Chapter 20

30 Days with you

Irene

 

I woke up without Seul by my side, I don't know what hit me but I'm pissed. I know she's used to waking up early in the morning while I'm not specially if there is no schedule early on that day.

 

I did my morning ritual then proceeded to go down. Just then I heard laughing and conversations downstairs. Naiinis ako gusto kong bumalik ng kwarto pero nakita ako ni Manang.

 

"O gising ka na pala Hija, kain na, kanina ka pa nila hinihintay." aya ni Manang sa akin pero I just smiled at her but looked serious again when I headed to the dining where I can still hear laughters from my family, especially Dad. Nang malapit na ako ay napansin agad ako ni Suzy.

 

"Speaking of the angel, good morning Li'l Sis." she said but I saw her frowned when she saw my reaction." Hindi ata maganda gising mo?" tanong niya and I saw Seul turned around to see me, she's all smile.

 

"Are you guys eating without, me?" mataray kong tanong. "Why didn't you wake me up, Seul?" baling ko kay Seulgi sa seryosong boses at tingin at kita ang biglang pagbago ng mukha niya.

 

"Ahm, kasi Mk, masarap ang tulog mo. Tsaka wala ka naman daw appointment ng maaga kaya hindi na kita ginising." paliwanag niya na parang sinusukat ang mood ko. Napansin kong magsasalita na si Daddy pero inunahan ko na siya.

 

"You can finish your breakfast now, I'll just eat later." sabi ko sabay talikod.

 

"Hey!" rinig kong habol na tawag ni Mommy.

 

"Sweetie!" Sigaw ni Daddy pero wala ako sa mood na bumalik.

 

- - -

 

Seulgi

 

Ang aga namang sumpungin ng Mahal ko. Bigla siyang tumalikod sa amin at hindi man lang pinansin ang tawag ng mga magulang niya.

 

"S-sundan ko lang po siya, Mommy Clara." paalam ko sa kanila at magalang na tumayo. Naabutan ko si Irene malapit na sa hagdan.

 

"Mk, bakit ang aga ata ng sumpong mo?" Tawag at sabi ko kay Irene ng maabutan ko, nakaisang hakbang na siya sa hagdan ng mahagip ko ang kanyang kamay pero hindi siya bumaba.

 

"You're supposed to wake me up." Sabi niyang nakatungo na at pansin ko ang parang batang mukha niya. Heto nanaman po kami.

 

"Sorry na, Mk. Gusto ko lang mapahaba ang tulog mo." Paliwanag ko habang hawak ko na ang dalawang kamay niya pero hindi pa rin tumitingin sa akin.

 

"Then you're supposed to be lying next to me still kahit gising ka na." Sabi niya ulit pero hindi pa rin tumitingin sa akin.

 

"Ok sorry Mk, sige sa susunod yon ang gagawin ko." Pag alo ko na sa kanya.

 

"Kahit naman iwanan mo ako, ok lang basta alam ko at gisingin mo ako bago ka lumabas ng kuwarto." Mahina niyang sabi.

 

"Sige, sige." Tango kong sagot at halik sa mga kamay niya.

 

"Is that how you kiss me in the morning?" Tanong niya sa ginawa ko.

 

"Ha?" Takang tanong ko.

 

"Bakit iba na ang kiss mo sa bahay namin at kiss mo sa bahay niyo?" Tanong niya ulit. Ano daw? Saka ko naalala kung paanong halik ang ginawa kong pang gising sa kanya nong nasa bahay namin siya. Gusto kong matawa pero baka mas lalong magwala ang Mk ko kaya nag pigil na lang ako. Bagkus ay marahan kong binitawan ang kamay niya at hinawakan ang magkabilang mukha niya saka ko siya masuyong hinalikan at kita ang pagbabago sa kanyang mukha matapos ang masuyong halik.

 

"Good morning, Mk." Ngiti kong sabi. "Kain na tayo?" Alok ko sa kanya.

 

"Akala ko nag breakfast ka na?" May ngiti na niyang tanong. Hay ang Mk ko talaga. Halik lang pala ang gusto eh, na gimbal pa ang buong bahay sa sumpong niya. 

 

"Sumabay lang ako sa kanila habang nagkakape ako, pero hinihintay talaga kitang magising para sabay tayong mag almusal, Mk." paliwanag ko at matamis siyang ngumiti.

 

"Really?" Masaya niyang tanong at tumango lang ako. Saka niya hinawakan ang kamay ko at hila na niya akong papuntang hapag kainan. "then let's eat na." Masigla niyang sabi saka kami naglakad.

 

"What's for breakfast?" Bungad ni Irene ng makarating na kami sa kainan habang hinalikan ang mga magulang. Kita ang gulat sa mga mata ng Daddy ni Irene pero si Mommy Clara at si Suzy ay nakangiti na napapailing na lang.

 

"Wow! What did you do, Seulgi that suddenly changed her mood?" Tanong ni Daddy Gareth, bigla kong naramdaman ang pag init ng pisngi ko.

 

"She just remembered what she has to do every morning and you don't have to know what it is, Dad." sagot ni Irene sa ama sabay kindat at napailing lang si Daddy Gareth.

 

"Ok, then let me thank Seulgi here for pacifying the terror in you." sabay tawa ng malakas ni Daddy Gareth.

 

"Are you talking about me earlier?" tanong ni Irene habang naglalagay ng pagkain sa plato ko na nakangiti na.

 

"Tama na Mk. Salamat." pagawat ko sa kanya.

 

"We're talking about Irene Bae, the celebrity, sweetie and not the Irene in the house." natawa ulit si Daddy Gareth.

 

"What about her?" balik tanong ni Irene habang humihiwa ng bacon at egg sa plato ko.

 

"Ako na Mk, salamat." mahina kong sabi at nginitian niya ako saka bumaling sa plato niya at kumuha ng tinapay at itlog.

 

"Well, what if the whole show business finds out that she's deeply, madly in love with a girl?" tanong ng Daddy niya.

 

"So?" taas kilay na tanong ni Irene sabay salin ng juice sa baso ko. "You already had your coffee, di ba?" bulong niya sa akin at tumango ako. "Mag juice ka na,ok?" at tumango lang ako muli.

 

"Salamat." mahina kong sagot, parang balewala lang sa kanya ang usapan at nakatuon ang sarili niya sa pag silbi sa akin.

 

"What do you mean, so?" tanong ng Daddy niya.

 

"Dad, for sure they're gonna freak out for days, weeks, months, or even year. But that issue would soon die down like all other issues." sagot lang ni Irene sabay baling sa akin at bulong. "What else do you want, Love?"

 

"W-wala na Mk, kain ka na." tugon ko, nahihiya na ako dahil sa mga ngiting tingin sa akin ng pamilya niya.

 

"You know what, Seulgi? She never served us in our meals unless she wants something." pansin sa amin ng Daddy ni Irene at nagtawanan na silang tatlo.

 

"Dad! she's my girlfriend." tanggol ni Irene sa ginagawa niya sa akin.

 

"And I'm your Dad." sagot pabalik ng ama niya.

 

"And I love you." balik ni Irene at natawa na lang ang daddy niya tanda ng pagsuko.

 

- - -

 

"Hello Mk?" sagot ko sa tawag ni Irene. Nasa studio kami ngayon ng mga katropa ko sa banda at pinag uusapan namin ang balak naming paggawa ng album at mga gigs na pupuntahan.

 

"Hello, Love? Dka pa uuwi?" tanong ni I sa kabilang linya.

 

"Ah hindi pa Mk, eh. Mamaya pa siguro kasi nagsisimula pa lang ang meeting namin." sagot ko. "Nasa taping ka pa?" tanong ko pabalik. 

 

"Ah, napack up ang taping kasi may hindi nakarating, ishoot lang nila mga ibang scenes pero hindi na ako kasama kaya pauwi na kami ni Ms. Shin" sagot niya.

 

"Diretso ka na ng condo?" tanong ko muli.

 

"Oo Love... Ahm, pwede ba akong pumunta ng condo mo, mag aayos ako don't worry may mga kasama ako galing sa bahay, tinawagan ko na sila."

 

"Ok lang Mk. Basta huwag kang magpapagod."

 

"Anong oras ka uuwi?" muli niyang tanong.

 

"Hindi ko pa alam, Mk. Dipende kung anong oras matatapos ang meeting namin." sagot ko, matagal na katahimikan bago ulit siya nagsalita.

 

"Ok..." yon lang ang sagot niya "See you later, then. Bye Love."

 

"Sige Mk, kita na lang tayo mamya. Bye." paalam ko na rin sa kanya, pero bago pa naputol ang linya ay narinig ko ang malalim niyang hininga.

 

"Si girlfriend?" tanong ni Wendy pagbaba ko ng cellphone.

 

"Oo, pauwi na raw. Pack up ang shooting nila." Sagot ko, nasabi ko na rin sa kanila na kay Irene ako umuuwi at magkatabi lang ang unit naming dalawa.

 

"Hinahanap ka?" si Joy naman.

 

"Tinanong lang kung nasaan ako at anong oras uuwi." sagot kong nakangiti at nakita ko ang mga tingin nila sa akin.

 

"Gusto mo ng umuwi?" si Kyungsoo na nakangiti rin.

 

"Ah, hindi. Ayos lang, hindi pa tayo tapos sa meeting natin. Mag aayos din naman siya sa unit ko at may mga kasama naman siya." sagot ko.

 

"Are you sure, S?" tanong ni Jessica, na tumatayong Manager ng banda namin."We can discuss naman in the next days. We don't have to rush at ayaw ka naming biglain. Kararating mo lang dito sa Manila."

 

Sasagot na sana ako ng tumunog ang phone ko.

 

; Will you come home for dinner, Love? I asked Manang to cook something for us.

 

: Hindi ko pa sigurado, Mk. Pero magsasabi ako kung makakauwi ako ng maaga. May kasama ka namang maghahapunan di ba?

 

Sagot ko dahil alam kong pupunta naman doon si Manang.

 

; But it's our first dinner together in my condo?

 

Sagot niya at napatingin ako sa mga kasama ko na nakatingin na rin sa akin.

 

"Sensya na ha, Jess pero ok lang naumpisahan na natin eh, sige lang naririnig ko naman kayo." sabi kong nahihiya pa tungkol sa pinag uusapan namin.

 

"Go ahead, S. No worries." sabi ni Sungjae.

 

: Sige Mk, magpapaalam ako ng maaga dito.

 

; Yehey! Thanks Love. See you. You still have 5 hours before dinner, so that would be a lot of time to discuss things. Don't you think?

 

Mensahe niya saka ako napatingin sa relo, alas dos na ng hapon. Inorasan na talaga ako, dapat alas 7 ng gabi nasa condo na ako. Naman Irene. 

 

"Something wrong, may lakad ka?" alalang tanong ni Joy.

 

"O-ok lang, Joy wala naman." sagot ko saka sumagot kay Irene.

 

: Oo sige, Mk. Mamaya na ulit kasi nagmemeeting kami. Ok?

 

; Am I disturbing you? Sorry.

 

Balik niya. Oo sana ang isasagot ko baka singhalan ako kaya hindi na lang.

 

: Hind naman, Mk. Mabuti nang matapos namin agad ang pinaguusapan namin para makauwi ako bago maghapunan kasi mukhang traffic pa eh.

 

; Ok, see you. Love you. Bye.

 

Sagot niya at napangiti ako at ibinaba ko na ang phone at nakinig na muli sa mga usapan. Pero wala pang limang minuto ay tumunog muli ang cellphone ko.

 

; Where's my I love you back?

 

Ano daw? Saka ko naalala yong huling mensahe niya. Oo pala nag I love you siya.

 

: Paumanhin Mahal kong Binibining Irene. Mahal din kita. Bye, see you later.

 

Sagot ko at muling ibinaba ang phone ko. Nakangiting ngiti lang ang nakita ko muli sa mga mata ng katropa ko, saka nagpatuloy na ang meeting. Makalipas ang mahigit isang oras ay may mensahe muli sa Mahal ko.

 

; How's the meeting going, Love?

 

: Maayos naman, Mahal ko, pero marami pang paguusapan.

 

; Can you make it on our dinner?

 

: Oo naman, Mk. Darating ako.

 

; Ok, see you later. Love you, bye.

 

: Ok Mk, I love you, too.

 

Dalawang oras bago ang palugit ni Kumander ay tumunog muli ako cellphone ko.

 

; Is the meeting over yet, Love?

 

Napatingin ako sa relo ko, saka ako tumingin pabalik sa mga kasama ko at napakamot ng kilay.

 

"Si girlfriend?" tanong ni Joy. "Namimiss ka na niya."

 

"Gusto daw niya magdinner kasama ako mamaya eh, pwede bang mauna ako mamaya mga tsong?" nahihiya kong pakiusap at bigla silang nagtawanan.

 

"Ano ka ba S, para kang nagpapaalam dahil hinihintay ka na ng kumander mo." tawang komento ni Wendy, kung maka Kumander din tong Wendy na to. "Oo naman, kanina ka pa nga namin tinatanong kung gusto mo ng umuwi di ba?"

 

"Nasa condo lang kasi si Irene, kaya nangungulit." sabi kong nahihiya.

 

"Ano ka ba, S. We're happy to see you being busy with your phone. Dati kasi panay ang tingin mo sa cellphone mo, expecting a call or message pero wala. Ngayon may nangungulit na sa'yo." si Joy.

 

"We have to take these notes and prepare everything next week para sa mga songs. As you said S, may mga nagawa ka ng kanta." sabi ni Wendy.

 

"Salamat Wendy, at sa inyong lahat sa pagtanggap muli sa akin." pasasalamat kong sabi.

 

"No worries, S. Ikaw pa. Yong schedules pala ng gigs niyo at mga practice ay email ko sa'yo. Then we will meet again tomorrow kung ok sa'yo. Or should I say, ok sa girlfriend mo." sabi ni Jessica at nagtawanan ang iba. Namumula na ako sa hiya. 

 

Sasagot na sana ako ng tumunog ang phone ko. Si Irene. Naman.

 

"Go ahead, S. Sagutin mo ng girlfriend mo baka magalit yan sige ka." pabirong sabi ni Jessica. "We love seeing you blushed once in a while."

 

Magalang akong nagpaalam at sinagot ang tawag.

 

"Hello, Mk. Napatawag ka?" sagot ko sa mahinang boses.

 

"Is your meeting over? Uwi ka na?" parang bata niyang tanong.

 

"Malapit na Mk." sagot ko.

 

"Ok nag-aalala lang kasi ako, you didn't reply to my message."

 

"Sorry Mk ha, kasi andito pa ako at patapos na rin pinag uusapan namin. Kita na lang tayo maya maya." masuyo kong sabi.

 

"Ok see you, Love, just message me when you're about to leave ha?" sagot niyang tanong.

 

"Oo Mk, text kita pag paalis na ako." paalam ko na. Pagbalik ko sa mesa ay mahinang tawa at bulungan ang sumalubong sa akin.

 

"Anong sabi ni Kumander?" tanong ni Jessica, natawa ako sa loob loob ko. Natumbok niya rin yon ah, Kumander. Mga to, talaga.

 

"Ah... nagtatanong lang." tipid kong sagot sabay kamot sa batok ko.

 

"That's alright S, hindi ka nag iisang may girlfriend na magaling bumakod pag wala ka sa tabi niya." sagot ni Kyungsoo sabay tingin kay Wendy.

 

"Anong ibig mong sabihin?" tanong naman ng isa.

 

"Wala naman Babe. May sinasabi ba ako?" sagot naman ni Kyungsoo at sabay tawa.

 

- - -

 

Pagdating ko ng condo ay sinalubong ako ni Irene, mula pagalis sa mga tropa ko ay panay ang tanong niya kung nasaan ako. Ngayon ko lang siya napansin na ganito. Hindi ko na lang masyadong pinansin at inisip ko na lang na walang magawa si Irene kaya ako kinukulit niya.

 

"Hi Love, how's the meeting?" ngiti niyang tanong habang yumakap sa akin at halik.

 

"Maayos naman. i-email daw sa akin ang mga schedule namin ng practice at mga gigs." pagkunwa kong sabi.

 

"Can I see your schedules, too?" lambing niya.

 

"Oo naman, Mk. Bibigyan kita ng kopya."

 

"Do you want to see your unit? Inayos ko na ang room mo while Manang and Tisay worked in your whole condo." Masaya niyang sabi.

 

"Nakakahiya naman sa inyo, Mk." mahina kong sabi at napansin ko ang pagpasok ni Manang at Tisay.

 

"Magandang gabi, Seulgi." ngiti niyang bati at nakita kong tumango ang kasama niya.

 

"Magandang gabi sa inyo, Manang. Salamat po sa pag ayos at linis ng unit ko. Nakakahiya naman po." sabi ko.

 

"Naku. wala yon, Seulgi. Maayos naman at malinis eh. Naninigurado lang si Irene kaya pinapunta kami dito. Nakaluto na ako halika at maghapunan na tayo." sabi niya at naramdaman ko ang kamay ni Irene na pumulupot sa braso ko.

 

"Let's go, Love." ngiti niyang sabi.

 

- - -

 

"What can you say?" tanong ni Irene pagapasok namin ng kwarto ko. Maayos na ang kwarto ko. 

 

"Salamat, Mk. Para naman akong nasa isang magarang hotel." pansin ko at nakita ko siyang mahinang tumawa.

 

"Ano ka ba, Love. Napaka simple nga lang niyan." balik niya. "Come." sabay hila niya sa akin papuntang walk in closet. Binuksan niya sabay lahad ng mga kamay. "Tada! The right side are yours and the left side mine." masayang sabi niya.

 

"Nilagay mo mga damit mo diyan, Mk?" tanong kong may pagtataka.

 

"Why, you don't want too?" tanong niya, Patay. Paano ba to pag nakita to ni Nanay katakot takot na sermon makukuha ko. Sasagot na sana ako ng biglang nag ring ang cellphone ko. Si Nanay. "Saglit Mk, sagutin ko lang si Nanay." paalam ko pero hindi siya umimik.

 

"Hello po, Nay." sagot ko habang tumalikod ako kay Irene.

 

"Anak, kamusta ka na diyan? Maayos na ba ang tutuluyan mo?"

 

"Opo, Nay. Maayos naman po ako. Si Irene po at mga kasama niya sa bahay nila ang nag ayos ng tinutuluyan ko, kahit maayos naman na po." May ngiti kong sabi.

 

"Anak, alam ko kung gaano niyo kamahal ni Irene ang isa't isa. Pero huwag mong pagsamantalahan ang damdamin niya sa'yo ha." bilin ni Nanay. "Para ano pang kumuha ka ng sarili mong condo kung magsasama rin lang kayo."

 

"Opo, Nay. Huwag po kayong magaalala. Hindi ko po kalilimutan ang bilin niyo ni Tatay."

 

"O sige magpahinga ka na Anak. Alam kong pagod ka, ikamusta mo na lang kami kay Irene." paalam ni Nanay.

 

"Sige po, Nay. Sabihin ko po sa kanya. Ingat po kayo diyan. Mahal ko po kayo." paalam ko na rin. Pabalik na ako ng kwarto ko ng makita ko si Manang na may dala dalang damit galing sa kwarto ko.

 

"Manang, kaninong damit po yan? Saan niyo dadalhin?"

 

"Ah kay Irene ang mga ito, Seulgi. Pinapakuha niya sa silid mo at painababalik sa kabila." sagot ni Manang.

 

"Ho?!" tanging nasabi ko. "Nasa loob po ba si Irene?" tanong ko.

 

"Nasa kwarto na niya, bigla atang sumama ang timpla dahil nakahiga na siya. Kung magpapahinga ka na ay bukas na namin kukunin ang iba, doon na kami sa kabilang silid sa condo ni Irene matutulog." nakangiting sabi ng matanda.

 

"Manang, sama muna po ako sa inyo. Kausapin ko lang po saglit si Irene." sabi ko pero nahinto si Manang sa paglalakad.

 

"Naku, Seulgi baka hindi mo na siya mapapasok sa silid niya dahil ipinalock niya bago ko hinila pasara ang pinto niya at siya lang may hawak ng susi ng kwarto niya."

 

"Wala kayong susi? Kung kakatok po kaya ako ay pagbubuksan niya ako?" tanong kong may pagaalala.

 

"Tawagan mo si Suzy, sigurado may susi yon dahil alam niya ang ugali ng kapatid niya." sabi ni Manang na nakangiti na parang alam na niya ang nangyayari.

 

"Nakakahiya naman po, at gabi na." pagaalangan kong sabi.

 

"Gising pa yon wala pa namang alas diyes. Subukan mo lang." may ngiting sabi ni Manang.

 

"Sige po." nasabi ko lang sabay kuha ng cellphone at dinial ko.

 

"Hello, Seulgi? Napatawag ka?" sagot ni Suzy. 

 

"Hello Ate Suzy... Ah... kasi... ano... may itatanong sana ako... kasi si Irene nasa kwarto niya... Ah. kung may--"

 

"Kung may susi ako sa kwarto ni Irene? Bakit naglock na naman siya ng kwarto niya?" tanong niya at hindi ako nakasagot agad. "Nag away ba kayo?"

 

"Nagtampo ata, Ate Suzy."

 

"Alam mo sa'yo lang siya naging ganyan. Matampuhin at sensitive. Pabebe lang ang peg." natatawa niyang sabi. "Punta ka sa may living room sa may picture niya na nakahang sa wall, lift it up at andon ang susi sa likod naka tape. Alam mo magaling ding maghanap yan eh. Kaya hindi ko nilalagay sa bag ko ang susi niya dahil pag nakita niya itatago niya talaga. Haha, ako pa." Natatawang sabi ni Suzy. "That's good, you have to settle things before the day ends. Ok good luck and take care Seulgi, thank you for being patient to my Li'l sis."

 

"Wala po yon, Ate Suzy. Mahal ko eh. Tsaka may atraso din kasi ako." sabi ko. "Sige po, ingat din kayo. Goodnight." paalam ko na.

 

- - -

 

Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong bumalikwas sa kama si Irene.

 

"How did you get in?" mataray niyang tanong. Naku patay na. Umayos ka Seulgi baka tumilapon ka palabas ng kwarto pag mali ang sagot mo.

 

"M-may susi." utal kong sabi sabay taas ng kamay ko at pakita ng susi.

 

"Where did you get that?" tanong niya muli s seryosong mukha.

 

"S-si Ate Suz---"

 

"Andito siya?"

 

"Ah--wala. Sinabi niya lang kung saan nakalagay." sagot ko.

 

"Where?" tanong niyang nakaupo at halukipkip pa rin ang mga braso.

 

"Mk..." sabi ko at mabilis akong lumapit at tumabi sa kanya. "Bakit nagkukulong ka na naman dito, anong kinagagalit mo? Bakit kinuha mo mga damit mo sa unit ko?" tanong ko na bigla para mawala na ang isip niya sa susi.

 

"Ayaw mo di ba? Kaya pinaalis ko na." sagot niyang hindi ako tinitingnan. Masuyo ko siyang hinahawakan sa pisngi.

 

"Mk, hindi sa ayaw ko. Alam mo ba pag nakita yon ni Nanay, araw araw akong makakatanggap ng sermom galing sa kanya. Kahit na babae ako ayaw niya ng ganon kahit wala naman tayong ginagawa. Tradisyonal pa rin ang utak nila ni Tatay at nirerespeto naming magkakapatid yon." malambing kong paliwanag saka napansin kong lumipat na sa akin ang mga tingin niya. "Ganito na lang, yong mga damit ko na lang ang dalhin ko dito, ayos lang ba?" tanong ko at nakit ko na siyang ngumiti at sabay yakap sa akin.

 

"Yes, Love." bulong niya. "Sorry and I love you."

 

"Mahal din kita Mk, sige na magbibihis muna ako ha." marahan kong hiwalay sa kanya at tumango lang siya. Nang makita niya akong palakad palabas ay nagsalita siya.

 

"Where are you going?"

 

"Sa kabila, magbibihis lang ako, Mk."

 

"You can change here."

 

"Nasa kabila ang damit ko Mk." sagot ko at umiling siya.

 

"You already have clothes there." sagot niya sabay turo sa walk in closet. Gulat ako. "The right side is yours. You have toothbrush and personal things too. Go now, make it quick hintayin ka namin." sagot niya.

 

"Namin?" takang tanong ko.

 

"Yup, kami ni Papi." sabay kuha niya ng unan na si Papi at niyakap saka humiga. Wala na akong nasabi.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
Ito na ang dessert!

Tapos na siya!!! Thank you for reading this story, I hope I made you guys satisfy. kahit parang minadali na siya HAHAHAHAHA

BTW SEE YOU ON MY NEXT STORY "HER PROXY BRIDE" BASAHIN NIYO RIN!

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
0 points #1
Just discovered this story!! Aaaa thank you po sa pagsusulat at nakahanap rin ako ng isa pang tagalog Seulrene fic. Will start reading now 🤍
_rtempest
1022 streak #2
Chapter 13: Jahahaha ang cute naman 😆
Mmjose #3
Chapter 33: Rastro?
Pristinemoon
30 streak #4
Chapter 24: Hello po otor, kamusta po. Tanong ko lang po kung kelan niyo po ibabalik yung chap 17 hehe. Thank you!
Adm_06 #5
Chapter 17: deleted ponba chapter 17?
Sanatozaki9
#6
Chapter 22: ako lang ba naf-frustrate sa ugali ni irene? 😩 sorry pero annoying lang kasi sa akin na mabilis magalit or magtampo i think perfect talaga si seulgi sa kaniya kasi understanding :)
yoonhyunseo
#7
SeulRene nalang talaga nagpapakilig sakin. Kahit for the nth time naghost nanaman ako. hahahahahhahaha
baeddeulgi_
#8
Chapter 32: Thank you sa story na 'to, Author 🧡 Ang ganda ng pagkakasulat hehe and ok 'yung pacing. Ka-enjoy din bawat ganaps. Evident kung paano nagprogress 'yung relationship nila and 'yung growth nila as individual. Irene being the pasaway before na unti-unting mas naging understanding and patient then si Seulgi na medyo dense tapos naging more caring, thoughtful, and aware sa feelings ni Irene. Maganda rin kasi talagang focused lang halos sa kanilang dalawa 'yung story and wala ng other chenes haha. Satisfied reader here! emz
baeddeulgi_
#9
Chapter 31: Wow nagkadiligan na rin sa wakas haha ang cute
baeddeulgi_
#10
Chapter 30: GRABE KILIG TALAGAAAAAA 🥺 ang pure masyado ng relationship nila huhu