The Way You Look At Me -Chapter 7

The Way You Look At Me

"We are almost there," pagbibigay alam ni Tita Loren kay Kim. Nilingon siya nito mula sa front seat. Umaga pa lamang ay nasa terminal na ito at ang Tito Enzo niya para sunduin siya.

Inilibot niya ang paningin sa paligid.Maganda at berdeng-berde ang lugar dahil sa malalagong punong kahoy.Ilang beses na siya nakapunta ng Laguna ngunit hindi pa niya nararating ang lugar  kung nasaan ang kapehan ng mga ito.

Naagaw ang atensyon niya ng puting bahay na iyon na nakatayo sa gitna ng mga puno ng niyog at mangga.Habang papalapit ang kanilang sasakyan sa naturang bahay ay mas lalo siyang humanga sa nakitang estilo niyon.

Bukod-tanging ang bahay na iyon ang white singled-clad ang structure.Napansin din niya ang malawak nitong hardin. Nahulaan niyang maganda rin ang landscaping nito.

"Iyan ang bahay ng mga Atkins, hija."anang Tito Enzo niya. Mula sa rearview mirror ay napansin marahil nito na nakatitig siya sa bahay ng pamilya Atkins. "Mula sa likuran ng bahay nila ay makikita ang malawak nilang kapehan."

"Akins..." usal niya. " The owner of Axis Telecom?"

Magakasabay ng tumango ang mag-asawa.

One of the richest and famous clans in country," bulong niya.Parang gusto tuloy niyang makita ang malawak na kapehan ng mga Atkins.

Tumigil ang kanilang sasakyan sa harap ng two -storey ancestral house ng Tito Enzo niya.Bakod lamang ang naghihiwalay roon at sa bahay ng mga Atkins.Bumukas ang pinto at lumabas ang dalawang katiwala.Kasunod ng mga ito ang isang babae na kung hindi siya nagkakamali ay nasa early forties ang edad. Maganda ito at maamo ang mukha.

"Kim,this is Carolyn, pinsang buo ng Tito Enzo mo.Taga- Quezon lang siya at nagbabakasyon siya rito. Sigurado magkakasundo kayong dalawa." pakilala i Tita Loren niya sa babaeng sumalubong sa kanila.

Nginitian at kinamayan ni Kim si Tita Carolyn. "Halika, Kim,at ituturo ko sa iyo ang magiging silid mo." Mainit ang pagtanggap nito sa kanya. 

Ipinakita muna nito sa kanya ang ibang silid bago sila dumiretso sa kuwartong ookupahin niya.Namangha si Kim sa modernong kagamitan sa loob ng silid niya. Hindi iyon katulad sa ibang gamit na pulos antique.

"Buksan mo nalang yong aircon kung naiinitan ka hija. May sarili ka ring banyo dito."anito habang itinuturo ang kaliwang bahagi ng silid.

"Bubuksan ko nalng ang mga bintana, Tita. Mas gusto ko ang hanging-probinsiya.Naalala ko tuloy sa tuwing umuuwi ako sa Tacloban, sariwa ang hangin dun, di katulad sa Maynila"

Marahan niyang binuksan ang sliding door ng veranda.Napapikit siya sa sariwang hanging humaplos sa kanyang mukha. Sa kanang bahagi ng veranda ay may di-kataasang pader na nayungyungan ng malalagon at nakahapay na dahon ng bougainvillaea. Iyon ang nagsisilbing hangganan ng dalawang lupain.

Mayamaya ay nakarinig siya ng malakas na tugtog ng gitara.Animo iyon tinatangay ng hangin patungo sa kinaroroonan niya. Biglang lumukso ang puso niya habang pinakikinggan ang kantang  iyon na isa sa mga paborito niya.

" I close my eyes.... Only for a moment and the moments gone...." wala sa sariling napasabay c Kim sa pag-awit.

"Tita Carolyn, saan nanggagaling ang naririnig kung tumutugtog ng gitara? usisa niya ng bumalik sa loob ng kuwarto.

"Sa mga Atkins.Sigurado akong nandyan ang bunsong anak nina Simon at Audrea na si Simon II.Ang batang iyon lang naman ang mahilig tumugtug ng gitara sa bahay na yan."

"He is good," hindi niya mapigilang mag komento.

Napangiti si Tita Carolyn,tanda ng pagsang-ayon."Nabanggit sakin ni Loren na nagsusulat ka pala." pag-iiba nito sa usapan.

Tumango si Kim."It's one of my hobbies.Kaya nga ako nandito ay dahil gusto kung tapusin ang mga pending stories ko eh.Medyo natigil ako nitong nakaraang buwan dahil tinulungan ko sina Mama at Paa sa Restaurant." paliwanag ni Kim.

"Tama ka ng piniling lugar. Maganda rito at tahimik. Baka dito mo pa mahanap ang magiging inspirasyon mo." wika nito.

Napangiti si Kim.Sa ganda ng lugar na iyon ay sigurado siyang matatapos niya ang kanyang mga kuwento.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayako25 #1
i can't help but cry... na-touch na ako sa story jhit d pa ako tpos magbasa.. SUPER THANK YOU sa NAG_SULAT @143kimon[A]
143kimon
#2
Title of the next story is "YOU AND I FOREVER"
xtin41 #3
excited for the next story
Blashrajap #4
hahahahhaa..LOVE IT!!
xtin41 #5
another one..cant wait for the next story..
GEL2000 #6
yyyiiipppeeee!!!!nice one!!! please write another kimon fanfic pretty please......:)
Blashrajap #7
hahahha..LOVE IT!!!
xtin41 #8
so like it..next chapter na..<br />
Blashrajap #9
waaaaaahhhhh..next chapter..love it..hahahaha