The Way You Look At Me - Chapter 16

The Way You Look At Me

Nag-aalamusal si Kim nang makita niyang pumasok sa pintuan si Simon.

"Kanina pa ako pabalik-balik dito at-----" Natigilan si Simon at nagsalubong ang kanyang kilay ng makita niya ang hitsura ni Kim.

Nagtatakang tinignan ni Kim ang kanyang sarili.Nakaternong pajama pa rin si Kim.

"My God,Kimberly, bakit hindi ka pa bihis?"

Noon lang naalala ni Kim na makikisabay nga pala siya kay Simon paluwas sa Maynila. May business meeting si Simon na dadaluhan at si Kim naman ay a-attend sa kasal ni Erich sa susunod na araw. After the wedding ay babalik din siya sa Laguna.

"Pinuyat mo ako kagabi kaya ngayon lang ako nagising" mabilis na depensa ni Kim dahil alam niyang magtatanong si Simon...

Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Simon."Baby, maaga kitang pinauwi dahil alam kong may lakad tayo ngayon." hindi nagpapatalong sagot ni Simon.

"Maaga nga pero tumugtog ka naman hanggang madaling araw. Mabuti nga at wala pang nagreklamo sa'yo rito" Naggalit-galitan si Kim.

"Di nawala sila ng live performer kapag ginawa nila 'yon." sagot naman ni Simon.

Napangiti si Kim."Actually, you got me more inspired last night. Nakailang ako ng naisulat. Hindi ko naman puwedeng palagpasin ang pagkakataon kapag good mood ako," pag-amin ni Kim. Kumagat siya sa loaf bread.

"So, tell me, what inspired you? The songs or me?". Kinindatan ni Simon si Kim at pagkatapos ay umupo siya sa tabi ni Kim.

HE'S TEASING ME AGAIN, sabi ng isip ni Kim.

"Liars go to hell, so they say. And i could always read you like a book, Kimberly, since the day we met."

YES, HE'S TEASING ME! she confirmed to herself.

"Have breakfast with me, Mr. Simon David Atkins II, gutom lang iyan. At sa pagkakataong ito huwag kang tumanggi." Iniba na ni Kim ang usapan.

Namilog ang mga mata ni Simon." I won't say 'no' this time, bebè. Tocino is my favorite." sabi ni Simon habang naglalaway na siya sa kakatingin sa mga pagkain sa mesa. Naglagay na siya ng kanin at ulam sa kanyang pinggan.

"Iiwan muna kita rito at maghahanda lang ako" paalam ni Kim.

Hindi siya pinansin ni Simon. Nakailang subo na ito ay hindi pa rin ito umiimik.

"Nakakita ka lang ng tocino, hindi mo na ako naalalang kausapin."nakataas ang kilay na sabi niya.

Napatigil si Simon sa pagsubo. "Are you jealous of tocino, baby?" ngumisi si Simon.

Napasimagot si Kim."Bahala ka na nga rito... Hinay-hinay lang kawawa 'yong kanin at tocino. Baka ka mabulunan Mr. Atkins."

"You look more beautiful in your pajamas, Kim" habol pa nito kay Kim.

Napahinto si Kim sa paglalakad at nilingon si Simon. "Thank you, baby. Hayaan mo, ipagluluto uli kita ng tocino para naman mapuri mo uli ako." pagbibiro ni Kim.




Sa IO TI AMO nagpahatid si Kim. Doon nila napagkasunduan ni Erich na magkita. Kailangan daw niyang maisukat muli ang gown na isusuot niya para kung sakaling may problema ay kaagad daw iyong maayos. Niyaya ni Kim si Simon na pumasok muna sa restaurant. Balak niyang ipakilala ito sa kanyang mga magulang.

Kabubukas pa lamang ng restaurant kung kaya't wala pang mga costumers sa loob niyon. Nang ipakilala ni Kim si Simon sa mga magulang niya ay kaagad itong nakilala ng kanyang mama.

"I remember you, hijo. You're the one my daughter once called 'arrogant '." pahayag ng mama ni Kim. Nangingiting sinulyapan pa siya nito.

Namula si Kim sa sinabing iyon ng kanyang mama.

"Arrogant? Is it true Kimberly?" tanong ni Simon. Tila hindi makapaniwalang tiningnan siya nito.

Hindi nakasagot si Kim dahil tinawag siya ng kanyang Papa.

Wala pang 15 minute nang dumating sina Erich at ang mapapangasawang nitong si Enchong. Bitbit ng mga ito ang isang malaking kahon.

Nagpaalam na ang kanyang mga magulang. Inanyayahan nila na 'don na mag-lunch ang mga ito.

"Ernest Lorenzo Velasquez-Dee...." nakangiting wika ni Simon nang makipagkamay ito sa lalaki. "You've changed a lot, pare. After all these years, I couldn't imagine you're getting married soon"

"Look who's here! Simon David Atkins II, the most faithful guy and the man of every woman's dreams way back our college years." Natatawang kinamayan din ni Enchong. "I was hooked by this woman." He pointed at Erich. "Nirendahan ang leeg ko kaya hindi ako nakawala, pare." pilyong sabi ni Enchong.

Nang marinig ni Erich ang sinabi ni Enchong ay hinampas nito sa balikat si Enchong.

"You to know each other?" tanong ni Kim.

"Magkabarkada kami ni Enchong noon sa college. Siya ang drummer sa banda na itinayo namin noon. And he was also the most playboy in our group." Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ni Simon.

Muling tumawa nang malakas si Enchong napasulyap tuloy ang mga kumakain sa IO TI AMO, agad namang lumapit si Erich at kinurot ito sa balikat. "Balak mo ba mag-eskandalo dito?" tanong ni Erich at umalis din kaagad.

"Kailan ka nga pala bumalik dito sa Pilipinas? Ang huli kong balita sa iyo ay noong nagpunta ka sa Amerika."

"Two weeks na akong nakabalik. Nasa Laguna lang ako dahil inaasikaso ko ang Kapehan. Hopefully, after the harvest ay sa Axis na ako." paliwanag ni Simon.

Nag-excuse sina Erich at Kim sa mga ito. Aakyat silang magkaibigan sa ikalawang palapag ng restaurants, may isang maliit na bedroom doon. Bago pa umalis sina Kim at Erich ay narinig ni Kim ang tanong ni Enchong kay Simon.

"Kumusta na kayo ni Sammy?"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayako25 #1
i can't help but cry... na-touch na ako sa story jhit d pa ako tpos magbasa.. SUPER THANK YOU sa NAG_SULAT @143kimon[A]
143kimon
#2
Title of the next story is "YOU AND I FOREVER"
xtin41 #3
excited for the next story
Blashrajap #4
hahahahhaa..LOVE IT!!
xtin41 #5
another one..cant wait for the next story..
GEL2000 #6
yyyiiipppeeee!!!!nice one!!! please write another kimon fanfic pretty please......:)
Blashrajap #7
hahahha..LOVE IT!!!
xtin41 #8
so like it..next chapter na..<br />
Blashrajap #9
waaaaaahhhhh..next chapter..love it..hahahaha