The Way You Look At Me - Chapter 21

The Way You Look At Me

"Mag-iisang linggo na simula nang makabalik ka galing sa Laguna, anak. Napapansin namin ng papa mo na nagiging matamlay ka nitong mga nakaraang araw. May nangyari ba?" tanong ng mama ni Kim nang pumasok ito sa kanyang silid.

Inialis niya ang kanyang mukha sa tapat ng monitor ng computer at nilingon ang kanyang ina. Pinilit niyang pasiglahin ang kanyang boses.  "I'm doing fine, 'Ma. Don't worry. Napagod lang ako dahil halos ilang araw nang palaging madaling-araw na akong natutulog dahil sa bagong nobelang isinusulat ko." pagkakaila ni Kim.

Halatang hindi nakumbinsi ang Mama niya. "Hindi ko nga alam na sasabay ka kina Tita Loren at Tito Enzo mo pagbalik dito. Ang akala namin ay dalawang linggo ka pa sa Laguna." anito na umupo sa dulo ng kama.

Pagkatapos nilang mag-usap ni Simon nang gabing iyon ay sumabay na rin siya sa Tita Loren at Tito Enzo niya sa pagluwas sa Maynila kinabukasan. Nagulat din ang mga ito dahil ine-expect ng mga ito na magpapaiwan pa siya sa Laguna. Ngayon ay nasa Amerika na ang mga ito.

"Wala na kasi akong makakasama sa Laguna. Si Tita Carolyn ay babalik na sa Quezon." sagot ni Kim.

Tumayo ang mama niya at lumapit sa kaniya. Pagkuwan ay nagtatakang tumingin sa monitor ng computer. " Hindi ka na yata umaalis sa chapter 4, anak? tatlong araw ko na iyang nakikita riyan,"

Hindi na nakaimik si Kim. Nagbaba na lang siya ng mukha.

"I know you are bothered or something. Ngayon lang kita nakitang ganyan ang ikinikilos. Nagsasalita ka lang kung kinakausap ka namin. Madalas kitang makitang nakatitig sa kawalan. Hindi kita pipiliting magsalita ngayon, anak, pero nandito lang kami ng papa mo."

Tumango lamang si Kim. Nang makaalis ang kanyang Mama ay hindi nanaman niya mapigilan ang mapaluha.
 

KINABUKASAN ay hindi inaasahan ni Kim na bibisita sa kanila si Tita Carolyn. Itinabi niya ang hawak na gitara at masayang sinalubong ito. Tinawag ni Kim ang katulong para maghanda ng merienda.

"Mabuti at napadalaw kayo rito, Tita" masayang wika ni Kim.

"Galing ako sa publication. Naisipan kong puntahan ka at kumustahin na rin. Nagdaan muna ako sa TI AMO bago dumiretso rito. Nakausap ko ang mama mo at sinabi niyang nandito ka. Kahapon lang ako bumalik sa Quezon."

Tamang-tama naman at lumapit ang kanilang katulong,dala ang isang tray na may lamang merienda. Iniabot ni Kim kay Tita Carolyn ang isang baso ng pomelo juice.

"Thank you" uminom pa muna ito bago muling nagsalita. "Tinatanong ka nga pala ni Audrea, hija. Hindi ka man lang daw nagpaalam sa kanya bago ka umalis."

May gulit siyang naramdaman. Nawala na sa isip niyang magpaalam sa mama ni Simon sa kagustuhan niyang makaalis kaagad.

"Paminsan-minsan ko na lang din naririnig ang pagtugtog ni Simon. Kung tumugtog man siya ay iisang kanta lamang, maganda sana 'yong kanta kung masaya siya habang kumakanta. I missed the thrill, the sounds of guitars and everything simula noong umalis ka," nakangiting sabi nito.

Malungkot siyang napangiti rito. Alam nito ang tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa ni Simon nang gabing iyon dahil dito siya tumakbo.

"Mukhang marunong ka ng tumugtog ng gitara, ah. Ano nga pala 'yong tinutugtog mo kaninang dumating ako?" tanong nito na halatang pinapasaya si Kim.

"Just The Way You Are, Tita. It's one of my favourite songs."

Tumaas ang kilay ni Tita Carolyn." Parang madalas kong marinig ang kantang iyan nitong nakaraang araw." Tila iniisip ni Tita Carolyn kung saan niya ito narinig. "Oh, yes, naalala ko na." sigaw ni Tita Carolyn.

"Tita naman huwag naman kayong mang-gulat nahulog ko tuloy itong baso." nakangiting sinabi ni Kim. Tumayo si Kim at kinuha ang basahan.

"Isa 'yong kantang iyon ang madalas tugtugin ni Simon."

Napasulyap si Kim at saka ngumiti at itinuloy ang pagpunas sa sahig.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ayako25 #1
i can't help but cry... na-touch na ako sa story jhit d pa ako tpos magbasa.. SUPER THANK YOU sa NAG_SULAT @143kimon[A]
143kimon
#2
Title of the next story is "YOU AND I FOREVER"
xtin41 #3
excited for the next story
Blashrajap #4
hahahahhaa..LOVE IT!!
xtin41 #5
another one..cant wait for the next story..
GEL2000 #6
yyyiiipppeeee!!!!nice one!!! please write another kimon fanfic pretty please......:)
Blashrajap #7
hahahha..LOVE IT!!!
xtin41 #8
so like it..next chapter na..<br />
Blashrajap #9
waaaaaahhhhh..next chapter..love it..hahahaha