The Way You Look At Me - Chapter 17

The Way You Look At Me

"So, kumusta ang pagbabakasyon mo?" tanong ni Erich kay Kim.. Nang makalapit ito ay pinansin pa nito ang ang maliit na peklat sa braso ni Kim. "And what happened to your arm?" tanong ni Erich.

"Oh this one?" Nasugatan ng string ng gitara." sagot naman ni Kim. "After your wedding ay babalik din ako sa Laguna. Hindi pa tapos ang bakasyon ko."

Ngumiti  ng pilya si Erich. "Trabaho nga ba ang babalikan mo o may ibang bagay kang pinagkakaabalahan doon?"

Tumaas ang isang kilay ni Kim. "Anong ibang bagay ang pinagsasabi mo riyan?" pagmamaang-maangan ni Kim.

Tumayo si Erich at lumapit kay Kim, inayos ni Erich ang gown ni Kim para lalong mag-fit. "Iba ang aura mo ngayon, Ms.Kimberly. You're blooming! Ako ba'y paglilihiman mo pa ngayong isang dekada na tayong magkaibigan?". nakangiting sagot ni Kim.

"Simon is just a friend , Erich. Nothing special going between us." sagot naman ni Kim.

"Aha! Gotcha, my dear! Wala naman akong binabanggit na pangalan ah." Nangingiting bumalik si Erich sa sofa. "Nothing special huh...." sumipul-sipol pa ito. "But i think he's special to you." pangungulit ni Erich..

"Erich, kailan lang kami nagkakilala ni Simon. And besides, hindi ko nga alam kung may girlfriend 'yong tao. I'm fond of him because of his music. He's just an inspiration, okay?" Hinubad na ni Kim ang gown at maayos na ibinalik sa kahon. "Okay na itong damit na isusuot ko bukas." dagdag pa ni Kim.

"You are too defensive, Kim. I tell you what, never mistake fondness to love."

Natawa si Kim "Now look who's talking."

Noon si Kim ang nangangaral kay Erich tungkol sa bagay na iyon. Bago pa maging kasintahan ni Erich si Enchong. Fondness ang ipinagpipilitan nitong nararamdaman noon kay Enchong.

Pero nang magpaalam dito si Enchong na pupunta siya sa Amerika ay doon na-realize ni Erich kung gaano kaimportante sa buhay niya si Enchong. At no'ng araw na paalis si Enchong ay kasama si Kim na humabol sa airport.

Nakakahiya raw ang ginawa nilang iyon pero para kay Kim ay napaka-romantic. Lalo na noong nag-iiyak si Erich dahil akala nila ay nakaalis na si Enchong.

Ibinigay ni Kim kay Erich ang megaphone na hiniram nila sa isang security officer. Ipinagsigawan ni Erich kung gaano niya kamahal si Enchong.

"Eh, sa iyo ko natutuhan ang tungkol dito, ibinabalik ko lang naman. So, magkakatotoo ba ang sabi ng singsing na sa edad na twenty-four ay mag-aasawa na si Kimberly Sue Yap Chiu?"  tumingin pa si Erich sa taas at tila nangangarap.

"Aha, lumabas din ang totoong rason kung bakit mo ako pilit na pinaamin. Nagpapaniwala kasi kayo sa singsing, kaya hayan, naghihintay kayo sa milagro, matupad lang iyon." naiiling na pahayag ni Kim.

Inakbayan ni Erich si Kim. "Who knows? Nothing is impossible in this world, my dear"

"Each of us has her own destiny, Erich. Dapat ay marunong lang tayong magbasa ng signs."

"Signs?! Eh, bakit hindi mo makita ang senyales na wala na si Gerald at hindi na babalik ang lalaking iyon anuman gawin mo? Tinuldukan na niya ang kuwento ninyong dalawa simula nung makipaglandian siya sa babaeng iyon at nung ewan ka niya. In other words, closed book na sa buhay niya ang love story niyo. That you have your own life to move on with," pangaral ni Erich kay Kim.

Tumaas ang kilay ni Kim. "Hay naku, heto na naman tayo. The same old stories blah,blah,blah,blah......" usal ni Kim. "I'm moving on, Erich. Nagkataon lang siguro na hindi pa ulit tumitibok ang puso ko pagkatapos ng mga nangyari."

"Malaki rin siguro ang influence sa akin ng promise namin ni Ate Lakam sa isa't isa. Pero hindi ibig sabihin na ibuburol ko na ang sarili ko dahil hindi natupad ang pangarap na iyon. Who knows? Wala namang impossible rito sa mundo, di ba?" Ginaya pa ni Kim ang dialogue ni Erich.

Napanganga si Erich habang nakatitig kay Kim. Parng hindi siya makapaniwala sa narinig. Kinuha ni Erich ang kamay ni Kim at itinaas na parang sign of victory.

"Iyan ang pinakamagandang nasabi mo, Kimberly. Ibig sabihin ay namulat ka na sa katotohanan. Nagiging positive thinker ka na ngayon. Way to go, my dear." Iwinagayway pa ni Erich ang kanilang mga kamay sa ere.

"I think I'm in love..... I think I'm inlove with you..." kumanta pa si Erich..

"Ang corny mo talaga." natatawang sabi ni Kim.

Nasa ganoon silang ayos nang pumasok sina Simon at Enchong..

"What are you two doing?" tanong ni Enchong.

"Oh! Masaya lang kami dahil pareho kaming in love" sagot ni Erich. Kinindatan pa siya nito.

Napasulyap si Kim kay Simon at napansin niyang kumunot ang noo nito at tila hindi nagustuhan ang narinig...


 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayako25 #1
i can't help but cry... na-touch na ako sa story jhit d pa ako tpos magbasa.. SUPER THANK YOU sa NAG_SULAT @143kimon[A]
143kimon
#2
Title of the next story is "YOU AND I FOREVER"
xtin41 #3
excited for the next story
Blashrajap #4
hahahahhaa..LOVE IT!!
xtin41 #5
another one..cant wait for the next story..
GEL2000 #6
yyyiiipppeeee!!!!nice one!!! please write another kimon fanfic pretty please......:)
Blashrajap #7
hahahha..LOVE IT!!!
xtin41 #8
so like it..next chapter na..<br />
Blashrajap #9
waaaaaahhhhh..next chapter..love it..hahahaha