Chapter 8

30 Days with you

Irene

 

I heard a gentle knock again. Thinking that it was Shin coming back ay sinabi ko ng pumasok. I was surprised to see Seulgi coming in, nakabihis na siya. Ripped jeans and Red T-shirt with panda bear paw that was printed on the front of her shirt. Panda lover ata tong babaeng to, sabi ko sa isip ko. She's all smile and the visible dimple that never failed to attract me.

 

"Gising ka na pala, almusal na tayo?" she said. Akala ko umalis na siya, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong tumalon sa tuwa pero masyadong obvious, she might think I'm totally into her. Hindi ba Irene? tanong ng utak ko. "Mukhang tulog pa ang utak mo ah. Ok lang matulog ka pa, hintayin kitang tuluyang magising." sabi niya at napangiti ako.

 

"Are you sure, you'll wait for me?" I asked with a smirk.

 

"Oo naman." she plainly answered with crossed arms. So I laid back in bed pulled the sheets to cover me with just my head visible to her. "Matutulog ka pa talaga?" she said and slowly walked towards the end of the bed.

 

"You said, you'll wait for me." balik kong sabi. Just then she slowly got up in bed with her knees and her hands crawling over me. Surprised of what she's doing that I can't react, too focused on her face that's slowly getting closer to me. She's practically on top of me though our bodies are not touching, her hands and knees on my sides. Mas lalo akong napahiga sa kama at mahigpit ang kapit sa kumot ko. Our faces are so closed until I felt her getting more closer.

 

"Seul." bulong ko na when our faces are just inches away. Then I saw her smile and got closer to me, I closed my eyes because I'm not prepared for this. Just then I felt a warm lips on my forehead.

 

"Sige matulog ka pa, babantayan kita." she whispered as she slowly pulled away and flashed her smile that swooned me again. Matagal kaming nagkatitigan when we heard the door opened at pareho kaming napatingin sa taong nagbukas ng pinto. Si Shin na kita ang gulat sa nakita niyang tanawin. Speaking of awkward, biglang napatalon si Seulgi pababa ng kama at kitang kita ang pamumula niya na umabot hanggang ilong at tenga. Haha, I so love seeing her blushed or should I say embarrassed at this moment.

 

"I...I'm sorry Irene, I was hoping na ready ka na kaya hintayin na lang sana kita for our breakfast." basag ni Shin sa awkward moment.

 

"It's ok Shin. Ahm by the way I want you to meet Seulgi Kang, friend of mine and Seulgi I want you to meet Ms. Shin, assistant and number one supporter ko." pakilala ko sa kanila sa isa't isa. Si Seulgi parang biglang umurong ang dila na nagtaas lang ng kamay at nag wave habang ang isa ay humawi sa buhok niya at inipit sa tenga niya. Pa cute lang.

 

"Hi, Seulgi. It's nice to finally meet you." sabay kaway ni Shin at lalong namula ang pisngi ni Seulgi na tuluyan ng natameme sa sunod na sinabi ni Shin." Tama nga si Irene hindi lang ang lugar ang maganda pati ang mga taga rito." And she winked at me.

 

"Sunod na lang kami, Shin." nasabi ko na lang at nagpaalam na muli si Shin. Pagsara ng pinto binalingan ko naman si Seulgi na hindi pa rin ata nakakarecover sa nangyari. "Hey, are you embarrassed because of what she saw or what she said?." biro ko kay Seulgi pertaining to our position earlier at natawa ako. She didn't say a word but instead sat down beside the bed and looked at me smiling.

 

"Masaya na akong makita kang masaya sa umaga dahil sa akin." and it was my turn to turn red kaya napatakip ako ng kumot. Naramdaman ko siyang tumayo, inalis ko ang talukbong ko at nakita ko siyang umupo sa couch habang kumuha ng magazine at nag umpisa ng magbasa. I slowly got up. "Hindi ka na matutulog?" tanong niya sabay tayo. Umiling lang ako.

 

"Nawala ng antok ko." sagot ko at napatango lang siya.

 

"O sige hintayin na lang kita sa labas para makapag almusal na tayo." balik niya. "Anong oras pala kayo uuwi?" dugtong niyang tanong. 

 

"After lunch, I guess."

 

"Maaari ba kitang anyayahang ipasyal muna?" she then paused. "At mananghalian sa bahay?" she added and I was caught off guard with her last question.

 

"Sa bahay niyo?" I asked and she just nodded.

 

"Kung gusto mo lang naman." she answered in a low voice while holding her nape.

 

"I'd love, too. Thank you." sagot ko and I saw her smile.

 

"Salamat din sa pagtanggap. Sige maiwanan muna kita." she said and went out of the room. Seriously Irene? You'd love to!? Pwede namang yes lang ang sagot di ba? Am I really that obvious? Argh. Inis kong sabi sa sarili as I get down the bed and headed to the bathroom.

 

- - -

 

We had a hearty breakfast courtesy of Shin, obviously she wanted to make Seulgi at home and forget the awkward moment we had in the room. Seulgi also invited them for a tour pero Shin declined saying next time na lang. Magaling din talaga makisama tong assistant ko eh. Alam niyang we need to be alone together.

 

- - -

 

Ipinasyal ako ni Seulgi sa buong lugar kung saan kami madadala ni Shadow. At first I'm hesitant to ride because I'm wearing a dress, I was prepared for the lunch but not for the tour, si Shadow pala ang sasakyan namin. Pero buti na lang at mahaba ang dress ko. Seulgi's offering me to ride another horse pero ewan ko bakit mas gusto kong kasama siya. I felt secured na siya ang kasama ko at si Shadow, takot akong sumakay sa ibang kabayo. Seulgi's all jolly at madaldal during the whole tour, she let me hold Shadow's reins and taught me how to let Shadow follow my every move. Nasa likod ko siya and honestly, I can almost feel her breathing and every word she said is giving me goosebumps. It gives me a tingling feeling yet I'm so loving it. Feeling her close to me and as if she's hugging me from behind every time she holds the rein if Shadow is a bit hard. We stayed for a while under the tree overlooking the whole pastureland with their cows and other animals.

 

"It's peaceful." wala sa sarili kong nasabi.

 

"Kalmado, nakakaalis ng problema." dugtong niya.

 

"You like it here, do you?" tanong ko at tumango lang siya.

 

"Kaya mo bang tumira sa ganitong lugar Irene?" tanong niya pabalik sa akin and I looked at her but her eyes is fixed at the scenery.

 

"Bakit hindi." sagot ko "Ikaw Seul, kaya mo bang tumira sa city?" balik tanong ko ang I saw her shifting her gaze towards me, looking me straight into my eyes then she flashed a simple smile.

 

"Hindi ko alam, matagal na akong hindi lumalagi sa Maynila." matipid niyang sagot.

 

"Ayaw mo ba sa Manila?" tanong ko ulit and I heard her sighed.

 

"Maliban sa huling punta namin kahapon, matagal na panahon na rin akong hindi nagagawi sa Maynila, di ba sabi ko sa'yo dati akong nasa banda?" sabay tingin niya sa akin.

 

"Yeah, sabi mo lang you just stopped but didn't say why." sagot ko, I don't want to ask too many questions during the agreement period dahil all we wanted was to have a light conversations and I think Seulgi felt that too, that's why more on asaran at kamustahan lang about our day to day activities.

 

"I collapsed in our last gig, yon ang dahilan kaya nag desisyon si Tatay na huminto na ako sa banda. Binayaran niya ang damages sa mga commitments namin na hindi ko na mapupuntahan pa."

 

"Why? What happened?" I asked her at muli niya akong tiningnan bakas ang lungkot sa kanyang mga mata, it's like she's about to burst out something painful that she kept for so long.

 

"Dahil kay Sunmi at sa paniniwalang mahal rin niya ako. Nagkita muli kami ng mapunta ako sa Maynila ng manood siya sa isa sa mga gigs namin." umpisa niyang kwento, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. 

 

"Magkababata kami at sa kabilang barrio lang sila nakatira, pero dahil pareho kami ng paaralan na pinapasukan ay naging malapit kami sa isa't isa, naging mabuting magkaibigan kami. Hindi ko namalayan na nahuhulog na pala ang loob ko sa kanya. Hanggang sa naglakas loob akong magtapat, akala ko ay matatapos na don ang pagkakaibigan namin ngunit nalaman kong mahal rin pala niya ako." may ningning sa mga mata niyang kwento. "Pero nabago ang lahat ng lumipat na sila sa Maynila. Nawalan na kami ng kumonikasyon, hindi ko alam kung iniiwasan na niya ako pero pakiramdam ko wala na kami."

 

"Wala kayong closure?" tanong ko.

 

"Parang ganon na nga." tipid niyang tanong. "Sinubukan ko siyang sundan sa Maynila at ipagpatuloy doon ang pag aaral ko pero unti unting nagiging malinaw sa akin ang lahat na lumalayo na siya sa akin. Hindi daw niya ako kayang panindigan. Takot siya sa maaaring gawin ng mga magulang niya, nauunawaan ko naman siya eh. Pero masakit pala ang pakawalan ang isang pagmamahal na matagal mong inalagaan dahil umaasa kang mamahalin ka rin." buntong hininga niya pero nakangiti na siya.

 

"Napabayaan ko ang sarili ko at isinubsob ko ang sarili ko sa banda at sa pag gawa ng indie films. Nasa teatro ako kaya may nag alok sa akin kung gusto kong gumawa ng indie films. Pumayag ako, napabayaan ko ang pag aaral ko dahil sa banda at paggawa ng pelikula. Sa ganong paraan, para sa akin, makakalimot ako at maalis ko siya sa isip ko. Hanggang sa bumigay ang katawan ko at tuluyan ng iginupo ng sakit pero ayaw kong ipaalam sa mga magulang ko. Hanggang sa mahimatay na ako at tinakbo sa hospital, wala akong malay sa loob ng dalawang araw. Pagmulat ko ay kita ko sa mga mata ng mga mahal ko sa buhay ang takot at sakit na idinulot ko sa kanila. Kaya ng sinabi ni Tatay na uuwi na ako at manatili muna dito ay hindi na ako tumanggi." kwento niya. "Huling balita ko rin ay nangibang bansa na si Sunmi kasama ang pamilya niya. Mas lalong nawalan ng pag asa na muli kaming magkita. Hanggang unti unti ay natanggap ko ng hindi talaga kami para sa isa't isa. Natanggap ko na rin na mahirap makatagpo ng totoong pag ibig ang isang katulad ko. Kaya nagsimula muli ako dito pero naging mailap na ako sa tao, lalo na sa mga estranghero." ngiti niyang napatingin sa akin, at nakuha ko ng ibig niyang sabihin. Why she treated me that way when we first met.

 

"Sa kapitolyo na ako nag aral ng kolehiyo sa kursong gusto ni Tatay pero gusto ko pa ring ituloy ang teatro at musika sa Maynila... kaya" pigil niya sa susunod na sasabihin then she looked at me with sweet smile, and I looked at her with excitement parang gusto kong tumalon sa tuwa hindi ko pa lang naririnig ang susunod niyang sasabihin.

 

"And?" tanong ko.

 

"...pumayag na si Tatay basta regular daw ang check up ko dahil mula nang dumito ako ay hindi na ako nagpacheck up sa doctor, hindi nila ako mapilit dahil na rin sa pag protesta ko na pakiramdam ko ay kinulong na nila ako dito." paliwanag niya.

 

"That's great!" tuwa kong sabi at mahigpit ko siyang nayakap at kita talaga ang excitement sa akin. Irene umayos ka huwag kang obvious paalala ko sa sarili ko. Kaya umayos ako at saka ulit tumingin sa kanya ng may maalala ako. "Bakit may sakit ka?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya lang akong mabuti saka muling nagsalita.

 

"Con Heart Defect, sabi ng doctor pero hindi naman life threatening ang kaso ko, siguro lumalala lang dahil nga sa pagpapabaya ko sa sarili ko." she said and I found myself gripping her hand.

 

"Seul." tanging nasabi ko.

 

"Ayos lang ako, mula ng bumalik ako dito ay inalaagan ko ng sarili ko dahil ayaw ko ring mag alala sa akin ang pamilya ko, pero hindi ako pumayag sa mga sunod sunod na check up. Para sa akin sapat na ang ilang buwang gamutan at pag punta ng hospital. Sabi ko hindi naman na ako nahihimatay kaya wala ng dahilan pa at hindi naman nila ako napilit na bumalik ulit ng doktor." paliwanag niya. "Nito lang nakaraang pagpunta namin sa Maynila dahil yon ang kundisyon ni Tatay."

 

"What's the result?" may pagaalala kong tanong.

 

"Ayos naman. Sabi ko nga sa kanila. Mabuti na ako. Masyado lang silang nag aalala." ngiti niyang sabi.

 

"They can't help it. They're your family and they love you so much." sabi ko at may pagaalala siyang tumingin sa akin.

 

"Irene, ayos ka lang ba? bakit parang namumulta ka?" tanong niya at bigla ko na lang naramdaman ang sarili kong yakap na siya. Niyakap ko siya.

 

"Please take care of yourself Seul. Please." sabi ko, hindi ko alam bakit ko nasabi yon.

 

"Oo nga, ayos lang ako. Huwag kang mag alala. Ok na ako." sabi niya at ramdam ko ang kamay niyang dahan dahang humahagod sa likod ko. I gently pulled away and held her face, matagal ko siyang tinitigan at kita ko ang taka sa mga mata niya.

 

"Irene." mahina niyang tawag.

 

"Will you promise to take care of yourself?" tanong ko.

 

"Basta ba aalagaan mo rin ang sarili mo eh." sagot niya and that made me smile. Then I looked at her again and I felt both my thumb gently rubbing her cheeks. Irene stop, control yourself, saway ko sa sarili ko, then my eyes went to her lips. I felt the urge to kiss her pero natulala lang ako then returned my eyes to hers. She's looking at me as if she's searching my soul. Napapikit ako at biglang bitaw sa kanya.

 

"I'm sorry." tanging nasabi ko.

 

"T-tayo na baka naghihintay na sila sa bahay." yaya niya at tumango na lang ako. Nauna siyang tumayo at nilahad ang kamay niya upang alalayan akong tumayo and again I felt the same sensation every time we touched. I'm trapped and I can't get out now, this feeling is so strong that anytime it will just come out, I couldn't guard myself anymore. I think I'm really falling for her or am I already fell for her?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
Ito na ang dessert!

Tapos na siya!!! Thank you for reading this story, I hope I made you guys satisfy. kahit parang minadali na siya HAHAHAHAHA

BTW SEE YOU ON MY NEXT STORY "HER PROXY BRIDE" BASAHIN NIYO RIN!

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1001 streak 0 points #1
Chapter 13: Jahahaha ang cute naman 😆
Mmjose #2
Chapter 33: Rastro?
Pristinemoon
13 streak #3
Chapter 24: Hello po otor, kamusta po. Tanong ko lang po kung kelan niyo po ibabalik yung chap 17 hehe. Thank you!
Adm_06 #4
Chapter 17: deleted ponba chapter 17?
Sanatozaki9
#5
Chapter 22: ako lang ba naf-frustrate sa ugali ni irene? 😩 sorry pero annoying lang kasi sa akin na mabilis magalit or magtampo i think perfect talaga si seulgi sa kaniya kasi understanding :)
yoonhyunseo
#6
SeulRene nalang talaga nagpapakilig sakin. Kahit for the nth time naghost nanaman ako. hahahahahhahaha
baeddeulgi_
#7
Chapter 32: Thank you sa story na 'to, Author 🧡 Ang ganda ng pagkakasulat hehe and ok 'yung pacing. Ka-enjoy din bawat ganaps. Evident kung paano nagprogress 'yung relationship nila and 'yung growth nila as individual. Irene being the pasaway before na unti-unting mas naging understanding and patient then si Seulgi na medyo dense tapos naging more caring, thoughtful, and aware sa feelings ni Irene. Maganda rin kasi talagang focused lang halos sa kanilang dalawa 'yung story and wala ng other chenes haha. Satisfied reader here! emz
baeddeulgi_
#8
Chapter 31: Wow nagkadiligan na rin sa wakas haha ang cute
baeddeulgi_
#9
Chapter 30: GRABE KILIG TALAGAAAAAA 🥺 ang pure masyado ng relationship nila huhu
baeddeulgi_
#10
Chapter 29: grabe talaga kirot kapag biglang nagseselos/ nag-overthink din si Seulgi 😭