The Way You Look At Me - Chapter 4

The Way You Look At Me

Kadarating lang ni Kim sa bahay nila ng salubungin siya ni Manang Citas. Mag-return call daw siya sa kanyang Mama sa restaurant.

"Kanina ka pa namin tinatawagan sa cellphone mo, hija." agad na sabi ng mama niya ng tawagan niya ito.

"I'm sorry, 'Ma. Na-low batt ako. May problema po ba?". usisa niya.

"Ikaw nalng ang sumundo kina Tita Loren at Tito Enzo mo sa airport.Hindi namin maiwanan ng Papa mo itong ka-business deal namin" utos ng kanyang Mama.

Kaagad naman sumang-ayon si Kim. Pagkababa ng telepono ay agad siyang umalis ng bahay. Ni hindi na siya nagpalit ng damit. Inabot siya sa EDSA. Nang mai-park niya ang kanyang kotse sa parking lot ng NAIA ay nagmamadali siyang tumungo sa arrival area.

Ini-announce sa TV monitor na dumating na ang flight galing Los Angeles. At pagkaraan lang ng ilang minuto ay magkakasunod nang lumabas ang mga tao sa kanyan paligid. Nagkanya-kanyang hanap ang mga ito sa mga kamag-anak o kaibigang dumating.

Nagkahandahaba naman ang kanyang leeg sa paghahanap  niya sa Tita Loren at Tito Enzo niya. Nakatawag-pansin sa kanya ang isang pasaherong lalaki na palabas ng arrival area. Palinga-linga ito na tila may hinahanap.

Hindi alam ni Kim kung bakit agad siyang naapektuhan ng angking karisma nito. Iniisip ni Kim na halos mas matanda lang ito sa kanya ng dalawang taon. Simple lang ayos nito. In fact, rugged na rugged ang dating nito compare sa mga kasabay niyang  naka-executive suits pa. He was wearing a dark blue faded jeans  and polo shirts. Naka-baseball cap at naka black converse shoes ito at may bitbit na isang di-kalakihang sports bag.

Pinagmasdan ni Kim ang paglalakad nito,eksakto ang bawat hakbang. Puno ng kumpyansa sa sarili. Tama lamang ang kaguwapuhan nito pero malakas ang dating kahit may pagkaseryoso ang mukha. Parang gusto tuloy ni kim makita itong ngumiti.

"Cute siguro siya kapag nakangiti" na tila nag iisip.

Hindi nag tagal tumingin ang lalaki sa kinatatayuan ni Kim. Hindi maintindihan ni Kim ang kanyang naramdaman ng magsalubong ang kanilang mga mata. May matinding kilig at atraksiyon ang nadama ni Kim. Natagpuan na lang ni Kim ang kanyang sarili ng ngitian siya nito ng matamis.

Napakunot-noo naman si Kim na tila iniisip kung kakilala niya ito o hindi. Mabilis namang ibinaling ni Kim sa ibang direksiyon ang kanyang paningin.

"Kim,baby, hija!"

Napalingon si Kim sa direksiyong pinanggalingan ng hiyaw na iyon. Boses ng Tita Loren niya. Masayang sinalubong  ni Kim ang mga ito nang makitang papalapit na ang mga ito sa kanya .

"Look at you, hija. Habang tumatagal ay lalo kang gumaganda," puri sa kanya ni Tita Loren. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

Nahihiyang nginitian ni Kim ang tita Loren niya. "Thank you, Tita.Kumusta po ang biyahe ninyo?"

Ipinaliwanag niya kung bakit siya ang sumalubong sa mga ito at pagkatapos ay nagyaya na siyang umalis. Bago pa sila tuluyang lumabas ng arrival area ay muling tinignan ni Kim ang lalaking nakatawag ng kanyang atensiyon.

Nahuli ni Kim na pinagmamasdan siya nito.At hindi niya maipaliwanag ang munting kilig na nararamdaman niya sa simpleng ngiti na iyon. Tama nga si Kim. Nagiging handsome at maamo ang seryoso at maawtoridad na  mukha.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayako25 #1
i can't help but cry... na-touch na ako sa story jhit d pa ako tpos magbasa.. SUPER THANK YOU sa NAG_SULAT @143kimon[A]
143kimon
#2
Title of the next story is "YOU AND I FOREVER"
xtin41 #3
excited for the next story
Blashrajap #4
hahahahhaa..LOVE IT!!
xtin41 #5
another one..cant wait for the next story..
GEL2000 #6
yyyiiipppeeee!!!!nice one!!! please write another kimon fanfic pretty please......:)
Blashrajap #7
hahahha..LOVE IT!!!
xtin41 #8
so like it..next chapter na..<br />
Blashrajap #9
waaaaaahhhhh..next chapter..love it..hahahaha