Chapter 21

30 Days with you

Seulgi

 

"Seryoso ka, Vernon?" Tanong ko sa kaharap ko. Andito ako ngayon sa isang branch ng restaurant ni Vernon na malapit sa lugar ng meeting namin ng mga tropa ko sa banda. Tinawagan niya ako at nagyaya na magkita kami dahil may mahalaga daw siyang sasabihin.

 

"Kaya nga ikaw ang nasa isip ko eh, dahil alam kong mapagkakatiwalaan kita." sagot niya sa tanong ko. "Hindi ba gumagawa ka ng indie films noon? Payag ka na, inalok kasi ito kay Jisoo at may mga maselang eksena. Well, hindi naman ganon kaselan pero mas panatag ako kung ikaw ang gaganap na partner niya dito." paliwanag pa niya. Inalok daw si Jisoo ng isang lesbian themed na pelikula at nagpaalam muna kay Vernon, wala pa daw napipiling partner niya sa pelikula kaya naisip ako ni Vernon. "Ano, Seulgi?" gising ni Vernon sa diwa ko.

 

"Sige pag-iisipan ko, kailangan ko din munang kausapin si Irene. Alam mo na, baka pag nalaman niya yong tipo ng pelikula ay mag alala siya." paliwanag ko.

 

"Hahaha, pareho lang pala kami ng girlfriend mo. Kaya nga ikaw ang inisip ko agad dahil mas tiwala ako sayo, kukuha na sana sila ng actress sa teatro pero sabi ko ikaw na lang dahil mas kilala kita. Sana pumayag ka. Sabi nga ni Jisoo kakausapin din namin si Irene, inaayos muna ni Jisoo ang schedule niya baka madalaw kami o mainbitahan namin siya sa mga susunod na araw." sagot niya at tumango lang ako. Papayag kaya si Irene? , buti nga at nalaman niya noon na may boyfriend si Jisoo kung nagkataon baka nagka giyera na. Ngayon lang ulit ako gagawa ng indie film, maganda sana pero iniisip ko pa rin ang pwedeng maging reaksiyon ng mahal ko.

 

"Hey Seulgi!" pukaw ni Vernon sa pag iisip ko. "Pag isipan mo ha?" dugtong niya.

 

"S-sige Vernon. Malalaman mo." tanging nasabi ko na lang.

 

- - -

 

"Love? If you ever receive an offer to do an indie film with a les theme would you accept it?" bungad ni Irene habang kumakain kami, nasa condo na niya kami. Nagulat ako, hindi ko nga alam kung paano ako magpapaalam sa kanya at sasabihin ang napag usapan namin ni Vernon pero heto siya ngayon at nagtatanong.

 

"Pag maganda siguro yong story Mk, at maganda ang project bakit hindi. Bakit mo naman natanong?" balik tanong kong nakikiramdam. Napatango lang siya habang nasa pagkain ang atensiyon saka muling tumingin sa akin.

 

"Don't you know that Jisoo and I are at the same network, Love?" sagot-tanong niya pero hindi na niya ako hinintay na magsalita. "We saw each other earlier for a station ID taping. She's really nice." nakangiti niyang dugtong. Ilang segundong katahimikan. "She invited me, actually us, for dinner anytime. She said she wanted to talk to me but I can't wait anymore kaya tinanong ko na kung para saan ang dinner and what is it that she wanted to talk about?" patuloy niya.

 

"At?" tanong ko.

 

"She said that there's this indie project offered to her with les theme and she wanted to take it so she consulted her boyfriend, though her boyfriend has been all supportive and gave her the freedom to decide, but still she considers his opinion, and eventually Vernon suggested you, Love to be her partner in this film." pagtatapos niyang nakatitig pa rin sa akin.

 

"Ang totoo niyan, Mk nasabi na rin ni Vernon sa akin ang tungkol sa bagay na yan, pero sabi ko kailangan ko munang ipaalam sa'yo. Hindi ko lang alam kung paano ko uumpisahan pero mainam na rin at nasabi mo, Mk." pagtatapat ko, masuyo niya akong tiningnan at marahang inabot ang kamay ko.

 

"Thank you, Love. I really appreciate it. But the decision is all yours, I'm here to support you." malambing niyang sabi.

 

"Baka kasi hindi mo nais na gumawa ako ng ganong pelikula dahil---"

 

"---I trust you and I trust Jisoo. I can see her sincerity and honesty while we're talking. She's really professional and wanted to do this project kahit na hindi ikaw ang makakasama niya. She was given the freedom to choose her partner and you're the first person that came out from her boyfriend's mind, so she considered you. It's ok Love, I know she'll take care of you." nakangiti niyang sabi. 

 

"Totoo, Mk?" may tuwa kong sabi.

 

"I hope that look of excitement is for the fact that you're doing the movie and not because you're being paired to Jisoo?" Taas kilay niyang komento. Masyado bang halata ang kasabikan ko muling gumawa ng pelikula at ang tuwa dahil pumayag ang mahal ko na gawin ang pelikula.

 

"Hindi naman Mk!" mataas kong sabi. "Siyempre dahil sa pelikula at higit sa lahat natutuwa ako dahil pumayag ka." Makatotohanan kong sagot. Napalitan ng ngiti ang kanyang tingin saka muli akong masuyong hinawakan.

 

"For you, Love, I'm always here. And I trust you that much para pigilan ka. Just don't tire yourself too much, ok?"

 

"Oo naman, Mk. Kakausapin ko rin mga katropa ko sa banda para sa mga schedule na pwede kong pakiusapan." ngiting balik ko sa kanya habang hawak ang kamay niyang nakahawak sa akin.

 

"So when can we have dinner with the lovebirds?" malambing niyang tanong patungkol kay Jisoo at Vernon.

 

"Ikaw Mk, depende sa oras mo." sagot ko naman.

 

"Ok maybe we can talk about the whole project over dinner maybe next week, what do you think Love?" Tanong niya pabalik.

 

"Sige Love tawagan ko si Vernon mamàya."

 

- - -

 

Seryoso kaming nanonood ng movie ni Irene habang nakaback hug ako sa kanya. Hindi pa man kami nakakalahati sa pinanonood namin ng magsalita siya.

 

"Love practice na natin mga scenes mo sa new movie mo." bigla niyang sambit.

 

"Mk, wala pa namang script atsaka dipa natin alam ang takbo ng story." gulat kong sagot.

 

"Then we'll just practice the most difficult scenes." walang kurap niyang sagot na lumingon at tumingin sa akin bago bumalik ang tingin sa pinanonood namin.

 

"Anong mahirap na eksena Mk?" naguguluhan ko pa ring tanong.

 

"The sensetive scenes..." Sagot niya sabay kindat. Ano daw?

 

"Mk?" gulag kong tawag.

 

"What?!" balik tingin niyang sagot. "Do you think that scene is an easy one? Sanay ka ba sa ganong eksena?" tanong niya.

 

"H-hindi. Pero Mk kailangan ba talagang isanay ang eksena na yon?" takang tanong ko.

 

"For you, yes. Because you're new to this." sagot niya.

 

"Ikaw ba, ginawa mo yon?" balik kong tanong.

 

"Ang alin?"

 

"Ang magsanay ng maseselang eksena sa kasintahan mo?" wala sa loob kong tanong.

 

"Of course not! Bakit ko gagawin yon?!" taas boses na niyang sagot.

 

"Kaya nga, bakit po natin gagawin?" malumanay kong sagot.

 

"Fine! Kung ayaw mo di huwag! I'm not forcing you naman eh." padabog na niyang sagot sabay tayo hindi ko na naabot ang kamay niya sa bilis niyang paglalakad kaya patakbo ko siyang hinabol.

 

"Uy, Mk. Paumanhin na, bakit nagalit ka agad nagtatanong lang naman eh." Sabi ko ng maabutan ko siya. Hindi siya tumitingin sa akin at nakayuko pa rin. "O sige, magsanay na tayo kahit hindi ko alam paano tayo mag sasanay." pag alo ko na sa kanya. Dasal ko na sana pumayag na siya dahil sigurado pagsasarhan nanaman niya ako ng pinto, kahit sabihin pang may susi ako ay ayaw ko ding magkatampuhan kami.

 

"I won't force you, if you don't want Seul. Let's forget about it." Mahina niyang sagot at akto na siyang tatalikod, niyakap ko na lang siya saka bumulong.

 

"Sorry na, hindi ko sinasadya yong nasabi ko kanina. Siyempre hindi mo rin maiaalis sa akin na itanong yon dahil yon ang gusto mong gawin natin di ba?" malambing kong sabi pero hindi pa rin siya umimik. Hindi rin naman niya ako tinutulak mula sa pagkakayakap ko sa kanya kaya alam kong maayos pa rin siya. "Mk, nagulat lang talaga ako sa tinuran mo kaya sana huwag ka ng magalit." suyo kong muli. Naramdaman kong ang dahan dahan niyang pagyakap sa akin pabalik.

 

"It's ok Love, can we sleep now?" Aya na niya.

 

"Ayaw mo ng patapusin ang pinanonood natin?" Tanong ko at umiling lang siya.

 

"Ok Mk, mauna ka na at ioff ko lang saglit ang tv."

 

"Ok." tanging sagot niya pero ramdam ko pa rin ang tampo niya. Hay Seulgi taklesa ka rin talaga minsan eh noh sermon ko sa sarili ko.

 

Pagpasok ko ng kwarto ay nakahiga na si Irene at nakatalukbong ng unan. Sabi na nga eh, may tampo pa rin ang mahal ko. Hindi ako mapakali pero hindi ko alam kung paano siya susuyuin, paano kung bigla siyang magalit? Ilang araw pa lang ang nakakalipas nong huli siyang nagtampo, heto na naman. Bakit napaka maramdamin yata ni Irene ngayon, iling iling kong sabi sa isip ko habang dahan dahan akong lumapit at tumabi sa kanya. Masuyo kong hinaplos ang braso niya.

 

"Mk? Galit ka pa rin? Gusto mo magpractice tayo ngayon bago matulog? Kahit saglit lang?" Mahina at malambing kong sabi. Yon lang at nagulat ako sa bigla niyang pagbalikwas ng kama na halos ikahiga ko rin sa gulat.

 

"Sigurado ka ok lang sa'yo magpractice tayo, Love?" may ngiti at sigla na niyang sabi, gusto kong matawa pero pinigilan ko na lang.

 

"Oo kung gusto mo Mk." sagot kong nakangiti at lalong lumiwanag ang mukha niya.

 

"Hindi kita pinipilit ha?"

 

"Oo naman Mk, ako na ngang nangungulit, di ba?" pagsakay ko na lang sa kanya. Yon lang at bigla na niya akong niyakap kaya tuluyan na akong napahiga sa kama, siya sa ibabaw ko. Saka siya bumitaw at umangat lang para tingnan ako.

 

"Thank you love. Shall we start?" masigla niyang tanong. Hay mahal ko, pero mabuti na rin ito kesa magka giyera.

 

"Sige Mk." pag sang ayon ko at umayos na siya ng pwesto umangat lang ng konti at tinungkod ang siko sa kama at nakatitig na sa akin. Bigla namang kumabog ang dibdib ko. Naku Seulgi iwasan mo man, ikaw din naman ang nagpasimula nito, pagtatalo ng isip ko.

 

"What are you thinking Love?" pukaw niya sa pagiisip ko.

 

"Ah, wala naman Mk. Iniisip ko lang kung saan at paano tayo magsisimula?" sagot tanong ko.

 

"How about we start right now and in this position?"

 

"Ngayon na po?" ulit ko sa sinabi niya at napalunok ako.

 

"Why Love, you look so nervous." pansin niya sa akin. "Dapat you should act natural, alam mo yan kasi you made films na rin di ba, although this is your first y scene isn't it?" tanong niya at nangiti lang siya ng tumango ako. "Ok then, let's start the y scene." mahina niyang sabi saka lumapit sa akin at halos maglapat na ang aming mga labi. "What do you want to do first, the kissing scene or the bed scene." tanong niya, hindi agad ako nakaimik pero nagtaas na siya ng dalawang kilay na parang naghihintay ng isasagot ko.

 

"Ano ba Mk ang mas madali sa'yo?" wala sa loob kong tanong dahil titig na titig siya sa mga mata ko.

 

"Ok, we'll start with the bed scene then." bulong niya at nabigla ako.

 

"H-ha!? Yon ang madali sa'yo?" gulat kong tanong na bigla niyang ikinatawa at tuluyan nang humiwalay sa akin at napahiga sa kama. Ako naman ang napabaling sa kanya at umupo. 

 

"Bakit, Mk?" tanong ko lamang. Tiningnan niya lang ako at nahinto na sa pagtawa ngunit unti unting napalitan ng ngiti. Dahan dahan siyang bumangon at lumapit. Marahang inayos ang aking mga binti at masuyong umupo sa akin kaya muli nagkalapit ang aming katawan at mukha.

 

"Do you really want to practice these scenes Love?" tanong niya habang halos dumampi na ang ilong niya sa akin.

 

"Gusto mo di ba, Mk?" mahina kong sagot. Masuyong halik ang ginanti niya.

 

"I'm just kidding Love, hindi ko lang kasi ma imagine na mauuna ka pang magkaron ng bed scene kay Jisoo kesa sa akin." sagot niyang nakangiti habang haplos ang aking magkabilang pisngi.

 

"Mk, sa pelikula lang naman yon eh." paliwanag ko. "Gusto mo ba ikaw ang isipin ko habang gagawin ko ang eksenang yon?" biglang tanong ko.

 

"What?!" gulat niyang tanong sabay hiwalay niya sa akin. "He.ll no! Para ano? para bigay na bigay ka sa eksena? Subukan mo lang Kang at pag nakita kong kalalabasan ng eksenang yon at ng halikan niyo, you'll surely regret you took this project!" mataas na boses na niyang sabi.

 

"Pero sabi mo di ba Mk kailangan makatototohanan? Natural?" dahilan ko.

 

"Yes of course! I said that but that doesn't mean na you should be thinking that you're kissing me dahil baka madala ka ng sobra sa eksena." rason niya.

 

"At least Mk, take one lang di ba? Kasi kung maiilang kami baka maraming takes yon. Hindi ba mas mahirap yon?" paliwanag ko.

 

"Ewan ko sa'yo. Bahala ka sa buhay mo!" pabalang niyang sabi sabay bato ng unan sa akin at saka humiga ng pagalikod sa akin habang yakap yakap si Papi.

 

"Mk.."

 

"Don't touch me!" sigaw na niya. Ang labo naman oh, siya ang nagsabi ng magsanay kami ngayon siya naman ang galit.

 

"Akala ko ba mag sasanay tayo?" ulit ko.

 

"Magpractice ka mag isa mo!" balik niya.

 

"Wala naman akong katuwang?" tanong ko muli. Saka siya bumaling sa akin at ibinato si Papi.

 

"There! you can practice with it." may inis niyang sambit. Natatawa na lang ako ngunit mahirap ng mahalata niya. Marahan akong lumapit sa kanya.

 

"Mk, tama bang magalit ka? Sige hindi na. Wala ng practice at hindi ko na iisipin na ikaw ang kahalikan ko pag dating ng mga eksenang yon. Huwag ka lang mainis, Mk." suyo ko sa kanya, habang marahan ko siya ibaling paharap sa akin."Walang hihigit sa'yo Mk. Kahit pa isiping ikaw ang kaharap ko sa eksena sa bawat pelikula, walang makakahigit sa'yo kahit na sa isip lamang. Ganon kita kamahal, Mk." ngiti kong sabi habang haplos ang mukha niya.

 

"Is that true?"

 

"Oo naman, Mk. Hindi kita maaaring bolahin dahil hindi ko naman gawain yon at alam kong mahuhuli mo lang ako kung nambobola ako, hindi ba?"

 

Nangiti na siya ng tuluyan at nakahinga ako ng maluwag. Gumalaw na ako para makahiga ng maayos ng maramdaman ko ang mga bisig niya sa balikat ko at tuluyan na akong niyakap. Nakulong ako sa mga bisig niya.

 

"Promise me you'll never fall for your partner?" tanong niya pagkunwa.

 

"Oo naman Mk! Ano ka ba, wala ka ng kapalit sa puso ko." sagot ko at parang yon lang ang hinintay niya saka ako siniil ng halik. 

 

- - -

 

Irene

 

We're at Varnon's resto in a private room and having our dinner.

 

"Salamat sa inyo ha, lalo na sa'yo Irene. Mapapantag ng loob ko." Vernon lovingly said while smiling and glancing at her girlfriend who's sitting next to him.

 

"No worries, Vernon. Mabuti rin at nakapag usap kami ni Jisoo." I said and Jisoo smiled back.

 

"Mabuti na lang at kilala ni Vernon si Seulgi. Actually as I said may napili na rin ang staff but since they're open to suggestions ay naging smooth ang lahat." Jisoo said.

 

"Salamt din sa inyong dalawa, sana ay maging karapat dapat ako sa tiwalang ibinigay niyo pati na ng buong production." it's Seul

 

"So who's the director pala?" I inquired.

 

"Ah yes, I met him already with the producer. Si Direk Dom." - Jisoo

 

"He'a a great director." I said.

 

"Yup, sabi nga ni Sunmi talagang pini---"

 

"---Wait, sorry to interrupt Jisoo. Pero sinong Sunmi?" I asked, I felt my heart suddenly stopped.

 

"Kababayan nila Vernon at ni Seulgi. When Vernon told her about his suggestion of getting Seulgi into this project sabi niya huwag muna daw sabihin na siya ang producer kasi gusto daw niyang isurprise si Seulgi. She studied filmmaking abroad and into directing din pero gusto daw niyang matuto kay Direk D. She wants to produce this movie kaya naisip niyang iaalok sa akin..." I don't know what other things Jisoo is telling because I felt everything is slowly drifting away from me with just one solid reality that struck me at the moment. Sunmi is the producer, sinadya ba niya ito? Did she plan all this? I felt Seulgi's hand held mine.

 

"Mk, ayos ka lang ba?" she asked worriedly and I just nod.

 

"Actually she's also coming over pero malalate lang daw dahil may prior appointment siya." the last words I heard from Jisoo, I don't know how to react anymore when my phone suddenly rang. I thank whoever called me.

 

"Excused me guys, i will just take this call." I said and gestured to stand, thank you bestfriend, you're my life saver talaga."Hello B?" I answered.

 

"Oh hi Bestie! Glad my number is still in your phone book, kala ko nakalimutan mo na ako eh." she greeted with the usual sarcastic but sweet voice.

 

"Sorry B, just been busy this past weeks. But I'm glad you called." I said.

 

"Hey B, what's wrong? Bakit ganyan ang boses mo? Where are you?" as if she can sensed what i feel at the moment.

 

"Can i go there now and have a little chat? Where are you?" I asked.

 

"Just arrived earlier from taping Best, ok I'll wait for you here at my condo."

 

"Ok Best be there in a few. Thanks. Bye and see you." paalam ko as I walked back to our table. Buti na lang nakabalik na si Jennie dahil ang alam ko she's out of town.

 

"Ahm, sorry guys. I need to go. May biglaang appointment lang. I can't stay long." I reasoned. I don't know but I can't stand to be with Sunmi in the same table again. I really don't like her. Hindi ko alam kung selos or insecure ako but still I don't want to see her much less talk to her.

 

"Mk, uwi na tayo?" Seul lovingly asked. I know she felt my uneasiness from the look of concern in her eyes.

 

"No love, you can stay. I'll just take a cab and---"

 

"Hindi, kasama kitang dumating kaya magkasama din tayong aalis." she said firmly and I saw Vernon's and Jisoo's questioning look. "Paumanhin Jisoo, Vernon pero kailangan na naming umalis . salamat sa masarap na hapunan ha. Pag usapan na lang natin muli sa ibang araw ang tungkol sa project na yon." Seulgi said smiling.

 

"Sige Seulgi, ayos lang." Vernon said.

 

"Yes, Seulgi no worries. Girlfriend duty should be prioritized." Jisoo said smiling and turned to me and winked.

 

"Sorry talaga guys ha. And thank you for the dinner." I said apologetically.

 

"Wala yon, Irene Marami pang pagkakataon." - Vernon

 

"Yup, marami pa tayong group dates to come." - Jisoo

 

They both got up to bid us goodbye and we're about to turn around and leave when we heard the familiar voice.

 

"Leaving so soon or am I just too late?"

 

Just as I thought. Sunmi. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
Ito na ang dessert!

Tapos na siya!!! Thank you for reading this story, I hope I made you guys satisfy. kahit parang minadali na siya HAHAHAHAHA

BTW SEE YOU ON MY NEXT STORY "HER PROXY BRIDE" BASAHIN NIYO RIN!

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1017 streak #1
Chapter 13: Jahahaha ang cute naman 😆
Mmjose #2
Chapter 33: Rastro?
Pristinemoon
25 streak #3
Chapter 24: Hello po otor, kamusta po. Tanong ko lang po kung kelan niyo po ibabalik yung chap 17 hehe. Thank you!
Adm_06 #4
Chapter 17: deleted ponba chapter 17?
Sanatozaki9
#5
Chapter 22: ako lang ba naf-frustrate sa ugali ni irene? 😩 sorry pero annoying lang kasi sa akin na mabilis magalit or magtampo i think perfect talaga si seulgi sa kaniya kasi understanding :)
yoonhyunseo
#6
SeulRene nalang talaga nagpapakilig sakin. Kahit for the nth time naghost nanaman ako. hahahahahhahaha
baeddeulgi_
#7
Chapter 32: Thank you sa story na 'to, Author 🧡 Ang ganda ng pagkakasulat hehe and ok 'yung pacing. Ka-enjoy din bawat ganaps. Evident kung paano nagprogress 'yung relationship nila and 'yung growth nila as individual. Irene being the pasaway before na unti-unting mas naging understanding and patient then si Seulgi na medyo dense tapos naging more caring, thoughtful, and aware sa feelings ni Irene. Maganda rin kasi talagang focused lang halos sa kanilang dalawa 'yung story and wala ng other chenes haha. Satisfied reader here! emz
baeddeulgi_
#8
Chapter 31: Wow nagkadiligan na rin sa wakas haha ang cute
baeddeulgi_
#9
Chapter 30: GRABE KILIG TALAGAAAAAA 🥺 ang pure masyado ng relationship nila huhu
baeddeulgi_
#10
Chapter 29: grabe talaga kirot kapag biglang nagseselos/ nag-overthink din si Seulgi 😭