The Way You Look At Me -Chapter 10

The Way You Look At Me

Inilibot ni Simon si Kim sa bahay nito nang makasalubong nila ang mama ni Simon. Malaki ang pagkakahawig ni Simon at ng kanyang Mama.

"Pamangkin ka pala ni Loren,hija. May kapatid siyang nagbakasyon dito noon. May kasama silang batang babae. Ang kaso, napakaraming taon na ang nakalipas kaya mahirap sabihin kung ikaw  nga ang batang iyon." masayang pagkukuwento ni Mrs. Audrea Atkins kay Kim.

Napangiti si Kim." Si Ate Lakam po ang batang iyon, Mrs. Atkins. Ang sabi kasi ni Mama, ipinagbubuntis pa lang niya ako nang huli silang magbakasyon dito." paliwanag ni Kim.

"oh. Call me Tita Audrea, Kim. Tingnan mo nga naman ang panahon. Talagang tumatanda na kami.

Madaling naging close sina Kim at si Mrs. Atkins palibhasa mabait  ito at palakuwento. Hindi na masiyadong nakapag-usap sina Simon at Kim dahil tinawag si Simon ng isa sa kanilang katiwala. Hanggang ng makaalis na si Kim sa bahay ng mga Atkins ay hindi na sila muling nagkita ni Simon.

Kinagabihan, habang nagsusulat si Kim sa kanyang silid ay narinig niyang muli ang paggitara ni Simon. Mga mellow at old songs ang kadalasang tinutugtog ni Simon. Hindi naman ikinakaila ni Kim na nai-inspire siya sa kanyang ginagawa habang naririnig ang musika ni Simon.

Pagbaba ni Kim sa sala kinabukasan ay nagulat pa siya ng makita roon si Simon. Kausap ito ng Tita Loren niya. Eksakto namang napalingon si Simon sa hagdan at nakita si Kim. Nang magkatinginan sila ay pa-simpleng  nginitian ni Kim si Simon at sinuklian naman ni Simon ng maluwang na ngiti si Kim.

Marahil ay napansin iyon ng Tita Loren ni Kim kaya napalingon din ito sa kanya. "Hija, kanina ka pa  hinihintay ni Simon" Tinawag siyang lumapit.

"Iiwan ko na muna kayong dalawa. Mag-agahan muna kayo ni Simon bago kayo umalis." bilin ng Tita Loren at tuluyan na silang iniwan.

"I'm sorry about yesterday. Hindi na tuloy kita na-entertain sa bahay" si Simon ang unang nagbukas ng usapan ng silang dalawa na lamang ang nasa sala.

"Ok lang, nandoon naman ang Mama mo. Inasikaso niya ako. Ang  bait niya sakin. Saan nga pala tayo pupunta??" tanong ni Kim.

"Hindi ba sinabi ko sa iyo na ipapasyal kita sa kapehan? well, i guess this is the right time to do that." nakangiting pahayag ni Simon.

Namilog ang singkit na mata ni Kim. "Talaga? at ngayon na tayo aalis?"

tumango si Simon.

"Wonderful! Come on!" excited na hinatak ni Kim si Simon sa hapagkainan. "Bilis" pinaupo niya si Simon sa isang dining chair.

"I don't think the plantation is going anywhere, bebé" natatawang pahayag ni Simon.

"I know that, Simon. Baka lang kasi abutan tayo ng matinding sikat ng araw, di ba? Let's have breakfast first dahil siguradong hindi ako papayagang lumabas ni Tita ng walang laman ang aking tiyan. Subok ko na ang ugali n'on pag dating sa meals rule. Ayaw niyang tinatanggihan ang iniluto niya." Kumuha si Kim ng ekstrang plato for Simon.

Noon naman pumasok ang isang katiwala para pagsilbihan sila.

"Ako nalang bahala rito Manang Fely" sabi ni Kim at nginitian niya ito. "What do you want coffee or juice?? tanong niya kay Simon.

"Coffee will be fine, bebé" tipid na sagot ni Simon.

" Alam mo, hindi pa ako nakakakita ng coffee plantation. I've seen a tobacco plantation in Ilocos Norte before. Kaibigan ko ang anak ng may-ari n'on and it was too vast." kuwento ni Kim na halata sa kanyang mukha ang excitement.

Inilapag ni Kim sa tapat ni Simon ang isang tasa ng kape. Pagkatapos ay naupo na siya sa isang silya. Hindi siya makakain ng maayos dahil titig na titig si Simon sa kanya. 

"B-bakit mo ako tinititigan nang ganyan?" hindi mapigilan ni Kim na itanong kay Simon.

Umiling si Simon. " Hope you don't mind if i call you, bebé" Nasa himig ni Simon ang pag hingi ng permeso.

"That's okay, you have my permission. Baka kapag sinabi kong hind pwede baka hindi mo na ipakita sakin ang kapehan niyo." malakas na tawa ni Kim " Pero sigurado ka ba na ayaw mo Kumain?" 

Tumango si Simon. "Next time nalang." magalang na tanggi ni Simon...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayako25 #1
i can't help but cry... na-touch na ako sa story jhit d pa ako tpos magbasa.. SUPER THANK YOU sa NAG_SULAT @143kimon[A]
143kimon
#2
Title of the next story is "YOU AND I FOREVER"
xtin41 #3
excited for the next story
Blashrajap #4
hahahahhaa..LOVE IT!!
xtin41 #5
another one..cant wait for the next story..
GEL2000 #6
yyyiiipppeeee!!!!nice one!!! please write another kimon fanfic pretty please......:)
Blashrajap #7
hahahha..LOVE IT!!!
xtin41 #8
so like it..next chapter na..<br />
Blashrajap #9
waaaaaahhhhh..next chapter..love it..hahahaha