The Way You Look At Me - Chapter 7

The Way You Look At Me

Kasama si Tito Enzo, namasiyal si Kim. Hindi sila nakarating sa kapehan dahil inabot  na sila ng hapon sa niyugan. Dala ng matinding pagod ay maaga siyang nagpaalam para magpahinga. Nag-iwan lamang siya nang kaunting awang sa sliding door at binuksan niya ang bintana para makapasok ang fresh air.

Wala pa yatang isang oras ang nakakalipas nang maalimpungatan siya.Tila may tumutugtog na naman ng gitara.Inapuhap niya ang lamp shade at binuksan iyon. Napipilitang tumayo siya at sumilip sa bintana na nasa gawing kanan niya. Maliwanag sa  hardin ng mga Atkins.

May pananabik na nagtungo siya sa veranda at naupo sa single seater sofa na nakapuwesto roon. Sa pagkakataong iyon, may malamig na boses na siyang  naririnig kasabay ng pagtipa sa gitara.Pakiramdam niya ay naka-tune in siya sa isang FM station sa lamig ng boses ng kumakanta.

Napapangiti siya tuwing naririnig ang pagpa-plucking nito. Hindi na tuloy napigilan ni Kim ang sariling mapapalakpak.

Natigil ang tunog ng gitara  at nawala ang boses  sa ere. Biglang tumahimik ang paligid na tila bawat sa isa sa kanila ay nagpapakiramadaman.

"Oh, my God!" aniyang napatakip sa bibig si Kim.Mabilis siyang bumalik sa loob ng kanyang silid at animo isang batang nagsusumiksiksa higaan dahil nahuli sa ginawang kalokohan.

Nakarinig siya ng tawa mula sa labas.Tila alam ng lalaki ang kanyang ginawa. Kasunod niyon ay muli itong tumugtog at kumanta. "Hello girl,it's been a while......Guess you'll be glad to know....That i know how to laugh and smile"

Wala pa sa kalagitnaan ng awitin ay biglang nagbago ang chords. Naging music alphabet!

"Now i know my ABC.... Next time, won't you come and sing with me."

Hindi napigilang matawa ni Kim. May hatid na kilig ang ginawang iyon ng naggigitara.Hindi alam ni Kim kung gaano ito katagal tumugtog basta ang alam niya nakatulog siya ng may ngiti sa kanyang mga labi.

Mahimbing ang tulog ni Kim nang nagdaang gabi, kaya maaga siyang nagising. Alas siyete pa lamang ng umaga ay nasa hardin na siya.

"Good morning,Kim. Maagang umalis sina Loren.Bibisitahin daw nila yong isang kaibigan nila sa Los Banos" ani ni Tita Carolyn ng makita siyang palapit.Inaayos nito ang mga bagong pitas na bulaklak sa isang  vase."Kumusta nman ang tulog mo? hindi ka ba binulahaw ng kapitbahay natin.?"

Hindi niya mapigilang mapangiti nang maalala ang nangyari kagabi. Umupo siya sa tabi nito at nakitulong sa ginagawa nito. "It's music to my ears,Tita Carolyn.Napakalamig ng boses niya. Naku-curious tuloy ako sa kanya. i want to see him." aniyang kinikilig habang nagkukuwento.

Tatawa-tawang napatigil ito sa ginagawa. "Well, that's a good start and a good sign na hindi ka mabo-bore dito. I think nakakita ka na ng isang inspirasiyon habang nandito ka."

Ngumiti lamang si Kim na tila sumasang-ayon ang kanyang puso sa sinabi nito.

Nalaman ni Kim na nagsusulat din pala si Tita Carolyn.Contributor ito ng short stories sa ibat ibang magazines.

Kaya pala sinabi ng Tita Loren niya na magkakasundo silang dalawa ng Tita Crolyn niya.Iyon pala ay pareho sila ng hilig. In fact kaya nandoon ito at magbabakasyon ay dahil may mga trabaho rin itong tinatapos tulad niya.

Pagkatapos mag-almusal ay bumalik na siya sa kanyang silid para magsulat. Inilabas niya ang kanyang laptop computer na palagi niyang dala tuwing nag-a-out of the town siya.

Lumabas siya patungo sa veranda at ipinatong sa mesang naroon ang laptop. Nakakadalawang pahina palang siya ng naiitipa sa keyboard ng marinig na naman niya ang pamilyar na tugtog na iyon.Parang mas  malapit iyon ngayon kaysa noong una niyang narinig. Subalit bigo siyang masilip ang hardin na pinanggagalingan ng tugtog dahil sa malalagong dahon ng punong nakatabing sa veranda.

Maliban nalanf siguro kung baba siya. Dala ng matinding kuryusidad ay iniwan niya ang kanyang ginagawa at saka mabilis bumaba ng bahay. Umikot siya sa hardin. May stone path at Bermuda grass na nakapalibot doon kung kaya't madali siyang nakalapit sa hardin.

White picket fences na hanggang baywang  lamang ang taas ang tanging naghihiwalay sa lupain ng mga Atkins at sa lupain ng Tito Enzo at Tita Loren niya kung kaya't kaagad niyang nakita ang isang lalaki na nakaupo patalikod sa kanya at may hawak na gitara.

Biglang kumabog ang dibdib ni Kim.Dahan dahan siyang lumapit sa lalaki.

"Did you get curious with my music or with me, bebé?"anito ng biglang magsalita.Parang inaasahan na nitong ang kanyang pagdating.

"B-both i gue-----" natigilan c Kim ng tawagin siyang bebé. bebé tinawag niya akong "bebé?"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayako25 #1
i can't help but cry... na-touch na ako sa story jhit d pa ako tpos magbasa.. SUPER THANK YOU sa NAG_SULAT @143kimon[A]
143kimon
#2
Title of the next story is "YOU AND I FOREVER"
xtin41 #3
excited for the next story
Blashrajap #4
hahahahhaa..LOVE IT!!
xtin41 #5
another one..cant wait for the next story..
GEL2000 #6
yyyiiipppeeee!!!!nice one!!! please write another kimon fanfic pretty please......:)
Blashrajap #7
hahahha..LOVE IT!!!
xtin41 #8
so like it..next chapter na..<br />
Blashrajap #9
waaaaaahhhhh..next chapter..love it..hahahaha