PAUBAYA ; The closure

PAUBAYA
Please Subscribe to read the full chapter

May isang linggo ako para ihanda ang aking sarili. Gusto ko organized yung thoughts and emotions ko bago kami magkaharap. I did my best kaya sana lang di ako magbreak down sa harap niya.

Nakatanggap ako ng mensahe sa kanya a week ago saying na kukunin na niya ang mga gamit niya ngayon sa apartment.

Babalik na siya sa kanila.

At kung puwede daw ba na mag-usap na kami.

I said yes.

Now or never.

Tama si Giselle. Kailangan naming ayusin at kung ano man ang magiging resulta, we will move on from there.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

Notification galing sa kanya.

Nasa apartment siya.

Nasa bus na ako galling sa University. Kinailangan ko ayusin yung mga namiss kong classes nung mga nakaraang linggo. I was thinking of dropping out. Buti na lang my professor knocked some sense into me na kaya ko pa naman daw isave yung studies ko. Napabayaan ko talaga siya.

Biglang nawalan ako ng gana sa lahat.

Siya lang naman ang dahilan kung bakit ko ginagawa ang mga ‘to.


….

Nakasalubong ko na yung mga naghahakot ng gamit niya as I make my way sa apartment.

Huminga ulit ako ng malalim bago buksan ang pinto. Anlakas ng kabog ng dibdib ko.

This is it.




Agad nagtama ang mga mata namin pagpasok ko.

Nasa sala siya.

Ibinaba ko ang aking tingin. Nag iwas ng tingin sa kanya.

Feeling ko kasi nanghihina ako as I meet her eyes. Para akong aatakihin sa puso.

“Hi..” tanging bati niya.Halata din ang gulat sa kanya.

Ilang weeks ba kaming di nagkita? Magdadalawang buwan yata.

I nod my head to acknowledge her presence. “Di pa kayo tapos?” Pormal kong tanong. I’m eyeing the boxes na nasa harapan ko.

Ang weird lang nang nararamdaman ko at this moment as I scan her things.

“Almost. Ito na lang then we’re ready to go.”

“Okay. Katok ka na lang if okay na. Kuwarto lang ako.” Hindi ko na siya hinintay sumagot as I head to my room.

I feel her stares as she follows me with her eyes.

Damn it. I will never be ready for this.

I close the door at napasandal ako dito.

Huwag kang iiyak.

 Huwag kang iiyak

Paulit-ulit ko sa sarili.




….


Nakiramdam lang ako as I’m lying in my bed. Hinayaan ko lang yung mga ingay sa labas hanggang matapos sila.

Then narinig ko na yung mahinang katok sa pinto. “Minjeong?”

Tumayo ako at tahimik na lumabas.

Sumunod siya sa akin nang humakbang ako papunta sa sala. Wala na yung mga movers at mga gamit niya.

 Di ko pa rin siya matingnan.

We both are standing awkwardly nang magkaharap na kami.

Tumikhim siya.


“Kumusta ka na?” Worried niyang tanong.  “Gusto ko pumunta sa lamay ni lola pero di mo ako sinasagot.”

“Okay lang. Wala na siya pero life goes on ika nga.” Mapait kong sabi.

She is studying my reactions. Alam niya how much my grandmother meant to me.


“Minjeong...” Tawag niya sa pangalan ko. I look at her and I can tell na hesitant siya sa mga susunod niyang sasabihin.

“Let’s sit down.” Nauna ako maupo at sumunod siya sa sofa.

Hinarap ko siya. Bumaba siya ng tingin at humugot ng hangin sa dibdib.

She looks so guilty.

“Gusto ko marinig yung explanation mo. Makikinig ako.” Kalmado kong sabi.

“I…” Tumingala siya para pigilan ang emosyon.

I look away. Baka mauna kasi akong maiyak sa kanya seeing her like that.

“I’m sorry.” Garalgal niyang sabi. “Anlaki ng kasalanan ko sayo.”

 I stay silent. Hinayaan ko lang siya.

“About kay Jongin…di ko alam kung paano ko siya sasabihin sayo. Andaming nangyari. I mean.. ” Hikbi niya.

Lumunok ako containing the tears about to fall. “Sana sinabi mo sa akin. Hindi yung nahuhuli ko pa kayo. Pinagmukha mo akong tanga, Karina.”

Napadiin yung last statement ko.

“Your parents…alam ko naman na ayaw nila sa’kin simula pa lang. Pero I trusted you eh. I thought na we were doing fine. Na sigurado ka sa ‘tin. Pero bakit wala kang sinabi? Tinago mo lahat. Alam mo bang sobrang sakit nang ginawa mo?!” Tuloy-tuloy yung mga linya ko. Pinag-isipan ko na ‘to. Isa-isa na ding pumapatak ang luha ko.

I don’t care anymore. We both are crying already.

I need this all out.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ms_Ottoke
Salamat po sa lahat ng readers! Hopefully to be back with a new story! Keep streaming DRAMA and supporting our aespa girls my fellow MYs. 😘 ❤️ TC!

Comments

You must be logged in to comment
Ardem_Joseph23
12 streak #1
Chapter 42: Author please po, yung wedding
Jiminjeong19 #2
Chapter 42: special chapter naman otor jebal 🙏 gusto ko mabasa na labas na uhog ni winter kakaiyak habang pinapanuod nya c karina naglalakad papalapit sakanya habang nakasuot ng wedding dress 😭
bigboy123
139 streak #3
Chapter 42: ❤️❤️❤️❤️
Ardem_Joseph23
12 streak #4
Chapter 42: Ang ganda. Kahit special chapter po. Grand wedding
Elatedbliss #5
Chapter 42: Awww ang ganda!! Thanks otor!!
gompringles
#6
Chapter 24: Nako stop being involved with someone when you are still committed. Anueba K
gompringles
#7
Chapter 15: Ayan kasi..
gompringles
#8
Chapter 11: and here comes regret..
gompringles
#9
Chapter 8: OMG..I DIDNT EXPECT THIS COMBO 👀👀👀
gompringles
#10
Chapter 5: Hayyyyyyyy I really don't get it why people cheat even they have loving and devoted Partner