The Way You Look At Me - Final Chapter

The Way You Look At Me

Dalawang araw bago sumapit ang kasal nina Kim at Simon ay dumating si Tita Carolyn sa restaurant. Kababalik lamang nila noon galing sa couturier nila.

Pagdating nila ni Simon mula sa Paris ay napatunayan niya ang sinabi nito. Kompleto na nga ang lahat. Si Simon na ang umasikaso sa simbahan at maging ang venue ng kanilang reception . Wala na ring problema sa kanya-kanyang magulang. Ang Ate Lakam naman niya at ang kanyang mga kaibigan ang nagprisintang mag-asikaso sa mga damit ng buong entourage, gayundin sa mga souvenirs at invitations. Naipamigay na ang mga invitations bago pa sila makabalik ni Simon sa Pilipinas.

"Masaya ako para sa inyong dalawa. Siguro ay ito na ang pagkakataon para ibigay ko sa inyo ang paunang regalo ko," sabi ni Tita Carolyn. Iniabot nito ang isang maliit na kahon.

Binuksan ni Kim iyon at tumambad sa kanyang paningin ang isang pocketbook.

"Just The Way You Are?" sabay nilang sinabi ni Simon. Naka-dedicate sa kanilang dalawa ang libro na iyon.

"Just The Way You Are ang ginawa kong pamagat dahil madalas kong marinig na tinutugtog iyon ni Simon noong umalis ka sa Laguna, Kim." paliwanag ni Tita Carolyn. "That's why I thought this is the best title for your story. You two are really destined  to be together."

Hindi napigilang yakapin ni Kim si Tita Carolyn. Tinotoo nito ang hiling niyang gawan siya nito ng kuwento.


SA ARAW NG KANILANG KASAL.

Tumugtog ang orchestra; instrumental ng kantang Just The Way You Are.

Sinulyapan ni Kim ang kanyang mga bridesmaid. Nagngingisian ang mga ito. Nahigawaan siya tuloy kung bakit. Kompleto na ang entourage, maging ang mga kamag-anak nila ni Simon. Dumating si Claire kasama ang asawa at dalawang anak nito pati rin ang Tita Flor niya.

Habang naglalakad palapit sa altar ay unti-unti na niyang nakikita si Simon. Napakaguwapo nito sa suot na barong-tagalog. Nakangiti rin ito sa kanya.

Nang kunin ni Simon ang kamay ni Kim sa kanyang Papa ay binulungan niya si Kim. "Advance happy birthday, bebè."

Nakakatawang nakalimutan ni Kim ang sariling kaarawan. "W-who set the date of our  wedding?" bulong ni Kim habang papunta sa altar.

"Later, Baby." Pinisil nito ang kanyang palad at itinuon ang tingin sa altar.

"Please, tell me who set the date?" pagpipilit ni Kim.

Napatigil sila sa paglalakad na ikinagulat ng mga tao sa loob ng simbahan. Ang akala yata ng mga ito ay magba-back-out si Kim sa kasal.

"Okay. I was supposed to set the date of our wedding on your birthday na 2 days from now, pero kinausap ako ng mga kaibigan mo at pinilit na kailangang makasal tayo bago sumapit ang birthday mo. I think you know why, baby."

Napalingon si Kim sa mga kaibigan niya. "Wala talaga akong masabi. Talagang ginawa nila ang lahat para makapag-asawa ako bago ako mag-twenty-four." natatawang sabi ni Kim.

"I think they're too desperate. So, are you ready to marry Simon David Atkins II?" inginuso nito ang pari na kanina pa naghihintay sa kanila.

"What about my work in Paris? Hindi kaya kasuhan ako dahil---"

Walang babalang hinalikan siya nito sa mga labi.

"Enough with you questions, baby. This is our wedding day. Baka kung saan nanaman mapunta ang usapan natin. Don't worry about it. Inasikaso na iyon ni Tita Flor. Pinakiusapan ko si---"

Si Kim naman ang humalik kay Simon. "Let's go, Simon. Baka iba na ang isipin ng mga bisita natin." bulong niya.

Natawa si Simon at inalalayan na niya si Kim. Habang paakyat sila sa altar ay hinaplos nito ang kanyang braso.

"IO TI AMO, Kimberly Sue Yap Chiu."

Tiningnan niya ito nang buong pagmamahal at saka nginitian ng matamis si Simon. "I Love You too, Simon David Atkins II."






                                                           -----And They Live Happily ever After-----









Next story soon........................
 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayako25 #1
i can't help but cry... na-touch na ako sa story jhit d pa ako tpos magbasa.. SUPER THANK YOU sa NAG_SULAT @143kimon[A]
143kimon
#2
Title of the next story is "YOU AND I FOREVER"
xtin41 #3
excited for the next story
Blashrajap #4
hahahahhaa..LOVE IT!!
xtin41 #5
another one..cant wait for the next story..
GEL2000 #6
yyyiiipppeeee!!!!nice one!!! please write another kimon fanfic pretty please......:)
Blashrajap #7
hahahha..LOVE IT!!!
xtin41 #8
so like it..next chapter na..<br />
Blashrajap #9
waaaaaahhhhh..next chapter..love it..hahahaha