The Way You Look At Me - Chapter 6

The Way You Look At Me

Dumiretso si Kim sa Greenbelt pagkatapos nilang magkita ni Erich. Ang mama lang niya ang naabutan niya sa kanilang restaurant dahil may pinuntahan ang kanyang papa. Sa mahigit dalawang taon simula ng buksan nila ang kanilang restaurant ay nagin maayos at magandaa naman ang operasiyon niyon.

Hango ang pangalang "IO TI AMO" sa isang linya ng paboritong nobela ng mama niya.Napukaw ang atensiyon nito sa Italian words na iyon na ang ibig sabihin ay "I LOVE YOU" sa english.

Karamihan sa mga costumers nila ay nabibilang sa mataas na lipunan.Kadalasan  ay sa restaurant nila ginaganap ang mga business meetings ng malalaking kompanya sa Makati at Ortigas.

May balak na nga rin sila mag-expand sa Greenhills.Hinihintay lang nila manganak ang Ate Lakam niya dahil ito ang magpapatakbo nito sa branch na iyon.

Papasok na siya sa IO TI AMO nang matigilan siya. Pamilyar sa kanya ang taong makakasalubong niyang palabas ng restaurant. Napakunot-noo siya at napabagal ang paglalakad.

"Ang lalaki sa airport!" anang isip niya. Nakatailored suit ito kaya executive na executive ang dating, hindi katulad noong una silang magkita. Nginitian ni Kim ang lalaki.

Napatitig din ang lalaki sa kanya, tila kinikilala siya. Nagsalubong ang mga kilay ni Kim at bigla siyang nakaramdam ng kunting pagkapahiya. Ano ba ang nangyayari kay Kim? Bakit ba sa tuwing magkikita silang lalaking iyon nginingitiaan niya ito gayong hindi naman siya kilala nung lalaki??

"eh,friendly lang naman akong tao,"depensa ng kanyang isip. Subalit ang isang bahagi kanyang puso ay tila hindi sumasang-ayon. "Kailan pa nangyaring naging palangiti ka? Hindi nga ba't kadalasan ay nasasabihan kang masungit dahil hindi ka palabati?"

"Baby,bilisan mo at may dadaan."

Napalingon si Kim sa taong nagsalita sa likuran niya---ang mama nya. Nakaharang na pala si Kim sa pintuan. Tumabi siya para magbigay daan.

"Ti amo.bebé."

Parang hanging dumaan sa kanyang tenga ang salitang binigkas ng lalaking ito. "What?" pagkuwa'y naguguluhang tanong ni Kim.

Napatigil ang lalaki. "Did i say something?"tila nang-aasar ang tinig nito at pagkatapos ay tumalikod.

Nagsalubong ang mga kilay ni Kim."Arogante" inis na bulong niya habang sinusundan ng tingin ang paglayo ng lalaki. Ganoon pa man hindi niya maiwasang mapansin ang cool at husky na boses  nito. Napangiti siya sa sarili. Naiinis na nga siya napagtutuunan pa niya ng pansin ang bagay na iyon.

"Kailangan sigurong ipa-renovate  itong main door." pukaw sa kanya ng mama niya. Sinipat nito ang pintuan. "What do you think, hija?" dagdag na tanong ng mama niya.

"Dapat nga siguro,'Ma, luwagan natin ito ng kaunti." pagsangayon naman ni Kim.

Nasa loob na sila ng restaurant nang muling mag-usisa ang kanyang Mama. Marami na silang costumer dahil tanghali na. "Kilala mo ba iyong lalaking nakasalubong natin kanina?"

Mabilis siyang umiling at pagkuwa'y napasimangot pagkaalala sa inakto ng lalaking iyon kanina.

Para namang hind naniniwala ang kanyang ina sa kanya.

"I swear, 'Ma, i don't know that guy. Bakit?"

"Akala ko kasi magkakilala kayo.Parang nag ngitian kasi kayo kanina. Tapos narinig ko pa ang sinabi niya sa iyo." anitong may halong kapilyahan ang tinig.

Kung ganoon hindi nag kamali si Kim na may sinabi ang lalaki sa kanya." Te amo, be, bi, be," napangiwi si Kim dahil hindi nya maalala iyong sinabi ng lalaki." Whew! I don't know. TI AMO lang ang narinig at naintindihan ko sa sinabi niya."

""bebé is the italian word of baby. TI AMO,bebé. that's what he said, hija" paliwanag ng mama niya. "Ang ibig sabihin nun ay " I LOVE YOU, BABY" dagdag pa ng kaniyang mama na nakangiti.

Tumaas ang isang kilay ni Kim sa pagkakataong iyon. "Ang ibig niyong sabihin 'Ma, sinabihan iya ako ng I love you?"

Natawa ito."Maaari siguro kung kakilala ka niya.Ang kaso, sinabi mo, hindi.Maaari din namang may ibas siyang dahilan lalo pa at nandito siya kanina. Or maybe he probably had some contrary reason for it." explain ng mama ni Kim.

"Dalawang beses ko na siyang nakita rito. Last week, kasama niya ang mga executives ng Axis Telecom," dagdag pa ng kanyang mama.

"Nainis nga ako kanina eh. He was so arrogant. Nagtanong ako sa kanya, ibinalik din niya ang tanong ko. Well, never mind. Baka wala lang siya magawa sa buhay." inis na sinabi ni Kim.

Nangingiting pinisil ng mama niya ang kanyang pisngi."Nag-iinit na naman ang ulo ng baby ko. Anyway ipinasasabi nga pala ng Tito Enzo mo na tawagan mo sila para sabihan kung kailan ka pupunta sa Laguna.Para ganood daw ay masundo ka nila sa terminal." Iniba na nito ang usapan. Noong nakaraang araw pa kasi umuwi ang Tito Enzo at Tita Loren niya sa laguna.

"Magko-commute ako papunta sa Laguna?" tanong ni Kim.

Tumango ang mama niya. " Ayaw pumayag ng papa mo na mag-drive ka mag-isa."

"But I'm capable and responsible when it comes to driving ," pagpupumilit niya. Hindi kasi siya pinapayagan ng mga ito mag-drive  na mag-isa kapag mag-a-out of the town siya. "Please..."

Tumingin sa kanya ang kanyang Mama."Sa Papa mo ikaw mag-paalam, Kim. At isa pa may nadisgrasya sa South expressway. Next time na lang siguro." Pinitik pa nito ang kanyang ilong.

Sumimangot si Kim.Alam niyang ang next time na sinabi nito ay hindi mangyayari.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayako25 #1
i can't help but cry... na-touch na ako sa story jhit d pa ako tpos magbasa.. SUPER THANK YOU sa NAG_SULAT @143kimon[A]
143kimon
#2
Title of the next story is "YOU AND I FOREVER"
xtin41 #3
excited for the next story
Blashrajap #4
hahahahhaa..LOVE IT!!
xtin41 #5
another one..cant wait for the next story..
GEL2000 #6
yyyiiipppeeee!!!!nice one!!! please write another kimon fanfic pretty please......:)
Blashrajap #7
hahahha..LOVE IT!!!
xtin41 #8
so like it..next chapter na..<br />
Blashrajap #9
waaaaaahhhhh..next chapter..love it..hahahaha