The Way You Look At Me - Chapter 3

The Way You Look At Me

"Kumusta na ang wedding preperations para sa kasal ni Erich, hija?" tanong ni Mrs.Annie Chiu kay Kim habang naghahapunan silang mag-anak.

Simula kasi ng ikasal ang Ate Lakam niya ay silang tatlo na lang ng kanyang Mama Annie at Papa William ang naiwan sa bahay kasama ang tatlong katiwala (si Manang Citas,ang matandang nag-alaga sa kanilang magkapatid simula pagkabata, isang hardinero,at isang dalagitang katulong)

Maaga silang dumating sa bahay ng gabing iyon.Dati-rati ay lampas alas-diyes na ng gabi kung makompleto sila sa bahay.May negosyo kasi silang pinapatakbo ang IO TI AMO restaurant sa may Greenbelt. Wala pang tatlong taon simula ng buksan nila ito.

"Hmmp.,Ma, yung wedding gown nalang ni Erich ang kulang." sagot niya. Binalingan naman niya ang kanyang papa na nakaupo sa rocking chair."Kailan nga po pala darating sina Tita Loren,'Pa?"

Kapatid na panganay ng kanyang Ama si Tita Loren.Kung hindi siya nagkakamali,simula noong mag-migrate ang pamilya ng kanyang Tita sa California, mahigit ten years na ang nakalipas ay ngayon lang ulit sila magkikita nito.

Nag-angat ng mukha ang kaniyang Papa."Sa Linggo na, hija".

"So, itutuloy rin pala ni Kuya Enzo ang pagbebenta ng kapehan nila sa Laguna,"anang na tanong ng kanyang Mama sa kanyang Papa.

Tumango ang kanyang Papa." Napabayaan na kasi at nakatiwangwang lang, kaya ibebenta na lang nila"

"Naalala ko noong ipinasyal tayo roon nina Ate Loren at Kuya Enzo.Napakaganda na lugar niyon.Matagal na ring panahon iyon.Ipinagbubuntis ko pa lang si Kim ng huli tayong namasiyal roon." nakangiting sabi ng Mama niya.

"Baka naman pwede akong magbakasyon sa Laguna pagdating nina Tita Loren, 'Pa,'Ma". Tanong niya sa mga ito."Tatapusin ko lang ang mga pending stories ko.I need a new place to write para mabago naman ang atmosphere ko." pakiusap niya.

Nakatapos si Kim ng kursong Hotel and Restauranat Management. Dalawang taon siyang nagtrabaho sa isang five-star hotel sa Makati. Pagkatapos ay nag-resign siya para tulungan ang parents niya sa bubuksan nilang Restaurant.

Isinabay niya na rin ang pagsusulat, one of her passions and hobbies. Wala siyang formal studies sa writing maliban lang sa hilig niyang magbasa ng iba't ibang klase ng pocketbook especially romance.Unexpected ang lahat. Nainspire lang siya sa paborito niyang writer,kaya siya nahikayat magsulat.

"Sure.Hayaan mo, sasabihin natin sa Tito Enzo mo pagdating nila." mabilis na pagsang-ayon ng ng Papa niya."Baka doon mo na rin makikilala ang mapapangasawa mo." dagdag pa ng kaniyang Papa na tila nag bibiro.

"Talagang itinutulak na rin ninyo akong mag-asawa ,ano Papa?" sagot niya at tila kunwaring nag tatampo."Siguro gusto niyo na rin akong umalis dito"dagdag pa ni Kim.

Sumeryoso ang mga magulang niya lalo na ang kanyan Papa."Kung pwede nga lang na huwag ka na mag-asawa,hija at dito ka nalng lagi sa tabi namin ng Mama mo."

Naalala niya tuloy ng ipaalam ng Ate Lakam niya na mag-aasawa na ito.Mas naging emotional ang kanyan ama kesa sa kanyang ina.

"Mawawalan na rin kami ng baby dito sa bahay". na tila nalungkot na rin ang kanyang ina.

Natatawang tumayo si Kim at niyakap ang mga ito. "Hey, I will always be your baby.Kahit magkaasawa ako at mag kaanak, gusto ko,dito parin ako sa tabi niyo." aniya at pagkatapos niyakap niya muli ang mga ito ng mahigpit.

Pinisil ng Papa niya ang kaniyang pisngi gaya ng madalas nitong gawin."Hindi ko lang kasi maiwasan isipin na parang kelan lang ay maliliit pa kayo ng Ate mo.Ako ang madalas mag palit ng lampin niyo.Kahit madaling araw ay nagigising ako para ipaghele kayo.Then......."Huminto ito at napabuntong hininga.

Nakangiting sinulyapan ng kanyang Mama." Tingnan mo si Papa,'Ma ,nage-emote na naman."  sabay hinalikan niya  ang kanyang Papa sa pisngi. "Don't worry 'Pa hindi pa ako mag aasawa  dahil hinihintay ko pa si Gerald."

Hindi alam ng kaniyang magulang kung ano ang nangyari sa kanila ni Gerald. Ang sinabi lang ni Kim sakanila ay bumalik ito sa bansang pinangalingan niya dahil sa trabaho nito.

"Pero sakaling hindi na siya bumalik mag-mamadre nalng ako."dagdag pa iya at tila ng aasar.

"Aba, ipagdarasal ko na sana hindi na bumalik ang Gerala na iyon."mabilis na sagot ng nakangiting ama.Kimurot ng Mama niya ang kaniyang Ama."Tama,ba na sang-ayunan mo ang anak mo?".

Natatawang kumalas siya sa pagkakayap niya sa kaniyang Papa."Magpapahinga na po ako.Nagpapasama kasi si Melissa bukas para tumingin ng regalo para sa kasal ni Erich," paalam niya at saka umakyat sa  kanyang silid.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayako25 #1
i can't help but cry... na-touch na ako sa story jhit d pa ako tpos magbasa.. SUPER THANK YOU sa NAG_SULAT @143kimon[A]
143kimon
#2
Title of the next story is "YOU AND I FOREVER"
xtin41 #3
excited for the next story
Blashrajap #4
hahahahhaa..LOVE IT!!
xtin41 #5
another one..cant wait for the next story..
GEL2000 #6
yyyiiipppeeee!!!!nice one!!! please write another kimon fanfic pretty please......:)
Blashrajap #7
hahahha..LOVE IT!!!
xtin41 #8
so like it..next chapter na..<br />
Blashrajap #9
waaaaaahhhhh..next chapter..love it..hahahaha