Chapter 6

30 Days with you

Irene

 

Day 30. 

 

This is it. The day na usapan namin ni Seulgi na magkikita muli sa tulay. I really asked for a two-day leave just to be in this place. I want to surprise her kaya hindi ko ipinaalam sa kanya na pupunta ako. For the whole remaining days lagi akong busy kaya hindi rin kami gaanong nakakapag kwentuhan pero okay lang para sa amin basta magkausap kami kahit saglit lang. Madalas ko siyang nakakatulugan kaya I really wanted to see her. May mga hirit siya na minsan ay nakakapagisip sa akin pero I don't want to assume, maybe she's just like that. But it gives me strange feeling. Ewan, hindi ko na alam ang iisipin.

 

It's a long trip kaya I'm with our driver, Jennie has prior appointments na hindi niya pwedeng i-cancel plus may taping pa siya so I'm on my own. I wanted to take a bus pero mahihirapan daw ako lalo na at wala akong kasama. It would be a big trouble knowing I'm all alone. Pero feeling excited and all giddy sko. Ano ba tong feeling ko parang makikipag kita ako sa crush ko. Ano crush ko? Hay! Erase! Erase! I know for the past 30 days alam na ni Seulgi ang isasagot ko but still she wants to hear it straight from me and I want to tell her personally para makita ko rin ang reaksiyon niya. I missed seeing those eyes, her smile and her deep dimples. Woah! It looks like I'm whipped. Irene are you sure? Very sure. How come? Because I've never been this talkative to myself before. It's kinda weird how I talk to myself nowadays. Seulgi brought out all the craziness I never thought I still had in me. Sa mga binibitawan niyang mga salita I know it has something. Still I don't want to assume.

 

"Ma'am, ok ka lang?" tanong ni Mang Dy sa akin, napansin niya siguro ang pag ilingiling ko at pag kurap kurap ng mata ko. Nasa likod ako ng van kasama ang PA ko, ayaw pumayag ni Mommy na mag isa talaga ako. Napakalayong lugar daw para ako lang. Van na rin daw ang gagamitin para makapag relax ako sa biyahe dahil alam niyang galing pa ako ng taping.

 

"Yes, Manong. I'm fine, just feeling a little dizzy."

 

"Itulog mo muna, Irene tutal malayo pang biyahe natin." sabi ni Ms. Shin na nakangiti sa akin. Very supportive siya kaya nong halos ayaw akong payagan ni Mommy sabi niya ay samahan niya daw ako at hindi iiwanan, doon lang nakalma si Mommy.

 

"Ok, Shin Alam niyo na ang lugar di ba?" tanong ko bago kinuha ang unan at umayos na.

 

"Yup, naka on naman ang gps pag nakaabot na sa bayan saka kita gigisingin kung tulog mantika ka pa rin." ngiti niyang sabi.

 

"No wake me up pag magstop over tayo for lunch." paalala ko at tumango siya.

 

"Ok." sagot niya lang kaya umayos na ako para matulog.

 

- - -

 

After ng lunch tuloy ang biyahe at nakatulog ulit ako, sobra ang puyat ko dahil sa magdamag na taping. Hindi pa lang ako nakakaisang page sa script na binabasa ko ay hinihila na akong matulog ng mga mata ko. Hindi ko na namalayan kung gaano na katagal akong nakatulog ng may marahang uga sa balikat ko.

 

"Irene, andito na tayo." boses ni Shin. Napabalikwas ako at parang batang biglang na excite, umayos ako ng upo at tiningnan ang paligid. Napansin kong nasa harap na kami ng resort main entrance. Nagulat ako, paano nila nalaman ang lugar?

 

"Paano niyo nalaman kung saan?" takang tanong ko.

 

"Nagtanong kami sa bayan, kilala naman ang resort kaya hindi ka na namin ginising." paliwanag ni Shin at napatango na lang ako, nakapag pa reserve na rin ako dahil nakuha ko ang number ng nasa front desk.

 

"Alas 3 pasado pa lang ng hapon. Gutom ba kayo? Gusto niyo munang mag snacks?" aya ko kina Ms. Shin at Mang Dy at tumango lang sila kaya pagkatapos naming nag check in ay deretso kami sa may restaurant ng resort at umorder. 

 

"Maganda pala dito Irene, tahimik at nakakarelax." bulalas ni Shin habang nagtataas ng kamay. "Nakakawala ng pagod."

 

"Oo nga Ma'am." sagot naman ni Mang Dy.

 

"Yeah, but honestly I didn't recognize it the first time I came here. Maybe I was just so wasted that I missed that first look of the place." pag amin kong may ngiti at tumango lang sila.

 

Masaya kaming nag meryenda at inabot kami ng 2 oras na kwentuhan ng mapansin kong pasado alas 5 na ng hapon. Nagpaalam ako at nagsimula ng maglakad papuntang tulay. Ayaw ko mang pahalata ay bakas ang excitement sa mukha ko, kahit nasa malayo ay matatanaw mo na kung may tao o wala sa tulay. At parang lumukso ang puso ko sa tuwa ng may makita akong taong nakaupo sa tulay. I took my steps light and easy even if I felt like rushing and running towards her. Ayaw kong pahalata na excited.

 

But as I walked closer the image becomes clearer and I felt disappointed when I saw a stranger. Hindi ang taong inaasahan ko. I'm hesitant to continue going up dahil baka pareho ko ring turista at hindi tagarito. But I need to stay, Seul might come anytime now. I went up but stayed a bit further as not to disturb the lady sitting steadily while watching the waves.

 

The sun is starting to set but no sign of Seulgi. Then I noticed the lady turned around and saw me, she smiled at me and I smiled back at her. I saw her walking towards me. She's wearing the same smile that looks familiar to me.

 

"Irene?" tanong niya pagkalapit sa akin.

 

"Yes? Ahm, have we met before, Miss?" magalang kong tanong.

 

"Hindi pa, ngayon pa lang. Ako pala si Yeon. Panganay na kapatid ni Seulgi. Tama nga siya baka matuloy ka rin ngayon dahil wala ka daw message o tawag sa kanya." as she introduced herself and extended her hand.

 

"Glad to meet you, Miss Yeon." tanggap ko sa kamay niya, nagulat pa ako dahil she pulled me into a 'beso beso'.

 

"Nagagalak akong makilala ka, Irene. Napakaganda mo nga lalo na sa personal." ngiti niyang sabi. Nag blushed ako at napangiti lang. "Paumanhin kung ako ang nandito ngayon. Nagbilin lang si bunso na dumito muna ako sakali daw magawi ka dahil may usapan kayo?" tanong niya at tumango lang ako. "May kailangan lang siyang asikasuhin kasama si Tatay, nasa Manila kasi sila ngayon pero pauwi na rin. Makulit ngang bilin ng bilin na pumunta ako dito sa tulay hanggang sa paglubog ng araw." ngiti niyang paliwanag.

 

"Gusto ko po sana siyang sorpresahin." sagot ko at tumango tango siya. I came to know Seulgi's family during our regular conversations, They're 6 siblings, the eldest is Yeon, married and with two kids living near their house of their parents, the other 4 are boys at dalawa daw sa kanila ay may asawa na and are currently living in Manila while the other two boys are still living with them, kasama ang kanilang mga magulang. Pero yong isang kuya niya daw ay madalas sa kapitolyo at weekend na umuuwi.

 

"Nagtatalo nga sila ni Tatay, pero hindi na kasi pwedeng ipagpaliban ang naka schedule na nilang appointment." balik niya at napatango lang ako. "Pinasasabi niya lang na hintayin mo lang daw siya at ilayo daw kita dito sa tulay. Hindi ko man maintindihan eh, maari ba Irene bumaba na tayo, magdidilim na rin. Tuloy ka muna sa bahay at ng makapaghapunan ka na rin." pag imbita ni Ate Yeon.

 

"Hindi na po, sa resort na lang po ako maghihintay nakacheck in rin po kasi kami doon at may mga kasama po ako." magalang kong tanggi, gusto ko sanang itanong kung anong lakad nila pero nahihiya ako. 

 

"Ah, ganon ba. Sige basta bumalik ka na ng resort ha?" Paninigurado niya at napangiti ako na tumango.

 

"Opo, nice meeting you, Ms. Yeon." sabi ko.

 

"Ate Yeon na lang." ngiti niyang sabi at nagpaalam na rin siya habang naglakad na rin ako pabalik ng resort. Pag lingon ko ay nakatanaw pa rin siya at kumaway kaya napakaway din ako. Sinisigurado ngang pabalik ako ng resort. Akala ko pa naman masusurprised ko si Seul, ako pala ang na surprised kasi wala siya. Ikaw kasi Irene sinabihan ka ng ipaalam mo sa kanya kung pupunta ka, pa surprise surprise ka pa, sermon ko sa sarili ko habang naglalakad ako pabalik ng resort.

 

After ng dinner ay naglakad lakad kami sa dalampasigan. Nagbabakasakaling matanaw ko siya, hawak hawak ko pa rin ang cellphone ko at naghihitay ng tawag o kahit message man lang galing sa kanya. Lumipas ang mahabang oras at pabalik na kami sa kanya kanya naming cottage pero wala man lang tawag o text galing kay Seulgi.

 

"Ok ka lang Irene?" tanong sa akin ni Irene. 

 

"Yeah, better rest na guys. See you tomorrow." ngiti kong paalam at naghiwahiwalay na kami. Tahimik akong pumasok sa kuwarto ko. Nasaan ka Seulgi bakit umalis ka sa araw ng usapan natin bulong ko sa sarili ko. Sana kahit sinabi kong hindi ako makakapunta ay hindi ka umalis. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, bakit ganito. Gusto kong mainis pero mas gusto ko siyang makita. Gusto kong tawagan pero baka kasama niya ang tatay niya. Gusto kong itext pero paano kong hindi siya mag reply. Higa, bangon ako at higa ulit. Biglang nag ring ang phone ko. At nagising ang diwa ko dahil biglang lumukso ang puso ko ng makita ko ang tumatawag.

 

"H-hello Seul?" sagot ko sa tawag.

 

"Bakit hindi ka pa natutulog?" bungad niya saka ko lang napansin pasado alas dose na pala.

 

"Ikaw bakit dka pa natutulog?" balik kong tanong.

 

"Paumanhin, hindi ko kasi alam na darating ka. Hindi ba usapan natin ay sabihan mo ako para alam kong luluwas ka?"

 

"We had an agreement of 30 days and I just tried to keep my part of our agreement." sabi kong may himig tampo, magsabi man ako o hindi usapan namin ang araw na ito at yon ang punto ko.

 

"Sorry, akala ko kasi makakaabot kami." mahina niyang sabi.

 

"It's alright, I understand."

 

"Galit ka?"

 

"Wala naman akong karapatang magalit."

 

"Hindi na mauulit, sorry na." malambing niyang sabi. Napangiti ako daig pa namin ang may relasyon na may tampuhan. Ano daw? Hoy Irene umayos ka nga, kahit magkaibigan nagkakatampuhan, bakit lovers agad nasa utak mo. Napansin niya ata ang pananahimik ko. "Irene?"

 

"Ok lang. Nakauwi na ba kayo?" matipid kong sagot at tanong.

 

"Oo kararating lang namin." sagot niya, buti tumawag ka pa, sermon ng isip ko sa kanya, akala ko matitiis niyang matapos ang araw na to na hindi man lang ako kakamustahin. "May desisyon ka na? maari bang malaman?" tanong niyang pag iba na ng usapan.

 

"Yes, but I want to tell it to you personally." sabi ko sa seryosong boses.

 

"Ganon ba... Maari ba akong pumasok?" sagot tanong niya at lalong bumilis ang tibok ng puso ko. What? She's here? Wala sa sariling napatayo ako at deretso sa may pintuan at nanginginig akong hinawakan ang door knob. When I opened the door, I saw the pair of almond eyes I've never realized that I've missed when I saw it again, the bedimpled smile that's been imprinted in my memory. I don't know what gotten into me that I found myself throwing at her and hugged her tight, my arms around her neck. No more pretending, I really missed her and I can't hide it anymore. The feeling is so strong to fight, I don't care what she'll think but I guess this feeling is normal for someone you haven't seen for quite sometime, kaibigan ko naman siya eh. Ano ba to, why should I justify my actions. I know I caught her by surprise by my action because it took a while before I felt her hands in my back.

 

"N-na miss din kita." I heard her whisper in my ear. Gosh, why I felt so overwhelmed just hearing her voice. Feeling her close to me and feeling her warmth against mine. This is the first time that we held each other and it seems I never wanted to let go, not just yet. I felt the same way for her because I felt her other hand below my back holding me closer to her and her other hand gently caressing my back up and down. "Ok ka lang?" I heard her asked me again and I couldn't say a word. "Irene." she called my name full of concern and care. I slowly loosen up only to face her. Our face is just inches away, this is the closest distance we had and I can't imagined why I wanted her closed to me. Just really missed her I guess. "Uy." mahina niyang sabi habang titig na titig sa mga mata ko, nalipat ang tingin niya sa ilong ko at bumaba sa nga labi ko, I don't know If I'm just imagining but I saw her shallowed a lump in and it's embarrassing because I felt I did the same when I saw her lips too.

 

"Don't do that again. Agreement is agreement." sabi ko na lang habang humihiwalay ako sa kanya. We suddenly felt awkward with our position. Parang masyado kaming nadala sa pagka miss sa isa't isa. Mas lalo ka na Irene, dugtong ng utak ko. Naramdaman ko siyang sumunod sa loob ng kwarto. Umupo ako sa dulong paanan ng kama habang nakatayo siya sa may pinto at isinara ito.

 

"Are you gonna sleep here?" tanong ko.

 

"Ahm, oo. May cottage kasi pamilya namin dito na tinutuluyan namin pag nagawi kami dito at gabihin." paliwanag niya.

 

"Do you want to sleep here, in my room?" tanong ko muli pero tiningnan niya lang ako. "Hindi kasi ako makatulog." pahabol ko ng sabi. Nagkatitigan kami.

 

"Sige, magshoshower lang ako." paalam niya saglit at binuksan na muli niya ang pinto. Naiwan akong tulala, what just happened? What did I just say and do? Irene what's happening to you? Nasapo ko ng dalawang palad ang mukha ko.

 

"I'm dead." sabi ko sa sarili. Yes Irene you're deadly in love.

 

Again? But it's alright though.

 

Is it?

 

Yes...

 

But with a girl? Tanong ko pabalik.

 

So? tanong ko sa isip ko, then naisip ko oo nga pala nasa showbiz ako.

 

"I'm really dead."

 

- - -

 

Seulgi

 

Tulala akong naglakad pabalik sa cottage ng pamilya namin. Kailangan kong umalis at dumistansiya muna dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na manatili sa tabi niya, tapos ngayon matutulog pa ako sa kuwarto niya.Hindi pa ako nakakabawi sa nangyari kanina tapos magtatagal pa ako doon. Labanan mo Seulgi, kailangan mong labanan. Nabigla ako sa ginawa ni Irene kanina pero aaminin ko gusto ko at kakaibang pakiramdam ang init ng presensiya niya, ang maramdaman ang yakap niya. Ang tinig niyang kay lapit at ang mga tingin niyang kumikilala sa pagkatao ko. Siya lang ang taong pakiramdam ko pag tumingin sa akin ay parang nakikita niya ang buong pagkatao ko.

 

Tinanggap niya kung sino ako sa una pa lang naming pagkikita. Pero alam ko kaibigan lang ang pwede niyang ibigay sa akin. Napa kumplikado ng buhay na ginagalawan niya, kilalang artista at modelo. Sikat siya kaya tama lang na hanggang kaibigan lang kami. Ayaw kong masira ang career niya, ayaw kong maging dahilan para muling malagay siya sa masalimuot na sitwasyon. Tama ng maging magkaibigan lang kami, tama ng ako na lang ang magmahal at huwag ng umasa pa. Bukas Seulgi balik na sa dati ang lahat, tapos na ang tatlumpong araw na usapan niyo. Makakabalik ka na ulit sa dating gawain mo. Kaya? Malalim na hininga ang pinakawalan ko. Mula ng nakilala kita Irene nag iba na ang lahat, pakiramdam ko bumalik ang dating ako na matagal na nawala at nagtago dahil sa pangyayaring kung hindi ko lalabanan ay mauulit ngayon. Masasaktan ka lang Seulgi, paalala ko sa sarili ko. Kaya nga bukas, bukas pagalis niya huwag mo na siyang lingunin pa, sagot ng utak ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
Ito na ang dessert!

Tapos na siya!!! Thank you for reading this story, I hope I made you guys satisfy. kahit parang minadali na siya HAHAHAHAHA

BTW SEE YOU ON MY NEXT STORY "HER PROXY BRIDE" BASAHIN NIYO RIN!

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
0 points #1
Just discovered this story!! Aaaa thank you po sa pagsusulat at nakahanap rin ako ng isa pang tagalog Seulrene fic. Will start reading now 🤍
_rtempest
1022 streak #2
Chapter 13: Jahahaha ang cute naman 😆
Mmjose #3
Chapter 33: Rastro?
Pristinemoon
30 streak #4
Chapter 24: Hello po otor, kamusta po. Tanong ko lang po kung kelan niyo po ibabalik yung chap 17 hehe. Thank you!
Adm_06 #5
Chapter 17: deleted ponba chapter 17?
Sanatozaki9
#6
Chapter 22: ako lang ba naf-frustrate sa ugali ni irene? 😩 sorry pero annoying lang kasi sa akin na mabilis magalit or magtampo i think perfect talaga si seulgi sa kaniya kasi understanding :)
yoonhyunseo
#7
SeulRene nalang talaga nagpapakilig sakin. Kahit for the nth time naghost nanaman ako. hahahahahhahaha
baeddeulgi_
#8
Chapter 32: Thank you sa story na 'to, Author 🧡 Ang ganda ng pagkakasulat hehe and ok 'yung pacing. Ka-enjoy din bawat ganaps. Evident kung paano nagprogress 'yung relationship nila and 'yung growth nila as individual. Irene being the pasaway before na unti-unting mas naging understanding and patient then si Seulgi na medyo dense tapos naging more caring, thoughtful, and aware sa feelings ni Irene. Maganda rin kasi talagang focused lang halos sa kanilang dalawa 'yung story and wala ng other chenes haha. Satisfied reader here! emz
baeddeulgi_
#9
Chapter 31: Wow nagkadiligan na rin sa wakas haha ang cute
baeddeulgi_
#10
Chapter 30: GRABE KILIG TALAGAAAAAA 🥺 ang pure masyado ng relationship nila huhu