Page 27

PAUBAYA
Please Subscribe to read the full chapter

 

Tumatakbo din ang utak niya as she runs on a treadmill non-stop. Dapat nasa gym siya ngayon, but she slept in. 

Hindi naman siya lasing kagabi pero masakit ang ulo niya nang magising siya ng alas diyes nang umaga.

Nagu-guilty siya sa nasabi niya kagabi. She should've handled her temper better. Pero kasi nakakagago eh.

Iniwan siya nang ganun lang tapos ngayon sasabihin nitong parang okay lang kasi naging mas mabuti naman yung kalagayan niya. 

Sabagay wala naman kasi itong ideya sa mga pinagdaanan niya. Saka bakit ba siya nagagalit? Karina probably didn't really have a bad intention on saying that.

Then Karina's crying and beaten figure last night flashes on her mind again kaya lalo siyang naguilty. Did she overreact?

She halts running at uminom muna. She can't focus sa ginagawa niya.

She picks her phone up to see a missed call from her best friend minutes ago. Ganun siya ka distracted at hindi niya ito napansin.

She calls her back right away. Ilang araw na rin kasi siyang nag aalala dito.

Ning picks up after a few rings.

"Ning,"

"Min, busy ka?"

"No,nag wowork-out lang. Kailan ka babalik?"

Medyo natagalan ito bago makasagot.

"Ning, tatakbo ka na lang ba forever? Di mo man lang binigyan nang maayos na closure yung tao. Sa tawag ka pa nakipagbreak."

"I miss her, Min." Naririnig niya na itong humihikbi sa kabilang linya. Minjeong sighs.

"Then go home and see her."

"As if naman ganun kadali yun."

"Yes, it is. Simple lang naman kasi. Mahal mo. Mahal ka rin. Ganun lang yun."

Ning grunts. "Alam mo ba nakablock pa rin yung mga credit cards ko? Natatakot ako na baka hindi na rin ako makauwi diyan."

"Mas importante ba yang mga credit cards mo kesa sa kanya?  Anong hindi makakauwi? Hop on the plane lang."

"Ang ewan mo kausap,Min. Hindi nga sabi ganun kadali! My parents threatened to disown me."

"Hindi yan. Solong anak ka lang kaya. Saka may pera ka naman. Si Giselle meron din. "

"Sinasabi mo bang gawin kong sugar mommy si Gi?"

"Willing naman yun."

"Siraulo ka talaga."

“Hindi nga. Kaya kang ipagshopping nun kahit saan.”

“Bakit ba tayo napunta sa shopping?”
 

“Ewan ko. Shopaholic ka malamang."

"Share mo lang?"

Minjeong chuckles before turning serious again. "Seryoso, Ning. Lasing na lasing yun kagabi."

She hears her sniff sa kabilang linya kaya alam niyang umiiyak pa rin ito.

"Nagkita kayo?"

Sumalampak muna siya sa sahig para hindi sa mangalay kakatayo.

"Oo. Tinawagan ako. Naghahanap ng karamay malamang."

Tahimik sa kabilang linya kaya sinipat niya ang cellphone. Ongoing naman ang call.

"Ning, matanda ka na. Doon ka sa kung saan ka masaya. Nakaya mo nga na suwayin sila para sa dream job mo, di ba? Malakas kaya loob mo."

"Yun na nga, Min. Hindi naman sila nagreact nang ganito noon. I dated people pero wala naman silang sinabi. Ngyayon biglang big deal siya."

"Give them time to come around it. You dated men, Ning. Baka nagulat lang sila na biglang may girlfriend ka."

"I don't know, Min. Ang hirap nang ganito."

Minjeong sighs. "I know. But trust yourself sa kung ano ang gusto mo. Hindi naman puwedeng iba yung magdecide para sayo."

Natahimik muli ito nang ilang sandali.

"Galit ba siya, sa'kin?"

"Alam mo naman di kayang magalit nun sa'yo. Ikaw yan eh. May tampo lang siguro. Pag usapan niyo muna. Deal with it together. Handa ka niyang ipaglaban, Ning. Hindi mo man lang binigyan ng chance."

Umiiyak na naman ito.

"Tahan na. Uwi ka na. Ikaw rin baka maghanap na yun ng iba."

Lalo naman itong napaiyak sa sinabi niya.

"Biro lang eh. See? Ayaw mo rin pala mapunta sa iba."

"Ito na nga uuwi na! Napakagago mo." 

Natawa siya nang mahina.

"Baka mamayang gabi alis ko. See you na lang siguro. "

"Wow, agad-agad?"

"I have my ways. Flight attendant kaya 'tong best friend mo! " 

" Ayan, that's the Ning I know!" Napangiti siya. Alam niyang ganun din ito. 

"Miss mo lang ako eh."

"True. Sobrang tahimik pag wala ka dito."

Natahimik ulit ito.

"Hoy, kinikilig ka ba diyan?"

"Hindi nuh! Buwisit ka."

Napatawa na siya nang malakas. 

"Pasalubong ko ha."

"Pringles. Marami dito."

Napasimangot siya. "Wag na nga lang. Makakabigat lang yan sa bagahe mo."

"Oh bakit? Akala ko ba gusto mo nun?"

"Madami naman niyan dito!"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ms_Ottoke
Salamat po sa lahat ng readers! Hopefully to be back with a new story! Keep streaming DRAMA and supporting our aespa girls my fellow MYs. 😘 ❤️ TC!

Comments

You must be logged in to comment
Ardem_Joseph23
12 streak #1
Chapter 42: Author please po, yung wedding
Jiminjeong19 #2
Chapter 42: special chapter naman otor jebal 🙏 gusto ko mabasa na labas na uhog ni winter kakaiyak habang pinapanuod nya c karina naglalakad papalapit sakanya habang nakasuot ng wedding dress 😭
bigboy123
139 streak #3
Chapter 42: ❤️❤️❤️❤️
Ardem_Joseph23
12 streak #4
Chapter 42: Ang ganda. Kahit special chapter po. Grand wedding
Elatedbliss #5
Chapter 42: Awww ang ganda!! Thanks otor!!
gompringles
#6
Chapter 24: Nako stop being involved with someone when you are still committed. Anueba K
gompringles
#7
Chapter 15: Ayan kasi..
gompringles
#8
Chapter 11: and here comes regret..
gompringles
#9
Chapter 8: OMG..I DIDNT EXPECT THIS COMBO 👀👀👀
gompringles
#10
Chapter 5: Hayyyyyyyy I really don't get it why people cheat even they have loving and devoted Partner