Chapter 15

30 Days with you

Irene

 

"Hi Mk, ready ka na? Papunta na si Ron diyan para sunduin ka. Sorry ulit ha hindi ako nakasama, may mga pahabol kasi para sa piyesta bukas." Seulgi explained why she can't come to fetch me.

 

"It's alright Seul, I told you I can go with my driver na lang." sabi ko. Tomorrow is their feast day and she asked if I could come the day before para makapag pahinga daw ako.

 

"Makulit kasi sila Tatay at Nanay, naninigurado raw na makakarating ka sa piyesta namin." she answered and that made me smile knowing that her family likes me not because i'm a celebrity but simply because of what Seulgi put it, 'napaalis mo daw ako sa lungga ko'.

 

"Ok I'll just wait for Ron then. See you later, Seul."

 

"Sige Mk. Message ka ha pag paalis na kayo diyan. Siguro mga bago maghapunan andito na kayo. Ingat kayo. Mahal kita. Bye."

 

"See you, Seul." yon lang nasabi ko, I can't help but smile on how vocal she is with her feelings.

 

"Let me guess, girlfriend mo na hindi ka girlfriend ang kausap mo, noh?" Suzy said and I gave her a furrowed look but she just laughed it off. "So you're going to pursue her and take the much coveted yes?"

 

"Suzy!" sigaw ko sa kanya.

 

"What? it's hard to court a country girl Li'l Sis. So good luck." she answered.

 

"It's because of me that's why she can't give her 'yes' yet." I reasoned.

 

"Yeah, right. Sabi mo eh. Isn't Jennie coming with you?" she asked next.

 

"Nope, she said she doesn't want to be a third wheel. But I know she just wants me to have a quality time with Seulgi." sabi ko.

 

"Yeah so you can get her precious yes." Suzy teased and I just rolled my eyes on her.

 

"Love you Irene." she said while smiling.

 

- - -

 

"Masyadong excited si Seulgi sa pagdating mo, panay ang bilin huwag daw masyadong mabilis ang pag maneho ko." Ron said as we started off. "Nga pala dala mo daw ba si Papi? kung hindi may unan sa likod sakaling gusto mong matulog, may pagkain din pag nagutom ka." he added.

 

"I'm ok Ron, salamat. Don't worry about me, sanay ako sa mga malalayong biyahe dahil na rin sa trabaho ko." kalma ko sa kanya and he just smiled.

 

"Tulog ka lang pag inaantok ka ha?" he added at tumango lang ako. I messaged Seulgi na paalis na kami pero wala pa siyang reply, busy siguro.

 

"Ah, Ron..." tawag ko sa kanya when my phone rang. Si Seulgi. 

 

"Hello Mk, sorry hindi ko agad nasagot text mo. Ingat kayo sa biyahe, hintayin kita huwag kayong maghapunan sa daan.Sabayan mo ako sa hapunan mamya ha?" she said sweetly.

 

"Ok Seul, see you. Don't tire yourself too much, ok?" bilin ko and I heard her chuckle

 

"Maaalahanin talaga si Mk. Opo hindi ako magpapawis kasi malayo po yong taga punas ng pawis ko." she shot back and I can't help but smile. Nakakahiya sa katabi ko pag mapapansin ako kaya nagpaalam na ako.

 

"Ang sweet niyo naman." pansin ni Ron. 

 

"Sweet ang kaibigan mo eh." I answered. "Is she really like that?" tanong ko. 

 

"Maalalahanin talaga si Seulgi kahit nong bata pa, malambing siya kaya kinagigiliwan ng mga tao." he answered and I just nod. I kept silent, I wanted to ask some more but I'm holding back. "Ok lang mag tanong, huwag kang magalala hindi ko sasabihin sa kanya." he said as if reading my mind and I smiled at him.

 

"We never talked about our pasts but i'm willing to open up to her. Well I actually I'm an open book naman when it comes to mu past relationships... But I'm scared to ask about her ex, she hid herself for so long because of her, didn't she?" tanong ko "That's how much she loves her."

 

"Hindi ko masasabi ang nasa puso ni Seulgi, Irene pero ang alam ko lang si Sunmi ang kasakasama niya sa lahat ng bagay mula nong bata pa sila."

 

"So her name is Sunmi." putol ko and I saw Ron nod.

 

"Pero ikaw ang nagpabalik ng dating siya, Irene." he suddenly said. "Ikaw ang nagpabalik ng sigla na matagal na nawala kay Seulgi. Pansin ng lahat yon, lalo na ng pamilya niya." sabi niya pero ngumiti lang ako.

 

I can't explain my feelings right now. The fear of losing Seulgi anytime is flashing in my mind. Why I feel this, why this fear when all my life I feel secured in every relationship that I had before. Is it because I love Seulgi so much, yes I know now. I love her, but don't know how to let her believe me. I've been staring at the road blankly for quite long when Ron spoke.

 

"Nagaalala ka ba sakaling bumalik si Sunmi?" he suddenly asked.

 

"P-paano kung bumalik din ang nararamdaman ni Seul pag nagbalik siya?" mahina kong tanong.

 

"Mahal ka ni Seulgi, Irene. Hindi ko ito sinasabi para gumaan ang pakiramdam mo, pero, ngayon ko lang nakitang naging tunay na naging masaya si Seulgi. Oo masaya siya kay Sunmi noon pero iba ang ningning ng mga mata niya ngayon, ang kilos niya, ang sigla niya mula ng makilala ka niya." he said smiling as if recalling Seulgi's behavior. "Hayaan mo lang na ipadama niya sa'yo kung gaano ka niya kamahal para mawala ang alinlangan mo."

 

I can't speak. I don't even know what to say. I just felt a sudden sting in my chest, a fear of the possibility that what if. What if. I closed my eyes and tried to relax, I dozed off to sleep thinking what if.

 

- - -

 

Seulgi

 

Wala ng isang oras ay maaring darating na sila Irene. Andito pa ako sa bayan at nakikipag usap sa mga tagapamahala ng piyesta pero lutang ang utak ko. Kaya nagpaalam muli ako saglit at lumayo sa kumpol ng mga tao. Ano ba yan Seulgi sana sumama ka na lang kay Ron na sumundo, hindi ka mapakali. Hindi ka rin makapag isip ng maayos, nakasama ata ni Ron ang utak mo dahil lumilipad ang isip mo. Sermon ng utak ko sa akin. Nag type muli ako ng message kay Irene.

 

: Mk, daan kayo dito sa bayan ha. Andito pa ako, sabay na tayong umuwi sa bahay para maghapunan. Saan na kayo?

 

; Yes Seul and please stop texting. Just finished what you're doing so we can go home early. We'll be there in a few.

 

Paalala niya sa akin. Paano ba naman kanina pa ako tanong ng tanong kung nasaan na sila. Bumalik na ulit ako sa loob pero makalipas muli ang sampong minuto ay lumabas ulit ako. Nakangiti akong magtetext ng may tumawag sa akin.

 

"Seulgi." tawag ng malambing na boses. Pamilyar ngunit matagal ko ng hindi naririnig ang boses na yon. Paglingon ko, tama nga. Siya. 

 

"S-Sunmi." gulat ngunit mahina kong tawag.

 

"It's really you." ngiti niyang sabi sabay lapit. Mas lalo siyang gumanda pero wala pa rin gaganda sa Irene ko. Napangiti ako sa isiping yon. "I missed that smile." gising ni Sunmi sa diwa ko at naramdaman ko na lang siyang yumakap sa akin. Gusto kong sabihin na hindi sa kanya ang ngiting yon pero hindi ko masabi, nagsalita na muli siya. "How are you?"

 

"K-kailan ka pa dumating?" tanong ko pabalik. Habang iginaya ko siya na palayo sa lugar ng maraming tao para maayos kaming magkausap.

 

"Same old Seulgi, asking questions with questions." sabi niya. Wow englisera na siya. "Kanina lang umaga, I wanted to be here para ma experience muli ang fiesta natin. Nakaka miss eh... At na miss kita..." sabi niya sabay haplos ng pisngi ko. Nagulat ako at alam kong napansin niya yon dahil napaatras ako ng konti. Bakit parang iba ang kilos niya ngayon? Ni minsan hindi niya masuyong hinaplos ang pisngi ko sa publikong lugar. Dahil alam halos lahat sa bayan namin kung sino ako at alam kong umiiwas siya sa maaring isipin ng iba kaya maingat ang mga kilos niya. "Hey, is something wrong?" tanong niyang may pag aalala.

 

"Ah wala, pasensiya na nagulat lang ako." pagkunwa kong sabi.

 

"Nakakapanibago ba?" ngiti niya. "Siguro talagang na missed lang kita. Ilang taon na din Seulgi. Sorry kung bigla na lang akong umalis ng hindi nagpapaalam ng maayos."

 

"Tapos na yon, Sunmi. Nakalipas na. Wala na sa akin yon." sagot kong may katotohanan. Oo nga bakit parang balewala na sa akin ang lahat. Bakit nga ba. Ah oo, dahil kay Irene. Dahil sa kanya.

 

"Thank you, gaya ng dati. Mahaba pa rin ang pasensiya at pang unawa mo. Walang nagbago." ngiti niyang komento. "Bukod sa lalo kang gumanda ngayon at mukhang masaya." pahabol niyang nag pamula sa akin. "Hey, you're blushing?" pansin niya at haplos muli ang mukha ko. Pakiusap Sunmi huwag mo ako hawakan baka may makakita sa atin at isumbong ako kay Irene. Isumbong? Bakit? Alam ba nila? Kausap ko sa sarili ko. O baka siya mismo ang makakita? Bigla akong nataranta at muling akong napaatras kaya nalayo ang kamay niya sa mukha ko.

 

"Ah, nagulat lang ako sa sinabi mo." sagot ko lang.

 

"Na ano? Na gumanda ka?" sabay mahina niyang tawa. "Nakakatuwa ka talaga Seulgi, hanggang ngayon mahiyain ka pa rin pag pinapansin ka at bakit ka lumalayo sa akin?" pansin niya. "Nahihiya ka?"

 

"H-hindi naman sa ganon." utal kong sagot anumang oras darating na sila Irene. Pero sigurado sa loob ang tuloy nila buti at andito kami sa labas. Hindi naman halatang under ako, nagaalalala lang.

 

"Mukhang hindi ka masayang makita akong muli ah." biro niya sa akin.

 

"Hindi naman sa ganon." sagot ko.

 

"O kaya mas mukha lang atang gulat kesa sabik." dugtong niya.

 

"Hindi naman sa ganon." sagot ko muli.

 

"Yan na lang ba ang isasagot mo sa akin?" tanong niya.

 

"Hindi naman sa ganon." sagot ko ulit. At narinig ko na siyang tumawa. Saka lang ako natauhan. Lumilipad ng utak kay Irene kahit si Sunmi ang nasa harap ko.

 

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

 

"Naririnig mo ba ang sarili mo Seulgi? Iisa lang ang sagot mo eh." natatawa niyang sabi. 

 

"Ah kasi madami akong iniisip lalo na at piyesta na bukas." pagsisinungaling ko at nakita ko na siyang tumango na parang sumasang ayon.

 

"Oo nga pala, sorry ha. Sige mauna na ako, magkwentuhan na lang tayo next time. Or can I have a dinner with you and your family, gusto ko na rin silang makita. Kamusta na pala sila?" tanong niya.

 

"Mainam naman sila, sige ba. Punta ka lang doon, hindi ka naman iba sa amin eh." pag sang ayon ko sa kanya.

 

"So see you tonight?" tanong niya na lalo kong ikinagulat.

 

"Mamaya na?" tanong ko pabalik. Hindi pwede baka makita ka ni Irene ko. Selosa yon, baka lunurin niya tayo sa dagat, sabi ko sa sarili ko.

 

"Oo bakit? Hindi ba pwede? I'm just excited to see them." sabi niyang nakangiti. Sasagot pa lang ako ng nagsalita ulit siya. "Hay naku Seulgi, wala ka talaga sa sarili. I have to go. See you." sabay halik niya sa pisngi ko at yakap pero para akong tuod na nakatayo lang at hindi makagalaw. Napansin ko na lang siyang naglakad palayo na kumaway muli ng lumingon pabalik sa akin. Wala na akong nagawa kundi ngumiti lang at kumaway na rin.

 

- - -

 

Pabalik na ulit ako sa loob ng opisina nila Tatay at paakyat na ako ng hagdan ng masalubong ko si Ron pababa naman.

 

"Oh, Ron. Andito na kayo? Si Irene?" may tuwa kong bati sa kanya.

 

"Oh, Seulgi andiyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Naiwan sa kotse si Irene, nahihiyang pumasok doon na lang daw siya sa labas." sagot niya. Nagulat ako at biglang kinabahan. Nasa labas lang siya? Nakita niya kaya kami ni Sunmi? Tanong ko sa sarili ko, saka ako nagmamadaling lumabas na ikinagulat naman ni Ron. Pagdating ko sa labas ay hinanap ko agad ang sasakyan at ng makita ko ay takbo lakad kong tinungo. Hindi naman mukhang sabik na makita ang Irene ko.

 

Paglapit ko sa kotse ay agad kong binuksan ang pinto sa harap. Walang Irene na nakaupo, luminga linga ako sa paligid pero hindi ko siya makita.

 

Sinubukan kong tawagan siya pero hindi sumasagot, kinakabahan na ako. Nasaan siya? Kaya nagtext ako.

 

: Mk nasaan ka? Pagabi na, uwi na tayo.

 

Ilang saglit pang lumipas pero wala siyang sagot.

 

: Nagaalala na ako sa yo, Mk. Nasaan ka? Pag hindi ka pa sumagot ay ipapaalarma na kita sa lahat ng kapulisan at mga tauhan namin dito.

 

Muli kong mensahe sa kanya na may kasama ng banya, dahil talagang nagaalala na ako at pati si Ron ay kita na ang kaba sa mukha niya. Alam ko at kilala ko ang mga taga bayan namin kaya hindi ako nababahala ngunit pagdating kay Irene hindi ko maalis ang isiping may mga taong maaring magka interest sa kanya. Dumidilim na at hindi maaaring mag isa lamang siya. Napatigil ako sa kakaisip ng tumunog ang cellphone ko.

 

; I'm alright Seul, please don't bother to look for me. I'm on my way home now.

 

Nabigla ako sa sagot niya at biglang uminit ang ulo ko. Bakit siya uuwi? Dinial ko ang number niya. Sumagot ka Irene, sabi ko sa isip ko, kung hindi magkakagulo.

 

"H-hello Seul." sagot niya. Salamat sa Diyos sumagot siya. Malungkot ang boses niya na parang umiyak. Umiyak? Bakit? Nakita niya kaya kami ni Sunmi? Pero hindi niya kilala si Sunmi, paano niya malalamanh siya yon?

 

"Nasaan ka Irene? Anong sinasabi mo na uuwi ka na?" may diin kong sabi. Galit ako pero nangingibabaw ang pagaalala ko sa kanya.

 

"I'm on my way home, Seul. Huwag mo na akong sundan and please don't stop me." pakiusap niyang sabi.

 

"Bakit bigla bigla kang aalis? May nangyari ba sa inyo?" tanong ko pero hindi siya sumagot. "Irene." may diin muli sa boses ko.

 

"I'm sorry Seul, please let me leave I'm alright now. Don't worry nakasakay na ako at nakaalis na rin ang bus." mahina niyang sabi. Gusto kong magwala, gusto kong magalit pero hindi ko magawa. Nakita niya kami, yon ang dahilan kaya bigla siyang umalis. Sigurado yon ang dahilan, usap ko sa isip ko. Matagal akong hindi sumagot at napabuntong hininga bago ako muling nagsalita.

 

"Makakalma lang ako kung sasabihin mo sa akin ang pangalan ng sinakyan mong bus at ang numero nito para maniwala ako na nakasakay ka talaga sa bus, Irene." may timpi kong sabi kahit gusto ko ng sumabog sa galit. Narinig ko siyang nag buntong hininga at saglit na katahimikan saka niya sinabi ang bus pabiyahe sa Maynila at ang numero nito.

 

"Bye, Seul and take care." sabi niya.

 

"Nakita mo kami ni Sunmi?" yon ng lumabas sa bibig ko. Hindi siya sumagot. "Bakit kailangan mong umalis dahil lang sa nakita mo?" muli ay walang sagot. "Hindi ka ba magtatanong?" pero tahimik pa rin. Napamura na ako, wala akong magawa dahil wala siya sa harap ko. Gusto kong magpaliwanag pero umalis siya. Nakakainis. Galit ako sa nangyayari pero mas galit ako dahil wala akong magawa tapos hindi pa siya nagsasalita. Nasaan yong matapang na Irene? Yong kumander ko? P----ta. Hindi ko na talaga mapigilang magmura. "Pwede bang mag usap tayo, Irene." yon na lang nasabi ko.

 

"Not now Seul, maybe next time. Bye." yon lang nasabi niya at naputol na ang linya. Tuluyan ng sumabog ang galit sa ulo ko at itinapon ko ang cellphone ko na wasak pagdapo sa semento at nakita ko ang gulat sa mga mata ng mga tao na nasa paligid at si Ron na titig na titig sa akin. Nilapitan ko siya sabay lahad ng kamay ko.

 

"Akina ang susi ng kotse, Ron kay Tatay ka na makisabay pauwi. Paadaan muna sa Terminal ng bus." sabi ko sa kanya at may binilin ako. Saka ako sumakay ng kotse at pinaharurot ko ito para sundan si Irene.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
Ito na ang dessert!

Tapos na siya!!! Thank you for reading this story, I hope I made you guys satisfy. kahit parang minadali na siya HAHAHAHAHA

BTW SEE YOU ON MY NEXT STORY "HER PROXY BRIDE" BASAHIN NIYO RIN!

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1022 streak #1
Chapter 13: Jahahaha ang cute naman 😆
Mmjose #2
Chapter 33: Rastro?
Pristinemoon
30 streak #3
Chapter 24: Hello po otor, kamusta po. Tanong ko lang po kung kelan niyo po ibabalik yung chap 17 hehe. Thank you!
Adm_06 #4
Chapter 17: deleted ponba chapter 17?
Sanatozaki9
#5
Chapter 22: ako lang ba naf-frustrate sa ugali ni irene? 😩 sorry pero annoying lang kasi sa akin na mabilis magalit or magtampo i think perfect talaga si seulgi sa kaniya kasi understanding :)
yoonhyunseo
#6
SeulRene nalang talaga nagpapakilig sakin. Kahit for the nth time naghost nanaman ako. hahahahahhahaha
baeddeulgi_
#7
Chapter 32: Thank you sa story na 'to, Author 🧡 Ang ganda ng pagkakasulat hehe and ok 'yung pacing. Ka-enjoy din bawat ganaps. Evident kung paano nagprogress 'yung relationship nila and 'yung growth nila as individual. Irene being the pasaway before na unti-unting mas naging understanding and patient then si Seulgi na medyo dense tapos naging more caring, thoughtful, and aware sa feelings ni Irene. Maganda rin kasi talagang focused lang halos sa kanilang dalawa 'yung story and wala ng other chenes haha. Satisfied reader here! emz
baeddeulgi_
#8
Chapter 31: Wow nagkadiligan na rin sa wakas haha ang cute
baeddeulgi_
#9
Chapter 30: GRABE KILIG TALAGAAAAAA 🥺 ang pure masyado ng relationship nila huhu
baeddeulgi_
#10
Chapter 29: grabe talaga kirot kapag biglang nagseselos/ nag-overthink din si Seulgi 😭