The Way You Look At Me - Chapter 15

The Way You Look At Me

Excited na umakyat si Kim sa kanyang silid pagkatapos mag-agahan. Isang chapter nalang at tapos  na siya sa kanyang kuwento. Nang mga nakaraang araw ay hindi sila gaanong nagkikita ni Simon kaya naisipan niyang igugol ang oras sa pagsusulat.

May bagong storyline na pumasok sa isip niya,mga ideyang naglalaro sa imahinasyon niya kung kaya't nais na niya iyong maumpisahan kaagad. Pagkatapos itipa ang salitang wakas sa pinakahuling pahina ng kuwento ay masayang napasandal siya sa swivel chair,muling binasa ang katapusan ng nobela. Nag-de-kuwatro siya at kinagat ang dulo ng ballpen.

Nasa ganoong ayos si Kim nang may narinig na tumikhim sa kanyang likuran. Napalingo si Kim sa pintuan at nakita si Simon na nakasandal sa nakabukas na pinto.

Kanina pa kaya siya sa likuran ko?? tanong ni Kim sa kanyang sarili.

"Pinaakyat na ako ni Tita Carolyn. I knocked twice pero hindi mo yata naririnig. Hindi naman naka-lock ang pinto kaya pumasok na ako" explain ni Simon. Lumapit si Simon sa kanya."Five minutes na akong nakatayo sa likuran mo, Kim" dagdag pa ni Simon.

"What are you doing here?" tanong ni Kim.

"Nagtataka na kasi ako kung bakit dalawang araw ka nang hindi lumalabas ng bahay. Kahit man lang sa veranda,hindi kita nakikita."paliwanag ni Simon.

"Sino kaya sa atin ang hindi nagpapakita? Ikaw nga itong bigla nalang nawawala."nagtatampong sagot ni Kim..

"Ay, nagtatampo ang baby ko. Hayaan mo babawi ako sayo." ngumiti si Simon." Wakas. Hmmm... Do they live happily ever after, bebè.?" dagdag ni Simon..

Napangiti si Kim ng matamis."Yup,Katatapos ko nga lang and hopefully isa iyan sa mga isa-submit ko sa publication pagbalik ko sa Manila."

Umupo si Simon sa kama ni Kim."Lahat ba ng kuwento mo ay base sa totoong buhay? And do you have any rules when it comes to writing? Well, aside from not coming out from your shell."

"Ganoon ako magtrabaho. Ayoko ng istorbo. Pero kapag ikaw ang mang-iistorbo, okay lang. You're an exemption to the rule. Kasi magiging hero kita, remember? You promised it."

Nagsalubong ang kilay ni Simon."Did i make a promise?" tanong ni Simon na halatang nagbibiro.

Sumimangot si Kim. "I thouht you're my friend! Ah, basta! Whether you like it or not,hero kita." tinaasan pa ni Kim ito ng kilay kunwari.

"Okay, okay,pumapayag na po ako." pagsuko ni Simon.

Bumukas ang tuwa sa mukha ni Kim." Don't worry, hindi naman ako gumagawa ng tragic stories,kasi masakit sa dibdib. We just elaborate every single detail and scene, then we create our own characters. Nasa amin na kung paano namin bibigyang-buhay ang bawat character ng kuwento sa aming story." mahabang paliwanag ni Kim.

Napangiti si Simon at hindi na nagcomment."So, what about us, bebè?"tanong ni Simon.

"Us?" nagtatakang tanong ni Kim."

Tumitig si Simon kay Kim." I mean, kailan mo gagawin ang love story nating dalawa?"

"D-do we have a love story, Simon?"tanong ni Kim. Ang lakas na kabog ng kanyang puso ng tanungin iyon sa kaniya ni Simon hindi niya alam kung anong gagawin niya, gusto niyang umiyak pero hindi niya magawa baka mahalata siya ni Simon.

Lumabas ang pilyong ngiti sa mga labi ni Simon. "Puwede naman nating pag-usapan" Kinindatan pa niya si Kim. "Simulan natin noong una tayong nagkita. When our eyes first met,alam na nating tayo ay para sa isa't isa. Sabi nga sa isang kanta, Ako'y sa iyo, ika'y sa akin lamang."

Natawa si Kim. "So, what's next?"
 

Tumingin si Simon sa bintana. "Ang plot ng kuwento,ahmm,sabihin nating committed na ako sa ibang babae kahit mahal na mahal kita." makabulohang sinabi ni Simon. "Hindi ko matalikuran ang kasal namin n'ong babae dahil sa isang pangakong kailangan kung tuparin. Tell me, bebè, paano mo gagawing happy ending ang kuwento natin?" muli niyang tinignan si Kim. Tila nagkaroon ng lungkot sa mga mata ni Simon.

"Dapat ipaglabanpa rin ng lalaki ang pag-ibig niya sa babaeng talagang mahal niya. It may be selfish way of love pero kailangang happy ending, hindi ba?" sagot ni Kim.

"Paano kung may mga bagay na dapat isaalang-alang?" makahulugang tanong ni Simon at kita sa kaniyang mga mata kung gaano siya nahihirapan.

Doon tuluyang natigilan si Kim. Bigla siyang nalito. Gusto niyang tanungin kay Simon kung kathang-isip lamang ba niya ang mga sinabi biya. Pakiramdam kasi ni Kim na may mali.

Matagal bago nakapagsalita si Kim. "The greatest irony of love is letting go when you need to hold on and holding on when you need to let go. This is the reality about life and love, Simon." nasabi na lamang ni Kim iyon.

Kumatok si Tita Carolyn..

"Simon, pinapatawag ka sa kapehan." sinabi ni Tita Carolyn..

"Ok po Tita, susunod na ako" sagot ni Simon.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayako25 #1
i can't help but cry... na-touch na ako sa story jhit d pa ako tpos magbasa.. SUPER THANK YOU sa NAG_SULAT @143kimon[A]
143kimon
#2
Title of the next story is "YOU AND I FOREVER"
xtin41 #3
excited for the next story
Blashrajap #4
hahahahhaa..LOVE IT!!
xtin41 #5
another one..cant wait for the next story..
GEL2000 #6
yyyiiipppeeee!!!!nice one!!! please write another kimon fanfic pretty please......:)
Blashrajap #7
hahahha..LOVE IT!!!
xtin41 #8
so like it..next chapter na..<br />
Blashrajap #9
waaaaaahhhhh..next chapter..love it..hahahaha