Epilogue

30 Days with you

Seulgi

 

"Nay, huwag ka muna po papasok sa bahay sabi ni Mama kasi may tigre." harang ng anak ko pagdating ko sa harap ng aming bahay.

 

"Tigre?" takang tanong ko. "Anong tigre, Anak?"

 

"Hindi ko po alam sabi ni Mama salubong daw po kita at huwag papasok muna kasi baka makawala daw tigre." ulit ng panganay ko. Matagal ako nag isip, saka ako natigilan at muling hinarap ang anak ko.

 

"Anak, asan si Ate Tzuyu mo. Bakit hindi pa kayo pumapasok, tanghali na oh?" tanong ko habang tingin tingin ako sa relo ko.

 

"Andon po kasama ni Mama sa loob, wala daw pasok po ngayon si Ate" nakapamewang pa na sagot sa akin ng tatlong taon kong anak. "Bakit kasi ngayon ikaw lang Nay, sabi ni Mama hintayin ka namin nong gabi pero hindi ka naman nagdating, nakatulog na nga kami ni Ate Tzuyu eh. Hindi na po siya nag uwi kagabi sabi ni Nanay Yeon para daw po kasama ko." Sermon at paliwanag ng aking panganay. Deretso na siyang magsalita kahit hindi ganon minsan kalinaw, ngunit makulit at matalino. Hindi agad ako nakaimik sa tinuran niya. Kagabi pa nga ako hinihintay ng pamilya ko. Alam kong galit si Irene dahil hindi na siya sumasagot sa mga tawag at mga text ko.

 

"Nay, hindi muna ako sama kay Ate Tzuyu sa school kasi iyak sa gabi si Mama. Lonely siya. Stay lang ako sa kanya." muling sambit ni Yeri. 

 

"Bakit umiiyak si Mama?" tanong ko habang pareho na kaming nakaupo sa labas, sa may damuhan. Maganda at mahusay ang pagakaka landscape ng paligid kaya madalas nasa labas kaming pamilya. May upuan sa gilid at gitna ng maluwang na paligid ngunit mas pinili naman ng anak kong umupo ngayon sa tabing daanan ng sasakyan.

 

"Love mo si Mama, Nay?" sagot tanong niya. Nagulat ako.

 

"Oo naman Anak, mahal na mahal ko si Mama mo. Tulad ng pagmamahal ko sa'yo. Bakit mo natanong yan?" balik kong tanong. Hindi siya umimik pero tiningnan niya lang ako.

 

"Kita ka po namin sa tv, Nay. Ganda mo po." Ngiting puri sa akin ng aking anak. Napangiti ako. Saka ko naalala ang okasyon kahapon. Oo nga pala SONA kahapon. Bakit ako nasa TV? Dahil isa ako sa mga Kongresista sa isa sa mga distrito ng probinsiya namin.

 

Ilang taon na ba ang nakalipas mula ng ikasal kami ni ire? Limang taon na, unang taon ng siya'y umamin sa publiko ay tulad ng inaasahan ako ang naging tampulan ng mga usap usapan na maaring sumira sa career ni Irene. Hindi madali, unti unti ay naging maayos din ang lahat para sa kanyang career. Hindi man katulad ng dati ang takbo ng kanyang career ay masaya na siya dahil sa oras na nailalaan niya sa akin. Andon man ang kanyang mga tagahanga ngunit ang mga proyekto ay hindi naging katulad ng dati. Ngunit maluwag niya yong tinanggap, walang bakas ng pagsisisi sa kanyang mukha. Patunay yon ay ng banggitin niya isang gabi ang bagay na lubhang nagpabigla sa akin ngunit lubos kong ikinatuwa.

 

"Love, do you want us to have kids?"

 

"Oo Mk, gusto. P-pero kung ayaw mo, nauunawaan---"

 

"I want to have kids, too." Walang sisidlan ang aking kaligayahan sa tinuran niyang yon.

 

"Maari bang ikaw ang magdala, Mk? Kung gusto mo lang naman."

 

"I loved to, Love. Of course I want to carry your baby, our babies."

 

"Babies? Sigurado ka Mk, higit sa isa ang gusto mong anak?"

 

"Yes. Why? Ikaw ba, how many do you want?"

 

"Marami kasi kami sa pamilya, Mk---"

 

"Oh no! Love! Not that many!"

 

"Haha! Hindi naman Mk, siguro mga tatlo o apat?"

 

"Are you serious, Seul?"

 

"Oo Mk, kaya ba? " 

 

"As long as my body is able to carry our four children, I'm willing to do so for you."

 

Nangiti ako sa isiping iyon. Kung tutuusin sa halos gabi gabing pag niniig namin ni Irene baka hindi lamang apat na anak ang maari niyang mailuwal. Ganon namin kamahal ang isa't isa. Walang nagbago, mula ng araw na naging kami hanggang sa mga sandaling ito, ang pagmamahal ko sa kanya hindi ko naramdamang nagbago.

 

"Bakit ka tawa tawa, Nay?" gising ni Yeri sa pag iisip ko.

 

"Hindi naman ako, tumatawa Anak ah. Nakangiti lang ako." paliwanag ko.

 

"Ngiti yon po? Bakit ganto.." sabay hila niya sa magkabilang pisngi niya na pinapakita kung gaano kaluwang ang ngiti ko.

 

"Pag naaalala kita at si Mama mo, ganito kalaki ang ngiti ko." sabi ko sabay hawak ko sa magkabila niyang pisngi at hinalikan ko ang ilong niya. Si Yeri ay galing sa akin, sabi ni Irene ang nais niyang maging panganay at bunso ay galing sa akin at pangalawa at pangatlo daw ay sa kanya, nakakatuwang isipin na pumayag siyang siya lahat ang magdadala ng mga anak namin.

 

"Pero bakit sad si Mama?" tanong muli ni Yeri. Nagulat ako, malungkot ang asawa ko? Wala naman akong alam na naging pagtatalo namin o kahit pagkakatampuhan lamang. Ang tangi ko lang naaalala ay ang hindi ko paguwi kagabi. Pagkatapos kasi ng SONA ay hindi agad ako nakauwi dahil sa mga ilang papeles na dapat kong tapusin. Ayaw sumama ni Irene sa SONA kung saan maari daw akong balikan ng mga kritiko at sabihing ginagamit ko lamang siya sa pulitika. Ngunit hindi siya nawawala sa lahat ng mga proyekto kong malayo sa mata ng media. Sabi niya ang pagsuporta niya sa akin ay hindi para maging popular ako kundi ang makilala ng tao na sa likod ng mga adhikain ko para sa aking mga pinagsisilbihan ay nandon siyang naka suporta sa akin.

 

Paano nga ba ako napunta sa pulitika? Natapos ng Tatay ang termino niya bilang Mayor sa aming bayan at hiniling na kung maari ay tumakbo siya bilang kongresista. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay naaksidente ang Tatay dahilan upang hindi siya makalakad ng mga panahon na yon. Umurong na siya sa kanyang kandidatura ngunit ang mga tao mismo ang nakiusap na kailangan niyang pumili ng kapalit niya. And the rest is history, sabi nga nila.

 

Ngunit hindi rin nakabuti ang desisyon ni Tatay na ipasok ako sa pulitika sa pagsasama namin ni Irene. Parang bumalik ang nakaraan sa aming pamilya. Kaya kagabi nagdesisyon akong hindi na muling tatakbo pa, kung magsisilbi ako sa aming bayan, dito na lamang hindi na ako maaring lumabas pa ng bayan namin. Lalo na ngayon.

 

"Yeri!" rinig naming sigaw ni Irene mula sa loob ng bahay, at sabay kaming napatayo ng anak ko.

 

"Mama! Andiyan na po!" sagot ni Yeri at kasunod na niya ako.

 

"Saan ka po punta, Nay?" tanong ng anak ko ng napansin niya akong kasunod niya.

 

"Papasok na tayo, Anak?" gulat kong sagot.

 

"Wag po muna, Nay. Tanong ko muna Mama. Baka doon pa po tigre." walang muwang niyang sagot.

 

"Nak, alam mo ba gaano kalaki ang tigre?"

 

"Opo, kita ko na sa zoo, di ba po?"

 

"Sa tingin mo may tigre sa loob ng bahay?"

 

"Sabi po ni Mama eh."

 

"Wala kang nakita?" tanong ko sa Anak ko at umiling lang siya. "Eh di wala di ba?" sagot ko pero nagkibit balikat lang siya.

 

"Yeri!" muling rinig naming tawag ni Irene. Sa tono ng boses niya mukhang may tigre nga.

 

"Nay, dito muna po kayo. Hanapin ko po tigre..." sabi ni Yeri habang taas ang kamay.

 

"Huwag na 'Nak. Narinig ko na." wala sa loob kong sabi. Kita ang gulat sa mga mata ng anak ko. 

 

"Nadinig mo po, Nay?"

 

"Oo, Anak. Sige na pasok ka na. Huwag mong paabutin ng tatlong tawag sa'yo ang Mama mo. Malalagot tayo." Kahit may tanong sa kanyang mga tingin ay walang nagawa si Yeri dahil alam niyang pag umabot ng tatlo ang tawag sa kanya at hindi pa siya lumalapit ay malalagot siya sa kanyang ina.

 

"Coming Mama!" sigaw niyang may paglalambing.

 

Naiwan akong muling nakaupo sa damuhan habang nakasandal ang likod sa paanan ng upuang kahoy. Nakatungong nilalaro ang malambot na damuhan. Parang buhangin sa dalampasigan kung aking laruin.

 

"Tita, wala ka po sa dagat..." nagulat ako sa nagsalita at pag angat ko ng ulo ay bumungad sa akin ang may ari ng boses.

 

"Tzuyu." mahina kong tawag. Saka ako muling tumingin sa aming bahay bago ko binalik ang tingin ko sa pamangkin ko na edad sampung taon, bunso nila Ate Yeon. "Kamusta ang Tita Irene mo?"

 

"Maayos naman po sila, pero kanina pa po tahimik paggising namin." umpisa niya. "Dito po sila Lolo at Lola kagabi at si Nanay pero umuwi din po sila, naiwan na po ako para may kasama si Yeri." kwento niya at napatango tango lang ako.

 

"Bakit nga pala wala kayong pasok ngayon?" pag iba ko ng usapan.

 

"May okasyon po sa paaralan at hindi naman po kami kasama kaya hindi na rin po ako pumasok. Samahan ko na lang daw si Yeri." paliwanag ni Tzuyu. Malapit silang mag pinsan at minsan ay isinasama ni Tzuyu sa school kung may mga activities sila at sa tutor niya kaya napagkakamalan rin ni Yeri na school ang tutor niya.

 

"Bakit lumabas ka?" tanong ko muli para lang may masabi ako pero kanina pa akong di mapakali dahil gusto ko na talagang pumasok sa bahay namin.

 

"Ah, sabi po ni Tita pasok ka na po. Pinapaliguan niya kasi si Yeri." sagot nito at bigla akong natuwa sa tinuran niya. Buong sigla akong tumayo at humakbang at hinawakan ko ang kamay ng pamangkin ko.

 

"Halika na." aya ko sa kanyang puno ng sigla.

 

Pagpasok namin ay nakita ko ang kasama namin sa bahay na nagaayos sa kusina at ang iba ay sa sala na magalang na bumati sa akin ng makita akong papasok. Kahit may kasama kami o kung nandito sila Nanay ay hindi hinahayaan ni Irene na sila ang mag asikaso sa akin at sa anak namin.

 

"Magandang umaga Seulgi, nag almusal ka na?" bati ng mas nakakatandang kasambahay namin.

 

"Gandang umaga din po. Eh hindi pa po, Nay Reming." matipid kong ngiting sagot. Yon lang at tumango na siya saka naglakad papasok sa kusina. Sigurado maglalagay lang yon ng pinggan at baso sa mesa para sa akin ngunit hindi magluluto dahil alam nilang si Irene ang maghahanda ng almusal ko.

 

"O siya, magpalit ka na lang muna at pinaliliguan ni Irene si Yeri. Matatapos na rin yon." paliwanag niya at tumango lang ako saka siya tuluyang pumasok sa kusina. Matamlay akong humakbang paakyat sa aming silid. Naririnig ko ang tawanan sa tapat ng aming silid. Sila Irene at Yeri. Tahimik akong lumapit sa silid ng aking anak at dahan dahang pumasok, nakita ako ni Saling, ang mas batang kasambahay namin na tumitingin kay Yeri. Sumenyas ako na huwag magsalita kaya nanatili siyang nakatayo sa may pinto ng banyo. Saka ako marahang naglakad at tahimik na sumenyas kay Saling, binigay niya ang hawak niyang tuwalya at saka magalang na sumenyas para lumabas. Napansin ako sa may pintuan ni Yeri at muli mabilis kong inilagay ang aking hintuturo sa aking labi senyales na huwag akong pansinin o tawagin ng aking anak sabay kindat ko sa kanya. Nakuha naman niya at hindi na nagsalita. 

 

"Mama?" mahina at malambing na tawag ni Yeri kay Irene. 

 

"Yes, Baby?" sagot ni Irene. 

 

"Where's the tiger?" malawak ang ngiti ng anak ko habang sumulyap sa akin. Nakakatuwa ang batang to, lumaking natuto sa tagalog ngunit nakuha ding mag English dahil kay Irene. 

 

"Gone..." tipid na sagot ni Irene.

 

"Where?" kulit ni Yeri. 

 

"Away..."

 

"Where?"

 

"Far..."

 

"How far?"

 

"Very far..."

 

"Will it come back again, Mama?"

 

"Maybe..."

 

"Why?"

 

"You're so makulit like your Nanay..." sagot ni Irene at natawa ang anak ako.

 

"There... all done... Saling pakiabot ng towel ni Ye---" napatigil siya ng nakita na ako ang nakatayo sa may pinto ng banyo.

 

"How long have you been there?" kunot noo niyang sagot. Naku lagot baka bumalik ang tigre.

 

"K-kararating ko lang, Mk. Sabi ko kay Saling na ako na lang dito." utal kong sagot. Tiningnan niya lang ako at wala akong magawa kundi ang ngumiti. Hindi na siya sumagot habang dahan dahang tumayo, inalalayan ko siya at pasalamat ako dahil hindi siya tumanggi. "Ingat Mk, ako ng magbibihis kay Yeri." bulong ko sabay halik sa kanya. Hindi siya umimik kaya bumaling ako sa anak ko. "Yeri ako na muna magbibihis sa'yo ha tutal andito naman ako, tsaka para hindi na mahirapan si Mama." lambing ko sa anak ko.

 

"Ok po, Nay." ngiting sagot ni Yeri. Kinarga ko na ang anak ko habang balot ng tuwalya at inilabas ng banyo. Kasunod namin si Irene na nanatiling tahimik. Paglabas niya ng banyo ay deretso siya ng pinto palabas.

 

"Mama?" tawag ni Yeri. "Stay, please?" pakiusap ni Yeri. Naglakad pabalik si Irene at lumapit kay Yeri saka masuyong humalik sa noo ng anak namin.

 

"I need to check on something first, ok?" sagot niya at tuluyan ng naglakad palabas ng kwarto.

 

"Sabi po inyo sad si Mama." bulong ni Yeri ng nakalabas na si Irene

 

"Alam mo, baby. Baka may sakit si Mama, punta na lang kami ng doktor mamaya. Maiwan ka na lang anak ha. Andito naman Ate Tzuyu mo."

 

"Sige po, Nay." walang tutol na sagot ng bata. Ilang minuto ko rin siyang binihisan dahil may kasamang harutan naming mag ina ng may narinig kaming katok sa pinto. Si Saling.

 

"Ma'am Seulgi, hinahanda na po ni Ma'am Irene ang almusal niyo. Kunin ko muna po si Yeri." bungad ni Saling.

 

"Ok, baby sama ka muna kay Ya Saling ha, maglaro muna kayo ni Ate Tzuyu kasi hindi pa kumain si Nanay eh."

 

"Wawa ka naman Nay, tagal mo po sa labas hindi ka pa kain pala." habang haplos ng anak ko ang pisngi ko.

 

"Ayos lang, Anak. Masarap naman sigurado almusal ko kasi luto ni Mama." kindat kong sagot at masaya na siyang sumama kay Saling. Pagbaba ko ay nasa kusina pa rin si Irene, sumenyas lang ako kay Nay Reming at ngumiti lang siya habang nagaayos sa kusina. Nanatili akong nakatayo sa may counter at ilang saglit pa ay naramdaman ko ng tumatambol ang kamay ko sa may counter dahil sa bango at at sarap ng almusal ko. Lalo akong nagutom at pikit matang napapatapik sa ibabaw ng counter. 

 

"If you miss your music, go to your music room and don't do your drums here." nagulat ako sa tinuran ng asawa ko kaya bigla akong napamulat at napahinto. Napansin ko ang malapad na ngiti ni Nay Reming at ang pasimpleng pag iling nito saka naglakad palabas at iniwan kami. Akala ko ba wala na yong tigre bakit mukhang andito pa.

 

Humugot ako ng malalim na hininga saka umayos at dahan dahang lumapit sa asawa ko. Niyakap ko siya ng mahigpit kahit alam kong nagluluto.

 

"What are you doing?"

 

"Niyayakap ka para mas maramdaman mo ang init ko kesa sa niluluto mo. At niyayakap ko si baby para hindi mapaso kasi mukhang mainit masyado niluluto mo." lambing kong may kasamang biro habang himas ko ang tiyan niya at masuyo kong hinahalikan sa pisngi pababa sa leeg.

 

"I'm preparing your breakfast, can't you see?" mahina na niyang sagot. Huminto ako sa paghalik sa kanya ngunit nanatili akong nakayakap.

 

"Oo nga pala, Mk. Paumanhin namiss lang kita eh. Tumawag pala kanina si Dra.pinaalala niya ang check up kaya pupunta tayo ngayon sa kanya."

 

"Did you just come home for my check up?" may halong tampo niyang tanong habang isinara na ang kanyang niluluto. Napangiti ako at pinigilan siyang maglakad saka muling ikinulong sa aking mga bisig.

 

"No. Umuwi ako dahil miss ko ng anak ko at siyempre ikaw, Mk. Hindi na ako sanay matulog ng wala ka sa tabi ko." malambing kong sabi habang yakap ko siya muli ng maramdaman kong gumalaw ang tiyan niya.

 

"See? I think he didn't believe you." taas kilay na sagot ni Irene "He just kicked you."

 

"Ano ka ba, Mk. Masaya siya dahil narinig niyang boses ko. Hindi ba Xiu?"

 

"Xiu?" kunot noong ulit ni Irene.

 

"Palayaw niya Mk." ngiti kong sabi.

 

"But isn't his name Minseok?" tanong niya.

 

"Ah oo nga pala, Mk. So dapat pala Minmin?" ngiti kong sabi. Nakita ko na siyang ngumiti.

 

"Eat your breakfast, I'll prepare your bath." sabi na niya habang inihahanda ang almusal ko.

 

"Hindi na, Mk. Dito ka lang sabayan mo muna akong kumain. Ako ng maghahanda ng panligo at mga isusuot natin mamaya." pigil ko sa kanya. Hindi na siya nagsalita at tahimik ng umupo sa tabi ko.

 

- - -

 

Irene

 

I know Seulgi's still tired from her trip. Almost everyday she travels to congress and back here. She performs her obligations as a public servant but more so as a family woman. As a mother and wife. Especially now that I'm in my last trimester of my pregnancy. She always see to it to be always at my side, except last night. Kaya napa beastmode ako, but I don't want to keep it long because I know how tired and exhausted she is.

 

"Bath is ready!" Seulgi shouted from the bathroom. As she appeared from the bathroom I can see the eye bags around her eyes but you can't also deny the happiness in her face, it never disappeared from her expression. "Oh! Mk, sabi ko ako ng maghahanda ng mga isusuot natin. Pumirmi ka na lang diyan."

 

"We'll be late..." I reasoned.

 

"Hindi. Hawak natin ang oras dahil nakausap ko si Dra. wala naman siyang masyadong appointment ngayon, on-call siya eh pero inaasahan niya tayo anumang oras." she said tenderly while giving me a kiss. "Halika ka na sa tub, paliliguan na kita, Mk." as she slowly lead me to the bathroom when we heard a small voice outside our room. 

 

"Mama? Nay?"

 

"Saglit, Mk." Seul motioned to walk towards the door.

 

"Bakit, Anak?" she asked as she opened the door.

 

"Punta po kami ni Ate Tzuyu sa mga baka. Sama po namin Tito Ban-- Ah si Tito Miguel po." Our little Yeri said as she turned red dahil sa muntik na niyang sabihin pero hindi yon nakalampas sa pandinig ni Seulgi. 

 

"Anak di ba sabi sa'yo huwag mong tatawagin si Tito Miguel ng Bansot?"

 

"Sorry po Nay, ririnig ko lang po eh."

 

"Sabihin mo sa akin kung kanino mo narinig at pagagalitan ko."

 

"Si Tito Ron po." she said. I almost laugh and saw my Seul rub her neck.

 

"Sige kakausapin ko si Tito Ron."

 

"Nay si Tito Ron na lang sama namin."

 

"Bakit naman?"

 

"Maliit po Tito Miguel eh..."

 

"No---" I sternly interrupted and they both turned their attention to me. Both couldn't say a word. "Tito Ron will drive us to my doctor, you'll stay with your Tito Miguel. He may be short in height, my dear but I can trust him with your safety."

 

"Sorry po Mama." she said with head bowed down. I slowly walked to them, held the face of my daughter and kissed her cheeks.

 

"It's ok, sweetheart. Mama's not mad. Pero I trust Tito Miguel kahit maliit siya, ok?" I said and she suddenly beamed that bedimpled smile, like Seulgi. "Go now, we'll be late." I said and she kissed and hug me back.

 

"Yes, Mama. Bye. Love you." as she turned to Seul. 

 

"Bye, Nay. Take care of Mama and little brother po ha?" she said while hugging Seul. 

 

"Yes, Ma'am." Seul playfully answered.

 

- - -

 

"Mk, paumanhin kung hindi ako nakauwi kagabi." Seul started as we're on our way to the doctor. "Kinausap ako ng mga kapartido ni Tatay para sa susunod na eleksiyon. Pero tumanggi na ako. Alam ni Tatay yon dahil nakapag usap na kami. Sabi ko kay Tatay dito ako magsisilbi sa mismong bayan natin, ayoko ng lumayo sa inyo at ayoko ding manirahan sa Maynila." she said as she gently caressed my hand.

 

"Love, they said that you're the next influential politician in this province. They said you're one of the few best public servants. Bakit ayaw mong ituloy?"

 

"Mk, gusto kong maging best mother sa ating mga anak and best wife to you. Nothing more. Lumalaki na ang pamilya ko at kayo ang priority ko." she lovingly said. "Makakapagsilbi ako sa ibang paraan ngunit mananatili ako dito sa ating bayan." and I can see the sincerity in her eyes as she started kissing mg hand.

 

"I believe you, Love and please stop doing that. Nakakahiya kay Ron." I said while I looked at the person infront, we're at the back seat.

 

"Yaan mo nga siya, Mk. Oo nga pala Ron, bakit mo tinawag na Bansot si Miguel sa harap ng anak ko?"

 

"Ako? Kailan yon Seulgi? Wala akong matandaan na tinawag kong Bansot si Miguel sa harap ng anak mo." Ron said defensively. 

 

"Sabi niya narinig ka daw niya eh." Seul said.

 

"Wala akong matandaan..."

 

"Sa susunod mag ingat ka ha. Natatandaan yan ng anak ko,"

 

"Natandaan niya rin kaya na tinawag ako ni Bansot ng Nognog?"

 

"Ha? So you're Nognog?" I suddenly asked.

 

"Bakit, Mk?"

 

"Well, one time Yeri came to me and asked me why there are people calling Miguel bansot. Then she asked ano daw ibig sabihin ng Nognog?"

 

"Oh nakita mo Seulgi, narinig din nong bata?" si Ron

 

"Bakit nagaaway kayo sa harap ng Anak ko?"

 

"Hindi namin alam na nandon anak mo,Seulgi. Pasensiya na."

 

"Kahit na bata pa yon para marinig ang asaran niyo."

 

"Sorry na nga po. Sensiya na Irene ha. Matalino kasi anak mo kahit sa biruan magaling siya makapick up."

 

"It's alright, Ron. Just don't overdo it kasi baka masanay ang bata sa tawag sa inyo. Kayo rin." I tease. Napakamot na lang si Ron ng ulo.

 

- - -

 

"Congratulations Mayor!" sigaw ni Kyungsoo pagdating nila ni Wendy. Tiningnan ko ng masama ang kaibigan ko.

 

"Pagbati ba yan o pang asar?" balik ko.

 

"Ikaw naman Mayor dina mabiro." natatawang sagot ni Kyungsoo. Nailing na lang ako.

 

"Hindi ka na nasanay diyan." bulong ni Wendy paglapit sa akin sabay halik "Asan ng inaanak ko?"

 

"Ninang!" rinig naming tawag ni Yeri sa likuran at patakbong sumalubong kina Wendy at Kyungsoo. 

 

"Asan ang ibang tropa?" tanong ko

 

"Nauna na kami, nagaaway pa magasawang Joy at Sungjae eh." bulong ni Wendy. "Musta ng inaanak ko? Bakit ang bilis mong lumaki?"

 

"Sarap po ng gatas dito eh, sabi ng Nanay pag yon daw inom ko mabilis akong lalaki." bibong sagot ng anak ko.

 

"Ahhh, gatas ng kalabaw..." natatawang sabi ni Wendy. 

 

"Hindi po, cow's milk, Ninang." sagot ng anak ko. "Kelan po labas si baby mo?" tanong niya kay Wendy habang hawak hawak ang tiyan nito. "Playmates po kami ha?"

 

"Malapit na baby. Naku ang layo naman ng playmate mo dapat itayuan kami ng bahay dito ni Nanay mo para lagi kami dito." biro ni Wendy habang nakatingin sa akin na nanunukso.

 

"Nay, gawa ka ng bahay nila Ninang Wendy para playmates kami ni Baby kasama si Li'l brother Minmin." baling sa akin ng anak ko.

 

"Walang problema, Anak. Magpatayo sila malapit sa bahay natin." balik ko kay Wendy

 

"Yehey! Pagawa na kayo bahay po Ninang!" excited na sigaw ng bata.

 

"Akala ko ikaw papatayo Seulgi?" kunwang tanong ni Wendy. 

 

"Lupa ko na, bahay ko pa? Ano ka?" balik ko at naiiling na lang si Kyungsoo. 

 

"Hindi ka mananalo diyan, mahal kong asawa. Politician yan eh." tawatawa niyang sabi. 

 

- - -

 

"Happy Birthday Minseok!" sigaw naming lahat matapos naming kantahan si Minmin. Isang taon na ang aking bunso ngunit mas pinili naming idaos yon ng pribado sa aming lugar. Bukas makalawa ay idadaos namin sa isang bahay ampunan kasama ang iba pang mga bata na naroroon dahil yon ng nakagawian ng pamilya, kasama rin ang mga tauhan at manggawa, tulong tulong na mapasaya ang bawat isa.

 

"Birthday niya pero kunot ang noo niya. What's wrong baby?" lapit ni Jennie sa bunso ko na karga karga ni Irene.

 

"Irene na Irene." narinig naming komento ni Suzy kaya tinaasan siya ng kilay ng asawa ko. "See?" Kaya nagtawanan ang lahat.

 

"Don't be too obvious dear." singit ni Daddy Gareth kaya lalong kumusot ang mukha ng asawa ko.

 

"Mk, papangit ka niyan sa camera." bulong ko na lang sa kanya.

 

"I already had two children and they still treat me the same." sagot niya sa mahinang boses at natawa ako.

 

"Dahil hanggang ngayon ikaw pa rin ang bunso para sa kanila." Balik ko sabay halik sa pisngi niya. "Mahal na mahal ka namin." yon lang at dahan dahan ng umayos ang kanyang mukha.

 

"Ayan ngumingiti na si Baby Minmin at si Mama Irene." kantiyaw ni Jennie. 

 

- - -

 

Irene

 

"Pagod?" Seul asked as she approached me at the veranda and hugged me from behind. We're looking down at the people outside, nagkakasayahan pa rin sila while we're here at our room. Seul just came from Yeri's room while Minseok's already asleep in his own little bed in our room. My family and Seul's family are still outside chatting and drinking. Kung anu-ano ng napaguusapan nila, it's already late yet for them the night is still young.

 

"Medyo pero it's ok, masaya ako. Masaya lahat. Hindi ba?"

 

"Oo nga nakakatawa ang pamilya natin, masyado nilang namiss ang isa't isa." as she hugged me tight.

 

"Why didn't you invite Sunmi? Magkaibigan pa rin naman kayo, di ba?" bigla kong natanong.

 

"Inimbitahan ko, Mk. Pero seloso ang asawa niya at kalaban ko sa pulitika. Tama lang ang desisyon niya na hindi pumunta." she answered while giving me butterfly kisses.

 

"Love not here, hindi ka ba nahihiya. Kitang kita tayo."

 

"Mk, kanina pa tayo dito ni hindi man lang nila tayo nililingon." as I can feel her hands slowly making moves.

 

"Aren't you tired?"

 

"Pagdating sa'yo hindi ako napapagod, Mk."

 

"Kanino ka natutong mambola? You're getting good at it." I tease.

 

"Bola? Ako? Kailan kita binola Mk?" she said as she slowly loosen her hug. She slowly turned around and walked away from me.

 

"Hey Love!" habol ko but she didn't look back at me. "Stop." I said almost in a loud voice. She didnt't stop. "I said stop or you want me to shout to get your attention and Minseok's?" I seriously said. She stopped turned around and raised both her hands.

 

"Sige, sumigaw ka at pag nagising si Minmin, patutulugin ko siya."

 

Surprised at what she said, natahimik ako saglit. Then I slowly walked towards her. "What's wrong?" 

 

"Wala, baka sabihin mo hindi na naman totoo ang sinasabi ko."

 

"I didn't say you're lying..."

 

"Oo nga pala nambobola lang..." she said in a serious and low voice. Don lang nasaktan na siya. "You took my word seriously, Seul?"

 

"Bakit hindi ka ba seryoso?"

 

"I was just kidding... I mean."

 

"Sabi mo natuto, ibig sabihin marunong na akong mambola?"

 

"No... what I mean is..."

 

"So ibig sabihin nagbibiro ka?"

 

"Yes..."

 

"Sa makat'wid ikaw ang nambobola?"

 

"No, of course not..."

 

"So, seryoso ka nga?"

 

"What?"

 

"Kung hindi ako mambobola, ikaw ang mambobola. Kung seryoso ka sa sinabi mo di totoong iniisip mong mambobola ako, hindi ba?" she said, what is she saying?

 

"I don't get it, Love."

 

"Madali lang naman diba kung---" I held her and kissed her hard, so hard that we felt our body slowly going down in our bed.

 

"Shut up, Love. You're confusing me." I said as we both panting.

 

"Nagpapa---" I kissed her again to stop what she's about to say.

 

"I said shut up..." as I positioned myself above her and kissed her hard. She started to move gently and I can feel her hands slowly making moves to undress me.

 

- - -

 

I woke with Seul's face smiling at me. I'm lying on my stomach while her arm's wrapped around me. Our faces are so close. We're both under the sheets.

 

"What's that smile for?" pansin ko.

 

"Wala, Mk. Masaya lang ako." dahilan niya.

 

"And why?"

 

"Kasi mahal mo ako."

 

"I don't love you, Love."

 

"Ha?" she asked as she moved back a little.

 

"Sabi ko I don't love you. Because I love you very much. So so much!" as I moved to give her one quick kiss.

 

"Seryoso?"

 

"Of course I'm serious.."

 

"Totoo?"

 

"Yes, it's true."

 

"Walang bola."

 

"No bola." I said and she flashed that smile that never fails to attract me.

 

"I never thought you're that sensitive, Love." I playfully , but she just flashed a grin instead. "What's that supposed to mean?" 

 

"Effective naman, di ba?" she then said still grinning.

 

"What do you mean?"

 

"Kung hindi ako sensitive eh di wala akong prize."

 

"What?" she didn't said a word but just keep on smiling. "What the... you're just acting?" I asked. I'm about to move to confront her but she's quick enough to move first and I found myself under her. "What are you doing?"

 

"Kanina pinatahimik mo ako, ngayon ikaw naman patatahimikin ko Mk." she said and closed the gap between us.

 

- - -- - -

 

Seulgi

 

Natanaw ko si Irene na nasa putol na tulay. Pagdating ko sa amin ay hinanap ko agad siya. Nasa piling ng mga lola at lolo ang aming dalawang anak. Nasabi ni Nanay na nagpapahangin lang daw siya sa tulay. Nakalapit ako ng di niya napapansin.

 

"Magpapakamatay ka?" biro kong tanong at bigla siyang napalingon. Iniangat niya ang kanyang kamay hudyat na lumapit ako at hawakan ko siya.

 

"Nope, not now, not ever. I don't have reasons. Kahit na ipagpalit mo ako sa iba. I still have my kids so, No." sabi niya habang dahan dahan niya akong hinihila paupo ng inabot ko ang kanyang kamay.

 

"At bakit mo naman naisip na ipagpapalit kita, aber?" kunwang taray kong tanong.

 

"Just the thought."

 

"Ayokong isipin mo yon dahil hindi yon mangyayari. Kahit kailan. Itaga mo yan dito sa tulay." seryoso kong sabi.

 

"Life has no guarantee, Seul."

 

"Kung ganon, pwedeng magbago ang damdamin mo sa akin?" baling ko sa kanya.

 

"Of course not, I know for sure that I will love you forever, Seul."

 

"Oh bakit pag sinabi kong ikaw lang habangbuhay para sa akin hindi ka naniniwala?" balik kong tanong, ngunit hindi siya umimik bagkus isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. "May problema ba tayo, Mk?"

 

"Nothing, Love. Masyado ka lang kasing lapitin ng mga malalandi." at bigla akong natawa sa sinabi niya. "What's funny?"

 

"Mk, ngayon ka pa ba magdududa sa akin? Dalawa ng anak natin at maaring madagdagan pa. Magkakaron pa ba ako ng oras sa iba? At saka hindi mangyayari ang sinsabi mo. Punong puno na ako ng pagmamahal mo, wala ng puwang at kahit kailan hindi yon mapupunan ng iba." Lambing kong sabi habang marahan ko siyang hinalikan sa ulo. "Mahal na mahal kita, ikaw lang. Tandaan mo yan."

 

"Sorry, just the thought. Baka tulad tayo ng tulay, you know putol." sambit niya at natawa muli ako. "Are you making fun of me, Seul?" inis niyang sabi.

 

"Hindi, Mk. Pero hindi ko alam bakit ganyan ang iniisip mo. Siguro mabuti pa tanggapin mo na yong show na inaalok sa'yo, Mahal ko. Para sa ganon hindi ka nag iisip ng ganyan."

 

"I can't maliit pa si Minseok and Yeri is schooling. I want to attend to your needs, Love."

 

"Magagawa mo pa rin naman yon, Mk. Kasi dito lang naman gagawin ang show para makilala na rin ang bayan natin. Isang beses lang naman sa isang linggo ang palabas, Mk. Subukan mo lang, tutal dalawang taon na rin si Minmin."

 

"Is it ok with you?"

 

"Oo naman, alam kong namimiss mo na rin ang telebisyon."

 

"I will just try."

 

"Oo, Mk. Para malibang ka rin ng konti dahil matagal ka ng andito sa amin."

 

"But I never got bored, Love. I love what I'm doing, because I love you and our children."

 

"Alam ko, Mk at mahal na mahal din kita kaya gusto ko rin kahit paano ay magawa mo ang gusto mo. Nakausap ko na ang producer at nasabi ko na wala sa akin ang desisyon kundi na sa'yo. Andiyan naman sila Nanay, Mommy Clara at mga kasama natin sa bahay, hindi ka magkukulang sa amin ng mga anak mo sinisigurado ko yan."

 

"Love."

 

"Subukan mo lang, Mk."

 

"Ok, Love. Thank you."

 

"Walang problema at lagi mo tatandaan ang relasyon natin ay hindi magiging tulad ng tulay na ito. Maaring putol ang tulay na ito ngunit hindi siya putol para sa akin dahil kung natapos ito, walang ako na laging nakaupo dito at walang ikaw na maaring umakyat dito at magmasid ng paligid. Maaring hindi buo ang relasyon mo noon, dahilan upang maging buo at pang habang buhay ang sa atin ngayon. Naging daan ang tulay na ito sa ating dalawa, Mk." sabi ko habang hawak hawak na ang magkabilang pisngi niya."Binuo natin ang tulay na ito tulad ng pagbuo niya sa mga puso natin, naging instrumento siya ng tadhana upang magkita tayo. Hindi lahat ng kulang ay walang katuturan at hindi lahat ng kumpleto o buo ay may kahalagahan.Nauunawan mo ba?" ngiting tanong ko.

 

"That's deep, Love." sabi niya at natawa muli ako saka ko siya ginawaran ng mabilis na halik sa labi.

 

"Halika na at lumalalim na ang gabi, Mk." sabay tayo ko habang masuyo ko siyang hinila patayo. Hawak kamay kaming pababa ng tulay at pagdating sa baba ay umakto ako papuntang resort.

 

"Where are we going?"

 

"Sa resort na, Mk. Gabi na eh. Andon naman sila Lolo at Lola." malambing kong sabi.

 

"But the kids will look for us."

 

"Mk, isang gabi lang. Tsaka hindi na kita nasosolo eh." Kunwang maktol kong sabi.

 

"Are you complaining? di ba gusto mo we'll have four children."

 

"Hindi naman ako nagrereklamo, Mk. Kung may pagkakataong ganito, samantalahin natin."

 

"Anong ganito?" ulit niya.

 

"Makapag solo tayo."

 

"And?"

 

"Para ano... alam mo na..."

 

"Seulgi?"

 

"Sundan na natin si Minmin." ngiti kong sabi.

 

"SEULGI!!!" sigaw niya dahil ninakawan ko siya ng halik sabay takbo papuntang resort.

 

 

 

- - E N D - -

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
Ito na ang dessert!

Tapos na siya!!! Thank you for reading this story, I hope I made you guys satisfy. kahit parang minadali na siya HAHAHAHAHA

BTW SEE YOU ON MY NEXT STORY "HER PROXY BRIDE" BASAHIN NIYO RIN!

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
0 points #1
Just discovered this story!! Aaaa thank you po sa pagsusulat at nakahanap rin ako ng isa pang tagalog Seulrene fic. Will start reading now 🤍
_rtempest
1023 streak #2
Chapter 13: Jahahaha ang cute naman 😆
Mmjose #3
Chapter 33: Rastro?
Pristinemoon
31 streak #4
Chapter 24: Hello po otor, kamusta po. Tanong ko lang po kung kelan niyo po ibabalik yung chap 17 hehe. Thank you!
Adm_06 #5
Chapter 17: deleted ponba chapter 17?
Sanatozaki9
#6
Chapter 22: ako lang ba naf-frustrate sa ugali ni irene? 😩 sorry pero annoying lang kasi sa akin na mabilis magalit or magtampo i think perfect talaga si seulgi sa kaniya kasi understanding :)
yoonhyunseo
#7
SeulRene nalang talaga nagpapakilig sakin. Kahit for the nth time naghost nanaman ako. hahahahahhahaha
baeddeulgi_
#8
Chapter 32: Thank you sa story na 'to, Author 🧡 Ang ganda ng pagkakasulat hehe and ok 'yung pacing. Ka-enjoy din bawat ganaps. Evident kung paano nagprogress 'yung relationship nila and 'yung growth nila as individual. Irene being the pasaway before na unti-unting mas naging understanding and patient then si Seulgi na medyo dense tapos naging more caring, thoughtful, and aware sa feelings ni Irene. Maganda rin kasi talagang focused lang halos sa kanilang dalawa 'yung story and wala ng other chenes haha. Satisfied reader here! emz
baeddeulgi_
#9
Chapter 31: Wow nagkadiligan na rin sa wakas haha ang cute
baeddeulgi_
#10
Chapter 30: GRABE KILIG TALAGAAAAAA 🥺 ang pure masyado ng relationship nila huhu