Chapter 14

30 Days with you

Irene

 

I was so excited to go down when I heard Mom talking to someone but my excitement fell when I didn't see Seulgi. I don't know how disappointed I am but from the look of Mom and Ron ay obvious na I'm expecting to see someone.

 

"Where's Seulgi?" tanong ko, I saw them look at each other.

 

"Hi." mahinang boses na nagpalingon sa akin sa bandang kitchen. "Ahm, may dala kaming street foods, comfort food mo daw yon sabi ni Jennie. Pinapainit muna namin ni---" paliwanag niya, hindi ko na alam ang mga sumunod na sinabi niya. I just found myself hugging her, my arms around her shoulder and buried my face between the base of her neck and shoulder.

 

"I-Irene." gulat at mahina niyang tawag.

 

"Just hold me... tight." bulong ko lang and then I felt her arms wrapped around me and holding me tight with a gentle tap and rub of her thumb on my sides. "Five minutes." sabi ko.

 

"Kahit limang oras, ok lang." bulong niya and I chuckled.

 

"You came." bulong ko.

 

"Baka kako kailangan mo ng kausap kaya nagpunta ako." sagot niya.

 

"How did you know?" I whispered again while we're still hugging and my head was still resting on her.

 

"Naman, Irene. Wala kaya kami sa gubat, probinsiya lang naman at nakakasagap pa rin ng balita." and I silently laughed. She really has her way to me.

 

"Kaya ka pumunta?" tanong ko and I just felt her nod.

 

"Wala ka kasing post at update sa twitter at instagram mo kaya nag alala din ako." malambing niyang sagot at nagulat ako kaya napakalas ako sa kanya.

 

"You're stalking on me?" takang tanong ko. "Since when?"

 

"Mula nong may kasunduan tayo." she shyly said habang napakamot ng kilay.

 

"Anong name mo?"

 

"Kung sinabi ko di hindi na ako stalker non" sagot niya.

 

"Tell me." kulit ko sa kanya we're still close to each other my hands rested on her shoulders and her arms around my waist.

 

"Kahit na sabihin ko sa'yo gagawa pa rin ako ng bagong account kaya huwag mo ng ipilit." sagot niyang nangingiti. Tiningnan ko siya ng matagal at nagsukatan kami ng tingin pero mukhang hindi siya natitinag.

 

"Dinner's ready." rinig naming sabi ni Mommy, doon lang kami nahimasmasan. We slowly separated and I held her hand and proceeded to the dining area.

 

- - -

 

Seulgi

 

"Gaano na kayo katagal sa labas?" tanong ni Irene sa akin.

 

"Hindi naman katagalan dahil nag text ka na nong ilang minuto na kaming naka park." paliwanag ko at tumango lang siya sunod tiningnan si Ron na kasabay naming kumakain.

 

"Bakit hindi ka nakasama ni Seul nong unang punta niya dito, Ron?" tanong niya kay Ron.

 

"Tinakasan niya rin ako Miss Irene."

 

"Just Irene." singit ni Irene at napangiti siya.

 

"Wala na sa garahe yong kotse niya kaya pinasundan na lang siya ng Tatay niya sa akin." paliwanag ni Ron. 

 

"Paano mo siya nasundan?" curious na tanong nong isa, makulit din talaga si Irene. 

 

"Sa cellphone niya, basta naka on ang cellphone niya ma tra-trace namin siya. Pero siya lang dahil nga madalas bigla bigla na lang siya nawawala, kaya napilitan ang Tatay niyang gamitin yon." natatawa niyang kwento. 

 

"I didn't know na pasaway ka pala talaga Seul." baling sa akin ni Irene at bigla akong nahiya sa Mommy niya, kung silang dalawa lang sasagot ako pero kasama namin sa kainan ang Mommy niya kaya pigil ang bibig ko.

 

"Dati lang yon M... Irene." sagot ko na namula sabay tingin kay Tita Clara. Muntik na.

 

"Pareho lang pala kayo ni Irene eh. Ang hilig tumakas." natatawang sabi ni Tita Clara kaya napatingin ako kay Irene. 

 

"Mom, that was before." sagot niya at inirapan ako dahil tiningnan ko siyang nakakaloko.

 

"Kaya nga sweetie that was before like Seulgi." ngiting balik ni Tita Clara.

 

"So sinudan mo siya when she went here?" balik tanong ulit ni Irene kay Ron. 

 

"Oo, pero namalagi lang ako sa isang hotel dito sa Maynila at nong pabalik hinintay ko na lang ulit siya habang umaalalay lang ako sa kanya. Madalas kasi malakas ang loob niya tumakas kasi alam niyang masusundan siya, kaya kahit gabi tumatakas yan." Kwento ni Ron, ang daldal niya akala mo matagal na silang magkakilala ni Irene, hindi nadala sa matatalim kong tingin.

 

"What did Tito Felix say after?" tanong ni Irene, isa pa itong makulit.

 

"Wala naman silang magagawa eh, matigas pa sa bao ng niyog ang ulo daw ni Seulgi." sagot niya kaya pinandilatan ko na siya dahil katapat ko lang siya habang katabi ko si Irene. Natawa si Tita Clara pero si Irene ay tumingin sa akin.

 

"What's bao ng niyog?" tanong niya.

 

"Coconut shell or nutshell?" mahina kong sagot at natawa siya.

 

"Really?!" tanong niya at biglang kinatok ang ulo ko.

 

"Aray!" sigaw ko.

 

"Irene!" saway ni Tita Clara.

 

"Sorry." mahinang sabi ni Irene habang haplos niya ang kamay kong humahaplos sa ulo ko. "Just checking if it's true." pilya niyang sagot pero natatawa. Ang lakas ng trip nito sa kanya ko kaya gawin. Pasalamat siya kaharap namin Mommy niya.

 

"How could you Sweetie, kung sa'yo kaya gawin yan?" sabi ni Tita Clara. Kitam, sabi ko na eh.

 

"Are you hurt Hija?" alalang tanong ni Tita Clara.

 

"Ayos lang po, Tita." hiya kong sagot sabay lingon ko kay Irene na nakangiti pa rin habang kumakain. Maganda na ang mood niya, mabuti naman sabi ko sa loob loob ko.

 

"Why?" tanong niya bigla. Napatagal yata ang tingin ko sa kanya. "Gusto mong bumawi?" taas kilay niyang tanong.

 

"H-hindi noh." sagot ko na lang saka bumalik ang tingin ko sa pagkain ko. Napansin ko siyang mahinang tumawa, masaya na akong masaya ka Irene kahit mukha akong under.

 

"Is that a grin?" rinig kong sabi ni Irene.

 

"Ano?"

 

"Bakit ka nakangiti"

 

"Masama bang ngumiti?" tanong ko.

 

"May nakakatawa ba sa kinakain mo?" tanong niya ulit.

 

"Tumatawa ba ako?" sagot ko na sa kanya na nakangiti. Mapipikon nanaman ito, sabi ko sa isip ko.

 

"Halikan kaya kita, makangiti ka pa kaya?" banat niya at nagulat ako.

 

"Irene!" rinig naming tawag ng Mommy niya.

 

"What? She started it." reklamo na niya samantalang ako ay nakayuko na at tuloy tuloy ng sumubo.

 

"You started it young lady. Why act like a child in front of your visitors." paalala ni Tita Clara. 

 

"She's not a visitor." bulong ni Irene. Pinipigilan ko lang talaga ang tumawa, kahit paano nawawala ang isip niya sa problema, sa akin lang siya nakatuon kahit naiinis.

 

"Enough, kain muna tayo. Baka magkapikunan na kayo niyan." paalala ni Tita Clara. Tahimik na muli kaming kumakain pero saglit lang.

 

"Ah Ron, nadaanan mo ba si Seul na may hinintuan siyang nasiraan na sasakyan or something like that nong pumunta siya dito?" biglang bungad ni Irene. Ang kulit din talaga eh.

 

"Ah, oo sa highway pero saglit lang siya kasi naramdaman ko na ulit siyang dumaan sa akin mga ilang minuto nong nagpark ako malayo sa kanya. Kailangan ko kasing dumeretso para hindi niya alam na sinusundan ko siya." kwento naman ng isang wala ding preno ang bibig. best friend na ba sila? Kung magkwentuhan parang ilang taon ng magkakilala.

 

"Did you happen to see the girl?" biglang tanong ni Irene. Nagulat ako doon at tiningnan ko si Ron "Don't mind her, just answer my question." habol nito at napailing na lang si Tita Clara.

 

"Oo, nakita ko." sagot naman ng isa, hindi nakuha sa tingin ko. Mas takot kay Irene kesa sa akin.

 

"And?" tanong ni Irene. 

 

"Mas maganda ka pa rin Irene." nakangiti nitong sabi kay Irene at napalingon naman si Irene sa akin.

 

"So she's beautiful, mas maganda nga lang ako." irap niyang sabi. "Since when kayo magkakilala ni Seul?" sunod niyang tanong. Walang preno?

 

"Bata pa lang kami, si Tatay kasi nagtatrabaho na kay Sir Felix, driver at bodyguard niya." sagot naman ng isa.

 

"So matagal na pala. playgirl ba si Irene?" tanong niya. Ano to? Imbestigasyon?

 

"Hindi naman, kahit habulin yan. Snob siya. Siya ngang hinahabol ng chicks eh. Mas madami pa siyang tagahanga kesa sa akin lalo na nong nasa banda siya." derederetsong kwento ni Ron. 

 

"Ganon ba, wow ha siguro dami niyang girlfriends?" tanong ulit ni Irene. 

 

"Do you think you should ask that direct from Seulgi sweetheart?" singit ni Tita Clara at nagkatinginan kami ni Irene, tingin na nagtatanong pero natahimik lang ako.

 

"See? That's why I don't want to ask her Mom." rason nito sabay baling kay Ron na parang naghihintay ng sagot.

 

"Girlfriend lang naman, isa lang." sagot ni Ron. 

 

"Ubusin mo ng pagkain mo Ron, nakakahiya kay Tita Clara." sabi ko na para pigilan pa ang susunod na sasabihin ni Ron. Hindi na rin umimik si Ron at tahimik na muli kaming kumain.

 

"Are you going to stay for the night, Seulgi." maya ay tanong ni Tita Clara.

 

"Yes, Mom. They'll sleep here." sagot ni Irene.

 

"Ikaw na si Seulgi ngayon?" tanong ni Tita Clara at nakangiting tiningnan si Irene kaya napatungo na lang yong isa.

 

"Seulgi?" tawag muli sa akin ni Tita Clara.

 

"Ah, o-opo Tita kung ok lang po sa inyo." nasabi ko lang.

 

"No problem Seul, you're a family now." sagot ni Tita at napangiti na lang ako sa kanya. Si Irene hindi na umimik. 

 

- - -

 

Tahimik si Irene mula pa kanina, nasa kwarto na niya kami pero nasa couch siya at nagbabasa ng script niya. Kalalabas ko lang ng banyo at nandon pa rin siya sa upuan at nagbabasa, ang cute niyang naka pajama at loose shirt habang ako rin ay naka pajama at t-shirt din. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya lumapit na ako sa kanya.

 

"Irene, hindi ka pa inaantok?" mahina kong tanong.

 

"Hindi pa sige na, matulog ka na." sagot niya. "If you're not comfortable to sleep next to me then you can go to the guest room, halika samahan kita." sabay tayo niya pero pinigilan ko siya.

 

"May problema ba?" tanong ko.

 

"Ewan ko sa'yo, meron ba?" namana na niya ang tanong na sagot ko.

 

"Kanina ka pa walang imik eh."

 

"Pag wala bang imik may problema na?"

 

"Nakakapanibago lang kasi. Sige matutulog na ako." paalam ko saka ako naglakad patungong kama niya.

 

"Dito ka matutulog?" tanong niya.

 

"Ayaw mo?"

 

"Sinabi ko ba?" sagot niya saka bumalik sa upuan at muling nagbasa. Napabuntong hininga na lang ako. Nag patuloy na ako sa paglakad ng magsalita siya muli.

 

"What if she comes back?"

 

"Sino?" balik kong tanong.

 

"Her." sagot niya "Your ex."

 

"Kung babalik siya sa bayan namin hindi ko siya mapipigilan." sagot ko na and she immediately got up and face me.

 

"Ikaw talaga wala ka ng matinong sagot eh noh?!" inis niyang sagot, bumabalik na siya sa normal. Mabuti naman.

 

"Anong hindi matino doon?" tanong ko at lalo nanlaki ang mata niya.

 

"Ah ganon, gusto mo halikan kita?" banta niya at napaatras ako.

 

"Anong kinalaman ng halik sa sagot ko?" tanong ko.

 

"Para umayos ka, I think you need a little current running down your nerves to make your brain a bit serious. Want to try?" hamon niya.

 

"At saan mo naman nakuha ang ideyang yan?"

 

"Guess? Hunch?" sagot niya sabay lapit sa akin pero lumayo ako. "Kanina ka pa kasi eh. Actually matagal na pala." dugtong pa niya.

 

"Huwag kang lalapit Irene." iwas ko pero bumibilis ang hakbang niya palapit at mabilis din akong umatras.

 

"It's just a kiss." hamon niya.

 

"Hindi pa tayo." rason ko.

 

"Kaya nga ako lang ang hahalik eh." balik niya, mistulan na kaming nag ririgodon sa loob ng kuwarto niya. Hanggang pareho na kaming natatawa sa paghahabulan namin, paikot ikot sa kwarto taas baba sa kama niya. Bigla siyang huminto at naupo sa kama habang ako ay nasa kabilang dulo ng kama niya.

 

"Thanks Seul. For coming. For comforting me. I know you're doing this para malibang ako. Sinasakyan mo kahibangan ko just to make me feel ok." mahina niyang tugon at napaupo na rin ako sa kama. 

 

"Gusto ko lang malaman mo na may isa pang taong nagmamahal at nag aalala sa'yo." sagot ko lang at ngumiti siya.

 

"Tulog na tayo?" aya niya at ngumiti.

 

"Antok ka na?" tanong ko at tumango siya. "Tara na, tulog na tayo kung ganon" sabi ko at umayos na ako sa kama. Pero nagulat ako sa sunod na kinilos ni Irene dahil ang bilis ng kamay niya na humawak sa magkabilang kamay ko at umupo nanaman sa tiyan ko.

 

"Irene, ano to?" gulat kong tanong.

 

"How can I convince you that with just a kiss your mind will work well."

 

"Seryoso? halik lang, dadaanin mo pa ako sa dahas?" tanong ko sa kanya.

 

"Ayaw mo kasing maniwala eh." sagot niya.

 

Naalala ko ang eksenang nadatnan ni Suzy kaya buong lakas ko siyang tinulak at kumawala ako sa kanya. Pero ang lakas niya dahil naabutan niya ako at nahawakan niya ang magkabilang balakang ko at niyakap niya ako sa likod dahilan upang sabay kaming bumagsak sa kama, siya na nasa ibabaw ko at nakayakap pa rin sa akin. Para akong magnanakaw na nahuli at dinaganan.

 

"Irene ayaw ko lang isipin ng pamilya mo na sinasamantala kita porket nandito ako sa kwarto mo."

 

"Alam nilang akong ang nanamantala sa'yo dahil andito ka sa kwarto ko." sagot niya.

 

"Ano?" tanong ko habang hirap akong magsalita dahil nakadapa ako sa kama habang naramdaman kong umupo si Irene sa likod ko at hawak ang mga kamay ko na nasa likod ko, kulang na lang posas.

 

"What are you doing to Seulgi?" rinig kong tinig. Sabi ko na nga ba aabutan nanaman kami eh.

 

"Suzy! Don't you know how to knock?"

 

"Since when did I knock, only when you locked your door Li'l sis. Anong ginagawa mo kay Seulgi? Don't tell me this is another serious talk?" tanong niya muli habang kita ang pag aalala sa mukha niya habang nakatingin sa akin.

 

"I'm convincing her"

 

"Is that how you convince?" Hay salamat talaga dumating ng kakampi ko. "You're torturing her."

 

"It's because she's running away from me. I have to keep her still." rason ni Irene.

 

"And why do you have to convince her? For what?" tanong ni Suzy, hindi ba nila nakikita hirap na hirap na ako, hindi mabigat si Irene pero naman hirap na akong huminga, kalahati mg mukha ko nakasubsob pa sa kama. Pag ikaw napunta sa bahay Irene, lagot ka, babawi ako sagot ko sa isip ko. "Can't you see she looks pale, hirap na siyang huminga oh." pansin na ni Suzy. Saka ko naramdaman ang pag angat ni Irene at pagkalas niya sa paghawak sa mga kamay ko.

 

"S-sorry, Seul. Are you alright?" alalang tanong niya at tango lang naisagot ko.

 

"What is it that you're convincing her ba?" tanong muli ni Suzy. Sasagot na sana si Irene pero sumingit ako.

 

"Ah wala Ate Suzy, makulit lang kasi itong kapatid mo." ako ng sumagot.

 

"Why don't we ask Suzy, Seulgi?" balik naman ni Irene. Hay naku tong babaeng to talaga pag normal ang gulo at pasaway.

 

"Huwag na, kuha ko na. Usapan lang natin yon." mahina kong sabi, nahihiya kasi ako sa ate niya.

 

"No. It's fine. Suzy is my bestfriend and best buddy." sagot niya sabay kindat sa akin. "Hey Suzy---" hindi na niya tinuloy dahil tinakpan ko na ng kamay ko ang bibig niya saka ko siya binulungan.

 

"Pakiusap Irene, ok na. Payag na ako." bulong ko saka dahan dahan ko ng inalis ang kamay ko sa bibig niya.

 

"Talaga!?" may sigla niyang tanong at tumango lang ako. "Ok, goodnight Suzy. " sabi niya agad sabay halik kay Suzy at tinulak na siyang tumayo sa kama. "Go now, we're gonna sleep na." sabi niya at napangiti lang si Suzy na napapailing.

 

"Can I talk to your girlfriend for a sec?" tanong niya at nagulat ako, napansin ng magkapatid ang gulat sa mukha ko at napangiti sila pareho.

 

"Don't worry Seul sabi ko girlfriend na kita pero hindi mo pa ako girlfriend kasi hindi mo pa ako sinasagot. Pati sila naguguluhan, I just told them I have a weird girlfriend kaya sinasakyan na lang kita." sagot niyang parang wala lang sa kanya pero ako namumula na sa hiya.

 

"Kasi Suzy, ano... kasi..." sagot ko.

 

"Don't worry Seulgi, I understand." ngiting sabi ni Suzy. "Can I talk to you saglit?" tanong niya.

 

"Why?" singit ni Irene. 

 

"Are you Seulgi?"

 

"I'm her girlfriend." taray na sagot ng Kumander.

 

"Ok lang Irene, saglit lang naman." awat ko at wala ng nagawa si Irene. 

 

"Two minutes." yon lang nasabi niya. Saka humiga sa kama at niyakap si Papi. Habang naglakad na kami ni Suzy papalabas ng kuwarto. Nilalamig ang kamay ko ng hinawakan niya.

 

"Dito na lang, don't get nervous." sabi niya ng mapansing malamig ang kamay ko, lumabas lang kami ng kwarto. "I just want to say thank you for being here." Ngiti niyang sabi sabay haplos sa mukha ko. "It won't be easy loving my Li'l Sis. I hope matagalan mo siya." ngiti niyang sabi.

 

"Mas lalo siyang malalagay sa kontrobersiya pag nalaman nila ang tungkol sa amin." sagot ko pero umiling lang siya.

 

"She's used to controversies, she only need someone who will love her, accept her and who will never leave her in her best and worst." sabi niya.

 

"Mahal ko po si Irene, Ate Suzy. Hayaan niyo po sanang patunayan ko yon." nasabi ko lang.

 

"I know, Seulgi. We know that." ngiti niyang sabi.

 

"Time's up!" rinig naming sigaw ni Irene sa kabilang pinto.

 

"That's what I'm saying." sabi ni Suzy. "She's a brat. Go now and take care. Good night Seul." sabi at sabay halik niya sa akin.

 

Pagbalik ko ay nakatalikod si Irene habang yakap pa rin si Papi. Umupo ako sa gilid ng kama malapit sa kanya.

 

"Akala ko ba hahalikan mo ako. Handa na ako." sabi ko at naramdaman ko siyang bumangon at umupo malapit sa akin. Umusod ng konti hanggang magkaharap na kami at dahan dahang itinaas ang kamay sa magkabilang pisngi ko. Pumikit na ako para sa halik niya ng maramdaman ko ang malalambot niyang labi sa ilong ko, masuyong halik. Saka ako nagmulat ng mata.

 

"I want our first kiss to be special, Seul. A kiss with both yes from us not just from me. I will wait for that day when you will kiss me because I love you just as you love me." malambing niyang sabi. "Let's sleep na." ngiti niyang aya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
Ito na ang dessert!

Tapos na siya!!! Thank you for reading this story, I hope I made you guys satisfy. kahit parang minadali na siya HAHAHAHAHA

BTW SEE YOU ON MY NEXT STORY "HER PROXY BRIDE" BASAHIN NIYO RIN!

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1018 streak #1
Chapter 13: Jahahaha ang cute naman 😆
Mmjose #2
Chapter 33: Rastro?
Pristinemoon
25 streak #3
Chapter 24: Hello po otor, kamusta po. Tanong ko lang po kung kelan niyo po ibabalik yung chap 17 hehe. Thank you!
Adm_06 #4
Chapter 17: deleted ponba chapter 17?
Sanatozaki9
#5
Chapter 22: ako lang ba naf-frustrate sa ugali ni irene? 😩 sorry pero annoying lang kasi sa akin na mabilis magalit or magtampo i think perfect talaga si seulgi sa kaniya kasi understanding :)
yoonhyunseo
#6
SeulRene nalang talaga nagpapakilig sakin. Kahit for the nth time naghost nanaman ako. hahahahahhahaha
baeddeulgi_
#7
Chapter 32: Thank you sa story na 'to, Author 🧡 Ang ganda ng pagkakasulat hehe and ok 'yung pacing. Ka-enjoy din bawat ganaps. Evident kung paano nagprogress 'yung relationship nila and 'yung growth nila as individual. Irene being the pasaway before na unti-unting mas naging understanding and patient then si Seulgi na medyo dense tapos naging more caring, thoughtful, and aware sa feelings ni Irene. Maganda rin kasi talagang focused lang halos sa kanilang dalawa 'yung story and wala ng other chenes haha. Satisfied reader here! emz
baeddeulgi_
#8
Chapter 31: Wow nagkadiligan na rin sa wakas haha ang cute
baeddeulgi_
#9
Chapter 30: GRABE KILIG TALAGAAAAAA 🥺 ang pure masyado ng relationship nila huhu
baeddeulgi_
#10
Chapter 29: grabe talaga kirot kapag biglang nagseselos/ nag-overthink din si Seulgi 😭