The Way You Look At Me - Chapter 22

The Way You Look At Me

Si Kim ang nagbukas ng restaurant nang araw na iyon. Napuyat ang mga magulang niya sa pagbabantay sa Ate Lakam niya na nanganak kaninang madaling-araw.

Bago pa dumating ang mga magulang niya ay na supervise na niya ang kitchen at naayos na rin niya ang mga deliveries para sa araw na iyon.

"Masaya yata ang baby namin ngayon, ah" pansin ng Papa niya.

Ngumiti si Kim. "Alam ko namang napagod kayo sa pag-asikaso kay Ate Lakam."

Nagbaba si Kim ng tingin sa hawak na diyaryo. "Atkins-Pinto nuptials." sabi nito habang binabasa ang titulong iyon. "Hindi nga ba't si Simon ito, anak?"

Lumapit siya rito at kinuha ang newspaper na hawak nito. Sa susunod na buwan na pala ang kasal nina Simon at Sam.

Kahit ine-expect na niyang mangyayari ang okasyong iyon ay muling nabuksan ang sugat sa kaniyang puso. Mabigat ang mga paang lumayo siya sa kanyang ama at pumasok sa comfort room.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na lumuha sa loob. Pinakalma niya ang kanyang sarili at saka muling lumabas.

"Are you okay, hija?" may pag-aalalang tanong ng kanyang mama nang makasalubong niya ito palabas sa comfort room. Tiyak niyang napansin nito ang pamumula at pamamaga ng kanyang mga mata.

Pilit tumango si Kim. "I'm fine, 'Ma." sagot niya na namamaos na tinig. Iniiwas niya ang kanyang tingin dito.

"Nandyan si Simon at hinahanap ka."

Nag-angat siya ng mukha. "Are you sure 'Ma na si Simon 'yon?"

"He's waiting for you. Hala, puntahan mo na siya."

Nagtungo si Kim sa loob ng restaurant at naroon nga si Simon. Parang gusto niyang tumakbo palapit dito at yakapin ito ng mahigpit. Subalit pinigilan ni Kim ang kanyang sarili.

Nang magkaharap na sila ni Simon ay napansin niya sa mukha nito na tila gusto rin siya nitong yakapin. Tumingin si Simon sa hawak na newspaper ni Kim.

"Congratulations, Simon. Nabasa ko sa diyaryo ang tungkol sa kasal niyo ni Sam."sabi ni Kim pilit pasiglahin ang kanyang tinig. "Don't invite me to your wedding ha? baka kasi sumigaw ako para ipahinto ang kasal." pabirong sabi niya at muling tumulo ang kanyang luha. Hindi na maiwasan ni Kim ang maiyak kaya lumabas siya ng restaurant at sinundan naman siya ni Simon.

"Stop crying Kimberly, please. Hindi mo alam kung gaano ako nahihirapan sa sitwasyon natin, ngayon pa na alam kung nagkakaganyan ka. Kinukumusta ka nga rin pala ni mama."

Tumingin si Kim kay Simon at pinilit ngumiti.

Lumapit naman sa kanya si Simon at niyakap siya ng mahigpit. "I miss you so much, Kimberly."

"Akala ko nakalimutan mo na ako." tumulo nanaman ang kanyang luha.

"Tama na iyang luhang iyan. Pasok na tayo sa loob ang init dito." bago pa man sila umalis ay may sinabi ni Simon "I LOVE YOU SO MUCH, Kimberly" at saka siya hinalikan.

Medyo gumaan ang loob ni Kim sa mga oras na iyon. Unang pumasok si Kim sa loob at sumunod naman kaagad sa kanya si Simon.

"Pakisabi nalang kay Tita pasensiya na at hindi ako nakapagpaalam noong umalis ako sa La----"

"Kimberly..."

Sabay silang napalingon ni Simon sa pintuan nang marinig ang boses na iyon.

"G-Gerald?" usal ni Kim. Napakurap siya.

"How are you doing, honey? I missed you so much," sabi ni Gerald. Lumapit ito saka niya yinakap ng mahigpit si Kim.

"B-Bumalik ka?"

Tumango si Gerald, hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap kay Kim. "I just arrived early this morning and i can't wait to see you,honey. I'm sorry if I left without telling you  why. I have to settle everything before i make the right decision. And I came back because I still love you and I want to marry you."

Nanigas ang dila ni Kim sa narinig. "I-I don't know what to say," natigilan pa ring sabi niya.

Inilayo siya ni Gerald. "I know it's too early to tell you how I feel. I'll just take my chances. I will give you time to think it over, Kim." sabi ni Gerald.

Wala sa sariling tumango si Kim. Nang mahagip ng tingin niya si Simon ay saka lamang niya naalalang naroon nga pala ito. Nakatitig lamang ito sa kanilang dalawa ni Gerald.

"I have to go Kimberly." Tinignan ni Simon si Gerald. "Take care of her and don't  ever make her cry again, kung ginawa mo ulit 'yon hindi ako magda-dalawang isip kunin siya sayo. By the way nice meeting you, pare,"
Pagkasabi niyon ay mabilis itong lumakad palabas ng restaurant.

"Simon...." sigaw ni Kim.

Lumingon si Simon." I love you." sinabi nito ng mahina at kung nasa malayo ka ay makikita mong bibig niya lang ang gumagalaw ngunit ramdam ni Kim ang sinabing iyon ni Simon kahit hindi niya narinig.

"Do you know him, honey?" nagtatakang tanong ni Gerald.

Napalingon siya rito. "Yes, I know him so much. He's the one I truly love," pagkasabi niyon ay tumalikod at pumasok siya sa kusina... 
 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayako25 #1
i can't help but cry... na-touch na ako sa story jhit d pa ako tpos magbasa.. SUPER THANK YOU sa NAG_SULAT @143kimon[A]
143kimon
#2
Title of the next story is "YOU AND I FOREVER"
xtin41 #3
excited for the next story
Blashrajap #4
hahahahhaa..LOVE IT!!
xtin41 #5
another one..cant wait for the next story..
GEL2000 #6
yyyiiipppeeee!!!!nice one!!! please write another kimon fanfic pretty please......:)
Blashrajap #7
hahahha..LOVE IT!!!
xtin41 #8
so like it..next chapter na..<br />
Blashrajap #9
waaaaaahhhhh..next chapter..love it..hahahaha