The Way You Look At Me - Chapter 1

The Way You Look At Me

"Church,Wedding Reception,Wedding Invitations..." sunod-sunod na sinabi ni Erich habang inililista sa isang papel ang mga kakailanganin sa nalalapit niyang kasal. Huminto ito at tila nag-iisip.

Napasulyap tuloy si Kim sa kanyang kaibigan.Nasa apartment niya ito ng mga oras na iyon para tulungan c Erich,i-finalize ang details sa kasal nito.

"Huwag mo kalilimutan iyong mga giveaway souvenirs" paalala ni Erich.Naalala tuloy ni Kim ang Ate niya noong ikasal ito.Gaya  ng Ate Lakam niya,hindi rin mapakali si Erich. "You're to tense,Erich bakit hindi mo nalang hayaan ang wedding coordinator na umasikaso sa mga yan?".

"I want my wedding to be perfect .Ayokong magkaproblema sa mismong araw ng wedding ko, kaya personal kung inaayos ang mga ito" anito at itinuloy na ang ginagawa.

Ibinalik nman ni Kim ang sariling atensiyon sa binabasang catalogue."Hey, look at this one!" mula sa hagdanan ay bumaba siya patungo sa kinalalagyan ni Erich."Sa tingin mo,magkano kaya ang halaga nito? Does it cost a million bucks?" ipinakita niya rito ang isang set ng wedding bands. May kasama na rin iyon na isang engagement ring.

A pair of a yellow gold wedding rings wiht fine quality. Kumikinang ang nakapalibot na mga brilyantes sa malaking bato niyon.

"It's too perfect and beautiful" hindi napigilan ni Erich na humanga sa ganda niyon.

"Mahal nga siguro iyan.But what's the use of having a very expensive wedding ring kung mag-hihiwalay rin kayo sa huli? Sayang lang ang ipinambili mo,"biglang komento ng isa pa nilang kaibigan na si Kitkat na nasa likod lang ni Kim.

"Aba,puwede rin namang isangla, so ano'ng sayang dun?!" lumapit na rin c Empress at nakiumpok sa kanila.

Nagsalubong ang mga kilay ni Erich."Mga bruha talaga kayo.Nakikita niyong ikakasal pa lang ako,hiwalayan kaagad pinag-uusapan nyo.Tinatakot nyo ba ako?!"
 

Nagkatinginan silang tatlo nina Empress at Melissa at saka magkakasabay na humalakhak.

"But,tell you what, I would rather to choose a wooden ring than this one."seryosong tinig ni Kim."Kung hindi naman ay singsing na     gawa sa sinulid just like in THE COUNT OF MONTE CRISTO.Remember that movie?!" nakangiting sinabi ni Kim.

Tinapik ni Melissa si Kim sa balikat."Lumalabas nanaman ang pagiging romantiko mo,Kim" nakangiting pag-kakasabi ni Melissa."Wait,speaking of rings.Nasubukan mo na bang gamitin ang singsing Kim para malaman kung kelan ka mag-aasawa?".Seryosong tanong ni Empress.

Umiling si Kim.Minsan na rin niyang narinig ang tungkol doon.Ayon pa nga sa nag kuwento sa kanya,kung ilang beses daw tumama ang singsing sa baso ay iyon ang edad kung kailan ikakasal ang isang tao.
 

"Sinubukan namin ni Empress last month twenty-nine years old daw kami ikakasal". ani ni Melissa." eleven years pa nga ako mag hihintay eh,samantalang si Melissa 8 years". ani ni Empress.

Si Empress ang pinakabata sa kanilang mag-babarkada..18 years old lang siya. Samantalang c Erich ay 20 years old, 21 years old nman sina Kim at Melissa.

"Ang tatanda nyo na pala kung sakali". natatawang sabi ni Erich.

"Kahit na, 'no.Basta ang importante ay siguradong makakapag-asawa  kami bago kami mawala sa listahan ng kalendaryo".wika ni Empress na nasa tinig ang kasiguraduhan."This time Kim, gusto naming malaman kung ikaw ang susunod kay Erich" dagdag na sinabi ni Empress.Nagtungo ito sa kusina at pagbalik may dala nang baso.

"Lagi namang pumapalpak ang vibration mo.Sinabi mo noon na ako ang susunod na ikakasal ng matapos ikasal si Kitkat, eh hindi naman dahil ang sumunod na ikinasal ay si Beauty.And unfortunately,dalawa na ang may asawa sa atin at ikatlo na si Erich pero nandito parin ako at single pa rin," nakasimangot na paalala nya kay Empress nang ilapag na nito ang baso sa center table.

"Hmmmp,huwag mo na nga akong kontrahin.Malay mo sa pagkakataong ito,magkakatotoo na.Hala,sige akin na ang singsing mo at isang strand ng buhok mo."anito, sabay hila sa kanya.Binunutan siya nito ng isang hibla ng buhok.

Nagsunuran naman sina Erich at Melissa.

Para hindi na humaba ang usapan ay sumunod na lamang siya sa nais mangyari ng mga ito.Itinali ni Empress ang singsing sa nakuhang strand ng buhok ni Kim at pagkatapos ay itinali ang magkabilang dulo ng buhok sa daliri niya.

"There you go.Dapat steady at relax ka lang."paalala nito habang ipinupwesto sa tapat ng bibig ng baso ang kanyang kamay na may nakabitin na singsing sa daliri niya.

Ilang sandali pa ay tumahimik na sila.Pagkuwa'y kusa ngang gumalaw ang singsing.May kilabot siyang naramdaman ng kusa itong gumalaw.Para iyong pendulum na tumatama sa magkabilang dulo ng baso.

Sabay-sabay na binilang ng malakas ng mga kaibigan niya kung ilang ulit tumama ang singsing sa baso.Nagtigilan ang mga ito ng huminto sa bilang na 24.Ibig sabihin ay sa susunod na tatlong taon sxa mag-aasawa.

"Sinabi ko na nga ba't ikaw ang susunod." pagmamalaking sabi ni Empress na abot hanggang tenga ang ngiti.

Ipinilig ni Kim ang kanyang ulo."Malabo yata mangyari yun.Eh, boyfriend nga wala ako, asawa pa kya?."

Huminga ng malalim si Erich."Why don't you open your misty mole eyes,Kim?. Ang daming nanliligaw sayo sa iyo pero ayaw mo man lang sila bigyan ng chance.Binabasted mo kaagad kaya hanggang ngayon ay single ka pa rin."

"Because she's still longing and hoping for Gerald!". Ginatungan pa ni Melissa ang sinabi ni Erich.

Napasimangot si Kim sa mga ito."Let's not talk about Gerald,please" she requested.

"Nagdadalawang isip ako kung talaga nga bang minahal mo siya".pangungulit ni Melissa.

Kaagad naman sumagot si Kim."Syempre naman, iiyakan ko ba siya kung hindi."

Napailing si Erich habang nakatitig sa kanya."Hindi naman siya ang iniyakan mo kundi ang sarili mo and your pride.Minsan tuloy,iniisip ko malaking impluwensya sa'yo ang naging kasunduan niyo ng Ate Lakam mo noon.Hindi mo mai-give up si Gerald dahil gusto mong maging katulad ang love story mo sa pamilya mo."

Napatayo si Kim."Talaga bang wala na akong kakampi sa inyo pag dating kay Gerald?Kayo nga ang nag tulak sakin para sagutin siya,ah" pagmamaktol na sinabi ni kim.

Napakamot sa ulo si Empress."Ayan ka nanaman.Lumabas nanaman ang pagiging childish mo.Dati oo,mabango sa amin ang Gerald na iyon.Pero dahil sa ginawa nya sa'yo,armalite ang sasalubong sa kanya kapag bumalik sya dito sa Pilipinas"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayako25 #1
i can't help but cry... na-touch na ako sa story jhit d pa ako tpos magbasa.. SUPER THANK YOU sa NAG_SULAT @143kimon[A]
143kimon
#2
Title of the next story is "YOU AND I FOREVER"
xtin41 #3
excited for the next story
Blashrajap #4
hahahahhaa..LOVE IT!!
xtin41 #5
another one..cant wait for the next story..
GEL2000 #6
yyyiiipppeeee!!!!nice one!!! please write another kimon fanfic pretty please......:)
Blashrajap #7
hahahha..LOVE IT!!!
xtin41 #8
so like it..next chapter na..<br />
Blashrajap #9
waaaaaahhhhh..next chapter..love it..hahahaha