The Way You Look At Me - Chapter 13

The Way You Look At Me

Kinabukasan ay napagpasyahan ni Kim na mag-bake ng cake. Tinulungan naman siya ng Tita Carolyn niya. Ito ang madalas niyang kasama sa bahay dahil laging lumalabas ang Tito Enzo at Tita Loren niya para asikasuhin ang lupaing ibinebenta ng mga ito. Kay Simon direktang nakikipag-deal ang mga ito..

Pagkatapos mag-bake ni Kim ay dinalhan niya si Simon ng cake. Ang mama nito ang naabutan niya.

"Maagang lumuwas ng Maynila si Simon. May kailangan siyang asikasuhin doon,hija, at baka mamayang hapon pa ang balik niya rito." ani ni Mrs. Atkins habang nagdi-dilig ng mga alagang halaman..

"Gano'n po ba? Pakibigay na lamang po sa kanya itong cake. Naisipan ko po kasing mag-bake kanina." Lumapit siya sa garden set at inilapag ang hawak na cake.

Inihinto ni Mrs. Atkins ang ginagawa at lumapit sa kanya. "It's good to know marunong ka sa kusina. Oh, well,it's not surprising at all. May restaurant nga pala kayo sa Maynila."

Ngumiti lamang si Kim. Natuwa siya dahil maganda ang trato sa kanya ng Mama ni Simon. Hindi siya kaagad pinauwi ni Mrs. Atkins. Nakipagkuwentuhan pa muna ito kay Kim.

"Dalawa lang din pala kayong magkapatid, hija,?"

She nodded."Last year lang nag-asawa ang Ate Lakam. Hopefully next month ay manganganak na siya, Tita" masayang kuwento ni Kim.

Matagal na rin daw may asawa ang panganay nitong anak na babae na nasa Paris. Dalawa na rin ang apo nito. Nalaman din ni Kim na sa ngayon,ang nagpapatakbo sa Axis Telecom ay ang asawa ni Mrs. Atkins na si Simon Atkins.

"Simon? so,the second po si Simon?" tanong ni Kim..

"Oo, the second siya."sagot naman ni Mrs. Atkins.

"Hindi ko pa po nakikita ang asawa niyo."

"Baka magkasabay na sila ni Simon mamaya sa pag-uwi ,hija. Malapit na ngang magretiro ang asawa ko sa Axis. Ililipat nya na kay Simon ang pamamahala n'on. We're planning to have tour abroad after his retirement."

"Pero nag-aalala ako na isiping napakalaking responsibilidad ang maiiwanan kay Simon kapag umalis kami. I'm worried about my baby." Lumungkot ang tinig ni Mrs. Atkins at agad ding nawala nang tila may naalala. 

"Baby?, now I know kung bakit siya tumawa.." nagsasalitang mag-isa si Kim.

"Alam mo,hija, I used to call Simon baby before."

""Tinawag ko kasi siya kahapon ng baby, tapos tumawa siya, now I know na why.." nakangiting paliwanag ni Kim.

Maghapon nag-usap sina Kim at si Mrs. Atkins. Doon na rin siya kumain ng tanghalian. Pagkatapos niya mananghalian ay nagpaalam rin si Kim dahil tinawag siya ng Tita Carolyn niya dahil tumawag ang parents niya na nasa Manila.

 

Hapon na nang dumating si Simon. Nalaman lamang ni Kim ng marinig ang gitara ni Simon. Nang mga sandaling iyon ay nasa veranda siya ng kanyang silid. Tumawag din ito at nangamusta.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayako25 #1
i can't help but cry... na-touch na ako sa story jhit d pa ako tpos magbasa.. SUPER THANK YOU sa NAG_SULAT @143kimon[A]
143kimon
#2
Title of the next story is "YOU AND I FOREVER"
xtin41 #3
excited for the next story
Blashrajap #4
hahahahhaa..LOVE IT!!
xtin41 #5
another one..cant wait for the next story..
GEL2000 #6
yyyiiipppeeee!!!!nice one!!! please write another kimon fanfic pretty please......:)
Blashrajap #7
hahahha..LOVE IT!!!
xtin41 #8
so like it..next chapter na..<br />
Blashrajap #9
waaaaaahhhhh..next chapter..love it..hahahaha