan nalang naming ibenta ang platasyon." paliwanag ni Tito Enzo.

"Pero hindi kasali sa ibebenta ang niyugan. Iiwan namin iyon dahil nasasakop niyon ang ancestral house nina Enzo. Magandang gawing bahay-bakasyunan ang lumang bahay na iyon lalo na kapag umuuwi kami rito sa Pilipinas."dagdag  namang sinabi ng Tita Loren niya.

Tumatango lang naman ang Papa ni Kim. "May buyer na ba kayo kuya Enzo?"

Tumango ang tiyuhin niya. "Ang mga Atkins ang bibili ng kapehan. Sila ang may pinakamalawak na plantasyon ng kape sa laguna. Gagawin nilang extension, tutal ay kalapit lang ng kapehan nila ang kapehan namin. Hindi na rin iba sa amin ang pamilyang iyon."

Pamilyar kay Kim ang mga Akins. Ang pagkakaalam niya ay pagmamay-ari ng mga ito ang higanteng telecommunication company sa bansa. Hindi nga lang niya tiyak kung ang pamilyang iyon ang pinag-uusapan nila.

"Tito Enzo, puwede ba akong magbakasyon sa inyo kahit tatlong linggo lang?" sabad ni Kim sa usapan.

Napatingin ito sa kanya at saka tumango." That's a good idea, hija,tutal naman ay baka ilang linggo rin kami ng Tita Loren mo rito."

Nagpasalamat siya."Kumusta na nga po pala si Allen, Tita?". Naisipan niyang itanong ang kaniyang pinsan. Si Allen ang ang bunsong anak ng mga ito.

Masayang ibinalita ng Tita Loren niya na ikakasal na sa susunod na taon ang kanyang anak. "Kasamahan din niya sa trabaho ang kanyang mapapangasawa. Isang Mexican at napakabait na bata."

"Talaga?Hmmm.... I think I'll call him up para naman maitanong ko kung paano nagsimula ang love story nila. Gagawan ko rin siya ng libro katulad ni Ate haydee." aniya na ang tinutukoy ay ang panganay namang anak nina Tita Loren at Tito Enzo niya. Si Haydee ang pinakanaunang nag-asawa sa kanilang mag-pipinsan.

"What ? Magbabakasyon ka?" bulalas na tanong ni Erich ng magkita ito at si  Kim para mag-fit ng wedding gown nito.

Tumango si Kim."Ilang linggo lang ang ilalagi ko roon." Isinukat din ni Kim ang isusuot niyang gown. Si Kim ang napili niyang maid of honor.Sina Empress at Melissa naman ang dalawa sa mga bridesmaids nito. Kapwa nasa ibang bansa ang dalawa pa nilang kaibigan kaya hindi sila makaka-attend sa kasal ni Erich.

Isang kulay old-rose na yari sa silk fabric at umaabot hanggang sa talampakan niya ang tabas ng gown ni Kim.Strapless iyon na humahapit sa makurbang katawan ni Kim.

Itinaas ni Kim ang lagpas-balikat niyang buhok.Tinitigan niya ang repleksiyon sa salamin at nang makontento sa kanyang nakita ay napangiti siya.

Lalong nataranta si Erich. "Kim, ikakasal ako two weeks from now!"

Pumasok si Erich sa dressing room para magpalit ng damit. " Yes, I know. Hindi ko makakalimutan,promise." mabilis namang sumagot si Kim. Iniabot ni Kim sa couturier ang kanyang gown. Hindi pa iyon tapos dahil may ilalagay pa raw na mga beads. Lumapit siya kay Erich na ng mga sandaling iyon ay nakatitig sa kanya.

"Kinakabahan ako sa iyo Kim. Baka makalimutan mo ang kasal ko." kinakabahang sinabi niya ito kay Kim.

"Parang hindi mo naman ako kilala Erich. Alam mo namang kapag nag-promise ako ay tinutupad ko.Don't worry ,darating ang maid of honor mo." paniniguro ni Kim kay Erich.

Ngumiti ito ng pilya."Baka sa Laguna mo na  makita ang lalaking magpapatibok muli ng puso mo."pag-iiba nito sa usapan.

Napasimangot siya."Ang bilis talaga ng andar ng utak mo.Para kang si Papa na ipinagtutulakan na akong mag-asawa."

"Because you are not getting any younger. Sa edad nating ito, dapat na tayong mag-asawa."nakangiting sagot ni Erich.

Napahawak sa kanyang batok si Kim." Susmeo! 21 palang tayo,ah? And besides, what do you want me to do? Marry the guy i met in Laguna? My goodness,Erich! I still believe in long engagement.

"May oras ka pa naman para makita ang right guy for you, ah?."ayaw talaga mag patalo ni Erich.

"Sinisiguro ko sa inyo na hindi ako mag-aasawa sa edad na sinasabi niyo." kontra naman ni Kim.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayako25 #1
i can't help but cry... na-touch na ako sa story jhit d pa ako tpos magbasa.. SUPER THANK YOU sa NAG_SULAT @143kimon[A]
143kimon
#2
Title of the next story is "YOU AND I FOREVER"
xtin41 #3
excited for the next story
Blashrajap #4
hahahahhaa..LOVE IT!!
xtin41 #5
another one..cant wait for the next story..
GEL2000 #6
yyyiiipppeeee!!!!nice one!!! please write another kimon fanfic pretty please......:)
Blashrajap #7
hahahha..LOVE IT!!!
xtin41 #8
so like it..next chapter na..<br />
Blashrajap #9
waaaaaahhhhh..next chapter..love it..hahahaha