The Way You Look At Me - Chapter 19

The Way You Look At Me

Excited na bumalik si Kim sa Laguna. Kaagad niyang pinuntahan si Simon upang ipaalam dito ang tungkol sa pagbili niya ng sariling gitara sa Maynila. Ang mama ni Simon ang nakausap ni Kim. Nasa kuwadra daw si Simon.

Nag magkita sila ni Simon ay ngumiti lamang ito. Pagkuwa'y muli nitong pinagtuunan ng pansin ang saddle na nakahilera sa isang gilid.

"Kadarating ko lang at pinuntahan kita kaagad dito. Hello dear, Racer" aniyang binalingan ang kabayo. Nilapitan niya ito at hinaplos. "And i brought my guitar with me. Puwede mo ba akong turuang mag-plucking?" tanong ni Kim kay Simon.

"Hindi kita matuturuan ngayon." mahinang sagot ni Simon.

Nakangiti pa rin si Kim nang muli siyang mag salita. "It's okay. Next time na lang siguro. Pupunta ka ba sa plantasyon? Kailan ka nga pala dumating dito.?"

"Kagabi lang" Ikinabit ang mga saddle ng kabayo.

"Bakit ka nga pala umalis kaagad sa kasal? Hindi ka man lang nagpaalam.?" Hindi maiwasang itanong ni Kim.

"May biglang dumating galing sa ibang bansa na kailangan kong asikasuhin."

"Kapatid mo?"

Nag-angat ng mukha si Simon. "You ask too many questions, Kimberly. Don't meddle with my life, okay?" anito na nagsalubong ang mga kilay.

Napahiya si Kim. "I-I'm sorry," sagot ni Kim at nagbaba ng mukha.

Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na hininga. "Mamaya nalang tayo mag-usap. Kailangan kung asikasuhin ang plantasyon dahil malapit na ang anihan" pormal na pahayag ni Simon. Nang matapos sa ginagawa ay sumakay na ito kay Racer.

Nasaktan si Kim sa pambabale-wala nito sa kanya. Masakit ang loob ni Kim na tumalikod palayo sa kuwadra.

"Ang bilis mo yata,hija? akala ko ba ay makikipagkuwentuhan ka kay Simon?" salubong na tanong sa kanya ni Tita Carolyn pagpasok niya sa bahay.

"Nasa kapehan siya, Tita. Malapit na raw kasi ang anihan kaya kailangang asikasuhin. Nasaan nga pala sina Tita Loren?" Hindi niya napansin ang mga ito simula kaninang dumating siya.

"As usual, nasa mga kaibigan nila. Alam mo naman ang dalawang 'yon. Simula nang dumating ay hindi na napirmi rito sa kanilang bahay." natatawang sagot nito.

"Naisara na ba nila ang deal sa kapehan?"

"Oo, Baka sa susunod na Sabado na sila babalik sa US."

Napatango si Kim at nagpaalam na aakyat muna sa kuwarto. Hindi muna siya nag-sulat nang araw na iyon. Hinihintay niya ang pagdating ni Simon. Subalit sumapit na ang gabi ay wala pa rin ito. Hindi rin niya narinig ang gitara nito bago siya matulog.

Kinabukasan ay mulis siyang nagpunta sa bahay ng mga Atkins. This time, dala na niya ang gitara at baka sakaling maturuan na siya nito. Marahil ay pagod lamang ito kaya ganoon ang ipinakitang ugali sa kanya kahapon. Subalit pagdating niya sa bahay ng mga Atkins ay wala si Simon roon.

Dalawang araw ang lumipas at hindi pa rin sila nagkakausap. Hindi rin niya naririnig ang gitara nito. Madalas siyang bumisita sa bahay ng mga Atkins kaya lang lagi siyang wala. Nagtataka na si Kim. Pakiramdam niya ay iniiwasan siya ni Simon.

"What's the special occasion, Tita Loren?" tanong ni Kim sa kanyang tiyahin. Nakita niya kasing busy ang lahat.

"Despedida party namin ni Tito Enzo mo. Babalik na kasi kami sa US sa Sabado. Bukas naman ay luluwas na kami ng Maynila." anito habang inaayos ang kurtina sa sala.

"Can i be of help?"

Pinisil nito ang kanang pisngi ni Kim."Huwag na,hija. Alam kung madalas kang puyat nitong nakaraang araw dahil sa mga isinusulat mo. Why not take some rest for tonight's party?"

"Sige po Tita, sigurado po kayo ayaw niyo ng tulong ko? pwede ako magluto, kung gusto niyo.."

"Huwag na,hija magpahinga ka nalang."

"Gisingin niyo nalang po ako,kung kailangan niyo ng tulong"

Ngumiti lamang ang Tita Loren niya.

Nang malimpungatan siya ay tumungo kaagad si Kim sa bahay ng mga Atkins. Hindi niya alam kung bakit siya pumunta roon, ang alam niya lang ay kinakabahan siya.

"Tita Audrea,nadiyan ba si Simon?"

"Umalis siya, hija, at baka mamaya ba ang balik niya." Napansin ni Kim na may guilt sa mukha ng mama ni Simon. Tila may itinatago sa kanya.

"Salamat nalang, Tita. Pakisabi kapag dumating siya na nagpunta ako rito. Ipapaalala ko lang din po sana sa kanya  iyong party mamayang gabi sa bahay." aniya at pinilit ngumiti.

Tumango ang Mama ni Simon. "Ahm, hija?" habol na tanong ni Mrs. Atkins. "Pagpasensyahan mo na lang si Simon, ha?"

Ngumiti lang si Kim at tuluyan umalis.Bago pa tuluyang makalabas ng bahay  si Kim ay nakita niya si Simon na may kasamang babae.

Maganda ang babaeng nakayakap sa braso ni Simon. Kahit payat at napakahaba ng buhok ng babae ay hindi maipagkakaila ang magandang mukha nito.

"Bisita ka ni Tita Audrea?"tanong ng babae at nginitian siya.

Tumango si Kim. "Oo, pero paalis na rin ako." Napatingin siya kay Simon. Nakita ni Kim kung paano siya iwasan ni Simon.

"I'm Samuelle Lynne Acosta Pinto, but my friends call me Sammy or Sam" pakilala ng babae sa sarili.

Hindi nakaimik si Kim. SAMMY! sigaw ng kanyang isip. Ito pala ang nag-mamayari ng pangalang iyon.

"Sammy is my fiancèe, Kimberly. Siya ang sinundo ko sa airport noong kasal nina Erich at Enchong" pagkatapos sabihin ni Simon 'yon ay umiwas siya nang tingin kay Kim at nauna ng pumasok, medyo naluluha siya nang siya ay umalis.

Hindi na nakaimik si Kim. For the second time nadurog nanaman ang kanyang puso. Gusto niyang umiyak ngunit di niya magawa, ayaw niyang mag eskandalo.

"Are you okay, Miss?" tanong ni Sam.

Pinilit ngumiti ni Kim. "I-I'm okay. I'm Kimberly, my friends call me Kim or Kimmy"  AND YOUR FIANCèE CALL ME BEBè sigaw ng isip ni Kim. "Nice meeting you, Sammy." Napasulyap siya kay Simon papalayo sa kanila.

"I-I have to go. Hinihintay na ako sa amin." dagdag oa ni Kim. Umalis si Kim na medyo naiiyak ngunit pilit niya itong itinatago....

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayako25 #1
i can't help but cry... na-touch na ako sa story jhit d pa ako tpos magbasa.. SUPER THANK YOU sa NAG_SULAT @143kimon[A]
143kimon
#2
Title of the next story is "YOU AND I FOREVER"
xtin41 #3
excited for the next story
Blashrajap #4
hahahahhaa..LOVE IT!!
xtin41 #5
another one..cant wait for the next story..
GEL2000 #6
yyyiiipppeeee!!!!nice one!!! please write another kimon fanfic pretty please......:)
Blashrajap #7
hahahha..LOVE IT!!!
xtin41 #8
so like it..next chapter na..<br />
Blashrajap #9
waaaaaahhhhh..next chapter..love it..hahahaha