Chapter 31

30 Days with you

Irene

 

"Are you seriously considering on working here?" Suzy said that made me shift my gaze to her, from where I'm standing I could see how our people work at the brewery.

 

"Would I be an asset here?" I seriously asked and she let out a small laugh.

 

"Irene, have you forgotten what Mom and Dad told us? Since day one this company has been under our name, that's how they're confident that we can run this, that's how they trust us." she lovingly said. "Are you afraid of what'll be the effect on your career once you decide to come out?" she asked. I looked at her with all sincerity and shook my head.

 

"No." I simply answered. "I'm more afraid of what Seul would feel once I come out. How she'll handle the people who'll judge us of being us. She'll worry more for me than for herself." I confessed.

 

"That's why you're quitting showbiz..." she said as if not asking. I simply nod while smiling at her. She came closer and wrapped her arm around my waist while I raised my arm over her shoulder and rested my head on hers.

 

"I'd rather live a quiet life with her, away from this noisy world than to be in the limelight but with all the controversies that we'll be facing. that would be tiring, don't you think?" I asked her.

 

"It's up to you, Lil sis. You know that we're always here to support you." she said. "Did you tell that to her?" she asked.

 

"Not yet, Suzy. Alam niya how I love my work and how this has been my life."

 

"Then you better have a serious talk with her about it. It's no longer your decision, Irene. It will be both of you, it started when you said your I dos." she said while gently tapping my side. "You've really grown up, Lil Sis."

 

- - -

 

Seulgi

 

"Love?" rinig kong malambing na tawag ni Irene sa akin habang nakahiga kami sa kama. Masuyo ko siyang hinahaplos sa braso at naglalaro ang isang kamay ko sa kanyang likod.

 

"Hmmm" tanging sagot ko habang nakapikit.

 

"I will call for a meeting with my staff and the admin of my supporters..." nasabi niya.

 

"Lagi mo namang ginagawa yon di ba?" sagot ko.

 

"I'll tell them about us." mahina niyang tugon at nagulat ako. Humiwalay ako sa kanya at tiningnan siyang mabuti sa mga mata.

 

"Bakit?"

 

"Anong bakit?" tanong niya pabalik

 

"Mk, hindi ka ba nabibigla?" paalala ko.

 

"Why would I? I mean Love, it's been what? Months? I already finished my projects and my contract is about to expire. I don't have any plan of renewing it."

 

"Bakit ngayon mo lang sinasabi ito?" tanong kong nabigla sa mga tinuran niya.

 

"I've been thinking about this for quite some time. And besides people are speculating that there is something between us. We neither denied nor confirmed. We agreed on that, didn't we?" balik niya at hindi ako nakapag salita. Mula ng ikasal kami ay madalas na rin kaming nakikita ng publiko na magkasama kahit na grupo kami kung lumakad. Ang mga reporters na nagtatanong sa amin ay iisang sagot lang ang laging tugon ni Irene. "Told you guys, we'll be inseparable." Kaya naging maugong ang balitang may namamagitan sa aming dalawa. Ngunit ngiti lang ang kaya kong isagot at si Irene ay ganon din. Kapag nakulitan at nagtaray matipid lang ang kanyang sagot "What you see is what you get." 

 

"Desidido ka na?" may pag aalala kong tanong.

 

"Yes." walang alinlangan niyang sagot.

 

"Papaalam mo sa publiko?" tanong ko muli.

 

"Not necessarily, after the meeting. I'll wear my wedding ring in public. If the media will ask me then I'll confessed that I'm married to you." sagot niyang nakangiti.

 

"Ganon lang?" takang tanong ko.

 

"Yes, Love. That simple, then they can sensationalize it all they want for all I care." walang kurap niyang tugon.

 

"Mk..."

 

"Love..." putol niya. "From day one I've asked myself why I was drawn to you. When you said yes, I never felt so alive. When you said I do I never felt so overwhelmed and contented. Showbiz has been my life for quite sometime now. It's the world I grew up with. I always thought of how long I'm gonna last in this business. But everything change when we met. I saw a different world, a different life. Then I asked myself how can I make this relationship last? I never had second thoughts of giving up my career for you, Seulgi. When I said yes to you in marriage, I'm ready to stay with you and be with you." paliwanag niya at parang musika ang bawat katagang kanyang binitiwan.

 

"Pero hindi mo kailangan talikuran ang industriyang kinalakihan mo, Mk."

 

"I know. But this is my decision. Who knows after a year or two, I could come back if there are still offers. But my priority will always be you and our family." malambing niyang sabi at mahigpit akong niyakap.

 

- - -

 

"Sabi ng Nanay mo bigla ka daw napauwi. Alam ba ng asawa mo?" rinig kong boses sa likod ko.

 

"Tay." Lingon ko sa taong nasa likod ko. Andito ako sa tulay at pinagmamasdan ang lawak ng dagat at pinakikiramdaman ang buong katahimikan ng paligid. Ibang iba sa ingay ng siyudad sa Maynila. "Nagpaalam po ako saglit, sinabi kong pasyalan ko muna kayo at babalik din agad ako bukas." wika ko.

 

"Naniwala ba siya?" tanong ni tatay. Hindi agad ako nakaimik.

 

"Alam mo ba, Anak. Pag may inililihim ako sa Nanay mo ay alam niya, ramdam niya. Alam niya kung may alalahanin ako, kung balisa ako, kung may iniisip ako. Kung masaya ako, lihim ko man yong itago sa iyong ina ay nararamdaman niya." tugon niya, nanatili akong tahimik, wala akong mahagilap na salita sa tinuran ng tatay ko. "Sa dalawang pusong wagas na nagmamahalan, nararamdaman ng bawat isa anuman ang nararamdaman ng kaniyang kabiyak, sabihin man niya o hindi."

 

"Tay."

 

"Huwag mong takasan ang suliranin o anumang bumabagabag sa iyo kahit na ang iyong dahilan ay para hindi mag alala ang asawa mo." muli niyang wika. "Dahil sa kabaligtaran, lubos siyang nagaalala sa'yo."

 

"Tatay. Ayos lang po si Irene."

 

"Siya bang tunay? Masyado na bang malalim ang isipin mo para hindi mo mapansin kung anong tunay na nararamdaman ng asawa mo?" sagot na muli ni tatay na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi. Hindi ako makasagot.

 

"Minsan kailangan nating lumabas sa maingay na mundo para marinig natin ang bulong ng isip at puso natin. Kaya ka nandito, hindi ba?"

 

"Nais niyang talikuran ang mundong kinalakhan niya, Tay. Handa siyang bitawan ang buhay na ginagalawan niya ngayon..." napahinto ako sa aking pagtatapat. 

 

"Ngunit ayaw mo?" dugtong ni niya.

 

"Hindi naman po niya kailangang gawin yon, Tay eh."

 

"Ayaw ka niyang masaktan..."

 

"B-bakit ako?"

 

"Bakit hindi? Hindi ba't ilang beses ng naging usap usapan na ikaw ang sisira sa kanyang career kung may katotohanan ang balitang may namamagitan sa inyong dalawa?"

 

"Tay, kaya ko anuman ang bagay na ibabato nila sa akin..."

 

"Pero hindi mo kayang makita o marinig ang panghuhusga ng tao sa asawa mo, Anak." dugtong ng tatay na nagpahinto sa akin. "Ganon niyo kamahal ang isa't isa, Seulgi. Ayaw mo siyang masaktan kaya titiisin mo ang anumang pangungutya ng mga tao sa'yo pero ayaw ka ding masaktan ni Irene kaya gusto ka niyang ilayo sa mundong ginagalawan niya."

 

"Kahit lumayo kami, Tay. May mga tao pa ring huhusga sa amin lalo na kay Irene."

 

"Alam natin yon, Anak. Ngunit iba pa rin kung maging malayo kayo sa masalimuot na mundo kahit pansamantala."

 

"Sang ayon kayo sa desisyon ni Irene?" tanong kong pagkabigla kay tatay.

 

"Anuman ang desisyon niyo ay suportado namin, ng pamilya niya at kaming pamilya mo. Bakit hindi ka ba sang ayon sa desisiyon ni Irene?" balik tanong ni itay. Hindi agad ako nakaimik. Sa huling pag uusap namin ni Irene ay pumayag na ako. Ngunit andon pa rin ang pagaalinlangan sa aking isip. Ayaw kong isipin na ako ang dahilan ng paglayo ni Irene sa showbiz.

 

"Huwag mong sisihin ang sarili mo sa desisyon ni Irene, Anak. Ginawa niya yon para sa ikabubuti ng inyong pagsasama. Ginawa niya yon ng maluwag sa kanyang dibdib dahil mahal ka niya. Kung sisisihin mo ang sarili mo at daladala mo ang dahilang yan sa puso mo ay magiging lamat yan sa inyong pagsasama. Kaya iwaksi mo sa iyong isipan ang alalahaning yan." bilin ni tatay na parang nabasa ang nasa isip ko. Nanatili akong tahimik at ibinalik ang tingin sa dagat saka humugot ng malalim na buntong hininga.

 

"Ganyan talaga ang buhay may asawa, 'nak. kailangan ng buntong hininga lalo na pag nagalit o may tampo ang asawa mo." natatawang pag iba ng usapan ni tatay kaya natawa din ako. "Ngayon ka rin lang ulit nagtagal ng ganito sa lugar na ito ah. Ganon ba kalalim ang iyong iniisip para hindi mo mapansin ang oras?" alalang tanong ni tatay saka ko lang nasilip ang relo sa aking kamay. "Hindi ka pa naghapunan?"

 

"Busog pa naman po ako kanina, Tay. Hapon na rin kasi ako nananghalian kanina." sagot ko.

 

"O siya, diyan ka na muna matulog sa resort inaayos muna ng Nanay mo ang silid mo sa bahay dahil pinalitan niya ng mas malaking kama at inayos ang veranda para mas maaliwalas daw." nagulat ako sa tinuran ni Itay.

 

"Kagagaling ko lang po sa bahay, Tay. Wala namang pinapagawa si Nanay sa kwarto ko ah."

 

"Kaninang umaga wala pero pag alis mo hayon ang gulo ng silid mo kaya doon ka na muna sa resort." sagot ni Tatay na nakangiti. "May mga gamit ka rin naman sa resort kaya doon ka na muna ngayong gabi."

 

"Pwede naman ako kahit sa kwarto nila kuya habang inaayos ang kwarto ko Tay." katwiran ko. "Tutal wala naman sila Kuya Yeol..."

 

"Anak, kasi doon ka na lang sa resort..." pilit ni Tatay.

 

"Tay, ayaw niyo ba akong kasama? Ngayon na nga lang ulit ako lumuwas..." 

 

"Siyempre, Anak natutuwa kami na lumuwas ka pero pwede ka naman bukas bumalik ng bahay. Sigurado maayos na ang silid mo non."

 

"Tay, ayos lang ako."

 

"Anak, sige na." pilit ni niya.

 

"Tayo na ho at lumalalim na ang gabi." aya ko na lang.

 

"Sige na ihahatid na kita sa resort."

 

"Tay, huwag na po. Tsaka andiyan naman si Shadow."

 

"Pinauwi ko na kay Bansot."

 

"Ho?"

 

"Bukas ko na ulit siya pababalik sa resort."

 

"Bakit ba pinagtatabuyan niyo ako sa resort?" seryoso ko ng tanong. Hindi kumibo si Tatay, nagkamot ng batok. Sa kanya ko namana ang ganong galaw kapag hindi mapakali o may nais sabihin na hindi niya masabi. "Tay?" muling tawag ko.

 

"Andon si Irene, Anak." nagulat ako sa tinuran niya.

 

"Po?"

 

"Andon ang asawa mo." ulit niya na akalang hindi ko narinig ang kanyang unang sinabi.

 

"Ano pong ginagawa niya doon?" tanong ko na biglang nagpasabik sa aking makita ang asawa ko.

 

"Tinawagan niya ang Nanay mo bago ka pa nakarating dito at sinabing huwag ka daw munang pauuwiin kahit mga ilang araw dahil alam niyang may mabigat kang iniisip. Hindi niya sinabi kung ano pero batid niyang kulang ang isang araw, nais ka niyang makapag isip ng maayos. Kaya hiniling niya na sana daw ay kahit dalawa o tatlong araw kang manatili dito." nagulat ako sa tinuran ng Tatay.

 

"Bakit nga po siya nasa resort?" kulit ko.

 

"Hay, ang Nanay mo kasi hindi ako tinantanan ipasundo ko daw siya dahil ang magasawa ay magkasama sa hirap at ginhawa. Hindi naman daw kayo nagaaway pero bakit kailangan malayo kayo sa isa't isa dahil lamang sa gusto mong mag isip. Kaya nong pabiyahe ka dito siya namang pagluwas ko pa Maynila at pagsundo sa kanya."

 

"Kayo po ang sumundo?" tanong ko at tumango lang si Tatay.

 

"Para daw hindi makatanggi ang asawa mo sabi ng Nanay mo. Dahil pag si Ron lang baka hindi niya mapapayag na lumuwas dito si Irene."

 

"Pero bakit po siya nasa resort?" ulit kong tanong.

 

"Nakiusap siya sa amin na doon na lang dahil ayaw ka niyang gambalain kahit ngayong gabi lang. Hindi namin siya napilit ng Nanay mo kaya andon siya sa silid mo sa resort." paliwanag ni Tatay bakas ang tuwa sa aking mga mata bigla akong nakaramdam ng pananabik sa aking asawa. "Nagulat na lang kami ng ginulo na ng Nanay mo ang iyong silid kaya wala ka talagang tutulugan ngayon kung sakaling hindi kita makumbinsing matulog sa resort."

 

"Salamat, Tay." wala sa sarili kong biglang nasabi at niyakap si Tatay.

 

"Mahal ka namin, Anak at alam kong kahit isang araw lang ay nangungulila ka na sa asawa mo kaya nakapag desisyon ng ganito ang Nanay mo." malambing niyang tugon.

 

"Mahal na mahal ko din po kayo, Tay. Salamat."

 

"Siya siya, halika na at baka natutulog ng asawa mo." aya na sa akin ni Tatay at naglakad na kami pababa ng tulay. Wala na nga doon si Shadow bagkus ay ang sasakyan ni Tatay na hindi ko namalayan na dumating kanina. 

 

Habang binabaybay ang daan ay hindi ako mapakali.

 

"Mabagal ba ang takbo natin, 'Nak? Inip ka na ba?" biro sa akin ni Tatay na natatawa at hindi ako nakaimik, bigla akong nahiya. "Alam mo ba sabi ng Nanay mo dapat daw siya ang pupunta dito para magsabi sa'yo na sa resort ka matutulog dahil kung ako daw hindi kita makukumbinsi ng hindi ko masasabi ang dahilan. Mana daw ako sa'yo madaling bumigay at hindi marunong magtago ng sorpresa." natatawang sabi ni Tatay habang papalapit na kami sa resort. Wala akong maisip na masabi dahil si Irene na ang laman ng aking isipan. Andito siya, andito ang asawa ko.

 

"Oh baba na, huwag tatakbo baka madapa ka. Lampa ka pa namang bata ka." gising ni Tatay sa diwa ko.

 

"Tay naman." tanging sagot ko at dali dali akong bumaba. At lakad takbo papasok ng resort.

 

"Sabing huwag tatakbo eh!" rinig kong sigaw ni Tatay pero lumingon lang ako at kumaway. Dali dali kong tinungo ang cottage naming pamilya. Nasalubong ko ang isa sa mga tauhan ko at magalang na bumati.

 

"Nandito si Irene." bulong ko sa sarili ngunit napalakas ata dahil sumagot ang nasalubong ko.

 

"Ah, oo Seulgi. Nasa silid mo. Naghatid ako ng hapunan at binalikan ko kung tapos na pero halos hindi niya nagalaw." sagot nito.

 

"Ganon ba? Salamat." tanging nasabi ko na lang at dali dali na akong naglakad papuntang silid. Alam kong alam na rin sa amin ang tungkol sa amin ni Irene ngunit makikita ang suporta sa amin ng mga tao sa paligid. Ilang media na ang nakarating sa aming lugar pero nanatiling tikom ang bibig ng bawat makausap nila. Diko namalayan ay nasa harap na ako ng pintuan ng cottage ko. Mahina akong kumatok, ilang saglit pa ay walang sagot. Lumingon ako sa paligid at baka sakaling nasa labas si Irene ngunit wala akong maaninag. Kumatok akong muli ng mas malakas.

 

"Sandali lang po." rinig kong tinig sa loob. Parang lumundag ang puso ko sa tuwa ng marinig ko ang boses ni Irene. Siya nga andito siya sa amin. Hindi na ako mapakali at nag uumpisa ng mamawis ang aking mga palad.

 

"Sorry, I was in the ba..." natigil siya ng makita ako pag bukas niya ng pinto. Kita ang gulat sa kanyang mga mata. "L-love?" tawag niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad ko siyang niyakap. "I miss you too... very much." bulong niya. Dahan dahan siyang humiwalay sa akin at masuyong hinaplos ang aking magkabilang pisngi. "I know you want to be alone but..." hindi ko na siya pinatapos bagkus ay siniil ko siya ng halik. Mariin at punong puno ng pagmamahal, naramdaman ko na lang na bumalot ang kanyang mga bisig sa aking balikat. Ramdam namin ang pananabik sa isa't isa. Sa lalim ng aming mga halik at sa higpit ng aming mga yakap.

 

"Ahem." rinig namin sa may pinto na nagpatigil sa amin at halos sabay kaming lumingon sa aking likuran.

 

"Tay!?" halos sigaw kong tawag.

 

"Anak, kahit gaano kayo kasabik, magsara naman kayo ng pinto." nakangiti niyang sabi.

 

"Ano pong ginagawa niyo dito?" halos inis kong tanong.

 

"Huwag ka ng mainis, Anak. Sinigurado ko lang na walang bubuyog na umaaligid dito." sagot niya "O sige na magsara ng pinto, mga batang ito. Sobrang uhaw sa isa't isa..." bulong bulong ni Tatay.

 

"Tay!" muling tawag ko.

 

"O siya makaalis na. Irene, Anak ikaw ng bahala sa asawa mo. parang sawa kung makapulupot sa'yo eh amoy kabayo yan." pabirong sabi ni Tatay na natatawang lumayo. Wala na akong nasabi kundi dali daling isinara ang pinto. Saka ko napansin na bagong ligo pala ang Mahal ko at naka roba na. Samantalang ako ay maghapon sa labas kasama si Shadow. Bigla akong nahiya at hindi agad nakalapit kay Irene. 

 

"What's wrong, Love?" pansin ni Irene

 

"Amoy kabayo nga ako." sagot ko habang inaamoy ko ang sarili ko. At narinig ko ang malakas na tawa ni Irene na pumaibabaw sa silid. Kay sarap pakinggan ang kanyang tawa, gumagaan ang aking pakiramdam sa bawat ngiti at tawa niya. Unti unti siyang lumapit sa akin at masuyong ibinalik ang mga braso niya sa aking balikat.

 

"Come, we'll shower together." bulong niya habang hinahalikan ang ilong ko.

 

"Tapos ka na, Mk." sagot ko habang nakikiliti ako sa ginagawa niya sa aking ilong at paglalaro niyas sa aking buhok.

 

"So?"

 

"Baka sipunin ka na niyan."

 

"Ayaw mo?"

 

"Gusto. Siyempre." mabilis kong tugon at napangiti siya. At masuyo niya akong muling hinalikan, dahan dahan at ganon din ang tugon ko sa kanyang mga halik. Masuyo, dahan dahan at punong puno ng pagmamahal. Naramdaman ko ang kanyang kamay na unti unting kumalas sa pagkakayakap sa akin at nahinto sa aking balikat, dahan dahn niyang hinuhubad ang suot kong jacket nang hindi pinuputol ang aming halikan. Nang nahubad na niya ay sunod ang aking T-shirt na naramdaman kong itinataas na niya. Narinig ko na lang ang sarili kong umungol nang pagtutol ng naghiwalay ang aming mga labi upang tuluyan niyang hubarin ang T-shirt ko. Napamulat ako ng mga mata ng hindi ko na naramdaman muli ang mga labi niya at napansin ko siyang nakangiti sa akin.

 

"You're being impatient, Love." biro niyang bulong.

 

"Sa'yo lang, Mk." sagot ko. "Mahal na mahal kita." sabay hawak ko sa kanyang magkabilang pisngi at siniil siya ng halik. Narinig ko ang malambing niyang ungol na lalong nagpaningas sa mainit ko ng nararamdaman. Bumaba na aking halik sa kanyang leeg. Ramdam ko na ang init ng katawan ni Irene habang naramdaman ko ang mga kamay niya sa aking likuran upang alisin ang natitira kong saplot pantaas.

 

"I need... to take off... all your clothes... Love." rinig ko sa bawat malalim na hininga niya. "We'll... shower... first." pilit niyang pagsasalita habang ginagayana niya ako patungong banyo. Ngunit hindi pa rin ako huminto sa paghalik sa kanya at tuluyan ko ng nahubad ang roba niya at lumantad sa akin ang kagandahan ng aking asawa. May sariling isip ang aking buong katawan dahil sinakop muli ng aking mga labi ang kanyang mga labi at ang aking kamay na malayang naglalakbay sa buo niyang katawan. Parang musika sa aking pandinig ang bawat mahinang ungol niya. Ang kanyang katawan na parang nakikiliti sa bawat dampi ng aking mga palad.

 

"L-love..." bulong niya ng maramdaman niya ang pagsakop ng aking palad sa kanyang dibdib. Masuyo ko lang siyang tiningan at kita ang alab ng pagmamahal sa kanyang mga mata. "I don't think... we can make it... to the bathroom." habol hininga niyang sabi. Yon lang at bumalik ulit ang aking labi sa kanya habang iginaya ko na siya sa kama.

 

- - -

 

Irene

 

I'm sitting comfortably in the tub with Seul at my back. I was positioned between her legs as I felt her hands gently my sides up and down while giving me butterfly kisses on my shoulder.

 

"Love, aren't you tired yet?" I said kiddingly and she let out a small laugh.

 

"Mk, naglalambing lang." she whispered.

 

"Oh, okay." I said as laid my back against her.

 

"Salamat at dumating ka." 

 

"You have a persistent mom."

 

"Nakulitan ka ba?"

 

"It's ok Love, mas makulit pa si mommy." I said.

 

"Alam niya?" she asked and I just nod.

 

"Nanay called mommy and told her about her plan."

 

"Si Nanay talaga." she sighed

 

"Well, what can we say. Mothers know best." I said cheekily. "Mom said we should always decide together. If one wants silence then the other can be silent too but no need to go somewhere on our own, because we're one now."

 

"Paumanhin, Mk."

 

"It's alright, Love. we'll get through this." I said and paused. "After I come out we'll see how the public will accept it, from there we can decide if I have to keep going or leave the industry. What do you think?" I asked while I tenderly her thighs.

 

"Sige Mahal ko." was all she said and kissed my ear.

 

"I wont renew my contract yet, let's just wait for a while." I continued and I felt her arms wrapped me and I felt her nod in agreement. "Just promise me Love not to carry it all by yourself. If you felt it's too much already, we can leave anytime. You're my priority now." I assured her.

 

"Ikaw rin ang iniisip ko Mk, paano kung hindi mo makaya ang kalalabasan pag nalaman ng publiko ang tungkol sa atin?"

 

"Then I'll let you know and we can just run here and stay for as long as it takes." I told her with all sincerity. She released me from her arms and gently held me to turn around and face her.

 

"Sigurado ka love? kaya mong tumira dito?" she asked making sure of what I said.

 

"Yes, Love. I can stay here."

 

"Probinsiya ito."

 

"I know."

 

"Tahimik dito, baka mainip ka?"

 

"I won't."

 

"Sigurado ka?"

 

"Very sure."

 

"Bakit?"

 

"Because you're here."

 

"Paano kung amoy kabayo ako lagi."

 

"Then I will bathe you lagi." I said

 

"Mag aamoy araw ka dito."

 

"Then you'll bathe me so I won't be amoy araw anymore." I said imitating her words.

 

"Magiging probinsiyana ka na niyan." she said while holding my face.

 

"Who cares, I married a probinsiyana." I answered and closed the gap between us. I heard her moan. We can't get enough of each, we both feel it.

 

"M-mk..." she said as we breath for air.

 

"I will go where ever you will go..." I uttered half singing my words.

 

"Puro isda ang kakainin natin dito." she whispered while I felt her pulling me closer to her.

 

"Basta ba iba't ibang klaseng fish." I said while letting myself close to her. She moved and positioned me on her lap. I know where we're heading as I felt her slowly kissing my jaw down to my neck. "L-love, I think we need to drain the tub?" I asked.

 

"Huwag na Mk." she said while I can't help but moan on what she's doing. We made love in every corner of our new love nest until dawn. For me it's always like our first night every time we make love. And this is my life now, away from the glitters of cameras. I don't mind because I can see the stars in the sky more brightly here with the most precious star in my life. My wife. I can never forget that night we first met. She's been and will always be my forever.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
Ito na ang dessert!

Tapos na siya!!! Thank you for reading this story, I hope I made you guys satisfy. kahit parang minadali na siya HAHAHAHAHA

BTW SEE YOU ON MY NEXT STORY "HER PROXY BRIDE" BASAHIN NIYO RIN!

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1002 streak 0 points #1
Chapter 13: Jahahaha ang cute naman 😆
Mmjose #2
Chapter 33: Rastro?
Pristinemoon
14 streak #3
Chapter 24: Hello po otor, kamusta po. Tanong ko lang po kung kelan niyo po ibabalik yung chap 17 hehe. Thank you!
Adm_06 #4
Chapter 17: deleted ponba chapter 17?
Sanatozaki9
#5
Chapter 22: ako lang ba naf-frustrate sa ugali ni irene? 😩 sorry pero annoying lang kasi sa akin na mabilis magalit or magtampo i think perfect talaga si seulgi sa kaniya kasi understanding :)
yoonhyunseo
#6
SeulRene nalang talaga nagpapakilig sakin. Kahit for the nth time naghost nanaman ako. hahahahahhahaha
baeddeulgi_
#7
Chapter 32: Thank you sa story na 'to, Author 🧡 Ang ganda ng pagkakasulat hehe and ok 'yung pacing. Ka-enjoy din bawat ganaps. Evident kung paano nagprogress 'yung relationship nila and 'yung growth nila as individual. Irene being the pasaway before na unti-unting mas naging understanding and patient then si Seulgi na medyo dense tapos naging more caring, thoughtful, and aware sa feelings ni Irene. Maganda rin kasi talagang focused lang halos sa kanilang dalawa 'yung story and wala ng other chenes haha. Satisfied reader here! emz
baeddeulgi_
#8
Chapter 31: Wow nagkadiligan na rin sa wakas haha ang cute
baeddeulgi_
#9
Chapter 30: GRABE KILIG TALAGAAAAAA 🥺 ang pure masyado ng relationship nila huhu
baeddeulgi_
#10
Chapter 29: grabe talaga kirot kapag biglang nagseselos/ nag-overthink din si Seulgi 😭