Chapter 7

30 Days with you

Seulgi

 

Natagalan ako bago bumalik sa kuwarto ni Irene, 'sang katirbang hingang malalim ang baon ko para mapaglabanan ang tukso na nakahain sa akin. Pambihira naman kasi bakit pa ako pumayag na matulog sa kuwarto niya. Hindi bale bukas ay malaya na ako. Hindi na siguro kami ganon kadalas mag usap at magkita dahil tapos na ang usapan namin na ako ang pasimuno.

 

Pagtapat ko sa pintuan ng kuwarto niya ay kumatok ako. Saglit pala bigla akong natigilan, isang kama lang ang nakuha niyang kuwarto, parang yon ang napansin ko kanina, tama nga pang isahan lang. Patay, paano yan saan ako matutulog alangan namang tabi kami. Napasubo na talaga. Nagulat na lang ako ng may bumukas ng pinto at pakiramdam ko ang lahat ng inipon kong lakas ng loob at biglang naglaho at napunta lahat sa tuhod ko. Nanlalambot ako, gusto ko ng umatras. Bumungad sa harap ko si Irene na nakalugay ang buhok pero suot ang maluwang na puting tshirt at napakaiksing cotton shorts. Hindi ko alam kung napansin niya pero napalunok talaga ako. Napakasimple niya pero napaka lakas ng dating kahit nakapantulog lamang.

 

"Didn't you hear me saying come in? You seem to be in deep thought." gising niya sa diwa ko.

 

"S-sorry, hindi kita narinig." hinging paumanhin ko.

 

"Akala ko nagdadalawang isip ka lang na pumasok kaya ng kumatok ka at sabi kong pasok ay walang sagot, yon pala natulala ka na sa labas. Why?" tanong niya at napansin ko nga queen size ang kama at nag iisa. Napako ang tingin ko doon at nahuli niya ako.

 

"Do you still want to sleep here?" pukaw niya "Are you uncomfortable sleeping with me in one bed?"

 

"H-hindi lang ako sanay." sagot ko.

 

"I see, don't worry I don't bite and be sure you're your panda won't bite, too." biro niyang sabi na nakatingin sa tshirt ko na may design na ulo ng panda na pinartneran ko ng checkered na pajama. "Nice sleeping wear, I'm not used in wearing shirt and shorts to sleep but since you're here I was forced to wear a little clothing baka kasi matakot kita at mapuyat ka." makahulugan niyang biro at pakiramdam ko nag init nanaman ang mukha ko. "I really find you cute when you're turning red like tomato." pahabol niya pa. Tukso talaga tong babaeng to. Hindi na lang ako nagsalita.

 

"Let's get to bed, it's getting really late na." aya niya sa akin at humiga na siya sa kama. "Don't worry may boundary tayo eto oh, para you won't feel uncomfortable kahit hindi ako sanay na may unang pagitan." sagot niya sabay lagay ng malaking unan sa gitna at humiga na. "Come lie down, baby." biro niya pa saka nakakalukong ngumiti. "Don't worry, hindi ako malikot matulog, I just love to cuddle." pilya pa niyang ngiti at mas lalong hindi ako makagalaw sa kintatayuan ko. "Nakatayo rin bang natutulog si Shadow?" biglang tanong nanaman niya.

 

"Bakit mo natanong?" kumusot ang ilong niya at kahit ganon ang kanyang ginawa bagay sa mukha niya. Alam ko ayaw niya ng sagot ko dahil tanong din. "Kasi nakatayo ka lang diyan, nahawa ka na ata sa kabayo mo. Ayaw mong gumalaw." at kita ang mapuputi niyang ngipin dahil sa pagtawa niya. Gusto kong mainis sa pangaasar niya pero hindi ko magawa. Anumang gawin niya o sabihin, natutuwa akong masaya siya kahit may lungkot ang mga mata. Buhay ng artista gaano man kasakit ang nararamdaman pag humarap sa kamera iwinawaksi ang tunay na damdamin. Tulad ni Irene, kahit masaya siya nakikita ang lungkot sa mga mata niya. "So nakatayo ka talagang matutulog?" gising niya muli sa diwa ko. Ngumiti lang ako at naglakad na palapit ng kama.

 

"Ayos lang ba talaga sa'yo na matulog ako dito? pwede namang pagkatapos nating magusap ay lilipat ako sa kwarto namin." sabi kong may halong hiya, pero tiningnan niya lang ako.

 

"I'm not forcing you to sleep here Seul." may himig tampo na sabi niya.

 

"Hindi ko lang kasi maisip na ang isang sikat na katulad mo ay makikipag kaibigan sa isang katulad ko." sagot ko lang. 

 

"Ouch. Ganyan ba ang tingin mo sa akin?"

 

"Hindi naman sa ganon."

 

"You can leave if you want." deretsa niyang sagot at humiga na siya sabay yakap sa unan.

 

"Gusto ko lang malaman ang desisyon mo, ngayon ang ika 30 araw di ba?" mahina kong tanong pero hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

 

"Hindi pa ba obvious, Seul. Andito na ako at wala sa tulay." sagot niyang hindi nagmumulat ng mata.

 

- - -

 

Irene

 

Tulugan ko na nga lang to, bahala siya pag umalis siya. Pero ilang saglit pa ay naramdaman ko na lang siyang nagsalita sa tapat ko. Nakahiga na rin siya sa kama pero hindi pa rin ako nagmululat ng mata, sh.it parang bumilis pintig ng puso ko.

 

"Mabuti naman kung ganon, ngayon makakahinga na rin ako mg maluwag." mahina niyang bulong.

 

"Does that mean our friendship ends here, too?" tanong ko sa kanya, takot akong magmulat baka nakatingin siya sa akin.

 

"Tapos na rin naman ang usapan natin di ba?" at bigla akong napamulat and I saw her lying flat on her back and staring at the ceiling.

 

"You don't want me to be your friend?" I asked never leaving my eyes on her. I wanted her to look at me but she just kept her eyes on the ceiling.

 

"Gusto mo ba akong maging kaibigan, Irene?" mahina niyang tanong.

 

"What's wrong if I want to?" pero hindi na siya umimik. "What are you afraid of Seul?"

 

"Matulog na tayo." yon lang ang sagot niya saka pumikit.

 

"Do you always do that?" tanong ko habang pinagmamasdan ko siya, I'm trying to memorize her face in a side view, her closed eyes, pointed nose, perfect eye brows and her kissable lips. Kissable talaga Irene?

 

"Ang alin?" tanong niyang nakapikit pa rin.

 

"Ang iwasan ang tanong pag hindi mo masagot." titig ko pa ring sabi sa kanya and suddenly she opened her eyes and moved sideways to face me.

 

"Kung sasagutin ko ba lahat ng tanong mo, sasagutin mo rin ba lahat ng itatanong ko?" balik niya sa akin and I saw her eyes so closed to me. I felt captivated, I can't speak, I couldn't even breath. I'm totally lost with her gaze.

 

"Irene." mahina niyang tawag sa akin.

 

"What have you done to me." mahina kong sabi ng wala sa loob ko.

 

"Ano?" takang tanong niya, saka lang ako nahimasmasan.

 

"Nothing." sabay ayos ko ng higa saka muli akong pumikit. "If you don't want us to be friends after tonight then you can just leave. Patulugin mo na lang muna ako dahil hindi ako makatulog ng nag-iisa dito." kunwang malungkot kong sabi. Hindi ko na siya narinig na nagsalita kundi malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.

 

- - -

 

Seulgi

 

Nagising akong may nakayakap sa akin at bigla akong kinabahan, madilim pa rin ang paligid at hindi ko alam kung anong oras na. Siguro madaling araw pa lang o mag uumaga na pero hindi yon ang inaalala ko kundi ang brasong nakayakap sa akin, ang binting nakapatong sa binti ko at ang ulong nasa balikat ko. Hindi ako makagalaw, ramdam ko ang hininga ni Irene, and init ng katawan niya ang malambot niyang kamay sa braso ko. Nasaan na yong unan?tanong ko sa sarili ko. Kinapa ko ang unan sa paligid ko pero wala, sinubukan kong tingnan sa likod ni Irene at napansin ko na nandon kaya dahan dahan kong inabot ang unan sa likod niya at dahil din don ay naglapit lalo ang aming katawan. Naisip kong maling galaw kaya pabalik na sana ako sa dating pwesto ko ng naramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa akin ni Irene at nagsumiksik pa sa dibdib ko. Naloko na, pati puso ko nagwala na. 

 

"Irene." bulong ko lang tawag pero hindi siya gumalaw o umimik mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin at ramdam ko ang palad niya sa likod na dahan dahang humahagod na parang mas itinutulak pa ako palapit sa kanya

 

"Irene." tawag ko muli hindi ko alam kung gising siya.

 

"I'm cold." mahina niyang sabi. "Malakas ata ang aircon." dugtong pa niya at muntik na akong matawa ng malakas.

 

"Irene, wala tayong aircon. Ceiling fan lang ang umaandar." sagot ko na lihim na natatawa.

 

"Ganon ba? Malamig kasi eh." sabay siksik ulit sa akin pero naramdaman ko ang mahinang tawa niya. Tukso talagang ang babaeng to.

 

"Bakit ka nilalamig? Masama bang pakiramdam mo?" alala kong tanong saka ko hinawakan ang mukha at noo niya. Pero naramdaman ko lang siyang umiling.

 

"Gusto ko lang yakapin si panda bear." bulong niya. Panda bear? Ako? Ah yong t-shirt ko?

 

"T-shirt lang naman tong panda bear na suot ko." paalala ko.

 

"Iniimagine ko na lang na katawan ka ni panda bear at mukha niya ito. Hmmm." bigla niyang sabi at halik sa shirt ko pero tagos yon sa balat ko. Pakiramdam ko ang boltaheng tuluyan ng nagpagising sa katawan ko at ang biglang pagbilis lalo ng tibok ng puso ko. Kanina lang ay tuliro na, ngayon nagwawala ng tuluyan ang puso ko. Hindi ko alam kung napansin o naramdaman niya pero bigla siyang nagtaas ng mukha at tiningnan ako, kita namin ang isa't isa dahil sa ilaw na nanggaling sa lamp shade.

 

"Bakit ang puso mo kasing bilis ng takbo ni Shadow?" tanong niya sa mababang boses, ang sarap pakinggan ng boses niyang bagong gising kahit boses na nangaasar.

 

"Ano?" tanong kong patay malisya kahit alam ko ng tinutukoy niya. "Matulog na tayo ulit, madilim pang paligid." Pag iba ko ng usapan.

 

"Ok ka lang?" tanong niya muli.

 

"Oo naman." simpleng sagot ko at pumikit na pero ang hindi ko maipaliwanag ay bakit hindi ako kumakalas sa yakap niya at pati siya ay hindi binibitawan ang yakap niya sa akin.

 

"Normal lang pala ang tibok ng puso mo ngayon." bulong niya habang balik siksik sa dibdib ko.

 

"Bakit mo naman nasabi?" tanong ko muli.

 

"Kasi ganito rin pakiramdam kong tibok ng puso ko." mahina niyang sabi at tumawa ng mahina. "Gusto mo pakinggan?" alok pa niya. Nananadya ata talaga ang babaeng ito.

 

"Irene." mahina kong tawag.

 

"Hayaan mo na ako, sinasamantala ko lang tong moment na to. I'm not sure when I wake up in the morning if you're still by my side. If you find this crazy then just get along with my craziness Seul." sabi na niya sa seryosong boses habang ramdam ko ang init ng hininga niya sa dibdib ko na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Nahihirapan na akong huminga sa nararamdaman ko. "If we can't be friends anymore because our agreement has ended then let me have something to remember when I get back home. Your voice, the warmth of your embrace, your eyes, your bedimpled smile, your tagalog. And this hug" sabay higpit muli ng yakap niya. "This hug is a sign of saying thank you for the 30 days of companionship kahit malayo tayo sa isa't isa. Hindi ko alam why we have to end our friendship Seul but I will respect your decision. I just don't want us to go our separate ways with ill feelings towards each other. You've taught me to look at the positive things in life for 30 days and I manage to survive though it's never easy lalo na sa showbiz. But then I made it through and I guess I can make it through in the coming days." paliwanag niya. Napaisip ako, tama ba ang gusto mong gawin Seulgi tanong ko sa sarili ko. Dahil takot ka lang na mahulog ang loob mo sa kanya kaya gusto mo ng putulin ang pagkakaibigan niyo? Hindi ko na alam ang iisipin ko, nalilito na rin ako. Kung titingnan mo si Irene ay  napakasikat niya, pero tulad din siya ng ordinaryong tao na nagmamahal at nasasaktan, nagtatrabaho at napapagod, nagagalit pag napupuno. Tumatawa pag masaya at kailangan ng karamay at kaibigan pag malungkot o nasasaktan. Kung iiwanan mo siya matatahimik ka rin ba Seul? Makakaya mo bang mawala siya sa tabi mo? Mga tanong ko sa isip na pilit kong sinasagot at hindi ko namalayang nadala ko na sa aking pagtulog.

 

- - -

 

Irene

 

Nagising akong mag isa na sa kama. Hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Bakit ayaw niya akong maging kaibigan? Anong ayaw niya sa akin? She helped me forget the hurt I had only to leave me hurting again. Mukhang mas matindi pa ata ngayon and to think we just known each other for a month. I heard a gentle knock on the door at biglang tumalon ang puso ko only to die down the excitement when I heard the person spoke.

 

"Irene?" si Shin.

 

"Yes Shin, come in." mahina kong sagot.

 

"Good morning, Irene. Ready ka ng magbreakfast?" tanong niya.

 

"Sige, sunod na ako. Thanks Shin." sagot ko lang at tumango lang siya saka nagpaalam nang lumabas ng kuwarto. Matagal muna akong nakaupo bago nagdesisyon na tuluyan ng bumangon. I was about to get up from bed when I heard another knock at the door.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
Ito na ang dessert!

Tapos na siya!!! Thank you for reading this story, I hope I made you guys satisfy. kahit parang minadali na siya HAHAHAHAHA

BTW SEE YOU ON MY NEXT STORY "HER PROXY BRIDE" BASAHIN NIYO RIN!

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1022 streak #1
Chapter 13: Jahahaha ang cute naman 😆
Mmjose #2
Chapter 33: Rastro?
Pristinemoon
30 streak #3
Chapter 24: Hello po otor, kamusta po. Tanong ko lang po kung kelan niyo po ibabalik yung chap 17 hehe. Thank you!
Adm_06 #4
Chapter 17: deleted ponba chapter 17?
Sanatozaki9
#5
Chapter 22: ako lang ba naf-frustrate sa ugali ni irene? 😩 sorry pero annoying lang kasi sa akin na mabilis magalit or magtampo i think perfect talaga si seulgi sa kaniya kasi understanding :)
yoonhyunseo
#6
SeulRene nalang talaga nagpapakilig sakin. Kahit for the nth time naghost nanaman ako. hahahahahhahaha
baeddeulgi_
#7
Chapter 32: Thank you sa story na 'to, Author 🧡 Ang ganda ng pagkakasulat hehe and ok 'yung pacing. Ka-enjoy din bawat ganaps. Evident kung paano nagprogress 'yung relationship nila and 'yung growth nila as individual. Irene being the pasaway before na unti-unting mas naging understanding and patient then si Seulgi na medyo dense tapos naging more caring, thoughtful, and aware sa feelings ni Irene. Maganda rin kasi talagang focused lang halos sa kanilang dalawa 'yung story and wala ng other chenes haha. Satisfied reader here! emz
baeddeulgi_
#8
Chapter 31: Wow nagkadiligan na rin sa wakas haha ang cute
baeddeulgi_
#9
Chapter 30: GRABE KILIG TALAGAAAAAA 🥺 ang pure masyado ng relationship nila huhu
baeddeulgi_
#10
Chapter 29: grabe talaga kirot kapag biglang nagseselos/ nag-overthink din si Seulgi 😭