The Way You Look At Me - Chapter 14

The Way You Look At Me

"Anong gusto mong tugtugin ko?" tanong ni Simon kay Kim. Buong maghapon silang hindi nagkita at nagulat nalang si Kim nang tumawag si Simon sa kanya at yayain sa bahay nito. Simula nang masugatan si Kim ay hindi na siya pinahawak ng gitara, kahit nylon strings na ang ipinalit ni Simon.

"It Might Be You" sagot ni Kim pagkatapos mag-isip at ang awiting iyon ang unang pumasok sa kanyang utak..

Nangingiting sinimulan ni Simon ang pagtugtog ng naturang kanta at isinandal niya ang kanyang likod sa upuan. Habang si Kim naman ay nakatitig kay Simon habang tumutugtog ito ng nakapikit, feel na feel ni Kim ang kanta at mas lalo siyang nahuhulog kay Simon.

Nang biglang tumigil si Simon.

"Bakit ka tumigil?" tanong ni Kim..

"Tama na, nakakatakot baka mahulog ka... delikado.." pilyong sinabi ni Simon.

"Ano??.Ako? mahuhulog sayo.. Ang kapal mo rin noh.. Lakas rin ng fighting spirit mo para sabihin yan sakin ah" naaasar na sinabi ni Kim..

"Oo kaya,kanina ka pa nakatitig sakin.." sagot naman ni Simon na nakangiti..

"Hala, ang kapal mo talaga. Ang lakas mo mang-asar." natatawang sagot naman ni Kim.

"Kumusta na nga pala yong sugat mo?" hinawakan ni Simon ang braso ni Kim at sabay hinaplos ang nasugatang braso niya.

"Okay na, hindi ko naman nakakalimutan linisin." sagot ni Kim at kaagad ding binawi ang braso."Simon hindi ba pumasok sa isip mo na magtayo ng banda?" Iniba ni Kim ang usapan.

"Actually,may banda-bandahan kami noong college," sagot ni Simon  at sabay kinindatan si Kim.
"So what happened? " curious na tanong ni Kim.

"Hindi rin nagtagal dahil masyado kaming busy. After we finished college ay naging busy na kami sa pagharap sa kanya-kanyang negosyo ng pamilya. Naging mahirap para sa amin na pagsabayin ang pagtugtog at pagtatrabaho sa opisina."

"Even love?" wala sa loob na tanong ni Kim.

Matagal hindi nakaimik si Simon."Talagang hindi mo ako titigilan sa love life ko, ha.. Inlove ka na siguro sakin?" pilyong sagot ni Simon.

"I'm sorry Simon. Hindi ko alam kung---" tumigil si Kim sa pagsasalita at hindi na niya itinuloy ang gusto niyang sabihin. Balak na sana niyang magtapat kaya lang natakot siyang baka masaktan lang siya muli. "Well, I'm just curious" iniba na ni Kim kung ano ang kanyang sasabihin.
 

"Curious. Alam mo bang kung minsan, nakakasakit din ang sobrang kuryusidad?" May lungkot sa mga mata ni Simon habang sinasabi niya ito kay Kim. "May mga bagay na gusto man nating malaman ay hindi na dapat usisain pa dahil baka masaktan lang tayo sa bandang huli." seryoso si Simon ng mga oras na iyon..

Kim agreed with Simon. Kaya nga hindi niya matanong kung may girlfriend na ito o wala pa..
 

"I want us to stay this way, Kim. I admit I always have fun every time you're with me. Looking at you, lively and so energetic, I feel contented." naging seryoso ang usapan nila...

May kung anong kumurot sa puso ni Kim pero binaliwala na lang niya iyon. Iniba na niya ang usapan. Pilit niyang gusto muling makitang ngumiti si Simon.

"Ang seryoso mo yata ngayon? Hindi ako sanay na makita kang ganyan, Simon. Baka sa susunod niyan, iiyak ka na. Hindi ko pa naman nakasanayang magdala ng panyo. Pero pwede na siguro itong basahan sa tabi ko." pilit pinapangiti ni Kim si Simon. Aabutin na ni Kim ang isang lumang T-shirt sa tabi niya. Ipinampunas nila iyon sa bench na uupuan nila." Ito na oh, baka tumulo na iyang luha mo" sabay abot ni Kim kay Simon ang basahan. "O baka naman gusto mong dalhin ka na lang namin sa mental? Dadamayan pa kita roon at hinding-hindi kita iiwan, promise!" nag-cross my heart pa si Kim at nakangiti.

Ngumiti si Simon "You really have your own way of making a person smile, bebè"

"Charmin kasi akong tao, eh." Kinindatan pa ni Kim si Simon. Sometimes I could be a joker. But most of the time, I am very sentimental and romantic fool"
 

"Aha! Now I wanna know your love life, bebè. Gusto kung malaman kung paano magmahal ang mga sentimental and romantic fools na katulad mo. That's what you said"

"If you will promise to tell me your love life, then, I'll tell you mine." hamon ni Kim kay Simon.

"Huwag nalang siguro." sagot ni Simon at natatawa..

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayako25 #1
i can't help but cry... na-touch na ako sa story jhit d pa ako tpos magbasa.. SUPER THANK YOU sa NAG_SULAT @143kimon[A]
143kimon
#2
Title of the next story is "YOU AND I FOREVER"
xtin41 #3
excited for the next story
Blashrajap #4
hahahahhaa..LOVE IT!!
xtin41 #5
another one..cant wait for the next story..
GEL2000 #6
yyyiiipppeeee!!!!nice one!!! please write another kimon fanfic pretty please......:)
Blashrajap #7
hahahha..LOVE IT!!!
xtin41 #8
so like it..next chapter na..<br />
Blashrajap #9
waaaaaahhhhh..next chapter..love it..hahahaha