The Way You Look At Me - Chapter 20

The Way You Look At Me

Alas-siyete ng gabi nang magdatingan bisita nina Tito Enzo at Tita Loren. Itinago ni Kim ang totoong nararamdaman niya sa mga sumunod na oras. Wala siyang pinagsabihan isa man sa mga kasambahay tungkol sa problema niya. Kung hindi lang siya nahihiya sa Tito at Tita niya ay mas gugustuhin niya nalang na magkulong at umiyak sa silid magdamag.

Alas-otso nang dumating sina Simon at Sam. Nakasunod sa mga ito ang mag-asawang Atkins.

"Nandiyan na sina Simon, hija." pagbibigay-alam sa kanya ni Tita Carolyn. "Hindi ko alam na dumating na pala ang mag-asawang Pinto mula sa Amerika. Sila ang may-ari ng Pinto farm sa kabilang ibayo. Anak nila ang kasama ni Simon." dagdag pa nito.

Pamilyar kay Kim ang mga Pinto. Ang pamilyang iyon ang may-ari ng manggahan at lanzonesan na nasa kabilang lupain. Nabanggit na iyon ni Simon sa kanya.

"Iiwan muna kita rito, hija at aasikasuhin ko na muna ang mga dumating na bisita" paalam ni Tita Carolyn sa kanya at iniwan na siya.

"We are happy to see you two back in each other's arms again. I guess malapit na ang wedding bells, Mr. Atkins"

Narinig ni Kim ang sinabing iyon ng isang bisita.

"Well, finally, after a long time ay napag-isipan na rin ninyong dalawa na lumagay sa tahimik." sabi naman ng isa pa.

Nakangiting tumango lamang si Simon.

Hindi nakayanan ni Kim ang narinig. Nagbaba siya ng mukha at huminga ng malalim KAYA MO YAN KIMBERLY sabi nito sa kaniyang sarili at nang mag-angat siyang muli ng ulo ay doon niya nahuling nakatingin si Simon sa kanya. 

Kumabog ang dibdib ni Kim nang humakbang si Simon papalapit sa kaniya. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata ni Simon na nakatitig sa kanya.

"How are you, bebè?"

Ngumiti siya ng tipid. "Ngayon mo pa ba itatanong ang bagay na iyan pagkatapos mo akong iwasan ng ilang araw?" may halong sama ng loob na tanong ni Kim. "Hindi ko alam kung bakit kailangan mo akong iwasan. Akala ko ba m-magkaibigan tayo?"

Hindi kaagad nakaimik si Simon. "I-I'm sorry."

Bibigay na yata ang mga tuhod ni Kim. Ang akala niya ay kaya na niyang harapin si Simon ngunit hindi pa pala.
"Please excuse me....". Lumabas si Kim at tumungo sa isang lugar na walang tao at doon niya pinakawalan ang mga bagay na nagpapasikip ng kanyang dibdib.

Hindi niya alam kung gaano  siya katagal umiyak. Sinikap niyang kalmahin ang sarili bago siya bumalik sa loob. Subalit bago pa man niya nagawang tumayo ay may nagsalita sa kanyang likuran.

"Anong ibig sabihin ng mga luhang iyan?"

Hindi na kailangan lingunin ni Kim kung kaninong boses ang narinig niya. Sumunod pala si Simon sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?"

Tumabi ito sa kanya kung saan siya nakaupo. "Why are you crying, Kimberly?". Tinitigan niya si Kim.

Ibinaling ni Kim ang tingin sa mga halaman nang mag simula na naman mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata. "You told me once that you read me like a book. Why ask me now?"

Isang malalim na hininga ang hinugot ni Simon. "Unang pagkikita pa lang natin ay nagdulot ka na ng kakaibang damdamin sa puso ko, Kim. And when we met for the second time ay natuwa ako. Aaminin kong naging laman ka ng isipan ko after that exchange of glances and smiles. Then we met for the third time and I called it destiny. I offered you my friendship but it was not a good move. Lumawig ang pagkakakilala ko sayo at unti-unti akong nahulog sayo. Lumuwas ako ng Maynila kahit wala naman akong dapat asikasuhin doon. I just wanted to get rid of you. At noong dumating si Sam, pinanindigan ko na talagang iwasan ka na dahil mali. I am already committed to marry another girl"

"B-but you made me fall in love with you, Simon. After my past relationship, ang akala ko ay hindi na ako muling iibig. I was hoping na babalik si Gerald sa akin, na magkatotoo ang pangarap kong magpakasal sa lalaking una kong mamahalin." Nagsimula na siyang umiyak ng todo. BUT I LOVE YOU MORE THAN THE FIRST MAN I'VE LOVED. Gusto pa sana niyang idagdag subalit pinigilan niya ang kaniyang sarili.

Hinawakan ni Simon ang kaniyang kamay at saka hinaplos. "And you also made me fall inlove with you, Kimberly the first time i saw your face. I never knew the real meaning of love until i met you. Pero hindi ko kayang saktan ang unang babaeng pinangakuhan ko."

Napatitig si Kim kay Simon. "Kung ayaw mo siyang saktan, bakit mo pa ako minahal? Simon, ako ang naag-grabyado dito,"

"Kimberly, please understand me. Hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan dahil sa akin.  Naalala mo ba ang sinabi kong plot ng kuwento? It was true. Sam is my childhood sweetheart. Two years ago, she was diagnosed as having cervical cancer. Pero bago ko nalaman sa doktor niya ang tungkol sa kaniyang sakit ay hiwalay na kami. Nakiusap ang mga magulang niya na huwag kong iwan si Sam. That I have to marry their daughter that is the only thing that would make her happy. Hindi na ako nag dalawang isip. I immediately say 'yes'"

"Pero bigla kang dumating sa buhay ko. Doon ako nagdalawang isip kung tama ba ang naging desiyon ko. I still love Sam but not as deep as the love I'm feeling for you right now. The sad part is, hindi na ako makapag-back out lalo pa't na sa recovery stage na siya. Ayokong ako ang dahilan para muli siyang mawalan ng pag-asa."

"Kung gano'n,hanggang dito na lang ang lahat" Hindi na napigilan ni Kim ang lumuha. 

Kinabig siya ni Simon at saka siya niyakap siya ng mahigpit. Pagkuwa'y pinahid nito ang mga luha sa kaniyang mga mata. Kasunod niyon ay hinaplos nito ang kanyang mukha at saka niya hinalikan si Kim.

"I wish I could belong to you, bebè. Hindi ko gustong saktan ka. Kung magkikita tayong muli at bibigyan pa ng isang pagkakataon, hindi ako magdadalawang isip na piliin at mahalin ka" Niyakap muli ni Simon si Kim at wala na yatang balak na pakawalan pa ito.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayako25 #1
i can't help but cry... na-touch na ako sa story jhit d pa ako tpos magbasa.. SUPER THANK YOU sa NAG_SULAT @143kimon[A]
143kimon
#2
Title of the next story is "YOU AND I FOREVER"
xtin41 #3
excited for the next story
Blashrajap #4
hahahahhaa..LOVE IT!!
xtin41 #5
another one..cant wait for the next story..
GEL2000 #6
yyyiiipppeeee!!!!nice one!!! please write another kimon fanfic pretty please......:)
Blashrajap #7
hahahha..LOVE IT!!!
xtin41 #8
so like it..next chapter na..<br />
Blashrajap #9
waaaaaahhhhh..next chapter..love it..hahahaha