I’ll kick them out

Along España
Please Subscribe to read the full chapter

Bata pa lang ako, alam ko nang may taglay na kaswerte-han ‘tong katawan ko. Noon pa lang pinasasalamatan ko na lahat ng kilala kong santo dahil binigyan ako ni Lord ng photographic memory, dahil hindi ko mapag kakaila na malaki ang natulong nito sa ‘kin lalo na noong nag-aaral pa ako. Sa dami ba naman ng kailangan naming kabisaduhin, kahit sino ay mapapasalamat na lang talaga.

 

Pangalawa, binigyan ako ni Lord ng magandang mukha. Teka lang, hindi ako ang nag sabi niyan, tatay ko nag sabi na maganda raw ako kahit noong bata pa ako.

 

I won’t deny that I enjoy a lot of privilege dahil sa mukhang ‘to. Isa na siguro sa example yung gustong gusto ko ng bagong instrument na aaralin dahil nag sawa na ako sa keyboard ko, nginitan ko lang ang Daddy ko na may kasamang dimple, binilhan agad ako ng electric guitar.

 

O kaya yung time naman na muntik na ma-mark as late yung plate ko nung 1st year college, pero tinanggap pa rin ng prof ko na walang minus dahil daw Dean’s lister naman ako.

 

Hindi naman ako spoiled growing up, pinag hihirapan ko namang ma-earn ang mga binibigay sa ‘kin ng parents ko at mga kapatid ko. Tsaka hindi na rin naman naulit yung muntikan ko nang malate na pasa, nag kataon lang talagang kinulang ako sa supplies kaya medyo natagalan ako bago naka tapos.

 

Never ako nag brag na swerte ako dahil ayaw kong mabati ‘to, pero hindi ko rin naman dinedeny.

 

Pero parang lately, minamalas ako.

 

Gaya na lang nung nangyari 4 days ago, natalisod ako nung morning rounds namin at muntik nang sumubsob sa sahig— face first, pero mukhang nasayangan si Lord sa mukha ko kaya binigay niya ang anak niyang si Soyeon para saluhin ako.

 

Tapos nung lunchtime, same day pa rin, hindi ako kumain sa cafeteria ng Hospital dahil quick break lang ang binigay sa ‘kin kaya sa vending machine na lang ako bumili ng snack. Pero sa kasamaang palad, yung binili kong chips, nastuck dun sa spiral thingy kaya hindi ko nakuha.

 

Akala ko nga ay wala na ‘yang kasunod pa, pero hindi pa pala doon natatapos ang kamalasan ko sa araw na ‘yon.

 

Naiwan ko lang naman ang wallet ko nung niyaya ako mag lunch out ng kaibigan ko sa Kenny Rogers. Buti na lang at mabait ‘yon, ako na lang daw ang mag bayad sa susunod.

 

And just when I thought it was the last of my bad luck, may nangyari na naman unang oras pa lang ng sumunod na araw.

 

Ubos na yung hot water sa water station, eh naka lagay na sa mug yung kape ko.

 

Marami pang nangyari na hindi kaaya-aya sa dalawang sumunod na araw, hindi ko na nga rin alam kung bakit biglaang malaki ang galit sa ‘kin ng universe ngayon.

 

Minamalas na nga ako, namimiss ko pa si Karina.

 

Dalawang araw din akong hindi nakauwi sa kanya gawa ng may malaking trauma sa Hospital namin kaya kinailangan ng mga attendings ng extra set of hands. 

 

Akala ko nga mag ta-tatlo pa, pero mukhang naawa na sa ‘kin ang universe at sumama siya sa meeting ng pinsan ko at ng kaibigan niya.

 

The purpose of the meeting slipped my mind. Basta ang alam ko, Real Estate related ‘yon dahil si Wonyoung ang Engineer sa project na ‘yon. Kaya rin kami nag lunch out para kausapin ako about dito, kinailangan niya raw gamitin lahat ng connection na mayroon siya dahil kaka-retire lang ng Company Lawyer nila.

 

Puno raw ang bookings sa lawfirm namin kaya ni-refer ako ni Ryujin sa kanya.

 

Hindi ko rin alam nung una kung paano ko siya matutulungan dahil wala naman akong kahit anong asset sa lawfirm namin, none that I am aware of, at least.

 

Kaya diniretso ko na agad sa pinsan ko, nasaktohan namang may bakante siyang schedule kaya kinuha na niya.

 

After all, Wonyoung was a friend.

 

Balik ko lang yung topic kay Karina kasi namimiss ko na naman siya, parang napapansin ko lately, lagi siyang stressed.

 

Kapag nag a-abot kami sa bahay, nakikita ko siyang nag t-trabaho sa living room at palaging naka kunot ang noo niya.

 

Tapos ang tahimik niya, ilap siya sa presence ko lately, parang ayaw niya na nandoon ako sa unit, or ayaw niya lang ako kausap dahil ang dry ng mga replies niya kahit pa sa chat.

 

Hindi na rin niya ako nasasabayang kumain ng umagahan, o kaya ng dinner kapag nag a-abot kami sa gabi.

 

Nag aalala na ako sa kanya actually, ilang araw na siyang ganito.

 

Parang wala naman akong nagawang mali para ikagalit niya, wala naman akong sinabing hindi maganda para mairita siya.

 

O wala nga ba talaga?

 

Hindi ko rin kasi sigurado kung ako ba yung dahilan kung bakit pangit ang mood niya nitong mga nakaraang araw. Baka sadyang marami siyang workloads kaya ganoon, sino ba naman kasing matutuwa dun?

 

Sana, sana talaga hindi siya galit sa ‘kin.

 

Baka naman nag tatampo siya dahil hindi ako nakauwi ng buong dalawang araw last time?

 

Ayon kaya? Parang hindi naman imposible. Kasi hindi rin ako nakapag update sa kanya sa loob ng dalawang araw na ‘yon.

 

Shoot, laki pala ng kasalanan ko kung nagkataon.

 

Kailan kong bumawi.

 

“Saan tayo sa pasko?” tanong ni Ryujin na nakapatong ang ulo sa balikat ko.

 

“Dito sa Hospital, mag t-trabaho.” sagot ko naman as if hindi pa obvious. Rinig kong humagikgik si Yujin sa kabilang side, nakapatong din ang ulo nito sa kabila kong braso.

 

“Subukan mo talagang sabihin ‘yan kay Ning, masasakal ka nun.” saad ni RJ at mahina pa akong hinampas sa parte ng hita ko na naabot niya.

 

Dumaan ang kalahating minutong katahimikan bago ako sumagot, “Ikaw nga subukan mo mag confess.”

 

“Teh…” Yujin giggled, halatang amused sa sinabi ko habang nakaawang naman ang labi ng isa naming kaibigan.

 

“Ay, too much?” asar ko pa rito, natatawa na dahil sa itsura nito ngayon. “My bad, my bad.” paulit-ulit ko pang sabi.

 

Kinurot ako nito hindi katagalan, napalakas lang ang tawa namin lalo ni Yujin.

 

“Tangina mo, ex premium enjoyer!” ganti naman nito na mas kinalakas pa ng tawa namin.

 

It took both of us a minute to fully calm down, tahimik lang naman sa kabilang side si Ryujin. Salubong ang kilay at naka cross ang arms. Pero imbes na mag mukha siyang intimidating, nakakatakot even, natatawa lang ako sa itsura niya.

 

“Bakit mo ba kasi ako tinatanong? Hindi ko pa talaga kasi sigurado kung free ako sa pasko.” I honestly answered this time, mukha na siyang mananapak eh.

 

“Easy, just clear your schedule.” she responded almost immediately habang may kinakalikot siya sa cellphone niya.

 

“Wow, desisyon? Pala-desisyon? Makapag salita akala mo hindi Doktor.” sarkastiko kong sabi, naki-sulsol din naman si Yujin sa sinabi ko.

 

Wala namang sagot ang kaibigan ko sa reklamo namin. Patuloy pa rin siya sa ginagawa niya sa kanyang telepono.

 

Maya-maya pa ay pinatay niya rin ito at binigyan kami ng tingin.

 

“Nag text na sa ‘kin si Ning, meeting daw tayo mamaya para sa bakasyon.”

 

God, help me.

 

Sasagot pa sana ako pero sabay na tumunog ang pager naming dalawa ni Ryujin. Nagkatingin pa kami bago madaling tumayo at mabilis na nag paalam sa kaibigang naiwan.

 

Si Dr. Bae ang nag page sa amin, dalawang floors lang naman ang itinaas niya sa kung nasaan kami ngayon kaya hindi na kami gumamit ng elevator. Ang haba rin kasi ng pila rito ngayon, lalo na’t katatapos pa lang ng lunch break.

 

Dr. Bae was examining a patient when we entered the room. Mukhang kilala ni Ryujin ang pasyente dahil binati niya ito.

 

“Hey, Kelly!” bati nito sa pasyente.

 

“Dr. Shin—” she cut short her own words and closed her eyes tightly nang makita niya ako. Tumaas tuloy ang kilay ko nang makita ang malalang pamumula ng pisngi niya hanggang leeg.

 

“Uh…?” she groaned at dinilat muli ang mga mata. Pinaypayan muna niya ang sarili tsaka ako tinignan.

 

Nakita ko pang bumaba ang tingin niya sa nameplate kong naka sabit sa white coat tsaka ako binigyan ng maliit na ngiti.

 

“Dr. Kim.” mahinang sambit nito na nginitian ko naman din. “God, I’m sorry—” sabi niya naman na kinagulat ko, para kasing namumula na naman siya habang pinapaypayan niya ang sarili niya.

 

Naiinitan ba siya? Grabe naman ang pamumula niya.

 

“Kelly… You know, this might be the last time that ever happens.” Dr. Bae said at inabot sa ‘kin ang patient chart ni Kelly.

 

“How are her labs, Dr. Kim?” tanong niya after ko basahin ng tatlong beses ang chart. I took a glance at the results and then at my resident na kasalukuyang hinihintay ngayon ang sagot ko. “H and H are stable, chest x-rays show no acute process.” I answered.

 

“That’s good, Kelly, you ready to go?” Dr. Bae asked our patient na namumula pa rin hanggang ngayon. 

 

Kelly was diagnosed with Erythrophobia.

 

That explains the blushing.

 

“Are you kidding me? I’ve been ready since forever.” sagot agad ng pasyente namin.

 

“Did you read the literature I gave you?” asked Dr. Bae, tahimik na nakikinig lang naman kaming dalawa ni Ryujin habang nag-uusap silang dalawa. 

 

Nakita kong tumango si Kelly, may pahabol pang tanong si Dr. Bae, kung naiintindihan ba raw ni Kelly lahat ng possible side effects sa gagawin naming surgery.

 

“Compensatory sweating of the back, abdomen, thighs, and legs. Possible gustatory sweating. Horner’s syndrome occurs in less than 1% of patients. Brachial plexus injury, pneumothorax and hemothorax are highly unlikely but possible side effects of the surgery.” she recited, and not gonna lie, I’m very much impressed. 

 

“You did your homework.” giit ni Dr. Bae kay Kelly na nginitian naman nito. 

 

“Take her to pre-op. I’ll alert the OR.” Dr. Bae ordered na tinanguan naming dalawa ni Ryujin. Hindi rin naman nag tagal pa si Dr. Bae at umalis na para gawin ang gagawin niya sa OR.

 

“Do you know what all those words mean?” Ryujin sighed, halatang concerned sa magiging kalalabasan ng surgery. Halata namang matagal na niyang pasyente ang bata. “Brachial plexus injury could cause paralysis of the arms. Pneumothorax is literally a collapsed lung.” paalala niya sa alaga.

 

“Are you sure you want to risk all of that over a little bit of blushing?” karagdagang tanong nito. I know she’s concerned pero choice naman ni Kelly ‘to, at alam kong alam niya lahat ng side effects na p’wedeng kalalabasan nito kung sakaling may maling mangyari sa surgery.

 

“Look, you saw what happened with Dr. K-Kim… Anong naisip niyo?” tanong niya sa amin, napa isip din tuloy ako.

 

“I assumed you had a high fever.” I honestly answered. Sobra siyang namumula nang pumasok ako kasabay ni Ryujin.

 

“I thought you liked her.” sabi naman ni Ryujin na naging sanhi upang tumaas ang dalawang kilay ko. 

 

“I… I do, but do you think I want Dr. Kim to know that?” Kelly groaned again, she’s obviously struggling to speak nang hindi nag i-init ang mukha niya.

 

I don’t mind at all, but that’s beyond the point.

 

Ang hirap nga siguro na kahit ayaw mo, malalaman kaagad ng mga tao kung ano yung nararamdaman mo. 

 

I feel terrible for Kelly, and I will do all in my power to help her.

 

 

 

 

 

 

Gabi na nang natapos kami sa surgery, it was a success at nag papahinga na sa private room si Kelly. I’ll be sure na dadalawin ang bata once gumising na.

 

Papunta na kaming condo ngayon. Nakapag paalam na ako kay Karina pero hindi pa siya nag r-reply. Ayaw ko pa sanang tumuloy habang hindi pa siya pumapayag pero namimilit na kasi si Ning kaya ano pa bang magagawa ko?

 

Ilang oras akong hindi naka inom ng tubig, dehydrated na siguro ako dahil nanginginig na ang mga kamay ko.

 

Dahil doon, hindi na ako pinag maneho ng mga kaibigan, mag sabay na lang daw kami papunta doon para hindi mahal sa parking. May bayad kasi ng parking space kapag hindi unit owner, 50 din ‘yon per hour. Para rin hindi na kami dagdag polusyon sa kalsada, ang usok-usok na nga ng mga tambutso sa Ermita tapos dadagdag pa kami.

 

Kotse na lang ni Jaemin ang ginamit namin dahil ayon lang ang hindi 2-seater. Iniwan na lang muna nina Yujin at Ryujin ang maiingay nilang mga sasakyat sa staff parking lot ng Hospital, pati ang motorcycle ko ay naiwan dun.

 

Hindi ko nga alam kung bakit kasama si Jaemin, pero si Soyeon hindi. Akala ko pa naman, out of all people, siya yung present sa bakasyon planning dahil napaka gala niyang tao.

 

Baka may plano na sila ng girlaloo niyang si Yuqi, nakakahiya naman kung makikiepal pa kami. Pero tatanungin ko pa rin siya sa chat or kapag nag kita kami bukas. Ayaw ko namang maleft out siya, kaibigan pa rin naman namin ‘yon kahit bwisit siya most of the time.

 

Pansin ko lang, bakit ba lately nagiging meeting place na ang unit namin ni Karina? Wala pang isang linggo nung nag meeting sina Chaewon at Yunjin dun, tapos ngayon ang mga kaibigan ko naman ang may plano.

 

There have been just too many people these days. Ang hirap timing-an na kami lang dalawa ni Karina.

 

Hindi ko siya masolo.

 

Sa dami ng naiisip ko, hindi ko napansing nasa carpark na pala kami ng tower ko. Kaya pala mas dumilim ang pagilid, chaka kasi ng carpark dito mahal mahal ng parking fee tapos per hour pa, tapos ang kaunti ng streetlights. Kaya nakakatakot din dito tuwing gabi, dapat talaga maingat para hindi makasanggi ng kotse.

 

“Nasa lobby daw si Ning.” sambit ni RJ na kabababa lang sa shotgun seat, sumunod na rin kami sa kanya papuntang lobby ng tower.

 

Chineck ko na rin ang cellphone ko. 

 

Wala pa ring reply si Karina sa ‘kin.

 

Busy kaya siya?

 

“Ang tagal, akala mo ang layo layo niyo dito.” bungad ng nakababata naming kaibigan, pinulupot niya agad ang braso sa braso ni Ryujin, nagkatinginan pa kami ni Yujin tsaka sabay na humagikgik.

 

“Dami pala talagang reklamo niyan ni Ning Yizhuo.” ganti ni Jaemin, sinipa tuloy siya ni Ningning sa kabilang legs nito.

 

Maraming beses na rin naming nakahang-out si Jaemin, close naman kami lalo na’t workmate ko siya pero never ko talagang inexpect na masasama siya sa outing namin.

 

Napaka workaholic kaya niyan, lagi nga niyang sinusubukang agawan ako ng surgery kaya lagi rin kaming nag tatalo. Baka pagod at kailangan niya ring mag unwind, wala namang kaso sa ‘kin na sasama siya. Gaya nga ng sabi ko kanina, kaibigan na rin ang turing namin sa kanya.

 

Mabait naman kasi ‘yan, nakakairita lang minsan, para siya yung kaibigang pinadala ni Lucifer kapag hindi ka niya nar-reach.

 

10-seater pa man din ang Mercedes Benz niya, SUV ‘to, akala ko nga van nung una. Kung kanyang kotse ang gagamitin, kahit mag tatlong luggage pa si Ning Yizhuo, kasya sa loob.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thymalfoy
Pasensya na sa typos and grammatical errors. Try ko i-correct bukas, antok na ako...

Comments

You must be logged in to comment
doylee
#1
uwi ka na pooo.
ryujinie__
693 streak #2
Chapter 28: pspsspssspspsssss imissu
Kannakobayashi09 #3
Complete na bà to?
ryujinie__
693 streak #4
Chapter 12: i miss u every day din
ryujinie__
693 streak #5
Chapter 2: Rereading 🤍
gomtokkim
2150 streak #6
rereadingg
Eybrelros #7
Kamusta na kaya rito?? Padaan muna 👨‍🦯 Happy New Year na rin🎆
azxryll #8
magbabagong taon na torrr balik na plsss
fanficethusiast #9
Chapter 28: balik ka na po miss na kita @author 😭
yulliseek #10
Missing this saur muchhh