Chapter 24

30 Days with you

Seulgi

 

"Don't worry Seulgi, pag nagkita kami ni Irene I'll explain to her too bakit inabot tayo ng ganito ka late sa shoot. Didn't expect na makikialam ang producer natin." Pag palubag loob na sabi ni Jisoo sa akin habang nagpapack up na kami. Ginabi kami sa pag kuha ng intimate scenes namin at may mga anggulong ilang beses na inulit dahil ayaw ni Sunmi. Parang nanadya lang. Ako ang nahihiya kay Jisoo dahil alam kong sensitibo ang tema ng pelikulang ito, pero hanga ako sa pagiging professional niya.

 

"Ayos lang, Jisoo. Alam ko naman na mauunawan ni Irene. Nga lang hindi pa rin maiiwasan na magtampo siya." Ngiti kong paliwanag.

 

"I understand her, si Vernon nga kanina pa sa labas at sigurado hindi man siya nagagalit, hindi rin iimik." sagot niya. "We have to go, may sched pa tayo bukas. Buti na lang few scenes na lang and we're done na. Assistant Director lang ang producer natin pero ngayon lang nakialam ng todo, astang director lang ang peg. Naku kung hindi ko lang kayo iniisip ni Vernon, nag walk out na ako." pabiro niyang sabi.

 

"Oo nga eh... Sensiyahan mo na, Jisoo mukhang may pinagdadaanan eh. Sige mauna na rin ako." pabiro ko nang sabi kay Jisoo sabay halik sa kanya, at nagpaalam na din ako sa P.A niya. Napansin ko na rin si Vernon sa malayo pero kumaway lang ako sa kanya ng lumabas ng siya sa kanyang kotse. Patungo na ako sa kotse ko at binuksan ang likurang pinto upang ipasok ang mga gamit ko. Pagbukas ko ng pintuan sa gawi ng driver ay may narinig akong tumawag sa akin.

 

"Seulgi!" rinig kong sigaw ni Sunmi. Hindi ko pinansin bagkus ay akma na akong papasok ng kotse pero mas maagap siya.

 

"Seulgi. Saglit." boses niyang malapit na sa akin at nakahawak sa bukas ng pintuan ng kotse.

 

"Gabi na Sunmi kailangan ko ng umuwi." salubong ko sa kanya.

 

"Mula ng nag umpisa tayong nagshoot, hindi pa tayo nagkausap ng sarilinan."

 

"Wala naman tayong dapat pag usapan ng sarilinan."

 

"Hindi ba pwedeng ibalik ang dati?" tanong niya.

 

"Magkaibigan pa rin tayo Sunmi. Hanggang doon na lang yon. Huwag mo ng ipilit ang wala."

 

"Kung magkaibigan pa rin tayo bakit mo ako iniiwasan?"

 

"Dahil ramdam ko higit pa don ang gusto mong mangyari." diin ko.

 

"Seulgi..."

 

"Kung gusto mo tayong maging magkaibigan muli. Tanggapin mo muna na wala na tayo, Sunmi."

 

"Sinusubukan ko."

 

"Gawin mo. Akala mo ba hindi ko pansin ang mga ginagawa mo, makuha mo lang ang atensiyon ko. Ang pagpasok mo sa mga eksenang sa tingin mo ay hindi sapat? Ang pahabain ang oras para magtagal ang shooting?" sabi ko na sa kanya. "Mas maaga pa sanang matatapos ang lahat ng ito pero alam ko ikaw ang nagpapatagal. Hindi mo nga pinababayaan ang lahat ng narito, sagana sa lahat, suporta, pati pasahod. Pero sana inisip mo rin Sunmi, hindi lang ito ang ginagawa namin lalo na si Jisoo."

 

"Are you complaining? Bakit ngayon ka lang nagsasalita ng ganyan?"

 

"Dahil ngayon lang naging malinaw ang lahat, kung kailan malapit ng matapos at ang maselang anggulo pa talaga ang pinakialaman at pinatagal mo." seryoso ko ng sabi, biglang uminit ng ulo ko at ang gusto ko na lang ay ang makauwi na. "Alis na ako Sunmi, kita na lang tayo bukas."

 

"Can we talk this over coffee or anything. Kahit saglit lang?" pilit niya.

 

"Paumanhin, Sunmi. Kailangan ko na talagang umuwi. Gabi na..."

 

"...And she's waiting." dugtong niya sa sasabihin ko.

 

"Oo, ilang gabi na akong umuuwi ng late. Napupuyat ko na siya" gatong ko at nakita ko ang muling pag seryoso ng mukha niya. 

 

"Hindi mo na sinusunod ang bilin ng mga magulang mo."

 

"Hindi porket natutulog kami sa iisang kama ay hindi ko na sinusunod ang bilin nila Tatay at Nanay."

 

"She's a liberated woman."

 

"Hindi mo siya kilala kaya huwag kang magsalita ng ganyan sa kanya" yon lang at tuluyan na akong pumasok ng kotse. "Ibalik mo ang dating Sunmi na kaibigan ko at ibabalik ko ang dating Seulgi na kaibigan mo." tanging nasabi ko lang at pinaandar ko na ang sasakyan. Nalulungkot ako sa kung anuman ang nangyayari sa amin ni Sunmi ngayon. Hindi ko lubos maisip na bakit umabot kami sa puntong para na lang kaming estranghero sa isa't isa ngayon.

 

Winaksi ko na sa isip ko ang mga nangyari at nabaling muli kay Irene. Mula pa kanina ay hindi pa niya sinasagot ang tawag ko, pati ang message ko ay walang sagot pabalik, hanggang sa tuluyan ko nang hindi macontact ang cellphone niya. Ilang araw ng tahimik si Irene, siguro ay dahil na rin sa ilang gabi na ring late ang uwi ko. Tulad ngayon. Gusto kong bumawi, pero hindi ko alam kung paano. Iniisip ko na lang na abala din siya dahil may bago siyang ginagawang proyekto. Pero hindi pa rin mawala ang pagaalala sa akin, lalo na ngayon, batid niyang kinunan ngayong araw ang maselang eksena sa ginagawa kong pelikula. At heto ginabi pa akong muli galing sa shooting.

 

- - -

 

Deretso na ako sa condo ni Irene dahil gusto ko ring malaman kung doon siya umuwi, nakita ko ang kotse niya na nakapark sa pwesto nito kaya sumilay na ang ngiti sa aking mga labi. Andito siya. Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang munting ilaw sa may sala habang madilim na ang buong paligid. Sinilip ko ang relo kong suot, mag aalas dose na. Gising pa siya, hinhintay kaya ako? Marahan akong naglakad palapit sa kanya. Hindi siya nag angat ng tingin kahit alam niyang may dumating, nakatungong nakatitig sa kanyang binabasa. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tanawing aking nakikita. Bagay niya ang salaming suot at ang seryoso ngunit maamo niyang mukha. Lumapit ako at tumapat sa kanya saka pa lang siya nag angat ng tingin sa akin. Yumuko ako at hinalikan siya sa noo, masuyo at matagal, pagkunwa ay bahagya akong lumayo at nakita ko ang nakapikit niyang mga mata. Napangiti ako sa maamo niyang mukha ngunit bahid ang lungkot sa kanyang mga labi.

 

"Bakit gising ka pa Mk?" bulong ko.

 

"Still reading my scripts." simpleng sagot niya.

 

"Bakit dito ka sa sala nagbabasa, ayaw mo ba sa kwarto natin gawin yan?" Tanong ko at umiling lang siya. "Kamusta ang dinner mo, sinong kasabay mo kaninang kumain?" malambing kong tanong, yon sana ang itatanong ko kanina kung bakit ako tumatawag sa kanya.

 

"Si Jennie, we went to a new open resto and tried their food. Sorry I wasn't able to take your call earlier." sagot niya.

 

"Ayos lang Mk, pero sa susunod pwede kahit text lang para hindi naman ako mag alala?" pakiusap ko at tipid na ngiti ang naisagot niya habang tumatango. Muli akong yumuko para halikan amg ilong niya.

 

"Shower lang ako, Mk balikan kita samahan kitang mag memorya ng linya mo pagkatapos ko." alok ko pag deretso ko ng tayo.

 

"Aren't you sleepy yet?" habol niya ng pahakbang na ako palayo.

 

"Hindi pa naman Mk, ikaw?" balik ko at umiling lang siya muli. "Sige maiwan muna kita ha, amoy shooting ako eh." Nakangiti kong sabi habang pahakbang na ako patungo sa kwarto namin ni Irene. Ayaw niya raw tawagin kong kwarto niya lamang dahil doon na rin daw ako natutulog.

 

Ilang saglit pa ay natapos na akong nagshower at bumalik muli sa sala. Naka upo sa kabilang dulo ng sofa si Irene habang nakakalat ang mga scripts niya sa paligid. Lumapit ako at umupo sa kabilang dulo ng sofa.

 

"Maari ba akong makatulong para mamemorya mo ang mga linya mo, Mk?" alok ko at tumango lang siya at inabot sa akin ang papel na hawak niya. "Saan dito Mahal ko?" masuyo kong tanong. 

 

"Page 3, scene 8." sagot niya lang.

 

"Sige Mk. Ahem" umpisa ko habang kunwang aakto na ka pareha niya. "Sweetheart, I think we need to check on every detail of our new house, what do you think?" basa ko sa script.

 

"Yes, Sweetheart, I can arrange our schedule early next week if you want." sagot niya na hindi nagbabago ng emosyon.

 

"Ok then, can we have a day or two so we can see all the details in our house?" basa kong muli.

 

"Are you comfortable kissing her?" sagot ni Irene, umangat ako ng tingin sa kanya na nagtataka saka ako bumalik sa binabasa ko. Akala ko ay namalikmata lang ako pero wala doon ang sinambit niya. Palipat lipat ang tingin ko sa kanya at sa script na hawak ko.

 

"Mk. sigurado ka. Andito ang sinambit mo?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot.

 

"Sorry, page 8 scene 11." nasambit niya saka ko inilipat ang pahinang tinuran niya.

 

"Wala din dito yong sinabi mo, Mk." ulit ko.

 

"Just read the script." utos niya sa seryosong boses, napakamot na lang ako ng kilay.

 

"Ako ang bestfriend mo ngayon." pauna ko ng mabasa ko ang script. "Bestie kailan ka pa nagsinungaling sa asawa mo?" basa kong muli saka ako tumingin sa kanya pero nanatili siyang nakatingin sa kawalan. "Mk." mahina kong tawag.

 

"How does it feel to have her next to you in bed?" parang wala sa loob niyang nasambit. Napaisip muli ako. Nag aad lib yata ang Mahal ko at ang mga hirit niya ay may kahulugan. Saka ko naunawaan, oo nga pala alam niya kung anong eksena ang kinunan namin kanina.

 

"Mk, sigurado kang tama ang pahinang binabasa ko?" pansin kong muli at tumango lang siya

 

"Turn to the next page." sabi niya lang at muli at ginawa ko kahit litong lito na ako.

 

"You have to be honest with him, Bestie. You of all people should be the one to tell him that." basa ko muli.

 

"I know." sagot niya ngunit wla yon muli sa script. Kaya nagdesisyon akong sakyan ang kasalukuyang pag iisip ng aking mahal upang mawala na ang agam agam niya. Ang kalat na mga papel sa paligid niya marahil ay bunga ng malalalim na pag iisip sa mga eksenang kinunan kanina, pag kainis dahil gabi na ako umuwi, at mga sari saring emosyon na ayaw niyang ipakita kaya nanatili siyang tahimik at nagmumokmok na lamang.

 

"You should tell me what's bothering you." sambit ko at pinakiramdaman ko kung mapapnsin niyang wala na sa script and sinambit ko.

 

"She might think I'm overreacting or jealous." sagot niya. She? diba dapat he? Malalim nga ang isip ng mahal ko. Ako nga ang ang tinutukoy niya.

 

"Loving someone is never overreacting." sagot ko para maibsan ang kanyang alalahanin.

 

"Is she watching you all the time?" tanong niya muli habang nakatitig ang mata sa mga papel sa harap niya na nilalaro ng kanyang mga paa. Alam ko kung sinong tinutukoy niya. Si Sunmi.

 

"Yes, but I don't care. It's all about the scenes to act and scripts to deliver." sagot ko na habang sinalubong ng paa ko ang paa niya nakalatag sa sofa. Magkabilang dulo ang upo namin at sa pag latag ko ng paa ko ay nasalubong nito ang mga paa niya. Masuyong dumampi ang mga daliri ng paa ko sa paa niya, hindi niya yon iniwasan. Pakiramdam ko para kaming batang naglalaro lamang.

 

"I can't avoid to feel jealous." nasabi na niya sabay tingin sa akin ng maramdaman niya ang paa kong marahang kumukuskos sa pagitan ng dalwang paa niya.

 

"I know." sagot ko na iniisip ko pa rin kung napapansin niyang wala na sa script ang bawat katagang binibitawan namin.

 

"I felt that she's the one who's with you in bed and not Jisoo." bulalas na niya at don ko nakumpirma na nasa shooting kanina ang isip niya. 

 

"Mk." mahina kong tawag at tuluyan ng bumuhos ang namumuong luha sa kanyang mga mata kaya bigla akong napabangon at tinawid ang pagitan namin upang masapo ng mga palad ko ang kanyang namumulang pisngi. "Kaya ka ba tahimik?" masuyo kong tanong.

 

"I can't help it Seul." mahina niyang sagot.

 

"Shhh... tama na Mk. Si Jisoo ang ka eksena ko pero bakit kay Sunmi ka nagseselos?" tanong kong may ngiti.

 

"Because I know she took advantage of that moment, who knows she'd delayed the shoots or prolonged the scenes that she likes." parang bata niyang sabi at natawa ako sa loob loob ko, paano niya alam. Nakwento kaya ng P.A ni Jisoo? "Just my instinct Seul, I'm sorry for thinking that way." sabi niya na sinagot ang tanong ko.

 

"Kahit gawin niya naman ang lahat ng yon, Mk. Hindi naman niya ako maangkin. Eksena lang yon, pagkatapos non wala na siyang makikita o mapapanood pa." Suyo ko sa kanya.

 

"What if she ask you again to do another movie?"

 

"Gusto mo ba?"

 

"I don't know. Nagseselos talaga ako sa kanya" nasabi niyang napayuko.

 

"Hindi ko gagawin dahil ayaw kong alagaan mo ang selos na yan sa puso mo. Hindi mo siya dapat pagselosan, Mk. Dahil wala na kami. Matagal ng panahon. Nakilala kita ng wala ng laman ang puso ko, hindi ka panakip butas lamang. Ikaw ang pumuno sa puso kong matagal ng may puwang, Mk. Ikaw na ang nag mamay-ari nito." masuyo kong sambit habang hawak ko ang kanan niyang kamay at dinala ko sa aking dibdib. Pagkatapos ay dinala ko yon sa aking mga labi at masuyong hinalikan, matagal at may diin.

 

"S-Seul." tawag niya habang nakatingin sa akin at sa ginagawa ko.

 

"Mahal kita, Mk. Hindi ko alam kung paano ko mapapawi ang pag aalinlangan mo. Hindi ko alam kung sapat ba ang salita lamang pero mahal kita, mahal na mahal." bulong ko habang unti unti ko siyang hinihila palapit sa akin at dahan dahang iginaya para umupo sa kandungan ko.

 

"I know you love me, Seul. I just can't help it." bulong niyang haplos haplos ang aking mukha at marahan akong napapikit upang damhin ang maiinit niyang palad sa aking magkabilang pisngi. "Maybe I just love you that much." sambit niya habang naramdaman ko na lang ang mga labi niyang malambing na humahalik sa aking noo, sunod sa aking ilong. Nanatili akong nakapikit upang damhin ang sunod niyang gagawin ngunit ilang segundo na ay walang labing dumampi sa aking naghihintay na mga labi. Unti unti akong nagmulat at nakita ko ang nakangiting si Irene na matama akong pinagmamasdan. "Waiting for my kiss?" pabiro niyang tanong.

 

"Oo." tanging nasambit ko na mukhang bitin.

 

"You already had your kisses earlier." tukso niyang nakangiti. Patungkol sa eksena namin ni Jisoo.

 

"Mk, sumusunod lang ako sa script." sagot ko sa nakikiusap na tingin habang masuyong humahagod ang mga kamay ko sa kanyang tagiliran.

 

"You only followed the script?" tanong niya taas ang isang kilay ngunit ramdam ko ang reaksiyon niya sa ginagawa ng malambing kong mga kamay.

 

"Oo naman." sagot ko

 

"No Ad libs?" tanong niya at napakunot ako ng noo.

 

"Mk? Anong Ad lib? Sa kissing scenes? Meron ba yon?" Sunod sunod kong tanong at nakita ko ang parang bata niyang ngiti na nauwi sa mahinang tawa.

 

"Oo meron." tango tango niyang sagot. "Ganito." sabi niya saka dahan dahang lumapit sa akin at yumuko muli para bigyan ako ng masuyo at marahang halik, dama ko ang halik ng pananabik at pagmamahal. Unti unti akong nadadarang ng maramdaman ko ang palalim na palalim niyang mga halik at mga braso niyang bumalot na sa aking ulo. Wala na sa sariling ikinulong ko ang katawan niya sa aking mga bisig upang lalo kaming magkalapit. 

 

- - -

 

Irene

 

I released her lips the moment I heard her moan.

 

"M-mk." she called me with the look of wanting.

 

"That's Ad lib." I teasingly said as I held her face once again gently my thumbs against her now flushed face. "Can we go back now reading my scripts?" I asked.

 

"Pwede bang saka na yang scripts mo? Maari bang puro Ad libs na lang muna tayo?" she said with the look of begging. I can't help but smile.

 

"You want us to have our own script, Love?" I asked tenderly, but she shook her head.

 

"Ayoko Mk, dahil ang kwento natin walang ending." she answered and I smiled at her.

 

"That's true." I nodded in agreement, I was about to get up from her lap when she tightened her embrace. "What?"

 

"Saan ka pupunta?"

 

"Getting up and you too, cause we're going to sleep now." I said

 

"Matutulog na tayo?" she repeated my words.

 

"Yes, Love. It's getting late."

 

"Mk, dipa tapos yong Ad lib natin." she protested without letting me go.

 

"Love, I just emphasized  the ad lib for the kissing scene. Nothing more." I reasoned.

 

"Eh di gawin natin ulit." she said pleading. "Saglit lang kaya yon."

 

"Later love, I'm getting up to fix my things. Look oh, it's scattered all over." I said as I look around. Still she's not loosening her embrace. "Love." I called again.

 

"5 minutes." she said as she rested her head on my chest and held me tight against her. I melt with what she did that I felt my hand gently her hair that made her lifted her face to look at me. Our eyes met, I can see the longing in her eyes, I opened my mouth yet couldn't find the words to say but instead I met her waiting lips and we kissed. Sweet and tender, taking time to feel each other's warmth. I felt her one hand gently my side and slowly inside my shirt and my back, up and down.

 

"L-love." I lovingly called her when our lips parted.

 

"Mahal na mahal kita, Mk." she whispered.

 

"And I love you so much." I answered. Then I kissed her again. This time our kisses our more intense and passionate as if we both hunger for this moment. All my doubts and worries slowly melted with her kiss and embrace. We are so into the moment that we felt we'll slowly giving in with the love that we felt for each other. Only to be interrupted by a phone call. Sh.it. And I hated it most because of the bad timing but what infuriates me even more is that it was Seul's phone. Again.

 

"Hayaan mo lang Mk. Titigil din yan." Seul whispered when our lips parted and I know she felt my annoyance. She's right it stopped but only to ring again. I looked at Seul as if asking for who the he.ll is that person calling her at the middle of the night. "Huwag mo ng pansinin Mk, magsasawa din kung sino man yan." she said calmly as if to appease me. We let the call stopped, but only to ring again the third time. And that blew my temper up to the highest point and angrily got up from Seul's lap to get her phone inside her purse on top of  the center table. I impatiently fished out the cellphone and answered the call.

 

"Who do you think you are?! Calling my girlfriend nonstop in the middle of the night?!!!" I yelled at the person I assumed to be no one else but Sunmi.

 

"Hey! Irene! What the... Why are you yelling at me?!" the voice yelled back. I was shocked and surprised. Embarrassed and all after recognizing the person on the other line. 

 

"S-Suzy?" I said in almost whispered tone.

 

"Yes? And who do you think I might be? The girl who's running after your girlfriend? Are you jealous again Irene? That's why you're answering Seulgi's phone instead?" Suzy asked sounding concern despite the high tone in her voice.

 

"I'm sorry Suzy." I said apologetically.

 

"So you're jealous the whole time that's why you can't be reached since this afternoon." she said worriedly.

 

"I didn't bother to charge my phone." I explained.

 

'It's because you're jealous, right?"

 

"Suzy..."

 

"Come on Li'l Sis, Seulgi loves you. I can feel that, why can't you?"

 

"I can feel that, too." Defending myself.

 

"But your jealousy is keeping you from feeling her love for you, Irene." Suzy concerned.

 

"I'm sorry, Suzy."

 

"It's ok, I'm just worried sick because I can't reach you. Ms. Shin said you just had a half day appointment and Jennie also said that you had dinner together. Just got worried because I still can't reach your phone until this moment. You didn't even replied to my text, you brat." she scolded me but in a low tone voice.

 

"It won't happen again, Suzy."

 

"Be sure of that Irene. Never do that to me again or you're in deep trouble, I tell you. You're own your own now, but that doesn't mean you have to ignore us."

 

"I'm sorry, Suzy. Really. I didn't mean it. I'm just too..."

 

"...jealous." she said even if it's not what I'm going to say but obviously the real reason. "It's alright, go back to sleep now or to what you two are doing. Sorry for interrupting your sleep or whatever it is..."

 

"Suzy!" I shouted.

 

"You're too obvious, Irene. Say my hi to Seul. Good night." she said and ended the call. I stared for another couple of seconds on the phone before I turned my gaze to now grinning Seulgi. 

 

"And why are you grinning?" I asked in a irritable voice but she smiled even more not bothered.

 

"Mk, hindi lang naman kasi ang ex ko ang tumatawag sa akin. May magulang ako, kapatid, ka banda, kaibigan, si Suzy..."

 

"Stop it..." I said gesturing her to stop. She slowly stood up and walked towards me.

 

"O sige, siya siya. Tama na yan." she said as she held me tight in her arms, then slowly loosen up to face me. "Tuloy na natin yong ad lib?" she said with glittering eyes.

 

"You wish!" I said while I tried to get out from her arms and walked away heading towards our room.

 

"Mk, naman. Bakit pati ako damay? Napahiya ka lang kay Suzy, nawala ka na sa mood?" she said standing still. "Pati ginagawa natin ayaw mo ng ituloy."

 

"Bahala ka, mag ad lib kang mag isa mo!" I shouted at her while I'm about to open the door of our room.

 

"Mag isa? Paano kaya yon?" I heard her say before I closed the door behind me. And I can't help but to release a silent laugh with the thought. Oo nga ano, paano nga kaya yon? I repeated her words to myself.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
Ito na ang dessert!

Tapos na siya!!! Thank you for reading this story, I hope I made you guys satisfy. kahit parang minadali na siya HAHAHAHAHA

BTW SEE YOU ON MY NEXT STORY "HER PROXY BRIDE" BASAHIN NIYO RIN!

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
#1
Chapter 33: Finished reading this alr 🥹 Definitely one of the best Tagalog Seulrene fics I've read so far. Salamat sa likha mong ito, author! Tinawid ako ng kwentong ito sa ilang araw at gabing pagod mula sa Univ. Will keep on reading and rereading your works! :)
xantheaverielle
#2
Chapter 20: I love reading about their arguments and how they resolve it. Sobrang pure ng relationship nila and naaappreciate ko 'yung pagiging vocal nila sa isa't-isa though it may be triggered by intense emotions of jealousy or anger at first. I think they're handling it pretty well naman at naaayos nila at thankful ako with the way this was written. Sobrang galing! Thanks author, hope I can still go back and read Chapter 17, if mapublish ulit. 🥹
xantheaverielle
#3
Wala na po bang Chapter 17? 🥺🥺🥺
xantheaverielle
#4
Chapter 16: Ang ganda ng angst grabe at bumalik pa si Sunmiii what will happen to them na kaya 🥹
xantheaverielle
#5
Chapter 13: Nag-I love you na si Irene ajhdkahdkajs kakilig huhu and ngayon na lang ulit ako nakabasa ng Seulrene Tagalog fic na super dama 'yung pagiging couple nila 🥹🥹🥹 I'm so glad that I took the time to read this
xantheaverielle
#6
Chapter 12: AAAA intense per chapter and I like Irene's spontaneity rin at times, it adds thrill sa story 😁
xantheaverielle
#7
Chapter 7: Ang bagal ko magbasa pero ang ganda-ganda ng storyline nito. I love how complex Seulgi and Irene's characters are lalo na't nababasa namin 'yung thoughts nila. 🥹 Will continue reading this! 🤍
xantheaverielle
#8
Just discovered this story!! Aaaa thank you po sa pagsusulat at nakahanap rin ako ng isa pang tagalog Seulrene fic. Will start reading now 🤍
_rtempest
1033 streak #9
Chapter 13: Jahahaha ang cute naman 😆
Mmjose #10
Chapter 33: Rastro?